Cordaphia Pov.
(Kaligtasan)
Tahimik ang hapag habang kumakain kami sa mahabang mesa sa mansyon ni señiorito stevan.
Katabi ko si señiorito na mala babae kung sumubo, daig pa ako na hindi alam kung paano ang tamang paghawak sa kubyertos.
Sanay ako sa pagkakamay.
Itong mga tinidor at kutsilyo sa gilid ng aking plato ay hindi ko naman nakagawiang gamitin. Para saan ang mga ito? Dalawang kutsilyo ang nasa gilid, hindi pareho ang kanilang sukat habang nasa tabi ang tinidor. May malaking kutsara doon na sa tingin ko ay sa sabaw gagamitin.
Nilingon ko si tita mel at nakita itong ginagamit ang kutsilyong maliit upang hiwain ang karne.
Kinuha ko ang akin. Gaya ng ginawa ni tita mel ay sinundan ko iyon. Maging si butler ryan na nasa aking harapan ay tahimik at maayos na kumakain.
Nagawi pa ang paningin ko sa dibdib nitong may sapin na kulay puti. Tila panangga iyon sa damit niya kung sakali man na mahulog ang kinakain nito.
Muli kong binalingan ng tingin ang mga katabi ko. Tulad ng kay butler ryan ay may kanya-kanya silang puting tela sa dibdib na naka-ipit sa kwelyo ng kanilang damit.
Yumuko ako sa aking harapan. Naghahanap ng panyo o tela tulad ng meron sila. Nakita ko iyon sa harapan ko. Hinila ko iyon at sinapin sa dibdib ko bago ilagay sa kwelyo ng aking bistida.
Matapos iyon ay nagpatuloy ako sa pagkain na walang nagsasalita maski isa sa amin. Nahiya pa ako ng mauna silang matapos at maiwan akong mag-isang kumakain.
Hindi ko alam kung paano ang tamang gamit sa mga kutsara at kutsilyong ito kaya`t minabuti ko na lamang gamitin ang aking isang kamay upang hawakan ang ulam.
Nilingon ako ni stevan sa ginawa ko. Base sa reaksyon niya ay hindi nito nagustuhan ang inakto ko.
Ngumiti ako ng pilit bago ibaba ang karne. Gutom pa sana ako at nais lantakan itong lahat ng nasa harapan ko.
Ngunit dahil sa tingin ni stevan ay nabusog ako. Este, nailang ako at nagpunas na ng labi gamit ang telang nasa dibdib ko.
”Are you done?” tumango ako. Nais kong sabihin na gutom pa ako at gusto ko pang kumain. Ngunit tumayo na siya, nilingon ako nito na tila hinihintay rin ang aking pagtayo.
Dahil sa kanyang paghihintay ay napipilitan akong tumayo. Sumabay rin si tita mel habang hinuhubad na ni butler ryan ang telang nasa dibdib nito.
Umusog ako palayo sa mesa. Ngunit hindi ko inaasahang sasama ang puting telang nakasapin sa mesa.
Nahulog ang mga babasaging baso maging ang ilang pagkain. Nataranta ang mga kasambahay at agarang akong dinaluhan.
Napapahiya akong yumuko sa telang nasa dibdib ko. Ngayon ko lang nalaman na hindi iyon panyo.
Kundi tapete pala ito ng mesa.
Sapin iyon ng lamesa na pinagkamalan kong panyo.
”Clean this mess..” nagmamadali kong kinalas ang telang iyon ng magsalita si stevan. Hindi pa ako nakakapagsalita ng hilain na niya ako paalis doon.
Ang nakakaloka pa ay ang madumi kong kamay ang hinawakan niya.
Idinala niya ako sa silid ni dahlia kung saan nagsanay akong sumulat kanina. Natuto naman ako ngunit hindi gaanong makuha ang ganda ng sulat ni dahlia.
Binitawan niya ang aking kamay. Doon lang nito napansin ang tabang nasa kamay nito na nagmula sa akin.
Kinagat niya ang labi bago bumuntong hininga. Nag-angat siya ng tingin sa akin na nagpapaatras sa katatagan ko.
”Stop acting like this dahlia..” naitikom ko ang aking bibig. ”This is not dahlia use to do. You need to pretend like her, act like her..”
Nag-iwas ako ng tingin bago tumango. ”W-wala pa kasi akong nalalaman tungkol sa kanya. Paano ko g-gagawin ang gusto mo..”
Dinig na dinig ko ang kanyang pagbubuntong hininga.
”I leave you here. I`ll give you one month to memorize what dahlia`s usually doing. What kind of movements she have. And what is her casual gestures, she`s simply and never act like street woman..”
Sa sinabing iyon ni stevan ay tila nainsulto ako. Hindi ko alam na tatawagin niya akong asal kalye.
Paano ba umakto si dahlia?
Para ba siyang prinsesa?
Isa ba itong mahinhin na dalaga at tikom ang bawat daliri kung ito`y may kukunin?
”Im sure that old man is excited to see you. My father..”
Nadagdagan muli ng kakaibang pakiramdam ang nasa dibdib ko. Kaba at pagkadismaya ang bumabalot roon ngunit nangingibabaw pa rin ang takot dahil paano ko magagampanan ang pagiging dahlia?
”I won`t put you here if i know your going to failed this mission. I called this mission because i want to get more power to know who`s the real killer..”
Nangunot ang noo ko sa sinabi ni stevan. Ngunit nanatili akong tahimik. Nais kong sumabat ngunit tila hindi niya ako pahihintulutan.
”If i have all the power. I can easy smash them all, every traitor who involved behind my mothers death..”
Napalunok ako sa tinig niya. Isang siyang halimaw na galit at hindi dapat nilalabag. Nararapat na sundin ang kanyang nais dahil sa oras na suwayin mo ito, malalapa ka sa isang iglap.
Sa madaling salita.
Isang pitik ka lang sa lalakeng `to.
”I give all you want. Say all you want and everything you wish is my command. But, you need to make clear all your act as dahlia gostavo..”
Tumango ako kahit pa na hindi sigurado. Maging siya ay napanatag sa sagot ko bago ito lumakad patungong pinto.
Ngunit bago siya lumabas ay bahagya niya akong nilingon bago sabihin ang katagang nagpasikip bigla ng dibdib ko.
”Teach yourself to not fall in love with me. Because, i can`t love you back..”
***********
Umalis si stevan ng araw na iyon. Hindi ko mabatid kung ano itong kakaibang nararamdaman ko matapos niyang sabihin iyon.
Tama na man si señiorito.
Hindi ako dapat mahulog dahil lahat ng ito ay palabas lamang.
Kumbaga, isang extra lamang ako rito na ginawang bida panandalian.
Dapat itatak ko iyon sa isip ko. Ang nararapat na pagtuunan ko ng pansin ay kung paano makakapagpadala ng pera kay lola.
Isang linggo ng manatili ako sa mansyon ni stevan. Hindi na muling bumalik si stevan rito upang bisitahin ako. Madalas kong makasama si butler ryan na siyang umaalalay sa akin at nagrereport kung anong ginagawa ko kay stevan.
Katuwang nito si tita mel na siyang nagtuturo sa akin kung paano kumilos si dahlia. Sa isang linggo na iyon ay nalaman kong may pagkamahinhin nga si dahlia na hindi naaangkop sa ugali ko.
Mahilig din siyang magsulat, kumanta at gumawa ng novela. Nakagawian niyang magsuot ng magagarang bistida at pumustura sa mga lumang camera.
Kabaligtaran naman ang akin. Hindi ako mahilig magsulat o magbasa. Hindi ako marunong kumanta ngunit sumayaw ang alam ko. Hindi ako nagsusuot ng magarang damit dahil imbes na ipagbili ko ang pera ko ng mga mamahaling damit ay pagkain na ang uunahin ko. Wala din akong hilig sa pagpapa-picture.
Lahat ng hilig nito ay wala ni isa sa akin. Ngunit sa loob ng isang linggo ay ginawa ko iyon. Pinilit kong matutunan kahit pa na hindi ko iyon nakagawiang gawin.
Nasa hardin kami habang isinusulat ko ang isang lenggwahe na hindi ko maintindihan.
Hindi ko nabanggit na bihasa si dahlia sa pagsasalita ng espanyol.
Ito ngayon ang ginagawa ko.
Te admiro mucho jovencita
me fascinan tus sonrisas,
tus ojos son pequeños
Toda tu personalidad es atractiva.
Y con t'wing te vas acercando
Mi pecho está apretado,
Se escucha el latido del corazón
Supongo que esto se llama 'amor'.
Quiero abrazarte
Pero parece tan difícil,
estoy cansada de fingir
Que la persona que tienes enfrente ya no salga lastimada.
Napapikit ako habang binabasa iyon. Nilingon ko si butler ryan na abala ngayon sa pagtitipa sa kanyang cellphone.
Hinawakan ko ang isang pahina ng papel na blanko ang laman. Itinupi ko iyon at itinapon sa kanyang ulo.
Natigilan siya at napatingin sa akin. Hindi na maipinta ang kanyang mukha bago ko siya senyasang maupo sa tabi ko.
”Anong ibig sabihin ng mga katagang ito?” bumuntong hininga ito. Nais niyang magreklamo ngunit natigilan rin sa hindi ko malamang dahilan.
Nakatingin siya sa gilid ko na tila may problemang nangyari.
Nakumpirma ko lamang ang dahilan nang biglang magsalita ang lalake sa aking likuran.
”Labis kitang hinahangaan, binibini.
Sa'yong mga ngiti ako ay nabighani,
Mga mata mo'y kay rikit
Buong katangian mo'y kaakit-akit.”
Napamaang ako at hindi makalingon. Ang boses ni stevan ang biglang nagpalipad sa isip ko at nagpawala sa aking wisyo.
”At sa t'wing ika'y papalapit.
Ang dibdib ko'y naninikip,
Tibok ng puso'y naririnig
Ito yata ang tinatawag na ‘pag-ibig.” naglakag siya paikot sa upang makapwesto sa harapan. Seryoso ang kanyang ekspresyon ng magtama ang mata namin.
Maayos ang kanyang buhok na tila bagong gupit. Maayos at pormal ang kasuotan nito na lalong nagpapagandang lalake kay señiorito.
”Nais kitang makayakap.
Ngunit tila ito ba'y napakahirap,
Ako'y sawa nang magpanggap
Na 'di nasasaktan pag-iba ang 'yong kaharap.”
Naupo siya sa harapan ko. Doon lamang lumisan si butler ryan at hinayaan na ako kay stevan.
Hindi ako makakuha ng ilalabas na salita. Naistatwa ako at nakalimutan ko kung ano ba ang ginagawa ko bago siya dumating.
Nag-iwas siya ng tingin. Doon lamang ako napakurap at wala sa sariling umayos sa pagkaka-upo.
”That`s the pilipino version of this poem..”
Kinuha niya ang papel na kanina ko pa binabasa. Sa kabila ng pahina ay naroon ang sulat ko na hindi ko alam kung naging maayos ba.
”A side from being dahlia. You can learn to speak spanish.”
”M-matatagalan siguro bago ko iyon matutunan..” nakatitig lang sa akin si stevan. Hindi ko alam kung anong nasa isip niya. Nasa isip ba nitong napaka-bob* ng kinuha niyang babae upang magpanggap.
”Tita melinda is guiding you. You dont need to worry, And ofcourse. You can help yourself for reading dictionary, that a big tactic to learn spanish..”
Napanguso ako. Nagbaba ng tingin dahil mahirap talaga. Ingles na nga ay hindi ako sanay, paano na lang ang pagsasalita ng espanyol?
Ayoko na yata!
”Kailan ba kami magkikita ni don agaton?”
Hindi nawawala ang titig niya sa akin habang nagsasalita ako. Maging ng sumagot siya ay tila hihigupin na nito ako.
”On next month. We need to re-schedule our engagement..”
Napalunok ako.
Seryoso ba siya?
May magaganap talagang ganito?
”E-engagement? Ibig s-sabihin ba na ikakasal tayo?”
”Yes. That`s what the old man wanted. To marry dahlia gostavo and make a family with her..”
Napapalunok na lamang muli ako.
”T-totoo ba iyan?”
”Its all show, dahlia. You dont need to overthink youself, our marriage is fake. But giving me a child is real..”
Namilog ang mata ko sa sinabi niya. Ngayon pa lang ay aatakihin na ako dahil sa naiisip. Bibigyan ko siya ng anak?
”And i need a son, a male child..”
”T-teka. Hindi pa ako pumayag, masyado ng malaki itong hinihiling mo. Hindi ko na iyon magagawa.”
Hindi siya nagsalita sa sinabi ko. Bigla yata akong pinalooban ng tapang at nakapagsalita ako ng pagtutol sa harapan niya.
”Think before you speak, dahlia. As a married couple, we need a child to get my inheritance..”
”Akala ko ba pag-papanggap lang?”
”Yes. This is still a show. If you want to bond my child after our deal. I let you to be with him. I wont control you after that..”
Nag-iwas ako ng tingin. Natawa pa ako bago mailing sa sinabi niya.
”Pumayag ka dahil gusto ko..” nilingon ko siyang muli dahil sa maawtoridad niyang sinabi. ”Kilala na kita. You live in a province, you still have a family. Youre a overseas filipino worker before and you have a case in your past work..”
Nanuyot bigla ang lalamunan ko sa nalaman ni stevan. Lahat ng iyon ay totoo ngunit wala akong ideya kung paano niya iyon nalaman.
”I don't warn or scare you because I already know about your family. But by the time the old man knows you're pretending as dahlia. He will kill your loved ones..”
Matinding pangamba ang bumalot sa akin dahil sa inihayag niya. Dito lang namuo ang pagsisisi ko kung bakit pa ako pumayag sa sitwasyong ito.
Ngunit dahil narito na ako at napasubo na ay hindi na ako makakaatras pa. Lalo na at kung kilala na ni stevan ang pamilya ko.
”I'll help you to hide it all. The former Cordaphia Vasco Macapagal will be deleted from your provincial list. Cordaphia will erase the world briefly..”
Napamaang ako.
”Mabubura ako sa mundo?”
”Yes, as cordaphia. To hide your personality because I know that old man will investigate about your real identity..”
Sumasakit ang ulo ko sa ganitong pangyayari. Tila nahabag bigla ako sa sarili dahil para na akong pinatay kung mawawala ang record ko dito.
”I'm helping you because you can't escape this anymore. My dad already knows about you. He knows dahlia gostavo is alive. I just want you to cooperate with me. I will not neglect you and your family..”
Naiintindihan ko lahat ng sinabi ni stevan. Bakas ang sinsiridad dito kahit pa na nakakatakot siya.
Tumango ako dahil alam kong safe ako. Alam kong hindi niya nga ako pababayaan at tutulungan nya akong malampasan lahat ng ito.
”I gave your family needs. I sent them grocery and home materials. I also gave them money so they could spend the day. I also have man to guard the whole area..”
”Hangga kailan ba itong pag-papanggap ko?”
”Give me a year to finish my plan. I wish I could succeed and get the power of the whole villegas. I want to killed the real culprit of my mom's death..”
Sa mata ni stevan ay namumuo ang galit. Tila naroon iyon sa loob at nakakulong. Nakakatakot kung iyon ay kumawala at biglang bubuhos ng wala sa oras.
Napalunok ako.
Tinitigan ako nito at seryosong hinawakan ang aking kamay.
”You can help me not as dahlia. But as cordaphia. All you have to do is pretend. I owe you a lot for helping me..”
Wala akong ginawa kundi tumango, feel ko ay ito talaga ang adventures ko sa buhay.
Ang magpanggap. Ang malaman ang totoo kung sino nga ba ang totoong suspek sa pagkamatay ni senyora amelia Villegas.
”Promesa, te protegeré y no descuidaré. Porque no dejaré que te lastimes” (Pangako, poprotektahan kita at hindi pababayaan. Dahil hindi ko hahayaang masaktan ka)
Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Bigla kong hinila ang kamay dahil sa kaseryosohan ng pag-uusap namin ay bigla na lang siyang magsasalita na parang alien.
”Minumura mo ba ako, señiorito?”
Natawa siya bago mag-iwas ng tingin.
Biglang nanlaki ang mata ko sa nakita.
Ngumiti siya. Totoong ngiti na hindi ko alam na masasaksihan ko pala sa tanang buhay ko.
” No sabía que me encantaría llamarte señorito ... ” (Hindi ko alam na magugustuhan ko ang pagtawag mo ng señiorito sa akin)
Napatayo na ako bago siya samaan ng tingin .
”Ayoko na ng ganito, señiorito stevan. Porket bihasa ka sa espanyol pinagsasalitaan muna ako ng ganito. Hahanap ako ng daan upang malaman iyang pinagsasabi mo..”
Tumango lamang siya bago muling bumigkas na hindi ko alam kung saang lupalop nagmula.
”Eres tan amable ahora, dahlia.”
(Ang ganda mo ngayon, dahlia)
Hindi na ako nakapagsalita ng marinig ang pangalang dahlia. Tumayo na ito, nilagpasan na ako habang nakatingin sa kanyang papalayong likuran.
Napanguso ako dahil sa namumuong emosyon sa dibdib ko.
”Napaka-unfair ni señiorito. Bakit nasasaktan ako bilang si dahlia?”
********
to be continued.
Buen mediodía (Magandang tanghali)
Matagal akong hindi nakapag-update dito dahil tinapos ko ang story ni ashong. (Accidentally, we fall) Season 1
Wait lang tayo sa season2
Pero, babawi ako now. Update ako ulit pag may oras ako. Salamat sa matiyagang paghihintay.