Chapter 12

3501 Words
Selosong Seniorito Cordaphia Pov. Sa pagmulat ng aking mata ay kisame ng aking kwarto ang nakita ko. Iniisip ko ang nangyari kung bakit ako narito at nakahiga. Makati ang kaliwang leeg ko. Maging ang isa kong hita ay parang may kumagat na lamok doon. Pinilit kong bumangon ngunit nagulat ako ng biglang may nagsalita sa gilid ng side table. "Keep lying." nilingon ko iyon. Si seniorito stevan ang nagsalita na may tinig na dapat sundin mo ang kanyang sinabi. Napalunok ako, kunot ang kanyang noo. Ang mata niya'y matalim na nakatitig sa akin. Dahan-dahan muli akong nahiga. Ramdam ko ang paglapit niya sa akin bago ito maupo sa gilid ng kama kung saan ako nakahiga. "How was your feeling?" ang tinig nitong matigas kanina ay biglaang lumambot. Ngayon ko naisip ang nangyari kung bakit ako nakahilata rito. Hindi agad ako nakasagot. Ang pumasok sa isip ko ay si don agaton. Nangamba ako bigla, bistado na ba ako? Magagalit ba siya sakin at ipapatapon na ako dito? "Daphia." muling bumalik ang wisyo ko sa boses ni seniorito. Kunot na ang noo nito, nagagalit na naman siguro dahil hindi ko sinagot ang katanungan niya kanina. "A-ayos lang ako." "Are you sure your really okay?" "O-oo. Kailangan ko lang uminom ng gamot." "You already have a medicine here. Pinahanda kita ng maka-kain, you need to eat first." Marahan akong tumango. Mariin pa ang titig niya sakin na siyang nagpaiwas ng tingin ko sa kanya. "Why did you eat that food if you know that your allergy in seafood!" bumalik ang tingin ko rito. Galit na ang tinig niya at hindi na nawawala ang pagkakakunot ng kanyang noo. Napalunok ako. "Nakakatakot kasi ang tatay mo. Mukhang ako ang kakainin kung hindi ko kinain 'yon" Mas lalong nagsalubong ang kanyang kilay. "But you put your life in danger. Paano na lang kung may mangyaring masama sayo?" Napanguso ako. "Wala naman nangyari, seniorito. Buhay ako at simpleng allergy lang 'to." "I dont fvcking care! Next time dont do that again!" Napaigtad ako ngunit hindi nawawala ang pagkakanguso ng aking labi. "Do that what, seniorito?" Masamang tingin ang ipinukol nito sa akin. Kinagat ko ang labi dahil sa tingin niyang iyon. "Pinagloloko mo ba akong babae ka?" "Nagtatanong lang naman ako ng maayos. Ano ba ang hindi ko na uli gagawin? Ang kumain ng seafood ba?" "Yes, Exactly. Do you want to repeat that again?" "Paano kung pakainin muli ako ng tatay mo?" "Just ignore that old man." Napanguso ako. Grabe naman siya kung makatawag sa tatay niyang matandang lalake. Walang modo, walang pakialam kung anong isipin sa kanya ng ibang tao. "Tomorrow we will go back home to his mansion. Sa susunod na linggo ang ating engagement party." Napamaang ako sa sinabi ni seniorito. Sa susunod na linggo na? Napaka-bilis naman yata? "The old friend of dahlia is going to visit you. I want to make sure you can get some hints about what dahlia's secret." Natigilan ako. "May itinatago bang sikreto si dahlia?" "I dont know. Im not sure, but my father is close to her, Hindi ko alam kung bakit ganoon na lamang kagusto ng matandang iyon si dahlia." Hindi ako sumagot habang nakatitig sa kanya. May nalalaman na ako tungkol sa sikreto ni dahlia. Ngunit nagdadalawang isip akong sabihin sa kanya dahil nais kong makumpleto lahat ng hinala ko. "Dahlia is my firstlove. You know that, but this love i feel towards for her is already change because she leaves me.." natulala ako sa sinabi niya. Nagbago na ang nararamdaman niya kay dahlia? Hindi na nito mahal si dahlia? "I miss her. But i cant say that im still inlove with dahlia. She hurts me, She made me this way. Iniwan ako ng dalawang babaeng importante sa akin." "Seniorito." bumuntong hininga siya bago ito tumayo. "Sa oras na makuha ko ang lahat ng pera ni mommy ay makakalaya ka na. If we need to make a child to give that old man assurance, Lets make it." "Paano 'yung bata matapos ng lahat?" "That's child is villegas. You can leave him here." "Ano?" natawa ako ng pagak. "Iiwan ko ang anak ko dito?" "You can visit our child if you want. Remember, this is all show. Anak lang naman ang gusto ng matandang 'yon para maipasa sa akin lahat ng ari-arian ni mommy." Hindi mawala-wala ang pagkakadismaya ko. Hindi ako papayag, hindi ko iiwan ang anak ko dito kung sakali. "Kung ganyan din naman pala ang kundisyon mo. Hindi na lamang ako papayag na magka-anak sa'yo." Dumilim ang tingin niya sakin. Nasindak man ako ay pinilit kong maging matapang upang ipakitang hindi ako nagbibiro. "Hindi ka makaka-alis dito kasama ng anak ko, cordaphia. Susundan ka ni agaton. Tandaan mo, hangga't may kapangyarihan ang matandang 'yon magiging sunud-sunuran ang lahat sa kanya." "Kung aalis ba ako dito hindi siya magtataka? Iiwan ko ang anak ko, sa puder niyo?" "You can go back here if you want. Sinabi ko lang na malaya ka, magagawa mo na lahat ng gusto mo. Makaka-uwi ka na sa probinsya at maaari mong balikan ang anak mo dito. Iyon nga lang ay hindi mo siya maisasama pauwi sa inyo." Naiintindihan ko ang pinupunto ni seniorito. Ngunit nakakalungkot lamang na hindi ko siya maipapakilala sa lolo't lola ko. Lalo na sa aking kapatid. Nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko alam kung kailan mangyayari iyon. Hindi pa rin naman kami sigurado kung nanaisin muna ni don agaton ang bata bago nito ipasa sa anak ang ari-arian ng mga villegas. "You need to rest here. Umuwi na si agaton kaya't wala ka ng dapat isipin pa." Nag-angat ako ng tingin rito. Bahagyang guminhawa ang dibdb ko dahil sa kaisipang wala na ang senyor. Nakahinga ako ng maluwang. "Mag-uutos ako upang ipagdala ka ng pagkain dito. Uminom ka ng gamot, Im going to my room, just knock on my the door if you need something." Tumalikod na si seniorito matapos sabihin iyon. Naiwan ako sa kwarto na maraming kaisipan tungkol sa kanyang sinabi. Safe ba ang bata dito kung sakali? Paano ba niya kukunin ang buong kapangyarihan ng villegas? Kaya niya bang pabagsakin si don agaton? Napabuntong hininga ako. Si seniorito stuart at Don agaton ang kanyang suspek sa pagkamatay ni senyora amelia. Ngunit ang hinala ko ay hindi tumutugma sa kanya, Si dahlia ang siyang naiisip kong nakapatay kay senyora amelia. Malamang na nalaman ni senyora ang totoo. Nalaman nito na anak siya ni don agaton kaya't nagkaroon sila ng pagtatalo na nauwi sa dahas. Hindi ko pa alam ang buong pangyayari. Hahanap ako ng paraan upang itama ang hinalang meron ako. Pumasok si butler ryan sa aking kwarto. Himala lamang na hindi nito kasama si tita mel na madalas namang nakaantabay sa akin. "Here's your food seniorita." inilapag niya sa hita ko ang maliit na tray na may lamang pagkain. Hindi ito seafood, hindi rin manok o isda. Mga gulay ito na may pritong karne. "Nasaan si tita mel?" "She leaves earlier after the doctor check your condition." bahagyang bumuka ang labi ko sa sinabi niya. May tumingin na doctor sa akin? "Saan siya pumunta?" "Senyora melinda need's to go home to takecare of her child. Her husband came here." Napapatango ako sa sagot ni butler ryan. Kahit pa na mukha siyang robot habang nagsasalita ay may pakinabang naman. Diretso ang kanyang tayo na parang may nakabantay na boss sa kanya. Nilibot ko ang tingin sa kwarto. May camera ba dito? May nakatago bang camera sa bawat sulok at hindi siya nagalaw na parang timang? Namilog ang mata ko ng makitang may camera nga sa sulok ng kisame. Napatakip pa ako ng bibig bago lingunin muli si butler ryan. "Saan nakakonekta ang camera na 'yon?" pabulong lamang iyon. Ayokong lakasan ang tinig ko dahil baka naririnig ang usapan namin. "I can't answer your question, seniorita. Just eat your food and drink your medicine." "Tsk. Bakit hindi mo na lang sabihin, naka-connect ba 'yon kay stevan?" pabulong lang muli. Hindi niya man lang din ako nilingon at kinibo. Nakaka-inis. Pero tiyak akong nakakonekta 'yan sa kwarto ni seniorito. Tsk, nag-sspy siya? Akala ba nito tatakasan ko ito? Umirap ako. Gaya ng sabi ni butler ryan ay kumain ako na may halong pag-irap sa kanya. Mabuti pa si tita mel ay sinasagot lahat ng tanong ko. Wala pala talagang silbi ang butler na'to. "Where are you going seniorita?" sinamaan ko siya ng tingin dahil sa pagharang nito sa pagtayo ko. "Lalabas lang ako, wala ka naman kwentang kausap." "What do you need, seniorita? I get it for you." "Ang kailangan ko ay umalis ka diyan at ng makadaan ako!" "Your not allowed to go outside, that's the order for me." Napangiwi ako. Eto na naman ang 'that's the order for me' nakakainis, siguradong si seniorito na naman ang may pakana nito. "Ilalabas ko lang ang pinagkainan ko. Maghuhugas din ako at gusto kong makalanghap ng sariwang hangin." "Okay, seniorita. Where's your plate, I clean it." kinuha niya ang tray na naglalaman ng pinagkainan ko. Matapos iyon ay itinuro nito ang banyo sa akin. "The comfort room is here, you can wash your hands inside. I'll fix the aircon to the highest for your air." Napamaang ako. Matapos niyang sabihin iyon ay umalis na siya sa aking harapan. Lumakad na ito palabas na siyang kinakurap ko sa pintuan. "Bakit ba bawal akong lumabas?" Natawa ako. Pumasok ako ng banyo at doon naghugas ng kamay. Wala pa si butler ryan ng makalabas ako ng banyo. Tinangka kong buksan ang pinto ngunit hindi ko mapihit paikot ang doorknob. At talaga kinulong nila ako dito? Napahilamos ako. Hindi ako papayag na ikulong ako ng lalakeng iyon dito! Wala na nga si don agaton e, bakit kailangan manatili pa ako dito? Mabubulok ako dito, ayoko sa lugar na'to. Pumayag na nga ako sa gusto niyang maging ako si dahlia pero tatratuhin pa ako nitong bilanggo! Aba't hindi pwede sakin 'yon! Binuksan ko ang pinto ng malaking veranda. Ang lakas ng hangin at napaka-sarap sa pakiramdam. Gusto kong tumungo doon sa garden nila, maganda kasi ang view doon dahil sa magagandang halaman nila. Yumuko sa ilalim, Hindi naman gaanong kataasan at tiyak kong makaka-baba naman ako dito ng hindi ako mababalian ng buto. Muli akong pumasok sa aking silid. Tiningnan ko pa ang camera sa gilid at tiyak akong nanonood doon si seniorito. Hinubaran ko ang unan upang kalasin ang punda nito. Kumuha ako ng upuan at mabilis na hinagis ang punda sa camera upang matabunan iyon. Napangisi ako ng matakpan iyon. Natatawa pa ako bago hagilapin ang mahabang kumot upang itali iyon sa veranda. Nagawa kong ibuhol iyon upang gamiting daan sa pagbaba ko. Itinaas ko ang paa upang magpadulas sa kumot na hinulog ko pababa sa ilalim. Ngunit nasa gitna pa lang ako ng kumot ng dumuwang si butler ryan sa akin. "Seniorita!" sumigaw siya at pilit hinihila pataas ang kumot. "Bumalik ka dito seniorita, mapapagalitan ako!" "Lalabas lang ako at magpapahangin, mabilis lang!" "Mapapahamak kayo sa ginagawa nyo! Baka mahulog kayo, matatanggalan ako ng trabaho!" "Hindi ako mahuhulog." nakalukot ang mukha ni butler ryan sa akin dahil sa sinabi ko. Hindi na rin naman ako makakaakyat pabalik kaya't pinagpatuloy ko na lang ang pagbaba. Ngunit hindi pa ako tuluyang nakababa ng biglaang madulas ang pagkakahawak ko sa kumot. Napamura pa si butler ryan ng mabitawan ko ang hawak ko. Hinanda ko na ang sariling lumagapak ang likod sa matigas na sahig. Ngunit hindi matigas ang binagsakan ko kundi malambot na katawan ng isang tao. "Sh*t!" narinig ko ang tinig ni seniorito stuart. Nakahiga ito dahil sa pagkakasalo niya sa akin, matindi ang pag-aalala ko dahil baka nasaktan siya. "A-ayos ka lang ba, seniorito stuart?" nakapikit siya. Dinadama nito ang pagkauntog ng ulo dahil sa biglaang pagkakahiga. "P-pasensya na, seniorito. H-hindi ko sinasadya!" Nagmulat siya ng tingin. Marahan ang pagbukas ng mata nito bago siya matawa sa akin. Nabura ang pag-aalala ko, isinara ko ang nakabukas na labi dahil ngayong nakangisi na siya sa akin. "Dati ka bang akyat bahay?" Hindi nabubura ang ngisi nito. Hindi ko alam kung bakit ngunit bigla kong napuna ang pwesto namin ngayon. Nasa ibabaw ako ni seniorito stuart. Nakapatong ako sa kanya habang siya ay nakahiga. Napalunok pa ako habang nanlalaki ang matang nakatingin rito. "DAHLIA!" isang galit na galit na tinig ang nagpalingon sa ulo ko. Gusto ko na lang tumakbo upang umakyat muli pataas patungo sa kwarto ko dahil sa sama na ng tingin sa akin ng lalakeng iyon. "Get up on his d*mn top!" Tumayo ako. Nagmamadali kong inayos ang aking bistida bago dumistansya kay seniorito stuart. Sa kanyang kuya na ngayo'y maayos ng tumayo na parang wala man lang nangyari. Napalunok pa ako dahil ngayon ko lang napansin na walang suot pang-itaas si seniorito stuart. Ang tikas pala ng katawan niya. May abs din pala tulad ng kanyang kapatid. Malapad din ang dibdib nito at malaking braso. Nanuyot yata ang lalamunan ko bago may biglaang humila sa kamay ko upang ilayo sa gwapong si seniorito stuart. "What are you doing here!" napanguso ako sa sigaw ni seniorito stevan. Galit yan dahil bumabakat na ang ugat sa ulo, nanlilisik pa ang mata sa akin na parang ang laki ng kasalanan ko. "Stop shouting on her, stevan!" hindi pa ako nakakabawi sa paghila ni seniorito stevan ng higitin ni stuart ang isa kong kamay. Tumama ang mukha ko sa dibdib niya. Napakurap pa ako habang nakalapat na doon ang isa kong palad. Matigas nga, siguro nag-gigym si seniorito stuart. "Don't fvcking touch her, assh*le!" hinila akong muli ni seniorito stevan. Ngunit hindi bumitaw si stuart dahilan upang magsamaan sila ng tingin. "Why are you using her. She's innocent stevan!" "Wag mo akong pakialaman sa ginagawa ko, bitawan mo siya!" "No. You need to stop this, Kung gagamitin mo lang si daphia bilang dahlia pakawalan mo na lang siya!" "Who told you that im using her as dahlia?" napalingon ako kay seniorito stevan. "I like her, Not as dahlia. Im not using her because she looks like my ex girlfriend, gusto ko siya at iyon din ang nararamdaman niya sakin!" Hindi ko alam kung bakit sinabi iyon ni seniorito stevan. Wala akong sinabing gusto ko siya, kahit pa na nag-iiba ang takbo ng puso ko sa tuwing nakikita ko siya ay hindi ko kinukumpirma iyon sa kanya. Dahil iyon sa sinabi niya na bawal akong mahulog sa kanya dahil hindi nito masusuklian ang pagmamahal ko. Binitawan ako ni seniorito stuart. Napalingon ako sa kanya. Sa akin ito nakatingin na parang kumukuha ng kumpirmasyon. Tumango na lamang ako. Nais kong sakyan ang sinabi ni seniorito stevan upang huwag na siyang makialam pa sa binabalak namin. "Gusto ko si seniorito stevan, handa akong magpagamit para lamang sa kagustuhan nito." "Your lying." napapailing si seniorito stuart habang natatawa. "Tinatakot ka ba ng lalakeng 'yan?" "Hindi, Wala siyang ginawa upang mapasunod ako. Totoong gusto ko na si seniorito stevan simula pa ng makita ko siya sa mansyon nyo." Natahimik na lamang si seniorito stuart sa sinabi ko. Hind na ito sumagot, nakatitig lamang siya sa akin bago ako higitin palayo ni seniorito stevan sa kanya. Hila niya ang kamay ko paakyat ng hagdan. Nasalubong pa namin si butler ryan na agad din huminto upang gumilid sa dinadaanan namin. Nilagpasan lamang siya ni seniorito stevan. Maging ang kwarto ko ay nilagpasan niya habang hila pa rin ang kamay ko. "Saan mo ako d-dadalhin, s-seniorito?" "Alam mo ba ang ginagawa sa matitigas ang ulo?" napalunok ako. Namimilog ang aking mata dahil sa pagkakataranta. "S-seniorito, s-sandali lang." hindi niya ako pinakinggan. Hindi nawawala ang panlalaki ng aking mata lalo ng pumasok kami sa kanyang kwarto. "T-teka lang, s-seniorito. H-hindi na ako l-lalabas ng k-kwarto!" Pabagsak niyang isinara ang pinto bago ako nito isandal sa pader. Hindi pa ako nakakapagsalita ng bigla niya akong halikan. Itinulak ko ang kanyang dibdib upang pigilan siya, ngunit kinuha lamang niya ang aking kamay upang idikit iyon sa pader na sinasandalan ko. "S-seniorito." pwersahan niya akong hinahalikan habang mariing nakasara ang aking labi. Ngunit gumawa siya ng paraan upang maipasok ang kanyang dila. Hindi ako makapalag dahil sa higpit ng hawak niya sakin. Ngunit hindi ako tumugon kahit pa na kinagat niya ang aking labi. Nalasan ko ang dugo na nagmumula doon. Nagulat ako dahil sa ginawa niya bago ito magsalita. "Why dont you kiss me back!" napalunok ako. Ayoko siyang halikan dahil kinukuha niya ako sa pwersahan. Ayoko nitong ginagawa niya. Kahit pa na gwapo siya ay hindi ko papatulan ang halik nito! Nagalit siya sa hindi ko pagtugon. Hinawakan niya ang bewang ko at biglaang binuhat bago siya lumakad patungong kama. Pahiga niya akong inihagis doon. Nakuha kong umatras habang pasampa siya sa kama. "S-seniorito n-naman, m-masyado kang n-nagagalit." "Masyado kang pasaway, ginagalit mo ako." Napalunok ako. Napaatras ako ng todo sa kama hangga sa maramdaman ko ang matigas na bagay sa likuran ko. "Whol told you to go outside?" nanlaki ang aking mata dahil kinakalas na niya ang kanyang sinturon, napalunok ulit ako. "G-gusto ko lang naman m-magpahangin, 'yun lang." "I dont want you to go outside because that bast*rd is still here, ayokong nagkikita kayo." inihagis niya ang sinturon sa gilid. Nakaluhod na siya sa kama bago nito i-angat pataas ang suot niyang t-shirt. Nanuyot ang lalamunan ko habang hinahagod ang hubad niyang katawan. Alam kong maganda talaga ang katawan ni seniorito stevan, pero hindi pa ako ready dito. Ayoko ng makita 'yung ano niya. Nag-iwas ako ng tingin. Hindi na ako makagalaw dahil sa presensya niyang walang pang-itaas na damit. "Why you cant look at me?" ramdam ko ang paglapit niya. Natataranta ako kaya't itinaas ko ang paa upang pigilan siyang makalapit sa akin. Lumapat ang paa ko sa balikat niya. Natigilan siya habang may mariin ng titig sa akin. "Sa katawan ng lalakeng iyon nakakatingin ka, why don't you drool my body too?" Napalunok ako sa ilang beses ng pangyayari. Tinutukoy niya ba ang katawan ni stuart? Anong nais niyang iparating? Nagseselos siya dahil natatagalan ko ang titig sa katawan ng kuya niya? "I told you not to disobey me. Why your so hard headed?" hinawakan niya ang paa kong nasa balikat niya. Dinampian niya iyon ng halik na nagbigay kuryente paakyat sa buong katawan ko. "H-hindi na ako l-lalabas. H-hindi na kita susuwayin." binawi ko ang paa upang ibaba iyon. Ngunit nagkamali lamang ako dahil tuluyan siyang napalapit sa akin. "Totoo bang gusto mo ako noon pa man?" Tumabingi ang ulo ko dahil sa tanong niya. Nagtatanong na tingin ang ipinukol ko na naging senyales kung bakit nagulo ang kilay niya. "You already told that guy, sinabi mong gusto mo ako!" "P-pero s-sinakyan lamang kita p-para bitawan niya ako." mariin ang titig niya ngayon sakin. Ang panga nitong perpekto ay gumalaw hudyat na hindi nito nagustuhan ang sinabi ko. "P-pero mas gusto naman k-kita kesa kay seniorito stuart. M-mas maganda ang katawan mo. K-kaya't please lang, h-huwag ka ng magalit sakin." "Its that true?" mabilis akong tumango. Itinaas ko ang aking palad. "Oo, peksman. Mamatay ka man, ay ako pala." nagsalubong ang kilay niya. "Huwag mo na akong halikan bigla, seniorito. Wala naman sa rules natin 'yon." "That's my number one rules, cordaphia." naibaba ko ang kamay dahil sa sinabi niya. "First rules is you need to kiss me back." "A-ano!" "And my second rules." nangunot ang noo ko, may second rules pa? "Dont forget the first rules." Napamaang ako bago nito tuluyang isara ang pagitang meron kami. Naiwan na lamang nakamulat ang aking mata habang marahan na ang halik niya sakin. Hindi tulad kanina, may halong galit iyon, may diin at mapusok. Ngunit ngayon ay napaka-lambot. Nagawa niyang madala ang pakiramdam ko kaya't napapikit ako. Sumabay ang labi ko sa tiempo ng paghalik nito. Hinawakan niya ang aking pisngi. Marahan na haplos bago siya tuluyang humiwalay sa akin. Nang imulat ko ang aking mata ay ang mapupungay na nitong magagandang mata ang sumalubong sa akin. "Do you want to make our advance deal?" kahit na nakakalula ang kagwapuhan nito ay nakuha pa rin kumunot ng aking noo. "Deal?" "Yes. Let's make our advance child." namilog ang aking mata. "Bal*w ka ba?" Sumama ang tingin niya sakin. "H-hehehe. A-ayoko. Paano kung babae magawa natin?" "Edi uulit tayo hangga sa makalalake." Nanlaki ang mata ko. Paano kung makagawa kami ng limang babae at hindi pa kami nakaka-lalake? Hindi kaya't malumpo na lang ako? "Gusto mo?" "A-ayoko, seniorito. Kailangan muna nating makuha ang loob ni don agaton kung nais niya nga ba ng apo, atsaka. Dapat siguraduhin mong lalake ang una para hindi na tayo uulit pa." "Okay. I'll make my performance well to make a baby boy. I f*ck you everynight to make our child twins.." Naiwan na lamang akong nakanganga sa sinabi ni seniorito stevan. Tumayo siya. Tumungo na ito ng banyo at iniwan akong pakurap-kurap sa kama. Napaisip pa ako na baka kung pumayag ako ngayon ay siguradong lumilindol na ang kamang kinauupuan ko. Napatakip ako ng mukha dahil sa naisip ko. Nakakahiya! ****** to be continued....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD