Cordaphia Pov.
(Dahlia Gostavo)
Sakay ng itim na kotse ay prente akong nakaupo sa tabi ni stevan, salubong ang kanyang kilay habang nagmamaneho dahil tila hangga ngayon ay iritable pa rin siya dahil nga nakita kami nitong nag-uusap ni stuart.
Hindi ko maiwasang mapanguso dahil sa pagkakabusangot ng kanyang mukha, ang gwapong lalake pero dinaig pa ang menopause na babae kung umakto ng galit.
Paano ba mawawala ang galit ni señiorito?
Gusto ba niyang kantahan ko siyang muli upang kumalma siya?
O kaya di naman, nais nitong pagsilbihan ko siya hanggang mamayang hapon kaya't isinama niya ako sa kanyang kumpanya.
"Why are you staring at me!" napanguso ako sa pagalit niyang tanong, bawal ba siyang tingnan? Nag-iisip kasi ako kung paano maaalis ang pagkaka-kunot ng noo niya.
"Galit ka ba sakin sir?"
"It isn't obvious?"
"Halata nga sir, pero dahil nagagalit ka kaya hindi ako kumportable.." nilingon niya ako, hindi pa rin maayos ang mukha niya kahit pa na nakatingin na ito sakin.
"I told you not to talk to stuart, but you still chose to disobey me!" yumuko ako sa aking kamay, nanatiling nakanguso.
"Bakit naman kasi bawal?"
"Just follow what I said, don't ask any more questions!"
"Ang bait naman kasi ni señiorito stuart, at saka pa. Magkapatid kayo, huwag mo dapat siyang ginaganyan.." muli ay masamang tingin ang ipinukol nito sakin.
"He is not my brother! I will never consider him a brother because he killed my mother!" animoy batong nanigas na lamang ako sa aking kinauupuan, nakakatakot si señiorito stevan habang isinisigaw niya iyon sa akin.
Hindi ako nakapag-salita.
Nais ko'ng magtanong ngunit tila pribadong bagay ang papasukan ko.
"I don't want to see you talking to him anymore, dahpia. because you won't like what I'm going to do to you!"
Hindi na ako nagbigay sagot pa, bahagya akong nasindak kay señiorito dahil kakaiba siya kung magalit. Simpleng bagay lamang na pakikipag-usap kay stuart ay naging big deal na iyon sa kanya.
Malaki ba ang galit niya sa kanyang nakakatandang kapatid?
Ano ba ang tungkol sa sinabi niyang pinatay nito ang kanyang ina?
Si stuart ang pumatay?
"GoodMorning, sir.." nauuna sa akin si señiorito stevan ng lumabas ng kotse, may bumati na agad ritong lalake na naka-itim.
Dalawa sila at may salamin na itim rin, sapatos itim, relos at buong kasuotan.
Para silang mga bodyguards sa pelikula, at ang pinaka-bigg boss nila ay si señiorito stevan.
Hindi ko namalayang nahuli na ako sa kanila, tumakbo habang nagsisiyukuan ang mga nakakakita kay seniorito. Grabe naman, para siyang prinsipe. Ginagalang siya dahil boss ito, at ako ang pinaka-maswerte dahil ako lamang ang nagsisilbi sa kanya.
Natawa ako bago mailing, saan ba ako swerte? Ang init nga ng ulo niya lagi. Madalas pa nitong guluhin ang cabinet pag hindi nakikita ang isusuot.
"Bawal kayong pumasok.." natigilan ako sa guwardyang humarang sa akin, tanaw ko na si señiorito sa malayo habang nasa entrance palang ako.
"Teka, kasama ko po si señiorito stevan.."
"Hindi ka maaaring pumasok rito!"
"Bakit hindi? Kasama ko nga si señiorito, ako ang maid niya.." nagsalubong ang kilay ni manong guard, hindi pa yata naniniwala kaya't hindi ako nito pinapasok.
"Alam ko na ang modus niyo, papasok kayo rito at maghihingi ng pera.." napabusangot ako sa sinabi niya, humalukipkip ako bago ipagkrus ang kamay sa dibdib.
"Hindi ko po ito modus manong, pag ako natanggalan ng trabaho kasalanan mo!"
"Lumayas ka nga rito!"
Napaatras ako, grabe si manong guard. Kasama ko nga si señiorito stevan e. At mukhang nakalimutan na niya ako, nakalimutan niyang may kasama siyang magandang babae.
Napabuga ako ng hangin bago hagurin ang buhok, nakapasok na si señiorito sa itaas kasama ang sexy na babae.
Grabe talaga, pumapasok ang babaeng iyon na halos makita na ang ilalim ng singit. Kita ko rin ang tuktok ng dibdib niya kanina. Gustong gusto ba ni stevan iyon kaya't hindi na niya ako napansin.
Kainis.
Umupo ako at nagpangalumbaba sa aking tuhod, pinagtitinginan pa ako ng mga nagdaraan habang nasa gilid ako ng gusali.
Siguro ngayon lang sila nakakita ng magandang maid.
Hindi ko sila masisisi, maganda nga naman ako ngunit hindi ako pulubi. Paano ba naman, may naghulog ng piso sa aking harapan bago ako ngitian.
Napamaang na lamang ako habang tinatanaw iyon papalayo, at hindi lang iyon isa. Tuloy-tuloy ang hulog ng barya sa akin habang nakaupo ako, wala na lang akong masabi sa inakala nila sakin.
Ganoon ba kumita rito? Uupo ka lang pala at magkakaroon ng pera. Paano pa kaya kung um-acting akong kailangan ko ng pera.
"Naliligaw ka ba?" may isang matandang babae ang nagtanong sa akin, umiling ako. Hindi naman na ako naliligaw dahil nasa loob ko ang boss na walang pakialam sakin.
"Hindi po.."
"Bakit ka narito? Kailangan mo ba ng pamasahe?" hindi ako sumagot, mukha ba akong dukha at pulubi sa suot ko?
Kinuha niya ang makapal na pitaka sa magarbo nitong bag, binuksan niya iyon at kita ko agad ang libo libong pera na nasa loob ng kanyang pitaka.
"Heto pamasahe mo at umuwi ka na.."
Napapakamot ako sa ulo. "Hehehe, hindi na po. Hindi po ako naliligaw.."
"Kunin mo na ito at umuwi ka na, huwag ng maglimos dito.."
"Po?"
"May sakit ba ang asawa mo, wag kang mag-alala, gagaling rin ito.." tuluyan na niya akong inabutan ng pera, wala akong magawa kundi tanggapin iyon habang nangingiwi.
Nilingon pa ako ng guard na siyang humarang sakin kanina, nakangisi ito habang naiiling.
"May sakit pala ang asawa mo, sabi ko na nga ba at modus mo lamang iyon kanina."
Sinamaan ko siya ng tingin. "Isusumbong talaga kita kay señiorito!"
"Huwag mo ng lokohin pa ang sarili mo, nasa itaas ang girlfriend ni sir villegas."
Naglapat ang aking labi dahil sa tinuran niya, nobya iyon ni stevan?
Ang alam ko kasi ay secretary niya lamang iyon, ang babaeng may sabit na lipstick sa mukha. Lagpas naman kung mag-lagay ng make-up.
"Magkano ba ang gusto mo? Mukhang maganda naman ang katawan mo, bibigyan kita ng pera basta sumama ka lang sakin mamaya.."
"Sayo na ang pera mo!"
"Ang arte mo naman!"
"Mataas ang standard ko sa mga lalake, hindi ako sasama at magpapabayad sayo!"
"Akala mo kung sino ka!" kumikibot ang labi nito, mukhang may edad na ngunit napaka-bastos!
Anong akala niya, sasama ako sa kanya para lamang sa pera!
"Lumayas ka rito at hindi ka makakapasok sa loob!"
"What are you doing?" bigla siyang natigilan ng magsalita ang lalakeng nasa likuran nito, doon na lumiwanag ang aking mukha bago lapitan si señiorito stevan.
"Akala ko sir iniwan mo na ako.."
Nilingon niya ako kunot ang noo. "Why didn't you follow me inside?"
"Ayaw kasi akong papasukin nito.."
Binalingan niya ng tingin ang guard, walang ekspresyon at hindi ko alam kung galit ba ito o hindi. "Your fired."
"S-sir?"
"Get out of my sight and don't show up anymore!" yumuko ang guwardya bago malungkot na lumisan, hindi ko alam kung bakit bigla akong nanlumo habang pinapanuod itong lumisan.
"Let's go inside" nauna na siyang pumasok at hindi na ako hinintay pa, ang daming guard na nakausisa sa labas ngunit hindi ko na iyon binigya pansin pa. Baka kasi maiwanan na naman ako ni señiorito at tuluyan na siyang mag-alburoto pa.
"Wala na ba siyang trabaho niyan?" nagtanong ako habang nasa loob kami ng elevator, ngunit wala itong imik habang diretsong nakatingin sa pintuan.
"Nakakaawa naman si manong, hindi mo dapat siya tinanggalan ng trabaho.." nilingon niya ako, gaya kanina ay wala na naman akong mabasang ekspresyon sa mukha nito.
"I heard what he said, he shouldn't have said that word.." bumukas ang elevator matapos niyang sabihin iyon, grabe talaga siya. Bakit feeling ko mas lalong lumalamig ang pagkatao niya, paunti-unti ay nalalaman ko kung saan madaling uminit ang ulo niya.
Nakasunod ako rito at pinagmamasdan ang likuran niya, matangkad ito at perpekto ang lapad ng kanyang likuran. Mahahaba ang paa at sexy ang pang-upo, tinalo pa yata ako.
Pumasok siya sa double door ng hindi ako nililingon, bago magsara iyon ay madali akong sumunod at muling nakapasok sa kanyang opisina. Gaya dati, ganon pa rin ang ayos ng kanyang opisina. Lalakeng-lalake ang desinyo ng paligid at napaka-dilim. Nagbibigay liwanag lamang ang malalaking glass wall sa likuran ng kanyang swivel chair.
"Sit down and wait for me there.." itinuro nito ang sofa malapit sa gilid ng pintuan, may babasaging mesa roon na mayroong libro.
Walang imik ako lumakad doon at banayad na naupo, pinakikiramdaman ko ang paligid habang nililibot ang tingin. Sa huli ay dumapo ang mata ko kay señiorito na binubuksan ang kanyang laptop.
Salubong na naman ang kilay nito, kahit nagtitipa ay mukhang mainit ang kanyang ulo. Hinagod nito ang buhok niya sa maayos na paraan, pagilid iyon upang hindi magulo ang pagkakasangi.
Napangisi ako sa ayos niya, ang gwapo at ang linis sa sarili. Pero napasimangot ako ng bumukas ang pinto at pumasok sa secretary niyang kay sexy kung titingnan.
"Do you want coffee sir?" lumapit siya kay señiorito, yumuko pa ito at tila sinadyang ilantad ang kanyang dibdib.
Umiling si stevan ng hindi ito tinitingnan. "I have maid here, i don't need you, get out.." kumurba ang nguso ko sa sinabi ni stevan, akala ko ba girlfriend niya ang babaeng iyan? Fake news lang ba 'yon?
Siguro nga.
Tumuwid ng tayo ang babae at sa akin nakatingin, bahagyang nakataas ang kilay at napaka-sungit kung ako'y tingnan. Nginitian ko siya ngunit hindi nais asarin, pero tila walang maayos na pagtrato ito sa akin kaya inirapan niya ako bago muling maglakad palabas ng opisina.
"Do you know how to make black coffee?" nagawi ang paningin ko kay señiorito, sa akin na ito nakatingin. At dahil alam ko naman ang tinatanong nito ay agaran akong tumango.
"Oo naman, ako pa ba. Wala akong kayang gawin para sa boss ko.." hindi ko alam kung bakit ko iyon nasabi, nag-iwas siya ng tingin bago ako senyasang gawin na ang nais niya.
"Make a black coffee for me, i don't want too much sugar.."
Tumayo ako bago libutin ng tingin ang kanyang opisina, nais ko pa sanang magtanong kung nasaan ang mga gamit ay abala na siyang nagsusulat ngayon. Ayoko naman siyang istorbuhin kaya't lumabas ako upang magtanong sana.
Ngunit sa gilid ay tanaw ko na ang clear window na naglalaman ng mga container coffee at water dispenser. Nangiti ako bago pumasok roon, swerte lang at may lalakeng abalang nagtitipa sa xerox machine na pumasok ako. Nagtataka pa ito sa akin ng makita ako, nginitian ko siya ngunit bukod tanging pagtitig lamang ang isinukli nito sakin.
"Gagawan ko ng kape si sir stevan.." nakatitig siya sakin na para bang kinikilala niya talaga ako, nangunot ang noo niya bago ako ituro.
"Kailan ka pa bumalik?"
"Huh?" hindi ko maintindihan kung anong sinasabi nito, anong kailan? Nagkita na ba kami?
"Hindi muna ako matandaan? Ilang taon ka lang namang nawala.."
Lalo akong naguluhan sa kanyang sinabi. "Hindi kita kilala.." ani ko, umiiling na nagpabago sa kanyang ekspresyon.
"Bakit? Nagka-amnesia ka ba?"
"Hindi, hindi ako nagkaroon ng amnesia, ngayon pa lang talaga kita nakita.." napapakamot sa sintido ang binatang nasa tabi ng xerox machine, kalaunan ay tumitig siya sa akin at napatango.
"Kung ganon, hindi ikaw si dahlia?" naipaglapat ko ang labi dahil sa ibinigkas niya, tuluyan ko ng nalaman kung bakit ako nito kilala dahil buong akala niya ay ako si dahlia.
"H-hindi, hindi ako si dahlia.."
Nahihiya siyang ngumiti bago kagatin ang labi. "Paanong naging magkamukha kayo? Magkapatid kayo?" umiling ako, napipilitang ngumiti.
"Hindi ko kilala si dahlia.."
"Talaga? Nakakapagtaka lang dahil magkahawig kayo.." hindi na ako nagtangka pang sumagot sa binata, maging ako man ay kuryos sa itsura ni dahlia dahil nais ko rin makita ang dalaga. "Pero, nakapasok ka rito. Pinagkamalan ka ba ni sir na ikaw si dahlia?" hindi lalo akong maka-imik, ganoon ba ang kinalalabasan ng role ko? Medyo hindi ako kampanteng sagutin ang lalake kaya nanatili na lamang akong walang kibo.
"Pasensya na, napagkamalan kitang si dahlia. Kung sabagay, hindi rin naman nagsusuot ng maids uniform yon e, naging girlfriend siya ni sir stevan at naging malapit naman kami sa isat isa.." nakatitig lamang ako at nakikinig sa kanya, pinagkukumpara ba kami nito ni dahlia?
Pinalabas niya bang maid lang ang turing sa akin ni señiorito at si dahlia ay ginto kung pahalagahan, nagbaba ako ng tingin. Iyon naman kasi talaga ang trabaho ko, siguro'y pinagsilbihan din naman siya ni dahlia noon. Nasabi nga ni manang mercy sa akin ang tungkol sa unang maid ni señiorito.
"Mas maayos si dahlia kung titingnan, pinagbibihis kasi siya ni sir stevan ng mamahaling damit, ngunit matagal na ng huli kaming magkita.."
Nginitian ko siya. "Siguro nga dahil nobya si ni stevan, malamang na dapat ay gandahan niya ang kanyang sarili para walang masabi ang mga taong minamaliit ang kanilang kapwa.." tila napahiya siya sa sinabi ko, nais kong sadyaing patamaan siya dahil ganon ang ginagawa niya sakin. "Maid lang naman ako ni señiorito stevan, kaya heto ako at isusuot ko kung ano ang dapat, pagsisilbihan ko siya dahil binibigyan niya ako ng sweldo.." tinalikuran ko na ito at lumapit sa mga kasangkapan, pinagpatuloy ko ang pag-gawa ng kape at hindi na siya nilingon pa.
Mabigat ang dibdib ko sa hindi malamang dahilan, hindi ko man kilala si dahlia ay tila mas malaki nga ang parte ng buhay nito kay señiorito. Ngunit wala na ang babaeng iyon, ako na ang narito at magsisilbi kay stevan.
"Why are you take it so long?" iyon ang bungad ni stevan ng ilapag ko ang kape sa kanyang mesa, binigyan ko siya ng pilit na ngiti bago sumagot.
"May nakipag-usap lang sakin.."
"Who?"
"Hindi ko siya kilala.." madaling nagsalubong ang kanyang kilala.
"Is it a man?" tumango ako isang beses, hindi ko alam kung bakit mas lalong nagsalubong ang makakapal niyang kilay. Galit na naman ba? "You don't know that guy but you're talking to him.." napalabi ako habang tinitingnan siya.
"May sinabi lang naman siya sakin, atsaka. Hindi naman nagtagal ang pag-uusap namin e.."
"If you don't know someone, don't talk to them. do you understand?"
"Bakit naman sir?" lalong nagdilim ang tingin niya sakin.
"Just follow what I said, I don't need your objection!"
bumubulong ako sa gilid ng magfocus muli siya sa kanyang ginagawa, napaka-bossy talaga at bakit bawal akong makipag-usap sa iba? Akala ko kay sir stuart lang ang hindi pwede, bakit pati yata sa iba?
LUNCH na ng huminto sa pagtatrabaho si señiorito, nag-utos ito ng tao upang magpa-akyat ng tanghalian. Habang ako naman ay nag-iinit na ang pwet dahil kanina pa ako nakaupo sa sofang itinuro nito kanina.
"Are you bored?" nilingon ko si stevan ng magtanong sa akin, gusto ko man sabihing hindi ngunit tumango ako upang sana'y pauwiin niya na ako sa mansyon.
"Come here.."
"Sir?" hindi ko alam kung bakit ako nito pinapalapit sa kanya, bibigyan na ba ako niya ng pamasahe?
"I just have something to say, don't ask any more questions" ang bilis talagang uminit ng ulo, kaya bago pa siya mamula ay tumayo na ako at lumapit.
"Starting tomorrow, I don't want to see you wearing that again.." nangunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Ang alin sir?"
Nag-angat siya ng tingin sa akin na halos salubungin nito ang mata ko, nalulunod ako sa mga itim niyang mata na nagbibigay kabaliwan sa sistema ko, ito yung feeling na tumitig ako sa lalakenh tila may tama na yata sa sistema ko, napalunok ako bago mag-iwas ng tingin.
"I don't want to see you wearing a maids uniform, I'll give you something to wear and a room." muling bumaling ang paningin ko kay stevan, hindi siya maintindihan kung bakit bigla niya iyon ginagawa sakin.
"And also don't call me sir or señiorito, you will say my name, and tomorrow your name will no longer be daphia.." napamaang ako at lalong nagtaka.
"You are Dahlia gostavo, my girlfriend.."
****
to be continued.
Hihingi na naman ako ng sorry, syempre dahil late update tayo, ilang araw ba? Super busy lang kasi talaga, pero salamat pa rin dahil ang dami niyo pa rin, nadaragdagan pa kayo. I love you talaga. ❤️ Readers na lang talaga ang nag-sstay hindi yung feelings niya. ?