Third Person Pov. (Flashback) Padaong na ang sinasakyang bangka ni mang esting sa buhangin, maalon ang karagatan maging ang langit ay nakikisama sa sama ng panahon. Malakas ang hangin habang sinasabayan ng maliliwanag na kidlat sa ibabaw. Nagmamadali ang matanda na itali ang kanyang bangka dahil sa paparating na bagyo. Ang tubig ay umaabot na sa buhangin sa sobrang lakas ng alon, hindi na siya nakapaglaot dahil na rin nalaman niyang may bagyo ng paparating. Sa sobrang pagmamadali nito ay natamaan niya ang dalang paritan, nahulog iyon sa buhangin kaya't namatay ang ginagamit niyang ilaw. Napakamot siya sa kanyang ulo at minadali na ang kanyang ginagawa, hindi na nito pinansin kung wala man siyang magagamit na ilaw sa pag-uwi, ang importante. Nasa maayos na lagay ang kanyang bangka. Nagm

