(Who is the real cordaphia?)
Third Person Pov.
SALUBONG ang kilay ni stevan habang nakaupo ito sa swivel chair. Nasa loob ito ng kanyang opisina habang may mga binabasang pangalan, tungkol iyon sa mga record ng pasyente sa ilang ospital na pinaimbestigahan niya. Lahat ng clinika, ospital o ano mang pribadong pagamutan ay kanyang iniisa-isang tinitingnan.
Matagal na simula ng mag-umpisang maghanap si stevan kay cordaphia. Umabot ng ilang buwan ang kanyang paghahanap ngunit wala ni maski itong napala sa paghahanap nito sa dalaga.
Maging ang mga tauhan na kanyang inutusan ay madalas na natatanggal sa trabaho, kumuha na siya ng mga private investigator upang matulungan siya ngunit wala pa rin.
Mainit ang kanyang ulo matapos nitong isara ang hawak na folder, pabagsak na inilapag nito sa mesa dahil wala doon ang pangalan ni cordaphia. May inutusan siyang panibagong tauhan ngayon ngunit muli lamang niyang kinabigo iyon.
Simula ng umalis si cordaphia, hindi tumigil si stevan upang makita lamang ang kanyang asawa. Nag-aalala na ito sa nangyari at iniisip na niya ang kanyang anak, ilang buwan na lamang ay manganganak na si cordaphia; Ngunit heto siya ay walang kaalam alam kung nasaan ang dalaga.
”Is this all you got? I didn't even see my wife's name in so many of these, did'nt you miss any places? Napuntahan mo ba lahat?” tumango ang lalakeng investigator sa tanong na iyon ni stevan. Dahil nga pribado ang record ni cordaphia sa ospital na pinupuntahan nito ay hindi talaga nila basta-basta makikita ang pangalan ng dalaga.
At kahit libutin pa nila ang manila ay wala roon si cordaphia, nasa isang tagong probinsya sila ni stuart. Sa isang malaking hacienda na hindi maiisipan ni stevan na pupuntahan ng dalaga.
Ngunit alam ni stevan kung sino ang kasama ng kanyang asawa ngayon, nakakasiguro siyang ang kuya nitong si stuart ang walang iba na tumulong kay cordaphia.
”Walang bumibisitang macapagal o vasco sa ospital na pinapuntahan ko, sir stevan. Kahit ang apelyidong villegas ay wala roon, sigurado lang na pinag-isipan ng asawa mo ang pagpapakunsulta niya...”
Hindi kumibo si stevan sa sinabing iyon ng lalake, kumuyom ang kamao niyang nasa mesa habang iniisip kung bakit kailangan niyang umalis. Makapag-uusap naman sila ng maayos, natapos na rin ang problema nito sa mga orquillano at unti-unting nakakalimutan na nito ang kanyang organisasyon, mas focus si stevan ngayon sa paghahanap niya kay cordaphia. Ngunit mahirap talagang hanapin ang taong nagtatago.
”Now you go to the west, I want you to get all the records there within two days. My wife is about to give birth, it's only three months but I still can't see her!” tumango na lamang muli ang lalake.
Magaling na inbestigador ito kung kaya't pinagkakatiwalaan siya ni stevan. Ngunit sa oras na wala siyang mapalang muli rito, hindi siya magdadalawang isip na itulak siya paalis.
PAGKALABAS ng lalake sa opisina niya, marahas nitong kinuha ang cellphone at muling inutusan ang ilang tauhan niya na tumungo sa ibang lugar na hindi pa nila napupuntahan, hindi siya titigil hangga't hindi nito nakikita si cordaphia. Kahit maubos man ang pera niya ay gagawin nito, makasama lamang muli ang asawa niya bago siya manganak.
DALAWANG BUWAN pa muli ang lumipas ng walang mangyari sa paghahanap nito sa dalaga. Mainit ang ulo ni stevan bawat araw na dumadaan sa buhay niya, nauubusan na ito ng oras pero hangga ngayon ay wala ni anino ni cordaphia ang nakikita niya. Kahit record man lang sana nito sa ospital ay hindi nila makalap, abot tahip ang galit nito sa kanyang nakakatandang kapatid. Ngayon pa lang ay iniisip na nito kung anong gagawin niya sa oras na makita niya si stuart.
Dahil sa galit nito sa binata, siguradong magkakainitan sila sa oras na magkita silang magkapatid.
”These papers you gave on me are rubbish! Worthless! I'm just wasting my money to pay on you for your useless investigation!” gaya lamang ng dati, walang napala muli si stevan sa bago nitong inutusan. Ilang beses na siyang nagpalit ng private investigator. Ngunit kahit gaano pa sila kagaling, bihasa talaga sa pagtatago si stuart.
”Im sorry sir, kung anong nakalap ko, iyon lang naman talaga ang nakita ko. Paniguradong itinatago nila ang record ng asawa mo.”
"Yun nga!” binagsak ni stevan ang palad sa lamesa. ”Hindi mo ba magagawan yon ng paraan! Don't you can find them using your skills! Anong klaseng investigator ka!”
Bumuntong hininga ang lalake, hindi tulad ng nagdaang private investigator ni stevan. Naiiba itong isang 'to, sumasagot ito kay stevan at sinasabi kung anong opinyon nito.
"I am just a private investigator, but Im not a hacker to find your wife, maybe you should look for another people who can help you, hindi na yata kami ang kailangan mo..”
Nangunot ang noo ni stevan dahil sa sinabi niyang iyon, tumayo ang lalake at walang pigil na yumuko kay stevan hudyat na nagpapalam na ito. Hindi na niya hinintay ang pagsasalita ni stevan at hindi na nito kinuha ang bayad sa huli nitong trabaho. Dahil sa galit at init ng ulo ni stevan, hindi na niya minsan kontrolado ang lumalabas sa bibig niya. Wala na itong ibang gusto kung hindi makita na niya si cordaphia dahil sa sobrang pag-aalala at pangungulila nito sa dalaga.
_______________
”Do you want to eat fruits?” umiling si cordaphia sa tanong na iyon ni stuart, kabuwanan niya na ngayong araw. Ang due date nito ay sa katapusan pa ngunit magpapabukas na ito matapos ng dalawang araw.
"Ayoko..” sagot ng dalaga, umiiling siya habang nakaupo sa mahabang sofa, nakahilig ang likuran nito sa sandalan habang nasa tabi niya si stuart.
Dahil nga kambal ang anak ni cordaphia, hindi niya kayang manganak ng normal. Sinabi naman na iyon ng OB niya dahil masyadong maliit ang luwalan ng bata at baka ikapahamak pa nila iyong tatlo, kaya sa makalipas na dalawang araw. Sasalang siya sa operasyon na tinatawag na cesarean.
”Hindi ba sumasakit ang tiyan mo?” umiling muli si cordaphia.
”Hindi naman, pag nasosobrahan lang ako ng lakad. Doon siya sumasakit, para bang ang likot nila..” napabuntong hininga si stuart.
”Malapit na rin silang lumabas, hindi ka na mahihirapan. Kukuha tayo ng private nurse upang makasama natin sa pagbabantay..”
”Ayos lang ba 'yon?”
”Yes, mahirap ang bagong panganak, cordaphia. Hindi mo naman agad mahahawakan ang bata lalo na kung CS ka, and also our baby is a twins. Mahihirapan tayo...” ngumuso si cordaphia, palagi na lang sinasabi ni stuart na anak niya ang mga ito. Ni minsan ay hindi niya narinig na nagreklamo ang binata at gustong gusto pa nito na nakikita ang tiyan ni cordaphia.
Sinabi naman na ni stuart ang rason nito, hindi kasi niya nakasama si dahlia ng mga panahong buntis siya. Kaya't ngayon niya gustong maranasan kung paano ba mag-alaga ng isang buntis.
”Hindi pa ba tayo babalik sa mansyon? Kumusta na ba ang organisasyon ni stevan?” hindi agad sumagot si stuart, sa totoo lang. Alam na niyang hinahanap na sila ni stevan, ngunit gumagawa talaga siya ng paraan upang hindi na muna sila mahanap ng binata. Saka na siguro sila magpapakita sa oras na lumaki na ang kambal.
”Magulo pa rin ang buhay ni stevan, hindi pa tamang oras para bumalik tayo roon. Baka mapahamak lang ang dalawang sanggol.” totoong iniisip ni stuart ang mga bata. Pamangkin na niya ang mga ito, at naging importante na rin naman na sa kanya si cordaphia kaya't hindi niya ito nais masaktan.
”Kung ganon, hindi pa rin ba itinitigil ni stevan ang mga gawain niya? Hindi ba niya kami i-iniisip?” napabuntong hininga si stuart sa emosyon na ipinakita ngayon ng dalaga. Madalas na magtanong ito tungkol kay stevan, ngunit gaya lamang ngayon. Iyon lang din ang sinasabi ng binata.
”Huwag mo munang isipin sa ngayon ang kapatid ko, sa ngayon. Kapakanan na muna ng mga bata ang siyang uunahin natin..” napalabi si cordaphia, hindi nito maiwasang sumama ang loob niya dahil kay stevan. Ngunit may punto naman na si stuart kaya't tumango siya.
"Tama ang sinabi mo, kung iyon lang din pala ang ginagawa ni stevan. Mas mabuting ang dalawang anak ko na lang ang isipin ko, ang kapakanan nila at kaligtasan...” ngumiti si stuart sa sagot ng dalaga, hindi niya nais sanang maging masama ang kapatid nito sa isip ni cordaphia ngunit wala siyang maisip na ibang rason.
Gusto pa niyang makasama ang mag-ina sa ngayon, hindi maipaliwanag ni stuart ang sarili ngunit alam naman niya na bawal umibig sa asawa ng kapatid niya. Kahit alam nitong peke lang ang kasal nila stevan at cordaphia, hindi ito gumagawa ng kahit anong hakbang. Alam naman nito na totoong nahulog na si stevan sa dalaga, hindi naman siya hahanapin ng kanyang kapatid kung hindi totoo ang pagmamahal niya kay cordaphia.
Pero sa ngayon, magsisinungaling na muna si stuart.
DALAWANG ARAW ang nagdaan at ito ngayon mismo ang araw na sasalang si cordaphia sa CS section surgery. Nasa ospital na sila kung saan nakahanda na si cordaphia sa operasyon na gagawin sa kanya. Si stuart naman ay kabadong naghihintay sa labas dahil hindi naman siya maaaring sumama sa loob, kasama nito ang kaibigan niyang si edcel maging ang ilang tauhan niya. Nasa manila sila sa ngayon, nais kasi ni stuart na nasa maayos na kamay ang panganganak ni cordaphia. Kahit alam niyang may posibilidad na baka mahanap na sila ni stevan ngayon, pero gagawa pa rin siya ng paraan upang ilayo na muna sa kapatid nito si cordaphia at ang kambal.
Alas onse ng umaga nang matapos ang operasyon sa pagluwal ng kambal. Inilipat ang kambal sa recovery room upang mabakunahan at sumalang sa new born screening. Si cordaphia ay nasa private room na at doon nagpapahinga, matapos ang pag-aasikaso nila sa kambal. Idinala na nila iyon sa silid ng dalaga kung saan ilang minuto na siyang naghihintay sa kanyang dalawang anak.
Malaki ang kanyang ngiti ng sa wakas ay masilayan niya ang mga ito, may dalawang baby bed sa gilid at sa tabi ni cordaphia ay naroon si stuart. Ipinasa ng isang nurse ang lalakeng sanggol kay stuart at ang babaeng sanggol naman ay itinabi nila kay cordaphia. Kakaiba ngayon ang pakiramdam ni daphia lalo na't nahahawakan na talaga nito ang mga anak niya, nasasaksihan na nito ang mga mukha ng sanggol na lalong nagpapalambot sa puso niya.
Hinawakan nito ang kamay ng anak niyang babae na may baby gloves na suot. Napangiti ito na tila ba emosyonado.
”Hello, baby zia...” iyon ang siyang pangalan ng anak niyang babae na napag-usapan na nila ni stuart, hindi umangal ang binata kung anong nais ipangalan ni cordaphia sa mga anak niya. Kung anong nais nito ay ang siyang sinunod na lamang niya at sinang-ayunan.
"Your handsome, baby zion...” nagsalita si stuart habang nakatingin rin sa kalong niyang sanggol, nakangiti na pinanonood sila ng dalawang nurse. Iniisip nila na si stuart ang asawa ni cordaphia dahil siya madalas ang makita nilang kasama nito.
Lalong lumaki ang ngiti ni cordaphia sa narinig, pinangalan niyang Zion ang sanggol na lalake at ang babae naman ay Zia. Nais sana niyang isunod ang pangalan ng lalake kay stevan ngunit napag-isip niyang gumamit na lang ng iba, masama pa rin ang loob nito kay stevan dahil ang nasa isip niya ngayon ay walang pakialam ang binata sa kanilang mag-ina. Ngunit ang hindi niya alam, halos magkanda-kuba na si stevan sa paghahanap sa kanila. Halos hindi na ito makapag-ayos sa sarili dahil sa paghaba ng buhok niya, maging ang bigote nito ay hindi na niya malugaran dahil lamang sa paghahanap niya kay cordaphia.
TATLONG ARAW ng makalabas sila cordaphia sa ospital, muli silang bumalik sa hacienda ni edcel kung saan may kasama na silang dalawang nurse. Mas minabuti ni stuart na kumuha ng makakatulong dahil nga hindi pa makakakilos si daphia. At higit na mahihirapan sila dahil kambal ang bata.
Hindi nagpa-breastfeed si daphia dahil nga may sugat pa ang kanyang tiyan. Nahihirapan ito ngunit nais sana niyang i-breastfeeding ang mga anak ang kaso lang hindi gaanong marami ang gatas na lumalabas sa kanya. Napagdesisyunan ni stuart na gumamit muna ng milk formula dahil na rin kambal ang anak nito. Walang nagawa si cordaphia kundi sumang-ayon, iyon na nga lang kasi ang paraan upang hindi na magutom ang mga bata.
Dumaan pa ang isang linggo kung saan medyo nakakakilos na si cordaphia, ang kaso lang. Hindi pa talaga humilom ang sugat niya mula sa pagluwal ng kambal. Abala ang mga nurse sa pag-aasikaso sa dalawang sanggol, pinapanood ni cordaphia ang bawat kilos nila kung paano nila bihisan ito at palitan ng diaper. Pinaliguan nila ang kambal habang nanonood si cordaphia, hindi pa kasi niya alam gawin iyon ngunit aaralin niya sa oras na gumaling ang sugat niya.
”Alam na ni stevan kung nasaan kayo..” mula sa malayo, naroon si stuart habang kausap nito ang isang tauhan. Napahilamos siya sa mukha bago mapamura, hindi sila makakaalis ngayon dahil sa kundisyon ni cordaphia. Hindi ito maaaring biglain dahil baka makasama lang iyon sa kanya.
”Paano niya nalaman!”
”Isang linggo na ng malaman niya, nagkaroon siya ng daan upang malaman kung saan nanganak si maam cordaphia.” napabuntong hininga si stuart, medyo napaisip rin ito kung bakit hangga ngayon ay hindi pa pumupunta si stevan dito kung gayon alam na niya kung nasaan sila.
”May nangyari ba sa mansyon? Bakit hindi pa pumupunta si stevan dito?”
”May nakalap kasi siyang ibang impormasyon, dahil sa paghahanap nila kay maam cordaphia. May natuklasan silang ibang sikreto...”
Nangunot ang noo ni stuart sa narinig.
”Sikreto?” aniyang tanong na siyang nagpagulo bigla sa isip niya.
"Yes sir, may nahanap kasi silang Cordaphia Vasco sa timog ng lipas, sa tabing dagat kung saan naninirahan si maam cordaphia noon...”
Tumindi lalo ang pagkakakunot ng noo ni stuart sa narinig.
"Hindi kita maintindihan..” anas niyang tugon dahil napaisip siyang muli kung sino ang nakita nilang cordaphia roon kung ang totong cordaphia ay kasama niya.
”Iyon nga rin sir ang nangyari, biglang naguluhan si stevan. Dalawa ngayon ang record na lumabas sa pangalan ni maam cordaphia, at ang babaeng nasa lipas ay talaga namang kahawig ni maam...”
Bumilis ang t***k ng puso ni stuart. Malakas ang kutob nito na hindi si cordaphia ang nasa isla ng lipas. Dahil ang tunay na cordaphia ay kasama niya ngayon.
"Imbestigahan mo ang babaeng nasa lipas, magpadala ka ng litrato sakin..”
“Okay sir..”
Binaba na nito ang tawag matapos ng pag-uusap nila, muli siyang tumingin kay cordaphia ngayon na masaya ng nilalaro ang dalawa niyang anak. Sigurado siya na ito ang totoong cordaphia, at ang nasa islang iyon ay may posibilidad na baka ito ang matagal na niyang hinahanap.
At walang iba kundi si Dahlia Gostavo.
***********
to be continued......
Omg, excited ba sa susunod?
Sino ba ang impostora?