Chapter 11

2409 Words
The Real Suspect Third Person Pov. Abala ang mga tao sa mansyon ni stevan habang nasa kwarto si cordaphia. Nasa silid ito ni dahlia kung saan nakatayo lamang siya sa malaking veranda habang nagmamasid sa labas. Maganda ang kanyang kasuotan. Ang buhok niya ay bagsak na lalo lamang nagpapabagay sa kanyang ayos. May hawak siyang libro. Binabasa niya iyon habang pasulyap-sulyap siya sa labas ng mansyon. Isang buwan na ang lumipas simula ng dumalaw si stevan sa mansyong kinaroroonan niya. Sa loob ng isang buwang iyon ay hindi niya maitatangging hinahanap nito ang presensya ng binata. Sa tagal nitong hindi nagparamdam ay inabala niya ang sarili kung paano ba maging si dahlia. Inaral niya iyon ng husto upang kung sakaling magkaharap muli sila ni stevan ay ibang-iba na siya sa huli nilang pagkikita. Sa pananahimik niya sa silid ay may kumuha sa atensyon nito. Isang katok ang nagpalingon sa kanya bago bumukas ang pinto. Pumasok sa silid si melinda na kung tawagin niya ay tita mel. Gaya niya ay bihis rin ito at maayos ang kanyang pustura. Lumapit sa kanya ang ginang. Nakangiti ito bago isara ni daphia ang librong hawak. ”Kinakabahan ka ba?” iyon ang tanong ni melinda sa dalaga. Tumango si daphia, totoong kinakabahan ito ngunit pinapalakas lamang niya ang loob at pinipilit niya sa isip na magiging maayos ang unang pagkikita nila ni don agaton. Itong araw na 'to ang pagkikita nila ng don. Dadalo sila rito upang makita ang dalaga. Ngayong araw na rin nila pag-uusapan ang tungkol sa engagement party na magaganap ngayong buwan. ”Hindi ka dapat kabahan, you are dahlia Gostavo. Ikaw na ikaw siya, kuhang kuha mo ang buong kaanyuan nito..” hindi nagbigay imik si daphia. Kahit pa na halos siya na si dahlia ay hindi ito masaya. Hindi na siya natutuwa sa nangyayari ngunit wala itong magagawa kundi panindigan na lamang ang kanyang pinasukan. Totoong hawig na hawig niya si dahlia gostavo. Lalo na at tinakpan na ng berde ang itim niyang mata na lalong kumukuha sa anyo ni dahlia. Lahat ng kilos, salita at pustura ni dahlia ay nasa kanya na. Kilala at alam na ni daphia kung paano aakto bilang dahlia gostavo sa harapan ng karamihan. ”Lumabas na tayo, dahlia. Alam kong ano mang oras ay darating na sila..” tumango lamang muli si daphia. Sabay silang lumabas ni melinda at bumaba ng hagdan. Naroon na sa ilalim ang mga body guard maging si butler ryan na agaran sumalubong sa kanila. ”Don agaton is already arrived here..” natigilan ang dalaga sa inihayag ni butler ryan. Abot tahip ang kaba ni daphia ng tuluyang pumasok ang mga lalakeng nakasuot ng itim na suit habang nasa ilalim na sila ng hagdan katabi si melinda. Unang pumasok si Stuart kasunod ang hindi pamilyar na lalake. Matapos iyon ay agad din sumunod si don agaton kay stuart na lalong nagpakaba kay daphia habang siya ay nakatayo. Hindi siya makagalaw lalo na ng lumapit sa kanila ang don. Matikas ito kahit may edad na, sa porma at tingin nito ay katatakutan muna siya. Makapangyarihang lalake siya base sa kanyang nasasaksihan. ”Dahlia..” ang baritonong boses ng don ang siyang nagpatunay na nag-uumpisa na ang laro. Ito na ang umpisa ng kanyang pag-papanggap bilang dahlia gostavo na siyang magiging fiancee ni stevan. Niyakap siya ng don. Isang simpleng yakap bago sila magbesohan. Ngumiti si daphia sa kaharap, hindi niya nais pansinin ang reaksyon ni stuart dahil alam niyang may nalalaman ito sa kanyang pagpapanggap. ”Buenos dias, Don Agaton..” (Magandang umaga) iyon ang pagbating ibinigay ni daphia sa matanda. Dahil kabilang sa pinag-aralan ni daphia ang pagsasalita ng espanyol ay nakuha naman niyang intindihin iyon sa tulong ni melinda. ”Buenos días a ti también, dahlia. No has cambiado nada hasta ahora. Sigues siendo bella..” (Magandang umaga rin sayo, dahlia. Wala ka pa rin pinagbago hangga ngayon. Maganda ka pa rin) Ngumiti lamang muli si daphia. Totoong nalinlang niya ang don dahil sa saya niya ngayon. Nararamdaman niya iyon at hindi nito alam ang totong dahilan kung bakit ba gustong-gusto ng don si daphia. ”Let's sit down, we need to talk a lot because we haven't seen each other for a long time.” tumango si daphia. Naglahad ng kamay ang don sa kanya na agaran naman niyang tinanggap. Tumungo sila sa maalwalas na living room habang nakasunod sa kanila ang mga bodyguard. Lumayo si stuart at nilapitan si melinda upang kausapin ito tungkol sa pagpapanggap ni daphia. Alam niyang delikado itong pinasukan ni daphia. Hindi lamang buhay niya ang mapapahamak kundi damay na rin ang kanyang buong pamilya sa oras na malaman ito ng don. Ibang magalit si don agaton dahil higit na kinasusuklaman niya ang mga sinungaling at taong kakalaban sa kanya. ”Where have you been in recent years, dahlia? Why were you gone for so long?” iyon ang bungad na tanong ng don kay daphia. Isang tikom na bibig ang kanyang ginawa bago ngumiti at hawakan ang kamay ng don. ”I studied because I want to graduate as good bussiness woman. Isn't that what I wanted before right?” ”That's what you wanted before, I know that. But you didn't want to study when i ask you, Because you want to get the villegas surname first right?” Nangunot ang noo ni daphia dahil hindi nito alam kung anong binanggit ng don sa kanya. Nais ni dahlia na kunin ang apelyidong villegas? ”I told you not to leave because Amelia died. Why do you need to study if you're going to marry stevan?” Naiwang walang kibo si daphia sa sinabing iyon ni don agaton. Bumuntong hininga ang matanda bago niya tapikin ang balikat ni daphia. ”Alam mong anak kita, dahlia. Hindi aksidente ang pagkikita niyo ni amelia noon dahil nais mo akong makausap. Alam ni amelia na may anak ako sa iba ngunit hindi nito alam na ikaw 'yon..” Napalunok si daphia sa nalaman. Kung ganon, anak niya si dahlia? Anak sa labas si dahlia Gostavo? ”Ayos ka lang ba?” wala sa sariling napatango si daphia sa tanong ng matanda. Hindi niya maiwasang pagpawisan dahil sa aksidenteng nalaman nito. "Your shaking dahlia, huwag mong masyadong isipin ang pagkamatay ni amelia. Hindi ka madadawit sa kaso nito.” Wala na sa ayos ang paghinga ni daphia. Tumango lamang siya. Kalaunan ay tumayo ito na siyang ikinapagtaka ng matanda. ”M-magbabanyo l-lang ako, d-don agaton..” ”Sure..” agaran ng lumisan si daphia upang tumungo sa kanyang kwarto at doon na magbanyo. Nagtataka man ang matanda ay hindi na niya iyon pinansin pa. May tumawag rito kayat tumayo siya upang sagutin ang tawag sa cellphone. Samantalang si daphia ay nagmamadaling isinara ang pinto ng kanyang kwarto habang sapo sapo ang kanyang dibdib. ”Anak ni don agaton si dahlia sa labas?” namimilog pa ang mata ni daphia sa nalaman. Hindi siya makapaniwala sa nalaman dahil malaking rebelasyon ito kung sasabihin niya iyon kay stevan. Wala bang alam ang lahat dito? Alam ba ito ni stevan o stuart? O silang dalawa lang ni don agaton ang may nalalaman. Napasapo siya sa noo. Nagpalakad-lakad siya sa kwarto habang iniisip iyon. Biglang sumagi sa isip niya ang sinabi ni don agaton na hindi madadawit si dahlia sa pagkamatay ni amelia. Posibleng may kinalaman nga si don agaton sa pagkamatay ng kanyang asawa. O baka, nalaman ni senyora amelia ang totoo na anak niya si dahlia kayat nagalit ang senyora? Maaaring nagtalo sila at naitulak ni dahlia ang senyora sa hagdan. Napatakip siya sa bibig. Nanlalaki pa ang mata niya dahil sa nabuo ng kanyang pag-iisip. At dahil sa sobrang pag-iisip nito ay bigla na lamang siyang napalukso sa katok na nagmumula sa pintuan. Umayos siya ng tayo bago papasukin iyon. Nagtaka ito ng makitang si stuart iyon na may seryosong tingin sa kanya. ”Can i talk to you?” hindi siya sumagot. Hindi rin naman kumuha ng sagot si stuart kundi isinara na lamang niya ang pinto bago lumapit kay daphia. ”Why are you doing this?” nag-iwas ng tingin si daphia. Hindi muling sinagot ang binata dahil wala siyang oras magpaliwanag. ”You put your life in danger. Not just your life but your family's.” alam ni daphia na damay damay na itong pinasukan niya. Hindi na ito makakatras pa dahil narito na siya at nag-uumpisa na. ”I told you to stay away from stevan. He will only use you to get what he wants. But you didn't listen to me.” ”Desisyon ko ito, señiorito stuart. Nais kong tulungan si stevan..” Natawa si stuart dahil sa sinabing iyon ni daphia. ”Will you still help him even if in exchange for all this is your safety?” hindi mawala-wala ang ngising iyon ni stuart. ”If you just want money, why don't you just ask me for help?” Nag-iwas ng tingin si daphia. Totoong dahil sa pera kaya siya pumayag. Ninais niyang magkaroon ng mataas na sahod upang makauwi agad. Hindi nito alam at inaasahang ito ang mangyayari, Ngunit ganun pa man. Hindi na nito iisipin iyon, dahil sa nalaman niya ay mas lalo pa siyang nabuhayan na magpanggap bilang dahlia. Siguradong may rason kung bakit napunta siya rito. Siguradong may misyon siyang kailangan niyang matuklasan. At ngayong may suspek na ito ay mapapadali na lamang sa kanya ang lahat. ”Tutulungan ko si stevan, kahit ano man ang mangyari sa huli ay tatanggapin ko..” Nakatitig si stuart kay daphia. Hindi siya makapaniwala na iyon ang sinagot ng dalaga sa kanyang sinabi. Nag-iwas ng tingin ang binata bago kagatin ang labi. ”You are really not like dahlia, Because dahlia is selfish. She only wants money more than his beloved, more than me..” Si daphia ngayon ang napatitig sa binata. Alam nitong nagkamabutihan ang dalawa noon. Ngunit hindi nito alam na ipinagpalapit pala siya ni dahlia dahil mas nais niyang mapunta kay stevan dahil makukuha niya ang mana. ”I would rather to choose you, more than the real dahlia gostavo..” hindi nagbigay imik si daphia dahil sa sinabi ni stuart. Doon lamang din muling tumingin ang binata rito bago niya haplusin ang pisngi ni daphia. ”I wont like you because you are dahlia. But, because of the better things you do..” ”Kahit sino sa inyong dalawa ay hindi maaaring magkagusto sakin, señiorito. Narito lamang ako upang tulungan si stevan sa paglutas tungkol sa pagkamatay ni senyora amelia..” natigilan si stuart sa sinabing iyon ni daphia. Nangunot ang noo niya at nag-iba bigla ang timpa nito. ”Why are you meddling with that problem?” kunot na kunot ang noo ni stuart sa dalaga. ”I know you already know something about my family history. You know that the suspect here is my father. But it's not that easy to bring down the founder of villegas. Hindi mo pa siya lubusang kilala.” Hindi nagbigay komento si daphia dahil sa nahihimigan niyang galit kay stuart. Alam niyang nag-aalala lamang ito para sa kaligtasan niya. Ngunit kahit ano man ang sabihin nito ay hindi na magbabago ang desisyong tatahakin niya. ”Lumabas ka na, stuart. Hindi na ako si daphia. Dont you ever call me daphia..” Napahagod na lamang sa buhok si stuart bago tumingin sa gilid. Kinagat niya ang labi bago bumuntong hininga. ”Sinasabi ko na sayo ngayon pa lang, tigilan muna ito habang maaga pa. Dahil magiging delikado ang buhay mo sa pinapasukan mo..” Lumabas na si stuart matapos niyang sabihin iyon. Doon lamang din siya napaupo sa kama habang may mabibigat na paghinga. Iniisip nitong delikado nga ang kanyang pinasukan, ngunit wala na itong atrasan pa dahil hindi rin naman siya matatahimik kung hindi niya mapapatunayang si dahlia Gostavo ang totoong pumatay sa ina ni stevan. LUMABAS siyang muli matapos niyang ayusin ang sarili. Sinabi ng isang kasambay na naghihintay si don agaton sa hapag kainan at nais ng senyor na makasabay ang dalaga sa pagkain. Naabutan nga ni daphia ang senyor sa mahabang mesa. Nasa harapang pwesto ang senyor habang nakaupo sa gilid ang lalakeng nagpahinto bigla sa kanyang paglalakad. Lalo siyang hindi nakagalaw ng magtama ang kanilang mata. Tila may kuryenteng dumadaan doon na lalong nagpanginig sa paa ni daphia. Hindi na siya makakilos dahil lamang sa presensya ni stevan. ”Have a sit, dahlia..” ang boses ni don agaton ang siyang nagpakurap rito. Tumango tango siya bago maupo sa harapan ni stevan. Nakayuko siya at sa plato nakatingin, hindi mapakali ang kanyang mata dahil naiilang siya bigla. Hindi nito malaman kung anong problema, ramdam niyang nakatingin ang binata sa kanya kayat lalo itong hindi makakilos ng normal. ”Nagpahanda ako ng paborito mong pagkain, sigurado akong magugustuhan mo ito..” sumenyas ang senyor upang ilapag ang nakakatakam na seafood sa harapan ng dalaga. Ngunit ganon na lamang kung matigilan si daphia dahil hindi nito nalaman na ang paboritong pagkain ni dahlia ay isang seafood. Ang pagkaka-alam niya lamang ay mahilig iyon sa matatamis. ”Let's eat..” ngiting pilit ang iginawad niya sa senyor. Hindi siya maaaring kumain ng seafood dahil hindi iyon pwede sa kanya. Allergy ito sa pagkaing iyon. ”What happen, dahlia? Are you not going to eat? Mauubos mo iyan kahit ikaw lang..” sa tono ng matanda ay tila sinusubukan siya nito. Hindi niya iyon maitago dahil halata nga na nais itong ipakain ni don agaton upang makumpirmang siya si dahlia. Hindi niya ito napaghandaan. Hindi rin niya alam na magiging ganito katalino ang senyor upang malaman kung ako nga ba ito. Nagdududa na ba siya? Iyon ang nasa isip ng dalaga bago ito tumingin kay stevan. Blanko lamang ang emosyon ng binata habang nakatingin ito sa kanya. Wala man lang siyang pinahihiwatig kayat wala siyang pagpipilian kundi kunin at kainin ang inihandang pagkain para sa kanya. Iyon ang kinain ni daphia na halos hindi niya malunok. Hindi pa man nangangalahati ang nasa plato nito ng manikip na ang kanyang dibdib. Hindi na niya mapigilan ang nararamdaman kayat hinawakan nito ang dibdib upang pakalmahin ang sarili. ”Are you okay?” tumayo si stevan dahil napansin nito ang kilos ng dalaga. Umiling si daphia habang patuloy ang paninikip ng kanyang dibdib. Lalo iyong sumakit, hindi na nito kinaya ang nararamdaman na naging dahilan upang mawalan na lamang siya ng malay. ****** to be continued..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD