Cordaphia Pov.
(Possessive señiorito)
Kay alinsangan ng pakiramdam sa pagkaka-gising ko, mainit ang aking likuran na tila may bagay na nakakapit doon. Dahil hindi ako kumportable ay iminulat ko ang aking mga mata, eksakto lang na tumama ang paningin ko sa isang dibdib na nakalantad sa harapan ko.
Namimilog pa ang aking mata at doon nalaman na nasa braso ako ni señiorito stevan na nakahiga, diretso ang pwesto nito habang nakasampa ang aking isang paa sa kanyang tiyan.
Dahan-dahan akong lumunok, maging ang pag-alis sa kamay niyang nakapalupot sa likuran ko'y banayad ko ring inalis Samahan pa ng dahan-dahang pag-layo rito upang hindi siya magising, ngunit ng gumalaw ito at lumingon sa akin ay tila ginugulat ako ng aking sistema. Napahiga akong muli habang nakatingin siya sa akin.
”You woke up late” muli na lamang akong napalunok sa tinig niya, tila'y nilalamon na ako ng blankong kaisipan habang nakatingin ito sa'kin.
”No breakfast was prepared for me” muntik ko ng makalimutan na dapat ay may nakahanda ng almusal sa pag-gising niya, pero dahil napa-sarap ang tulog ko'y hindi ko ito napaghandaan.
”N-napasarap kasi ang t-tulog ko dito sa k-kama mo s-sir, k-kasalanan mo ito..” nangunot ang noo nito sa sinabi ko, dapat pala ay hindi ko na lamang sinabi iyon.
Yari ako.
”Since there's no breakfast prepared for me, it's probably your my meal today..” nanlaki ang aking mata sa sinabi niya, hindi ko alam ang sasabihin lalo na ng umupo ito at lumapit sa akin.
”A-ano s-sir ang g-gagawin mo!”
”You didn't prepare a breakfast for me, so you are the replacement” hinila nito ang paa ko kaya't naikulong nito ako sa kanyang bisig, hindi mawala ang panlalaki ng aking mata sa ginagawa niyang ito.
”W-wag sir. Alam ko namang gutom na kayo, kaya't magluluto na ako..”
”I will eat you in another way..” lumapit siya sa akin, madali ko'ng itinaas ang kamay upang ilapat iyon sa dibdib niya, pinigilan ko ito kaya't natigilan siya.
”A-anong ibig niyong sabihin?”
”You make my things awake, your gonna pay for that..”
”T-teka, hindi kita maintindihan sir!”
”Just keep your mouth shut.” hinawakan niya ang aking dalawang kamay, nasa gilid iyon kaya't hindi ko na ito magawang pigilan pa, at sa oras na ito ay tila nakuha ko na ang kanyang sinabi.
Gagahasain ba ako ni señiorito?
”T-teka s-sir, h-hindi po ako r-ready dito, a-ayoko po, w-wag sir..”
Kunot ang kanyang noo habang nakatingin sa akin, gwapo nga siya pero ayoko pa. Ayoko pang isuko ang birhen.
”H-hindi ako si dahlia sir, hindi ako 'yon..”
Nawala ang pagkakakunot ng kanyang noo, ngunit ang kanyang awra ay nag-iba. Dumilim iyon at tila isa na siyang nakakatakot at mabangis na hayop.
”Who told you to mention her name?.” humigpit ang kapit nito sa pulsuhan ko, nangingiwi ako dahil doon at hindi makapagsalita sa takot.
”No one can say her name in front of me, specially you..” tumayo siya at lumisan na sa kama, ramdam ko ang mabibigat niyang yapak habang patungo ng banyo. Maging sa pagsara ng pinto ay halos mapapikit ako ng bumagsak iyon ng malakas.
Napalunok ako at doon lamang nakakuha ng lakas upang tumayo, naguguluhan ako kay señiorito. Akala ko'y naging mabait na ito ngunit hindi pa pala.
Dahil sa pangambang maabutan ni señiorito stevan ay nagmadali na akong lumabas upang magpalit ng damit, matapos makapag-bihis ay dumiretso ako sa kusina at doon naabutan si aling mercy na naghahanda ng pagkain, nilingon niya ako bago ngumiti.
”Naipagluto ko na ng makakain si stevan, nahuli ka yatang nagising..” nag-aalinlangan akong tumango.
”Hindi kita naabutan sa kwarto mo kanina, sa silid ka ba ni stevan natulog?” hindi ako makasagot kay aling mercy, nahihiya akong sabihin na nagtabi kami sa kama ni señiorito dahil baka bigla'y husgahan niya ako.
”Hindi mo na kailangan magsinungaling pa, hija. Kilala ko si stevan simula bata pa lang, at dahil nakikita niya sa'yo ang isang babae ay malamang tama ako..”
Nangunot ang aking noo kay aling mercy.
”Ang tinutukoy niyo po ba ay si dahlia?” ngumiti ang ginang, dahil sa kuryusudad kay cobra ay nais ko'ng malaman kung sino iyon, bakit niya ako tinawag na dahlia kagabi?
Kahawig ko ba si dahlia?
”Isang kasambahay si dahlia noon dito, gaya mo ay pinagsilbihan niya rin si stevan..” tulala akong nakatingin kay aling mercy habang inaayos na nito ang almusal ni señiorito stevan. ”Si Senyora Amelia ang nagpasok kay dahlia upang maging personal maid nito..”
”Sino po si senyora amelia?”
”Siya ang mommy ni señiorito stevan..”
”Si dahlia po?”
”Isa itong laki sa lansangan ng makilala ni senyora amelia, tinulungan niya ang dalaga at dito pinagtrabaho..”
”Kung ganon, mahalaga si dahlia kay señiorito stevan?” tumango si aling mercy bago iabot ang tray na naglalaman ng almusal.
”Hindi lang mahalaga, siya ang pinaka-iingatan ni stevan noon, naging nobya niya ito ngunit..” naging malungkot ang ngiti ni aling mercy bago ituloy muli ang sasabihin. ”Bigla na lang nawala si dahlia, hindi na ito nagpakita simula ng mamatay si senyora amelia..”
”Patay na po si senyora?”
Tumango si aling mercy. ”Apat na taon ng lumipas, apat na taon na rin ng mawala si dahlia..”
Hindi ko mabatid kung ano bigla ang naramdaman ko, feeling ko'y may mission ako sa bahay na'to. Pero naaawa rin ako kay cobra dahil namatay na pala ang kanyang ina.
”Kamuhang kamukha mo ang nawawalang si dahlia, hija. Kaya't ng makita kita ay nagulat ako at madali kitang pinatuloy..”
”T-talaga po?”
”Oo, ngunit kulay asul ang mata ni dahlia, hindi ikaw si dahlia..”
Nagbaba ako ng tingin sa hawak ko, hindi ko mapangalan bigla ang naramdaman sa aking dibdib, kay sakit yata bigla dahil tinanggap lamang ako ni señiorito stevan dahil nakikita niya lang sa akin si dahlia, ang dati niyang kasintahan.
"Ihatid mo na iyan kay señiorito..” tumango ako kay aling mercy, mabuti na lamang at nakapagluto na agad ito at hindi na ako natagalan sa paghahanda ng kanyang almusal, kaya ng tumungo ako sa kwarto ni stevan ay medyo panatag ako. Ngunit kay pait ng aking pakiramdam.
”Eto na ang almusal niyo, señiorito..” nakaupo ito sa kama ng ilapag ko iyon sa gilid ng kanyang lamesa, nakatingin ito sa akin kaya't madali kong iniiwan ang paningin.
”Feed me” nilingon ko siya sa kanyang tinuran, hindi ako makapag-bigay reaksyon dahil sa nalaman ko kay aling mercy.
Ganito rin ba ang ginagawa ni dahlia noon?
Sinusubuan niya rin ba si cobra upang kumalma? Kung ganon, iisipin ko na ako si dahlia upang mapabago muli ang ugali ni cobra? Gagawin ko kung anong ginawa niya noon at susundin ko kung ano man ang sasabihin niya.
Tumango ako, kahit nanginginig sa presensya niya ay kinuha ko muli ang plato sa tray at umupo sa kanyang gilid, ngunit titig na titig siya sa akin kaya't hindi ako makakilos upang subuan siya.
”You need to sit on my lap and feed me here, daphia..” matagal ko siyang natitigan ng banggitin nito ang pangalan ko, sana pala ay hindi na lang iyon ang pinakilala ko'ng pangalan upang hindi gaanong magkatunog sa dahlia.
Ngunit hindi ko na iyon maaaring bawiin pa, nakakatakot si señiorito kaya't sinunod ko na lamang ang kanyang nais.
Naupo ako sa kanyang kandungan at doon nga ay pinakain ito, hindi ako kumportable pero nakakaramdam ako ng awa kay cobra, nangungulila rin siguro ito sa kanyang minamahal, nakakaawa nga naman siya dahil matapos mamatay ng kanyang ina ay ang babaeng mahal naman nito ang lumisan.
”What are you planning to do today?” nagtanong ito matapos niyang malunok ang isinubo ko, hindi agad ako makasagot dahil ramdam ko ang kamay niyang nakasuporta sa likuran ko upang hindi ako mahulog.
”M-maglilinis lang dito at maghihintay sa pag-uwi mo..”
”You can come on my office today..”
”Huh?”
"I don't want you to leave here, my brother is here..” napanguso ako sa kanyang sinabi, narito na si stuart? Oo nga pala, ayaw pala nitong mapalapit at maka-usap ko si stuart, pero sa anong dahilan?
”Did you understand me?”
”Oo, sasama na ako..” nakanguso ako habang hinahalo ang kanyang pagkain, nakakainis lang dahil gusto ko pa naman makipag-kwentuhan kay stuart, nakakawala kasi siya ng stress. Pero kawawa naman itong alaga ko kung hindi ko siya pauunlakan.
”Your keeping pouting..” nag-angat ako ng tingin, sa lapit nito'y hindi ko alam kung paano ako nakakaupo ng maayos sa kanyang hita upang hindi mahulog, ang bango niya pa naman dahil mula ito sa banyo, samantalang ako'y naghilamos lang dahil sa pagmamadali.
”Do you want me to kiss you?” nangunot ang noo ko, nainitindihan ko naman ang sinabi niya ngunit hindi ko naman gustong halikan niya ako, pero todo gulat ako ng hapitin niya ang aking batok at bigla na lang halikan, namilog ang aking mata at hindi makakurap. Ramdam ko ang lamig ng kanyang labi at langhap ko ang ginamit nitong mouth wash, pero wala akong masabi.
Mas malambot ang labi niya kesa kay stuart.
”Your not kissing me back..” aniya ng humiwalay, hindi ko alam ang sasabihin dahil hindi naman ako marunong humalik. At ito ang unang beses na hinayaan ko'ng halikan ako ng boss ko.
”I am your first kiss?” ipinaglapat ko ang labi ng magtanong siyang muli, ngunit hindi siya ang unang humalik sa akin, si stuart. Ngunit ginawa niya lamang iyon dahil niligtas niya ako.
”I'm asking you, you should just answer me” napalunok ako sa sinabi nito, hindi ko na magawang gumalaw dahil sa ginawa niya, ngunit kailangan ko'ng sumagot para hindi na siya magalit pa.
”Si señiorito stuart..” matindi ang pagkakakunot ng kanyang noo, nagtatangis ang kanyang bagang at muli ay naging mabangis ito sa aking paningin.
”What did you say!”
”S-sinagot ko lang naman ang tanong mo, sir..”
”That's assh*le is your f*cking first kiss!” tumayo ako at dumistansya sa kanya, kung totoong cobra ito ay baka kanina niya pa ako sinunggaban dahil talaga namang nakakatakot siya.
”H-hindi naman niya iyon itensyon, tinulungan lang ako nito dahil nahulog ako sa pool kahapon..”
Salubong pa rin ang kanyang kilay at galit pa rin na nakatingin sa akin.
”Just make sure your telling me the truth, daphia. I don't want you to taste my anger things if your lying..” tumalikod na siyang muli, hindi ko alam kung anong gagawin niya ngunit dumiretso ito sa closet.
Napanguso ako, hindi na siguro ito kakain kaya't inilapag ko na ang plato sa gilid, kinuha ko na rin ang kapeng nakahanda sa kanya at balak sana itong ibigay rito ngunit halos malukot ang aking mukha ng makitang binungkal na ang kanyang drawer.
”I can't find my f*cking longsleeve!” heto na naman ako, maghahanap na naman ng damit sa kanyang binungkal na closet.
”Ako na ang maghahanap..” inabot ko sa kanya ang kape at humarap sa closet nito, ang kahapong inayos ko ay muling nagulo na naman. Nakakapang-init ng ulo ngunit kailangan ko'ng habaan ang aking pasensya.
”Ito ba?” itinapat ko ang puting longsleeve, kumuha na rin ako ng black suit upang hindi na ako maghanap pa.
”Yes, Put it on me..” hindi na ako umangal pa, bibihisan ko na ang baby damulag na ubod ng gwapo.
Naupo ito sa kama at doon naghintay, hindi ko alam kung ginagawa rin ba ito ni dahlia ngunit hindi ko na iyon inisip pa. Hinubad ko ang suot nitong Tshirt at agad ipinasuot ang longsleev nito, iwas lang tayo ng tingin sa abs niyang kumakaway sa akin. Idagdag mo pa ang matikas niyang dibdib na kumikindat sa paningin ko. Mapang-akit kaya hindi ko maiwasang mapalunok.
”Your my personal maid, daphia. What's your boss want, you need to give it, understand?”
Tumango ako, ilang beses bago muling tapusin ang pag-bihis sa kanya.
”I have rules as your boss, daphia. If you disobey it, you will tied up..” natigilan ako bigla sa sinabi niya, medyo kinikilabutan ako dahil sa sinabi nito. ”You will tied up in my bed..” ginusto ko'ng lumunok ngunit nanakit lamang ang aking lalamunan, grabeng boss. Anong rules? Bakit may ganon.
”I won't say it now..” aniya bago tumayo, tumungo siyang muli ng closet at kumuha na lamang basta ng necktie. Isinuot niya iyon at himala lang na hindi na niya ako inutusan pa.
”Come with me to my office, get dressed and wait for me in the car.” nauna itong lumabas ng silid, hindi ko alam kung saan ito pupunta ngunit lumabas na rin ako at nagmadaling tumungo sa aking kwarto.
Hinalungkat ko ang mga paperbag na naglalaman ng damit, yung mga pinamili ni señiorito stuart ang kinuha ko. At ng makita ang simpleng asul na bistida ay iyon na ang kinuha ko.
Madali akong nagbihis dahil bigla ay naalala ko ang mga perang isinampay ko sa likurang bahay, nagmamadali ako at basta na lang nilugay ang aking buhok bago tumakbo palabas. Ngunit ng makarating sa likurang bahay ay wala na roon ang mga perang isinipit ko sa mga hanger.
Napahilamos ako sa aking mukha dahil sa pangyayaring ito, malamang mawawala talaga iyon dahil hindi lang naman ako ang taong narito, at tsaka para. Pera iyon at talaga namang pagnanasaan ng sino man ang makakita.
”Are you looking for this?” biglang nagawi ang paningin ko sa lalakeng nagsalita, nakangiti ito at bihis ng pormal na longsleeve, at doon sa kanang kamay niya ay hawak nito ang hinahanap ko'ng pera.
”Magandang Umaga, Señiorito Stuart..” nangiti itong muli sa pagbati ko, yumuko ako bago mag-angat ng tingin.
”This is your right?”
”O-oo..”
”They all dried up..” nilahad niya iyon sa akin habang todo iwas ako rito ng tingin, hindi ko kasi alam kung bakit makangiti siya ng wagas habang nakatingin sa akin.
”S-salamat..” kinuha ko ang mga perang nakaipon na, salamat na lang talaga at hindi sila napunit o nabura.
Sayang pa naman ang pera dahil kumbaga ay ito ang unang sahod ko kay señiorito stevan, itatabi ko na lang ito dahil nakabili naman na ako ng mga gamit ko. Ngunit napag-isip ko rin na kailangan ko pa palang bayaran ang lalakeng 'to.
”M-magkano nga pala lahat ng ginastos mo kahapon? Magbabawas sana ako para kahit papaano ay makabayad ako.”
”I already told you not to pay any more, that's it. I just wish you a favor” nangunot ang ko sa sinabi niya, pabor? Ano na naman 'yon?
”Teka, anong pabor naman?”
Naging seryoso ang reaksyon nito sa oras na'to, hindi ko alam kung anong pinapahiwatig niya ngunit naguguluhan ako.
”Don't get close to stevan, I don't want you to get hurt”
”Huh?”
”Can you repay the favor, on that condition?” hindi ako makasagot, hindi ko alam kung bakit tutol ang loob ko'ng pumayag sa kanya, iba ang sinasabi ng aking isip dahil alam ko'ng hindi naman ganoon kasama si señiorito stevan.
Hindi ko iyon batid, ngunit kahit blanko ang emosyon ni stevan ay nararamdaman ko ang kabutihan niya.
”Stevan is a different person when it comes to other things, I don't want you to experience what happened here in the past years..” ngumiti ito sa akin bago siya lumisan, wala akong masabi. Napapabuntong hininga na lamang ako bago magbaba ng tingin sa mga pera.
Kailangan ko na bang lumisan?
Aalis na ba ako sa trabahong ito.
”What did that b*stard say to you?”
Gulat akong nag-angat ng tingin kay señiorito stevan, hindi ko alam kung bakit kinabahan ako bigla dahil masama na naman ang tingin niya sa akin.
”Have you forgotten what I told you last night?” humakbang siya palapit sa akin, natataranta akong umatras habang nanlalaki ang aking mga mata.
”M-may sinabi lamang si señiorito stuart..”
”Stop calling him on that way, I'm the only one you can call señorito..” napalunok ako, tumango na lamang ako ng sunod-sunod kahit pa na nakakatakot siya.
”What's mine is mine. Since you entered our house, I own you, and I don't want you to get close to my brother, do you understand me?”
Madali akong tumango ng paulit-ulit, tila naging sunod-sunuran ako rito at ayoko ng suwayin pa siya.
”Then we can go, Come with me on my office and you'll do something to get rid of my anger..”
Tumalikod na ito, hawak ang pera ay sumunod ako sa kanya kahit pa na tinatambol ng malakas ang aking dibdib.
Ano ang gagawin ko para mawala ang galit ni seniorito stevan?
***
to be continued.