Chapter 9

3704 Words
Cordaphia Pov. (Patigasin) Hindi naging maayos ang tulog ko sa kwarto ni dahlia kagabi. Naninibago ako at hindi sanay sa malaki at malambot na kama. Napakalaki ng kwarto at kung iisipin ay buong bahay namin ang buong sukat 'non. May sariling banyo, malaki ang veranda at may maalwalas na espasyo sa kwarto. Kahit ganoon kagara ang kinalalagian ko ay hindi naging kumportable ang sistema ko. Sanay ako sa simple, ngunit dapat ko na rin yatang sanayin ang aking sarili sa buhay na ganito. Ang problema nga lang baka masanay ako ng tuluyan at hahanapin ko ito. Napabuntong hininga ako habang pinapanuod ang pagluluto ni aling mercy, ang ilang kasambahay ay hindi ako matingnan ng diretso. Hindi ko alam kung anong pumapasok sa isip nila dahil bigla na lang akong naging donya rito. ”Tulungan ko na po kayo aling mercy” muli ay umiling ang matanda, hindi nais ng tulong ko at pilit lamang akong pinapaupo rito. ”Hindi maaari, hija. Ipinagbilin ni stevan na huwag kang magtrabaho, baka bigla itong umuwi at makita kang tinutulungan ako” ”Hindi pa naman po yata siya uuwi..” napanguso ako, hindi ko na naabutan si señiorito stevan ng magising ako. Ang sabi ni aling mercy ay maaga siyang umalis dahil nakauwi na si don Agaton Villegas. Ang ama ni señiorito stevan. ”Dapat lamang na hindi ka na magsilbi rito, ikaw na si dahlia. Tandaan mo, kailangan mong makumbinsi ang don na ikaw nga ito.” may kung anong pangamba akong naramdaman dahil sa sinabi ni aling mercy. Hindi ko alam na malaki pala ang role ni dahlia. Bago ito mawala ay dapat sanay idaraos ang engagement nila ni señiorito stevan. Ngunit dahil namatay si senyora amelia ay naudlot iyon, matapos ng balitang namatay ang magiging biyenan ni dahlia ay hindi na nagpakita pa si dahlia kahit kanino. Maging ako ay napapa-isip kung nasaan na ba siya, wala na itong balak na bumalik? Bakit biglaan yata ang kanyang pagkawala kung malapit na ang kanilang engagement? Hindi ba nakakapagtaka lang? ”Mabait po ba si don agaton?” hindi ko maiwasang itanong iyon, nais ko rin sanang makita ang imahe ng don ngunit ni isang litrato ay wala siya rito. ”Mabait ang don, kung mabait ang kanyang kaharap. Ngunit may pagka-strikto ito..” ”Magkasundo po ba sila ni dahlia noon?” ”Hindi ko gaanong nakikitang nag-uusap sila, bukod rito. May mansyon pa ang mga villegas, at ang sabi ni stevan ay may susundo sayo rito patungo roon..” "Ha?” wala sa sariling napatayo ako. ”May ibang mansyon pa ang mga villegas?” tumango si aling mercy. ”At pupunta ako ngayon doon!” ”Marahil ay nais ni stevan na pumaroon ka muna, dahil dito unang tutungo si don agaton matapos niya sa mga bussiness meeting..” ”P-pero, saan ba ang mansyon na 'yon? Hindi ba pupunta ang don sa pupuntahan ko?” ”Hindi siya tutungo roon..” Muli akong napaupo, nagpanic ako bigla sa hindi ko malamang dahilan. Iniisip ko kung anong itsura ni don agaton. Nangangapa na rin ako kung paano i-akto ang kilos ni dahlia ganong hindi ko naman siya nakilala. DUMAAN ang isang oras matapos naming mag-almusal, bukod tanging ako ang narito maging ang mga kasambahay. Wala si señiorito stevan at stuart. Malamang ay kasama na nila ang kanilang ama. Nakaupo ako sa maalwalas na sala at nagtitipa ng mensahe kung paano ko iyon isesend sa numero ni lola. Alam kong mababasa iyon ng aking kapatid dahil marunong na itong magbasa. Ngunit hindi ko masabi na narito na ako sa pilipinas, alam kong kukulitin nila akong makita sa oras na malamang narito na ako. Ayoko pa sa ngayon. Nangangamba rin ako na baka malaman ni señiorito stevan na may pamilya pa ako. ”Goodmorning, señiorita dahlia..” nagulat ako ng may magsalitang lalake sa likuran ko, naka-itim siyang damit. Lahat ng kasuotan nito ay itim na para bang namatayan, nakasalamin ito at hindi ko alam kung sa akin ba siya nakatingin o kung saan. ”Im Ryan Goson, your fiancee butler..” Nangunot ang noo ko, butler? Matagal kong inisip iyon dahil pamilyar sa akin. Ano nga ba ang butler? Personal bodyguard. Aha, bodyguard ito ni señiorito stevan. ”And im your butler too, Im here to take you home in señiorito stevan mansion..” Napaturo ako sa aking sarili, i-uuwi na niya ako sa mansyon ni señiorito stevan? Kung ganon ngayon na ang alis ko dito at paparoon na kami? ”Aalis na ba tayo?” mabilis akong tumayo ar nilapitan siya, iniisip kong baka darating na si don agaton rito kaya aalis na kami. ”Yes, señiorita..” hindi ko feel ang tawagin sa ganoong bansag, señiorita? Hindi ako sanay. Isa lang naman akong muchacha noon na halos work experience ay isang domestic helper. ”Pwedeng hwag mo ng lagyan ng senyorita? Medyo, hindi ako sanay..” ”I cant do that, señiorita. This is an order.” ngiwi ang naging resulta ko sa sinabi niya, this is an order. Bakit ba madalas siyang mag ingles, butler naman siya. Parang ito si seniorito stevan, mukha pa siyang robot dahil sa tindig niya. ”Kung ganon, aalis na ba tayo ngayon? Darating na ba ang don?” ”Don Agaton is coming home before lunch..” Napatango ako, ”Hindi na ako maabutan ng don rito?” hindi na niya sinagot ang katanungan ko, paano ba naman ay may kinausap siya bigla. Wala naman akong makitang hawak niyang cellphone, pero may headset siyang nakasuot sa tenga nito. Naroon siguro ang kausap niya. ”We need to go, seniorita. Your trainer is already arrived in mansion, this is your first day to learn dahlia's gestures..” Napatango ako, hindi na sumagot dahil sa sinabi niya. Kung ganon, alam niyang nagpapanggap lang ako. Alam nitong ako sa cordaphia at magpapanggap lang ako bilang dahlia. Walang imik akong sumakay sa kotse niya, nakakapanibago dahil ultimong kotse ay napaka-haba. Nakakita na ako nito noon, ngunit sa tv lang. Sa mga mayayamang tao na napapanood ko sa pelikula. Hindi ko ma-imagine na mararanasan kong sumakay sa isang magarang kotse. ”Butler Ryan..” nilingon ako ng butler habang nasa likuran kami, mas sarili kaming driver na gaya niyang nakasuot ng itim. May headset din itong kasama niya at itim na salamin. ”Kilala mo ba si dahlia?” ”I cant answer that, señiorita..” ”Bakit hindi, malamang kilala mo siya. Pwede mong sabihin sakin kung anong mga hilig niya para hindi na ako mahirapan..” ”Your trainer know everything about her, just ask your trainer, señiorita..” ”Grabe ka naman, ang panget mong ka-bonding!” umirap ako at sumandal sa upuan, hindi ko alam na magiging mahirap ang magpanggap bilang dahlia. Dahil sa kagustuhan kong kumita ng pera ay napasubo na ako at hindi na makakaatras pa. Napakagat labi ako ng tuluyang nag-sink in sa utak ko itong pinag-gagawa ko. Humingi lang naman ako ng tubig noon kay fairy god mother. Hindi ko alam na ito ang kahahantungan ko, nakakita ako ng malaking cobra. Nabundol ako ng kotse ni seniorito stuart, matapos iyon ay naging wanted ako sa manila dahil sa hinahanap lamang ako ni stevan. Ang ending, bigla na lamang akong naging si dahlia Gostavo. ”Iyan kasing boss mo, masyadong magulo. Bakit hindi niya matanggap na wala na si dahlia?” hindi nagbigay imik si butler ryan. Diretso ang kanyang tingin habang nakasalamin, para talaga siyang di-battery. ”Hindi mo ba ako kakausapin?” ”Im here to lead the way for you, señiorita. We can talk too much, that's an order..” ”Sino bang nag-order?” ”Your Fiancee, its señiorito stevan..” ”Tsk, namimihasa na talaga iyang cobra na yan. Pati ba naman pakikipag-usap sayo bawal na? Hindi ba butler na din kita, at ang order ko ay kausapin mo ako..” ”You can ask me, but i cant answer you if the question is out of my limit..” Napapailing ako sa lalakeng ito, ultimong pagsasalita niya ay para na talagang robot. Yumuyuko pa matapos niyang makapagsalita. ”Kung ganon, limitado lamang ang masasagot mo?” ”Yes, señiorita..” ”Napaka-loyal mo naman kay stevan, siguro mataas sahod mo..” Hindi na siya sumagot, para lang akong nakikipag-usap sa isang bata. Nakakainis, hangga kailan ba ako magiging dahlia? Hindi ko gustong matapos ang taon na narito pa ako sa puder ni stevan. Gusto ko, bago magpasko ay maka-uwi na ako. MATAGAL ang naging biyahe namin patungo sa mansyon daw ni seniorito stevan. Nakuha ko pang nakatulog dahil hindi rin naman ako kinakausap ng katabi ko, napaka-masunuring tao. Bakit hindi niya na lang ako kausapin at ng hindi bumaho ang hininga niya, nakuha niyang hindi magsalita sa haba ng biyahe. Nakapa-weird talaga ng mga body guard na 'to. ”GoodMorning, señiorita dahlia..” ang daming maid na sumalubong sa amin, nakahilera sila na parang alam nilang parating kami. May mga bodyguard rin na narito, ngunit ang nakaka-agaw pansin sa akin ay ang malaking mansyon. Napaka-laki, maganda at mapapatulala ka na lang sa sobrang karangyaan ng mga villegas. Hindi ko inaasahang ganito kalaki ang mansyon ni señiorito stevan. ”Let's go, señiorita..” iginaya ako papasok ni butler ryan, sa pagtawid ko patungong loob ay yinukuan ako ng mga katulong. Para akong nasa loob ng fairytale, ako ang babaeng bida na ginagalang ng lahat. Ngunit lahat ng ito'y palabas lamang, ang katotohanang ito ay ginagamit lamang ako ni stevan upang makuha ang kanyang mana. Hindi ko alam kung bakit kakailanganin pa ako ni stevan para makuha 'yon, hindi ba siya binigyang kaparatang ng kanyang ama na si don agaton? O baka naman, na kay stuart ang lahat dahil na rin siya ang panganay. ”Were going upstairs, seniorita. Your trainer is waiting there..” naunang lumakad sakin si butler ryan, hindi ako gaanong ngumingiti dahil mukhang kilala ng mga taong narito si dahlia. Hindi ko alam kung narating na rin ba ni dahlia ito, gusto kong magtanong. Gusto kong malaman ang lahat ngunit hindi ko alam kung kanino ako magtatanong. Napaka-limitado kasi ng sagot nitong lalakeng 'to. Malaking pinto ang nasa harapan ko, may bodyguard na nakabantay roon at pinagbuksan kami. Double door ang kwarto, sobrang lawak pa ng loob at talaga namang mamamangha ka. May maliit na chandelier, maraming lampshade sa gilid at may dalawang bookshelf akong nakita. Gaya sa mansyon na pinanggalingan ko ay maalwalas rin ang veranda dito. ”GoodMorning, our seniorita dahlia..” isang ginang ang bumati sa akin, napaka-pormal ng bihis niya at bukod tanging siya lang ang narito. ”I am your trainer..” napilitan akong ngumiti, naiilang ako dahil hindi ako nilubayan ng kanyang mga mata. Titig na titig siya sa akin habang nakangiti, matapos niyang titigan ako ay nilingon nito si ryan. ”She really looks like dahlia..” Tumango lamang si butler ryan, hindi sumagot dahil limitado nga lang ang kanyang sinasabi. Muling sumulyap sa akin ang ginang, hinawakan niya ang aking kamay bago ngitian. ”We didnt know if where the real dahlia is, but im happy today because i saw you..” Muli ay pilit na ngiti lamang ang iginawad ko, hindi ako nagsalita. walang akong masabi. ”Im stevan tita, kapatid ako ng kanyang ina..” napamaang ako habang sinasabi iyon ng aking kaharap, kung ganon. Tita ito ni stevan, kaya pala hindi ko maipagkakailang maganda siya. Mukhang mayaman at kung tatanungin ako ay mukha lamang siyang di-trenta. ”Maupo tayo..” hinila niya ako paupo sa mahabang sofa, may center table din rito na naglalaman ng ibat ibang papel at photo album. Samantalang si butler Ryan ay naupo lamang doon malapit sa table na may swivel chair, malayo sa amin. ”Hawig na hawig mo nga naman si dahlia..” malaki ang ngiti ng ginang sa akin, nahihiya ako dahil sa ganda niya. ”Im Melinda, you can call me tita mel..” ”Natutuwa po akong makilala kayo..” sagot ko, nahihiya pa rin. Ngumiti siya. ”Gaya ni dahlia ay mahiyain ka rin, ngunit nakakapagtaka lang na ang tulad niyang lumaki sa lansangan ay may taglay na asul ang mata hindi ba?” ”Hindi ko po alam..” ”Sa tingin ko'y may pamilya pa itong si dahlia, ngunit hindi na lang niya ito nakilala dahil nawalan daw siya ng alaala..” ”Totoo po?” ”Iyon ang kwento niya sa amin ng tulungan namin siya, kinupkop namin ito ngunit nais niyang pagsilbihan ang pamilyang villegas, hindi naman namin siya mapigilan kaya naging maid siya sa mansyon na pinagmulan mo..” Bukod tanging pagtango lamang ang ginawa ko, katulad ko rin lang naman pala siyang naging katulong noon. Gaya ko, sinabi ko rin kay stevan na palaboy lang ako at walang pamilya. Napaka-sinungaling ko. ”Doon niya nakilala si stevan, ang aking pamangkin. Ngunit hindi si stevan ang napusuan ni dahlia, kundi si stuart..” tipid siyang ngumiti. ”Dahil may pagka-makasarili ang pamangkin kong iyon ay nais niyang maging personal maid si dahlia, pinaunlakan naman iyon ng dalaga hangga sa si stevan na ang naging nobyo nito..” Nagbaba ako ng tingin, wala akong ma-ikomento sa ginang. Nais ko lamang makinig at malaman ang buong kasaysayan dito ni dahlia. ”Tumagal ng dalawang taon ang relasyon nila ni dahlia, dumating sa puntong nais na ni stevan na makasal kayat nagset agad ito ng engagement..” mapait ang naging ngiti ni tita mel, yumuko siya kalaunan habang hawak pa rin ang kamay ko. ”Nang gabing iyon ay namatay si amelia, ang aking kapatid. Natagpuan siyang duguan sa dulo ng hagdan sa lumang mansyon..” Natigilan ako, alam kong namatay na si donya amelia. Ngunit hindi ko alam kung anong dahilan ng pagkamatay nito. ”Naroon si stuart at Agaton ng matagpuang patay na ang aking kapatid, nasa hotel naman kami ng ibalita sa aming patay na ito..” bumuntong hininga siya. ”Naging suspek si stuart at agaton, ngunit walang naging sapat na ebidensya upang sila ang iturong suspek, hangga ngayon ay walang hustisya ang kawawa kong kapatid..” Nag-angat ng tingin sa akin si tita mel, iyon ang itatawag ko sa kanya dahil iyon ang gusto nito. Muli ay tipid siyang ngumiti. ”Hindi ko na natagpuan si dahlia noon, bigla na lamang siyang nawala. Ang iniisip ko ay baka hindi pa siya handa sa pagpapakasal..” ”Pero, bakit kailangan po akong gamitin ni stevan?” natigilan siya sa aking tanong, nawala rin ang ngiti bago mag-iwas ng tingin. ”Sakim kasi si agaton, paboritong anak nito si stuart at sa kanya lahat ibinigay ang mana, ngunit ang negosyong meron sila ay pinaghirapan lahat iyon ni amelia, kung tutuusin mas pabor si amelia na si stevan ang humawak sa kanilang kumpanya..” ”Ano po bang problema kay stuart?” ”Walang problema sa pamangkin kong iyon, hindi niya gustong manahin ang lahat ngunit takot siya kay agaton. Wala siyang magawa kundi sundin ang utos ng kanyang ama..” Tumango-tango ako, kung ganon. Mabait talaga si stuart. Ang kaso lang, nakakapagtaka kung bakit bigla na lamang nawala si dahlia sa pagkamatay ni amelia. Nasaan ba siya ng gabing iyon? ”Kung ikakasal si stevan at magkakaroon ng pamilya ay doon lamang siya mabibigyan ng karapatan sa lahat, nais siguraduhin ni agaton na magkakaroon siya ng anak na lalake upang sumunod sa henerasyon ng villegas.” ”I-ibig pong s-sabihin na aanakan ako ni stevan?” Natawa si tita mel. ”Kung gugustuhin mo lang naman..” ”K-kung ganon po p-pala ang problema, bakit hindi na lang naghanap ng ibang babae si stevan, bakit kailangan kahawig pa ni dahlia?” ”Dahil nagustuhan ni agaton si dahlia para kay stevan, nais niyang maikasal ang anak nito kay dahlia. Hindi ko alam kung bakit..” Hindi na ako tuluyang makasagot, wala naman sa usapang kailangan kong mabuntis. Walang nabanggit sa akin si stevan dahil ang sabi nito'y matapos niyang makuha ang mana ay malaya na ako. H'wag niyang sabihing nagsisinungaling siyang palalayain niya ako? Abat ang cobrang 'yon! ”Kukunin ko lang ang ilang litrato ni dahlia sa kwarto nito, tumungo ka muna kay ryan upang pag-aralan ang hand writing ni dahlia..” ngumiti si tita mel bago tumayo, lumisan siya sa kwarto habang natutulala ako sa mga nalaman. ”This is señiorita dahlia's hand writing..” may ipinakita si butler ryan sa akin, isang notebook iyon na naglalaman ng music song. Pero sulat iyon ni dahlia at talaga namang napaka-ganda. Paano ko aaralin ito kung ang sulat ko ay kinalkal ng manok. ”You need to memorized this hand writing, shes using her right hand..” ”Teka left ako e..” ”You can easily learn, señiorita..” ”Hala, paano kung hindi ako maging bihasa sa right. bawal ba sa left? Mapapansin ba yon ni don agaton?” Tumango si butler ryan, hindi nagsalita bagkus ay itinapat niya ang papel at ballpen sa akin. ”You can start now..” Napapangiwi ako, para akong grade 1 na mag-uumpisang magsanay magsulat, nakakainis. ”Hawakan mo ang kamay ko!” nilingon ko si butler ryan, sa totoo lang ay gwapo siya. Hinubad na kasi niya ang salamin kayat nakikita ko na ang buo niyang mukha. ”O, anong problema? Tulungan mo akong patigasin ito..” ”Sh*t..” napamura siya, bigla siyang may tinakpan sa leeg niya, nanlalaki ang mata nito habang hawak 'yon. "Alam mo, masyado kang matatakutin kay stevan, wala naman siya rito! Lumapit ka sakin!” ”No, seniorita. You can do that by yourself..” ”Malambot nga kasi masyado, paano ko maaayos 'to?” tinutukoy ko ang paghawak ko sa ballpen, malambot ang kamay ko dahil hindi ako sanay sa right. Kainis, bakit ba kasi bawal sa left? ”Masyado ka bang sinisindak niyang cobra na yan, kainis na rin yang boss mo. Gusto pa akong pahirapan ng todo!” ”What cobra, señiorita?” ”Tsk, may cobra yang stevan na yan, gaya mo. Nakita ko kasi siyang nakahubad noon, kaya tinawag ko siyang cobra dahil sa alaga niya!” napapakurap si butler ryan sa akin, bigla na sigurong naintindihan ang sinabi ko. ”Napaka-bastos din ng stevan na yan, alam mo bang hinalikan niya ako kagabi? Pwede ba 'yon? Required ba iyon sa pagpapanggap ko bilang dahlia? Ang sarap putulin ng cobra niya para parusahan sa ginawa niya sakin!” Napapalunok siya, wala itong sinabi bagkus ay kinuha niya ang papel at ballpen na hawak ko. May isinulat siya doon, nagtataka ako kung bakit at tungkol saan iyon. Matapos niyang makapagsulat ay inabot niya sa akin ang notebook. ’Huwag kang masyadong magsalita patungkol kay stevan, naririnig ka niya. Kaya paki-usap sana ay tumigil ka na, maawa ka sakin, malilintikan ako..’ Napakurap at napamaang ako sa nabasa, binalingan ko pa ng nanlalaking tingin si butler ryan bago takpan ang bibig. Kung ganon narinig niya lahat ng sinabi ko? Kanina pa niya kami naririnig? ”Paano niya tayo naririnig?” sinulat ko iyon at pinabasa kay butler ryan, gaya ng una niyang ginawa ay sumulat rin ito sa ilalim. ”May mike at speaker ako sa katawan, limitado ang masasabi ko kayat sana ikaw rin..” Napakagat labi ako, gusto ko siyang upakan dahil bakit hindi niya agad sinabi. Nahampas ko siya ng wala sa oras. ”Sh*t. señiorita!” napamura siya dahil sa gulat. Ngunit kapwa na lamang kami napalingon sa pintuan ng pabagsak iyong bumukas. At ayan na nga ang bulto ni cobra. Mukha siyang galit na hindi ko masabi, ano na naman ba ang maling ginawa ko? ”Ito na ang sinasabi ko..” lumapit si stevan, kunot ang noo ng señiorito bago samaan ng tingin si butler ryan. ”What are you doing, ryan!” galit yan, gusto pa yatang suntukin si ryan na ngayon nakayuko na. ”Im helping señiorita dahlia about her hand writing, sir..” iyon ang sagot ni ryan, diretso at tila wala namang takot. Sa totoo lang mukha na naman siyang natataeng robot. ”And what the h*ll is the word patigasin i heard!” Namilog ang mata ko kay cobra, patigasin? Itong kamay ko ang patitigasin kasi nanlalambot. Anong nasa isip ng señiorito? ”Malambot! Patigasin! What's the meaning of that ryan!” ”Its about her hand, sir..” ”H-hand?” nilingon ako ni stevan, kunot ang noo at halatang bahagya ng kumalma. Ang sarap niyang sapakin para matauhan at bumalik sa reyalidad. tsk. ”Your hand goes numb and you can't write?” nasa akin na ang mata niya, hindi ko siya gaanong gets dahil para siyang nagrap bigla. ”Huh?” ”Nanlalambot ang kamay mo?” napanganga ako sa tagalog niya, para akong nabingi dahil ang sarap pakinggan sa t'wing bumibigkas ito ng lenggwaheng tagalog. ”Do you want me to harden it?” Napakurap ako. Ano daw? ”I mean, gusto mong patigasin ko?” Heto na naman ang boses niya't pagsasalita. Mas gusto kong mag-ingles na lang siya para hindi ako naaakit. Grabe, cordaphia! Anong naaakit? ”Leave us, ryan..” tumayo si butler ryan ngunit hinawaka ko ang kanyang kamay. Ngunit agad rin niya iyong nilayo dahil nagdidilim na ang tingin ni stevan. ”And lock the door..” lumisan na si butler ryan at iniwan na nga ako kay cobra, hindi ko siya matingnan. Nahihiya kasi ako sa mga pinagsasabi ko kanina. Malamang narinig niya 'yon. Sana dumating na si tita mel. Maaawa kayo! ”Let's proceed in a basic part, hindi mo alam patigasin? Halika, ako ang gagawa..” naupo siya sa tabi ko. Para na akong mahihimatay dahil ako na yata ang nagiging mahalay bigla. Hinawakan niya ang kamay ko, naging robot na rin ako dahil hindi na iyon kumikilos, nanigas na sa kaba. ”Just make sure you'll learn after this, if you cant learn after this lesson. Iba ang patitigasin ko, daphia..” Daphia? Oh josko, anong nasa isip ko? ***** to be continued. Oh, yung mahahalay ang isip diyan tulad ni daphia. Left the group na.? Nasa part na tayo kung saan magiging siya na nga si dahlia Gostavo. Ngunit kanino nga ba pagkatao ang magugustuhan ni senyorito stevan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD