Chapter 8

1986 Words
Cordaphia Pov. (Obey him) Tahimik sa mansyon habang naghahanda ako ng hapunan ni señiorito stevan, isang simpleng putahe para sa masungit at gwapong lalake. Kung hindi lang siya gwapo ay malamang binuhusan ko na ito ng isang katerbang asin, ngunit nakakatakot itong galitin. Baka biglaan na lang akong sagpangin ng hindi ko inaasahan. Matapos naming umuwi kanina ay hindi mawaglit sa isip ko ang sinabi ni señiorito sa akin, hindi na ako si daphia. Hindi na ako kailanman magsusuot nitong uniforms maid. Dahil, ako na si dahlia gostavo. Hindi ko alam kung anong dahilan kung bakit nais ni señiorito na humalili ako bilang dati niyang nobya. Napapanguso ako sa t'wing sasagi iyon sa isip ko. Ang sabi niya'y, tataasan pa nito ang sahod ko sa pagpapanggap kong ito. Wala akong pagpipiliian kung hindi pumayag. Binigyan niya ako ng bagong cellphone, at ang numero ni lola ay i-sinave ko agad para matawagan ko sila mamayang mahimbing na ang tulog ni cobra. ”Your here.” mabilis ang paglingon ko sa lalakeng nagsalita sa aking gilid, nakita ko roon si stuart na nakapag-bihis pantulog. Kahit isang pajama at pulang shirt lamang ang kanyang suot ay hindi iyon nakabawas sa kanyang kagwapuhan. Kung ako ang tatanungin ay para silang magkambal ni señiorito stevan. Pero, ang sabi sa akin ni fairy god mother ay mas matanda ito. ”Your not eating yet?” lumapit siya at sinilip ang niluluto kong sinabawan sa sampalok, nangiti ito ng makita iyon. ”Para kay señiorito stevan ito..” ”I didnt know that your good in cooking..” ”Nakasanayan ko na, señiorito..” nilingon niya ako, tumango tango ito habang nakatitig sa akin. ”Can i have a taste?” ”Oo naman, sir..” dali-dali akong kumuha ng silyo, nilagyan ko iyon at inilapag sa mesa upang matikman niya. Agaran naman ang pag-upo nito at hinalo halo ang sabaw na kinuha ko, dahan-dahan niya iyong inihipan bago tikman. Muli siyang tumango, bakas ang pagkagusto nito sa ulam na niluto ko. ”Perfect, masarap..” malapad ang aking ngiti, subalit nangamba ako bigla dahil sa ipinagbabawal ni señiorito stevan. Hindi ko alam kung bakit kailangan ay iwasan ko ang kanyang nakakatandang kapatid, wala naman akong nakikitang problema kay stuart. Hindi naman siya mukhang masamang tao bagkus ay magaan pa ang loob ko sa kanya. ”Ipag-aakyat ko lang saglit ng makakain si señiorito stevan..” hindi siya nagbigay imik sa sinabi ko, nakatitig ito sa kilos ko ng kumuha ako ng kasangkapan upang ipaghanda ng pagkain si stevan. Hindi na rin ako kumibo, alam kong nakatingin siya sa akin na tila napuna niya ang biglaang pag-iwas ko. Yumuko ako bago lisanin ang kusina, dala ang pagkain ni señiorito stevan ay madali akong umakyat sa kanyang silid. Binuksan ko ang kanyang pinto at muntik ko ng matapon ang dala ko ng makita ang hubad niyang katawan na nakatalikod. May katawagan ito sa telepono, nakaharap siya sa madilim na veranda at nakapamewang. Ang malusog niyang pang-upo ang nabungaran ko, napalunok ako at nag-iwas ng tingin. Mapapa-mura ka na lang habang nilalapag ang pagkain niya sa gilid. ”I've seen dahlia, she's alive.” natigilan ako sa narinig, ang pangalang iyon ay ang dati niyang kasintahan na hindi ko alam kung nasaan. At ang pagkatao ni dahlia ay mahahalili sa akin. ”I will continue the engagement, after that the inheritance will be passed on me..” hindi ko mahulaan kung sino ang kausap niya, pero wala akong ideya kung tungkol saan at anong engagement? Kami ba? Ako bilang dahlia? ”What did you say?” hindi ako makalingon kay señiorito, galit ang tinig niya at dahil hubad ito ay lumilipad ang isip ko. ”That old man is here in philippines?” Nagmura siya matapos masagot ang tanong nito, nilingon niya ako sa pagkakataon ito kayat natigilan siya. “Okay, I will call you later. Give me an update if what hes exactly time he arrived here..” Binaba niya ang cellphone, hindi klaro ang bulto niya sa akin dahil nasa madilim na parte siya. Hindi rin naman ako makatingin ng diretso lalo na ng lumakad siya at hindi ko alam kung saan siya pupunta. ”My father is coming home today, I want you to get ready and put away all your old stuff...” nag-angat ako ng tingin, sa mata niya ako tumingin dahil hindi ko nais hagurin ang kanyang katawan. ”Go to dahlia's room. Wear her clothes, I will buy you new clothes tomorrow...” ”Hangga kailan ako magpapanggap?” ”By the time I get my inheritance from that old man, I will pay you a lot of money at your desired price..” nagbaba ako ng tingin, hindi ko naman intensyong tingnan ang bagay na nasa gitna niya ngunit doon tumama ang walang hiyang aking mata. ”I will get a trainer for you, I want you to act dahlia's gesture. Her speech and walk, everything about her...” Nag-iwas ako ng tingin, magpanggap ako bilang fiancee niya. Bilang dahlia gostavo, pero. Tila labag iyon sa loob ko. ”You cant quit now, dahlia..” tumalikod siya, tumungo na ito ng banyo at hindi man lang ako muling binalingan. Nagbaba ako ng tingin, kung kikita lang din naman ako ng malaki bakit hindi? Magpapanggap lang naman ako, matapos 'non ay maaari na akong lumisan pag nakuha na niya ang kanyang mana, gagamitin niya ako para sa pera. Edi gagamitin ko rin siya upang magkapera ako. TINUNGO ko ang kwarto ni dahlia kasama si aling mercy, ang fairy god mother na may maputing buhok. Nag-aalinlangan ang kanyang titig habang tinutulungan niya akong isuot ang bistida ni dahlia. ”Ito ang muling beses na may pumasok sa kwartong ito ng ibang tao..” nasa repleksyon niya sa salamin ang tingin ko, naisuot ko na ang asul na bistida ni dahlia na walang manggas, aabot hangga itaas ng tuhod ang laylayan ng bistida. Maganda siya, madulas at pailalim ang dibdib. ”Hindi ko alam na makikita kong muli si dahlia sayo..” hinarap ko si aling mercy, pilit ang aking ngiti. ”Ngunit ang yong mata ay kakaiba, hindi siya nahahawig kay dahlia..” hinagod niya ang aking katawan. ”Ngunit karamihan ay kuhang kuha mo, kung ako ang tatangunin parang ikaw nga si dahlia..” ”Pinanganak po ako sa bicol, aling mercy. Lumaki po kami doon, mahirap lang. Malayong-malayo na ako si dahlia..” Bumuntong hininga siya. ”Iyon ang katotohanan, ngunit sa gabing ito ay ikaw na ang dalagang iyon, hindi ko alam kung ayos lang ba sayo ito..” ”A-ayos lang po, k-kailangan ko rin naman po ng trabaho at matutuluyan, may pamilya rin po ako..” ”Hindi mo iyan sinabi kay stevan..” ”Ayoko pong ipaalam, ayoko pong makilala niya ang pamilya ko..” Tumango tango ito, hindi maalis ang titig niya sa akin habang humihinga ng malalim. ”Si stuart, alam kong hindi sya sang-ayon rito sa oras na malaman niya 'to..” na-kuryos ako bigla, may alam ba kaya si aling mercy tungkol sa alitan ng dalawang magkapatid. Siguroy marami siyang nalalaman dahil matagal na siyang naglalagi rito. ”Hindi po papayag si stuart? Sa anong dahilan?” ”Si stuart ay malapit rin kay dahlia..” anya at nag-iwas ng tingin. Tumama ang mata nito sa nag-iisang litrato sa gilid ng kama, naroon ang litrato ni dahlia. Tama nga si aling mercy na hawig ko nga ito, nakakapag-taka. Wala naman akong kambal, alam kong dalawa lang kaming magkapatid ngunit paanong magkamukha kami ng babaeng ito? ”Pansin mo na hindi magkasundo ang dalawa, dahil iyon kay dahlia..” Nilingon ako ni aling mercy. ”May gusto si dahlia kay stuart, alam ko iyon dahil sinabi niya sa akin. Ngunit, nais ni stevan na sa mapasakanya ito, kayat inilayo niya ito kay stuart..” ”Kung ganon, hindi mahal ni dahlia si stevan?” ”Nakita ko naman na minahal niya si stevan, hindi ko lang alam kung wala na itong pagtingin kay stuart, iyon ang nasasaksihan ko..” nagbaba ako ng tingin matapos sabihin iyon ni aling mercy, kung ganon. Nahulog si dahlia kay stuart. Ngunit nagustuhan ito ni stevan at inangkin niya ang dalaga? ”Ngunit sobra po ang galit ni stevan sa kanyang nakakatandang kapatid, hindi po sila nag-uusap..” ”Dahil siya ang itinuturo nitong pumatay kay senyora amelia, ang ina nila..” Nagtaka ako. ”Bakit naman papatayin ni señiorito stuart ang kanyang ina?” ”Hindi ko alam ang katotohanan hija, h'wag natin iyong buksan dito..” ngumiti sa akin si aling mercy, ngunit hindi ako kumbinsido. Iyong utak ko ang maraming tanong, imposible naman yatang patayin ni stuart ang kanyang ina? Ngunit ang kwento ni aling mercy, Nang mamatay ang senyora ay nawala na rin si dahlia. Hindi kaya si dahlia ang pumatay? Napailing ako, ang gulo ng isip ko. Bakit ko ba pinoprobelma iyon? ”Gusto mo bang ipaghanda kita ng pagkain?” umiling ako kay aling mercy. ”Matutulog na po ako..” ”Pero, hindi ka pa kumain..” ”Wala po akong gana, bukas na lang po..” ”Sigurado ka ba?” ”Opo..” tumango si aling mercy bago magpaalam na lalabas na. Nang mapag-isa ay tinungo ko ang malaking veranda sa kwarto na ito. Maalwalas ang espasyong ito. May veranda rin sa kabila ngunit napakalayo, hindi ko alam kung kanino silid iyon. Pero nakabukas ang ilaw ngunit hindi ko kita ang loob. Mahangin rito at napakalamig, tanaw ko ang kahabaan ng daan sa labas habang hinahangin ang aking buhok. Ngunit natigilan ako ng biglang may kamay na pumalupot sa bewang ko, sinakop niya ang buo kong katawan habang pigil ko ang aking paghinga. ”I miss you..” napalunok ako ng boses ni señiorito stevan ang narinig ko, paos ang tinig nito. Langhap ko ang matapang niyang pabango na naghahalong alak sa kanyang hininga. ”You miss me, right?” hindi ko alam ang pinagsasabi niya, lasing ba siya? Tinungga niya yata ang isang boteng alak kayat ganito siya kabilis nalasing. ”Matutulog na ako..” kinalas ko ang kamay niya, humarap ako at balak sanang pumasok sa loob ngunit kinulong niya ako sa dalawang kamay nito. Napasandal ako sa bakal na nasa likuran ko, ngunit kahit na kay lamig ng sinasandalan ko ay ganun naman kainit ang kamay na nasa gilid ko. ”Im asking you if you miss me, dahlia..” bahagyang umawang ang aking labi, napaisip ako na baka iniisip niyang ako si dahlia dahil suot ko na ang damit nito. Naghahalucinate na yata ang lasing na si señiorito. ”I know you miss me..” hinaplos niya ang aking pisngi, matagal iyon bago niya hawakan ang aking baba upang bahagyang i-angat. Naalarma na lang ako ng palapit ang labi niya sa akin na ngayon ay nakadampi na sa labi ko. Animoy yelo akong nanigas, wala akong nagawa kundi tumingin sa mata niyang nakapikit at kumapit sa bistida kung suot habang nararamdaman ang galaw ng malambot niyang labi sa akin. Akala ko'y halik lamang ang mangyayari, ngunit ng dumapo ang kamay niya sa aking dibdib ay naitulak ko siya bigla. Sa gulat ko ay nasampal ko pa siya dahil binastos niya ako, hinawakan niya ang dibdib ko! Ang sabi sa akin ni lola ay bawal hawakan ang dibdib ng babae kung hindi sila kasal ng lalake, at kaming dalawa? Hindi naman kami kasal. ”You cant slap me that way, dahlia..” ”Hindi ako si dahlia..” ”Yes, you will never been her. Because dahlia know how to response my kiss..” lumapit siya at muli nitong hinawakan ang mukha ko. ”But you are dahlia replacement, everything she used to do, you will do it now. Everything I want, you must obey without hesitation..” **** Short update for them. UPDATE AKO ULIT PAG TAPOS NA SA GINAGAWA❤️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD