Amazed
Cordaphia Pov.
Alas sais trenta ng magising ako dahil sa isang katok. Hindi ko pa sana nais bumangon ngunit nakakailang katok iyon dahilan upang mapabusangot ako habang kinakamot ng todo ang magulo kong buhok.
"Seniorita, dahlia." napaismid ako sa tinig ni butler ryan. Anong kailangan niya? Ang aga-aga pa at gusto ko pang matulog! Wala din naman akong gagawin kung hindi magkulong at manatili dito sa loob ng kwarto.
"Seniorito stevan is calling for you to eat your breakfast."
Bumangon ako. Padabog iyon na halos marinig niya ang mga yakap ko upang manahimik siya.
Marahas 'kong binuksan ang pinto habang may masamang tingin kay butler ryan.
"Ang aga pa. Pakisabi sa kanya gusto ko pang matulog."
Bumuntong hininga siya. Para itong isang sundalo na todo kung tumayo ng tuwid. Wala naman siya sa isang palasyo ng pangulo ngunit dinaig niya pa ang mga naninilbihan doon. Ang ayos ng pagkakasangi ng buhok niya na parang robot na taga-sunod.
"Today is the engagement party. We're going back on don's agaton mansion."
Napamaang ako habang kumukurap ng ilang beses. Ngayon na?
"Akala ko ba sa susunod na buwan muna?"
"I can't explain it on you, seniorita. Just ask seniorito stevan to confirm that i'm not lying."
Napangiwi ako. "Hindi ko naman sinasabing sinungaling ka, ngunit nakakagulat naman. Ang sabi ni stevan ay sa susunod na buwan muna."
"Just ask seniorito."
"Ano pa ba? Sige na, pakisabi sa kanya na maliligo muna ako." isinara ko na ang pinto. Lumakad na ako palapit sa closet upang maghanap ng magandang maisusuot. Iyon naman na ang itinuro sa akin ni tita mel. Ang gumayak ng maganda at ayusan ng todo ang aking sarili, ganun kasi si dahlia. Ang dalagang ginagaya ko upang maging fiancee ni seniorito stevan.
Ilang minuto lamang ang naging pag-aayos ko. Hindi na ako todo gumayak dahil kakain pa ako kasabay si seniorito, alam 'kong magugulo lamang ang aking ayos dahil kanina pa ako nagugutom.
Bumaba ako ng hagdan. Napakalinis talaga ng buong paligid dahil alaga ito sa paglilinis. Siguradong nasa likuran na ng mansyon ang ilang kasambay at nagtatrabaho.
Himala lang na hindi ko nakikita si seniorito stuart na pakalat-kalat dito sa sala.
Dumiretso ako sa dining room habang may banayad na paglalakad. Naabutan ko na doon si butler ryan na kausap si seniorito stevan.
May dalawang maid doon na nakaantabay sa mga hihilinging utos ng seniorito.
Naupo ako sa tabi ni stevan. Doon ako nito nilingon at hindi na muling kinausap si butler ryan.
"My father call me earlier. He ask me to rash our engagement party."
"Anong meron at napa-aga?" seryoso ang tingin sa akin ni stevan. Kalaunan ay bumuntong hininga siya bago sumagot.
"It's about bussiness matter. Mas gugustuhin ko ito, Maaga 'kong makukuha ang aking mana."
Naisara ko ang bibig bago mag-iwas ng tingin.
"After our engagement party, we need to fixed our wedding day. I want you to prefer yourself about this, just put on your mind that everything will do is just a show."
Tumango ako. Iyon naman talaga ang itatatak ko sa isip, hindi ko na kailangan mag-isip pa ng ibang dahilan dahil matapos ng lahat nito ay muli ng babalik sa normal ang buhay ko.
Hindi ko na kinibo pa si stevan. Gusto ko rin naman siyang matulungan malutas ang kaso ng kanyang ina. Nais kong makumpirmang totoo ang kutob 'kong si dahlia ang siyang pumatay kay senyora amelia. Alam ko'ng walang kinalaman dito si seniorito stuart, ngunit alam kong may nalalaman dito si don agaton.
Matapos ng aming pagsasalo ay agaran na kaming kumilos upang magbiyahe patungo sa mansyong iyon.
Nasa harapan si butler ryan at siya mismo ang nagmamaneho. May kasama kaming isang bodyguard habang nasa likuran kaming dalawa ni seniorito stevan.
Tahimik lamang ito na tila may malalim na iniisip. Binabalingan ko pa siya minsan dahil hindi ako mapakali kung anong pumapasok sa kanyang isip.
"Ayos ka lang ba, seniorito?" nilingon niya ako. Mapapasandal ka na lang ng wala sa oras dahil sa titig niya. Nasanay naman na akong malamig ang kanyang tingin, ang kanyang pagtrato ngunit hindi ko maiwasang masindak.
"I'm okay." napakatipid ng sagot. Gusto ko pa sanang itanong kung anong iniisip niya ngunit tumingin na ito sa bintana.
Napanguso ako. Bumaling ang paningin ko sa bintana at hindi na nag-usisa pa.
Buong biyahe ang naging pananahimik ko sa tabi niya. Napanis na yata ang laway ko dahil may kasama akong limitadong magsalita.
Pinagbuksan ako ni butler ryan ng pinto matapos namin marating ang mansyon. Nauna akong bumaba hanang hinihintay si seniorito.
Maraming bodyguard na nagkalat sa labas. May mahabang kotse sa tapat ng bahay. May mga kotse din na nakahilera sa gilid na tila nasa isang magarbong lugar ka.
"Let's go." hinintay ako ni seniorito stevan na makalapit sa kanya. Hindi pa man ako nakakalakad ng hapitin nito ang bewang ko bago lumapit sa'kin. "My father is waiting for us. I want to remind you about your acting, just focus on your work." tumango ako. Alam ko namang na naroon si don agaton sa loob. Hindi ko lang alam kung bakit kailangan niya pang ngayon sabihin kung pwede naman kanina sa loob ng kotse.
May saltik din ang lalakeng ito.
"Hindi muna ako kailangan sabihan pa, alam ko na 'yon seniorito." titig ang siyang pinukol niya sakin. Humiwalay na ako dahil baka bigla na lang manuklaw.
"I'm just reminding you."
"Okay na. Gets ko." nag thumbs ako, nginitian ko pa siya ngunit wala epekto. May saltik nga, napangiwi ako bago burahin ang ngiti sa aking labi. Nagagalit agad.
Iginaya na niya ako papasok sa loob. Hinawakan niya ang kamay ko habang nilalagpasan namin ang ilang lalakeng naka-unipormeng itim gaya ni butler ryan.
Tinungo namin ang living room. May mga bisitang naroon na hindi pamilyar sa akin, naroon si don agaton na agad tumama ang mata sa akin.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Ngumiti na lamang ako.
"She's here." itinuro ako ni don agaton. Lumingon sa akin ang dalawang babae na hindi gaanong katandaan. Nasa 40's siguro ang edad ngunit maayos ang kanilang pananamit. "Did you still remember dahlia Gostavo?" muli ay nagsalita si don agaton. Tumango ang dalawang babae.
"Oo naman. Siya iyong sinukatan namin noon." hindi ko ito napaghandaan. Kung ganon, silang dalawa ang nagsukat kay dahlia noong unang engagement nila ni seniorito stevan?
Naupo si stevan sa mahabang sofa. Sumunod ako rito habang pinakikiramdaman ang mga kasama ko. Tinanguan lamang ni stevan ang kanyang ama na para bang barkada lang, samantalang ako ay ngumiti bago siya batiin ng magandang umaga.
"Kilala mo pa rin sila hindi ba? This is the two designer of your tita amelia."
Napalunok ako. Hindi ko alam kung anong isasagot kaya't tumango na lamang muli ako.
Walang imik si stevan sa aking tabi. Iyon rin ang oras na kumilos ang dalawa upang ipakita ang hawak nilang magazine sa akin.
"Ito ang pinili mo noong huling sinukatan ka namin. Ito rin ba ang susuotin mo ngayon?" nakatitig ako sa mahabang damit na kulay pula. Bakit pula? Ito ba talaga ang nagustuhan ni dahlia noon?
Hindi halatang mahilig siya sa mga lantad na damit. Hindi ko alam kung may maitatago pa ba akong kaluluwa rito.
"Yes. I will still choose that dress." iniba ko ang pagsasalita ko. Tumango silang dalawa bago ngumiti.
"Halika sa kwarto. Susuriin lang namin uli ang sukat mo kung may pinagbago ba." tumango ako. Hinayaan ako ni stevan na tumayo habang may itinatanong ang matandang villegas sa kanya. Dumating din si stuart na agad sa akin tumingin.
Hindi ko siya binati bagkus ay nilagpasan ko lamang siya dahil alam kong gagawa lang ng eksena si stevan.
Umakyat kami ng hagdan at tinungo ang kwarto ko. Pumasok ako roon habang nakasunod ang dalawa sa akin. Inihanda nila ang kanilang gamit habang nakaupo ako sa kama.
Nakangiti sila sa akin ng lumapit ang mga ito. Tumayo ako at hinintay sila, ngunit nagulat lamang ako ng bigla nila akong yakapin.
"Namiss kita dahlia, saan ka ba nagpunta?" napakurap ako sa ginawa nila. Wala akong masabi at ni hindi ako makatugon sa kanilang yakap.
Humiwalay silang dalawa na tila nasisiyahan ngayong makita ako.
"Grabe, wala pa rin pinagbago ang mukha mo. Pero mas tumaba ka ngayon, nag-iba na sigurado ang sukat mo." pilit akong ngumiti at siniguradong hindi iyon magiging peke.
"Namiss ko rin kayo." siniko ako ng isa. Hindi ako ready kaya nagulat ako habang nakatingin sa kanya.
"Ikaw naman, bakit hindi mo pinansin si sir stuart kanina?"
Namimilit pa rin ang aking ngiti. Kaibigan ba sila ni dahlia? O baka, close lang sila?
"Sigurado ka na bang magpapakasal ka talaga kay stevan? Hindi ba't si sir stuart naman ang gusto mo noong naninilbihan ka pa rito?"
Malakas ang kutob ko na may nalalaman silang dalawa. Kaya't tumango ako.
"Alam niyo naman ang pakay ko kay stevan."
Ngumuso ang isa. "Oo naman. Nasabi mo noon sa akin na si stevan ang gustong magmana ni senyora amelia sa lahat. Natural mapupunta ang lahat ng pera sa kanya, ang buong ari-arian ng mga villegas."
Sumang-ayon ang isang babae sa sinabi nitong kasama niya. "Hindi kasi interesado si sir stuart sa negosyo. Alam mo naman, iba ang gusto niya. Hindi ang pagnenegosyo."
"Huwag na natin pag-usapan ito. Baka may makarinig sa atin." iyon ang siyang isiningit ko bago sila tumango.
"Madalas naman natin pag-usapan ito noon. Pero sigurado ka na talaga?" tumango ako. Nanatiling walang imik.
"Peperahan lamang niya si stevan. Alam mo kasi ang lalakeng iyon, masama ang ugali. Hindi tulad ni stuart na nagiging mabait sa lahat. Dapat lang na kunin ni dahlia ang pera dahil anak naman siya ni don agaton."
Natahimik ako sa sinabi nitong katabi ko. Hindi ako makapaniwalang sasabihin ni dahlia ang sikreto niya sa dalawang ito. Kung ganon, ang dalawang taong ito ay maraming nalalaman kay dahlia gostavo?
"Wala na akong masyadong maalala simula ng mawala ako rito. Nagiging malabo ang ilang memorya ko kaya't matagal bago ako nakabalik rito." iyon ang sinabi ko na naging sanhi ng pagtango nila.
"Siguradong hindi ka lang nag-aral. Nagtago ka hindi ba?"
Nakatitig ako sa kanila. Hindi ko sila kilala dahil ngayon ko lang nalaman na may kasundong iba si dahlia. Hindi ko rin alam ang kanilang pangalan kaya't medyo nahihirapan ako.
Tumango ako. "Natakot kasi ako."
"Si sir stuart ang itinurong suspek at si don agaton. Grabe ang pagkamatay ni senyora amelia, paano mo iyon ginawa?"
Napatitig ako sa babaeng nagtanong sa akin. Alam nila? May nalalaman sila sa katotohanan.
"Saan ka ba talaga nagpunta dahlia? Noong huling pagkikita natin, ay noong pumunta ka sa bahay na may mga dugo sa kamay. Ano talagang nangyari?"
Naging tensyonado ako sa kanilang tanong. Hindi ko iyon alam dahil hindi naman talaga ako si dahlia. Nanginginig ang buong kalamnan ko dahil nagagalit ako sa babaeng pumatay kay senyora amelia.
"Ang sabi mo, sasakay ka ng barko at magpapakalayo. Paano ka nakabalik?"
"Huwag niyo na akong tanungin pa." naisara nila ang bibig dahil sa sinabi ko. Nag-iwas pa sila ng tingin dahil hindi na ako sumagot pa sa katanungan nila.
Ngayong nalaman ko ang totoo, ay ebidensya na lamang ang kailangan ko upang matukoy na si dahlia talaga ang siyang may sala.
Kailangan kong makausap si stuart kung wala ba siyang nalalaman. Kung naroon siya ng makitang patay si senyora amelia ay tiyak na nakita nitong ang pagtakas ni dahlia.
KATAHIMIKAN ang naging ganap sa pagitan naming tatlo. Hindi na kailanman nag-usisa ang dalawa tungkol sa nag-usapan namin kanina. Hindi rin ako nagbibigay imik dahil hindi ko nagustuhan ang nalaman ko, pinatay lamang ba niya si senyora amelia dahil nalaman niyang anak siya ni don agaton?
O baka may ibang dahilan?
"Wala ka na bang idadagdag sa'yong damit?" Umiling ako kay jicel. Handa na akong lumabas ng kwarto dahil tapos na rin nila akong sinukatan. Dalawang gown lamang ang siyang nais na ipagawa ko, nagtataka sila ngunit hindi na ako nag-aksaya pa ng oras kausapin sila.
Nagsend ng mensahe sa akin si seniorito stevan na agad ko namang nabasa. Pinaalam nito sa akin ang pangalan ng dalawa, mabuti na lamang at naisipan niyang sabihin sa akin iyon upang kahit papaano ay makilala ko ang kanilang pangalan.
Lumabas ako ng silid, walang imik habang nililibot ang aking tingin upang hanapin si seniorito stuart. Ngunit hindi ko ito nakita maging sa ibaba ng mansyon. Maraming abala rito ngunit nagagawa nila akong batiin.
Natigilan lamang ako ng makita ko si aling mercy na abalang nagliligpit ng mga kalat. Nilapitan ko siya dahilan upang matigilan ito, nag-angat siya ng tingin sa akin bago yumuko upang batiin ako.
"Aling mercy, ako lang 'to. Si daphia." mabilis siyang nag-angat ng tingin. Hindi rin itong mapakali habang inililibot ang tingin sa paligid. Kalaunan ay hinawakan niya ang aking kamay at hinili matapos nitong makitang walang tao.
Idinala niya ako sa gilid malapit sa kusina. Hindi ko alam kung anong meron at bigla siyang nagkakaganito.
"Hindi mo ako dapat kinakausap ng may nakakakita, daphia." nagtaka ako sa sinabi niya.
"Bakit naman po? Ako lang ito."
Bumuntong hininga siya. "Hindi kami magkasundo ni dahlia noon, alam iyon ni don agaton."
Nagtaka ako sa sinabi ni aling mercy. "Akala ko po maayos kayo ni dahlia?"
"Maayos ang pakikitungo ko kay dahlia ngunit hindi niya nagugustuhan ang pangingialam ko sa relasyon niya kay seniorito stevan, simula noon lumayo na ang loob niya sa'kin."
"Kung ganon, iiwasan ko kayo?"
Tumango siya. "Nag-iba ang ugali ni dahlia simula ng maging sila ni stevan. Bigla itong nag-ibang tao at lumaki na lalo ang ulo." naisara ko ang labi habang nakatitig sa matanda. Luminga siyang muli sa paligid bago hawakan ang kamay ko. "Mag-iingat ka lamang sa ginagawa mo. Huwag mong hayaang mapahamak ka."
Hindi na ako nakasagot kay aling mercy dahil sa biglaan na niyang pagtalikod sa akin. Iniwan niya ako sa sulok habang iniisip ang sinabi niya.
Siguro nga ay totoong masama na ang pagkatao ni dahlia noon pa man.
"What are you doing here?" madali akong napalingon kay stevan ng sumulpot ito sa gilid ko. Hindi ako nagsalita kundi umiling lamang ako. "How was your gown?"
"Maayos na, hihintayin ko na lamang ang mga mag-aayos sa akin mamaya." tumango ito. Nanatili ang tingin niya sa akin na para bang sinusuri ako.
Inilihis ko ang aking mukha upang itago ang aking emosyon. Pakiramdam ko ay naaawa ako kay seniorito stevan. Hindi siya totoong minahal ni dahlia, gagamitin lamang siya ni dahlia upang kunin ang kanyang pera. Ang totoong mahal ni dahlia ay si seniorito stuart.
"I don't know what happen to you. Why don't you share what's on your mind?"
Tumingin ako kay stevan bago ngumiti ng pilit. Ayoko na munang pag-usapan namin ito sa araw ng aming pekeng engagement party. Ayoko siyang tanungin muna dahil hindi ko nais pabigatin ang kanyang loob.
"Kinakabahan lamang ako."
Bumuntong hininga ito bago tumingin sa gilid. "Just stay on your room first while they're busy preparing our party. I will call the make up artist later." tumango ako. Hindi na ako nagtagal pa sa harapan ni stevan dahil nag-iiba ang emosyon ko.
Hindi naman na ako iyakin noon. Ngunit nararamdaman ko ang pakiramdam niya kung paano mawalan ng ina. Kahit bata pa ako ng mamatay si mama ay hindi ko makakalimutan kung gaano kasakit iyon, lumubog lamang ang sinasakyan nilang barko at hindi na namin sila muling nakita pa.
Dumiretso ako sa kwarto at agarang ni-lock ang pinto. Umupo ako sa kama habang iniisip kung paano ako makakakuha ng sapat na ebidensya upang mapatunayan ko'ng si dahlia nga ang pumatay kay senyora amelia.
Maraming pumapasok sa isip ko buong araw. Hinatiran lamang nila ako ng pagkain sa kwarto dahil wala din naman si don agaton. Naghahanda din ito ngayong gabi dahil nasabi sa akin ni stevan na maraming dadalong negosyanteng kakilala ni don agaton.
Hinaluan na yata ng negosyo ang engagement party namin. Kinakabahan ako na hindi ko maipaliwanag. Iniisip ko kung parehas ba kami ni stevan ng nararamdaman, ngunit bakit ko ba iyon inaalala. Alam ko naman sa una na palabas lang ito, umaasa na naman ako sa wala.
Alas sais ng gabi dumating ang mag-aayos sa akin. Tatlong babae sila. Mga bagong utusan ng mga villegas ngunit mukhang professional. Inutusan nila akong maghubad at palitan ang aking suot ng isang tube at maliit na shorts.
Naguguluhan ako ngunit sinunod ko sila. Pinasok nila ako sa banyo habang nilalagyan nila ng tubig ang tub. May inilagay silang mabulang bagay doon na humahalimuyak ang mabangong amoy.
Sumulong ako ng sabihin nilang papaliguan nila ako. Tumanggi ako dahil marunong naman na akong maligong mag-isa. Ngunit daig pa nila ang boss kung suwayin ako, inutos daw ito ni seniorito stevan. Kaya't nang sabihin nila iyon ay wala akong pagpipilian kundi maupo sa tub na halos bula na ang nakikita ko.
Matapos iyon ay isinuot nila ang roba sa akin. Inaalalayan nila akong maupo sa salamin habang ang isang ay naghahanap ng tuwalya upang may maipampunas sa aking buhok.
Naupo sa ibaba ang isang babae at agad kinuha ang paa ko. Namimilog pa ang aking mata ng gadgaran niya iyon ng kung ano. Hindi ako nagreklamo dahil nasabi na nilang "Utos ito ni seniorito stevan" napangiwi ako, ganon na ba ako kadungis? Tatlong beses naman akong naliligo sa isang araw, pinapahid ko rin ang aking katawan upang todo kung kuminis.
Nakakainis ang lalakeng iyon.
Dalawang oras ang ginawa nilang kaneknekan sa akin. Nilagyan nila ng kulay ang aking mga kuko. Pinahiran nila ng lotion ang aking buong katawan bago ko isuot ang gown na kulay pula.
Tumulong na ang dalawang designer sa pag-gagayak sa akin.
Nakapagtataka lang na may ganitong sukat na silang nakahanda. Ngunit hindi ko na iyon inusisa pa. Naaamoy ko kasi ang sarili dahil ang bango ko. Idagdag mo na gustong-gusto ko ang buhok ko ngayon dahil nagbobounce ito sa sobrang lambot.
Kulot iyon sa dulo habang kumikintab dahil sa bagay na ginawa nila. Napakagaling dahil bahagyang nag-iba ang itsura ko dahil sa make-up na ginawa nila.
"Mag-uumpisa na po ang party before ten minutes." tumango ako sa isang babaeng pumasok sa kwarto. Naririnig ko ang maingay na musikang nagmumula sa labas. Malaki naman kasi ang mansyong ito, may maalwalas na espasyo at hindi na nila kailangan tumungo sa mga hotels upang gumastos ng malaki.
Ngunit noong unang engagement party nila ay ginanap iyon sa malaking hotel. Nasabi iyon ni tita mel dahil kaarawan din ni senyora amelia iyon, ang kaso lang. Sabay sila ni dahlia na hindi nakasipot dahil nga sa insidenteng naganap. Hindi kaya nagdududa sa seniorito stevan kung bakit bigla na lang nawala si dahlia noong gabing namatay ang kanyang ina.
TINULUNGAN akong bumaba ng mga kasama kong babae. May mahabang gloves akong suot na kulay pula. Mataas ang heels ko na nagbibigay tangkad sa akin, nagpapasalamat ako kay tita mel dahil tinuruan niya akong magsuot ng matataas na heels.
Ang kaso lang, itong gown na suot ko. Kulay pula siya na humahapit sa katawan ko. Mahaba ito at may style na lumilitaw ang dalawa kong balikat. Idagdag mo na ang aking dibdib na hindi ko alam kung paano ihaharang ang buhok ko.
Nakakahiya ngunit tinuruan ako ni tita mel na maging malakas ang loob ko. Ang sabi nito sa akin ay isipin 'kong ako talaga si dahlia, sa oras na gawin ko iyon ay magiging maayos ang kilos ko.
"GoodEvening ladies and Gentlemen. Thankyou for coming on this wonderful night of the two loving couple." marami ng bisita ngunit hindi ako tuluyang nagpakita sa mga tao. Naghihintay akong tawagin ang pangalan ko dahil simula ng mawala si dahlia ay ngayong gabi mismo pa lang nila muli itong masisilayan.
"I want to call Mr Agaton Villegas here for his speech about this engagement." hindi ko nakikita kung anong nangyayari doon. Bukod tanging palakpakan lamang ang nagaganap bago ko marinig ang tinig ni don agaton.
"Thank you very much for allowing me to be with you tonight at my youngest son stevan's engagement." iyon ang paunang anas ni don agaton habang diretso ang aking tingin sa harapan. Nasa madilim na bahagi ako kung saan walang gaanong nakakakita sa akin.
..."I know this scene just happened again. You also reported that dahlia gostavo disappeared. My son's bride, But now that we have found her, they will resume their wedding" maraming bulong-bulungan na nangyari matapos sabihin iyon ni don agaton. Siguro nga masyadong sikat ang kanilang pamilya kaya't kailangan ng maraming reporter at camera na nagkalat dito.
"After this engagement party I will pass the company to my youngest son stevan. I want them to have a son so that the generation of the Villegas family can continue." napalunok ako sa sinabing iyon ni don agaton. Kung ganon, nais niya talaga ng lalakeng apo? Seryoso talaga? Hindi ba pwedeng joke?
"I want to call my son stevan to come up here." hindi humuhupa ang kaba ko lalo na ng tinawag na nila si stevan. Alam ko'ng ako na ang susunod na maglalakad patungo doon.
"GoodEvening." tinig iyon ni stevan na binigyang palakpakan ng buong manonood. Iyon lang ba ang sasabihin niya? "Thankyou for coming on my special night. I also want to thank dad for this effort he did." napanguso ako. Napaka-plastik naman ni seniorito pag kaharap ang kanyang ama. Pero pag nakatalikod tinatawag na niya itong matandang lalake.
Iyon lang ang narinig ko matapos ng palakpakan. Kung ganon, nasaan na sila matapos nilang magsalita?
"Thankyou Mr Agaton Villegas and Stevan Kurt Villegas." muli ay palakpakan ang naririnig. Ngunit pumapalakpak na rin ang puso ko sa kaba dahil sigurong ako na ang susunod. "I want to re-introduce here the girl that stevan loves. You must have met her before in their previous events. But again I will call her at the first opportunity of her return. Let's welcome back Dahlia Gostavo."
Hindi pa man humuhupa ang kaba ko na biglaang umilaw kung saan mismo ako nakatayo. Itinutok sa aking ang dalawang spot light dahilan upang makita na ako ng buong tao.
Isang malakas na palakpakan ang nangyari na nagbibigay lalo ng kaba sa akin. Ngunit ang mata ng isang lalakeng nakatitig sa akin ang biglang nagpalakas ng loob ko.
Napaka-gwapo niya sa suot na tuxedo habang manghang nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit bahagyang nakabukas ang bibig nito habang walang mintis ang mata niyang nakatuon sa aking kinatatayuan.
Anong nangyayari kay seniorito stevan?
*********
to be continued.
Sorry now lang nakapag-update. ❤️
Dami kasing on-going na story pero keri lang yan. Bibigyan ko kayo ng spg soon dahil naakit ang cobra.?❤️