(Villegas Twin's)
Cordaphia Pov.
Isinakay ako ni seniorito stuart sa kanyang kotse matapos naming lumabas ng ospital, desidido ako sa plano ko na talikuran muna si stevan hangga't hindi nagbabago ang isip niya. Mas mabuti na rin siguro ang naging desisyon ko para sa kaligtasan rin ng aking anak, kung patuloy na maghihiganti si stevan. Tiyak na mapapahamak kami sa kamay niya kahit anong protekta ang gawin nito.
Alam ko naman na masakit mawalan ng ina, ngunit masyado ng malalim ang sugat sa puso niya. Tila wala na yatang paraan iyon upang humilom pa ang sugat na iyon, masyadong siyang nilamon ng galit niya. Wala na sa tamang direksyon ang pinupuntahan nito ang lumilitaw ng masama siyang tao dahil nakakapat/ay na siya.
"You can still quit, daphia. Baka sabihin mo kay stevan na pinilit kitang magtago." nilingon ko si seniorita stuart, bahagya siyang nakatingin sa akin habang nagmamaneho.
Umiling ako. "Seryoso ako, sasama muna ako sayo. Kung sinasabi mo ngang nasa kapahamakan ako, dapat talagang lumayo ako. Mas gugustuhin ko 'ring makita ang halaga ko kay stevan, kung hahanapin niya ba ako kung sakaling mawala ako.."
Natawa si seniorito stuart. "For me, he will find you. I know my brother, hindi siya mag-aaksaya ng laway sa babaeng tulad mo kung hindi ka niya pinahahalagahan. And this plan, it will be my brother punishment.."
"Tama lang naman ang ginawa ko hindi ba?"
"Para sa akin oo, masyado na rin namang nag-iinit si daddy agaton. Madalas na makansela ang mga lakad niya, nawawalan siya ng ka-transaksyon at nasisira ang araw niya. He's too busy, mabuti na lang at hindi niya nahahalata na hindi ikaw si dahlia.."
Nag-iwas ako ng tingin, iyon nga din ang iniisip ko. Masyado ba akong magaling umarte at napapaniwala ko si don agaton? O baka naman sinasakyan lang niya ako?
Pero hindi, kung may alam na siya. Tiyak na may gagawin siyang hakbang upang paslangin ako.
"Ikaw ba, kung sakaling hindi mo ako nakilala bilang cordaphia. Maniniwala ka ba na ako si dahlia?" nilingon niya ako, matagal siyang tumitig sa akin bago mag-iwas ng tingin. Kalaunan ay umiling siya, natatawa.
"Magkaiba kayo ng amoy ni dahlia, kabisado ko lahat ng reaksyon ni dahlia. Ang mga manerism niya na hindi mo naman ginagawa, kilalang kilala ko si dahlia. At kung sakaling hindi man kita nakilala noon, hindi mo ako malilinlang na ikaw nga si dahlia.."
Napanguso ako sa sinabi niya. Siguradong minahal nga nito si dahlia base sa kanyang sagot. Sadyang nagtataka lang talaga ako kung nasaan na ngayon si dahlia.
"Wala ka bang ideya ngayon kung nasaan siya?" bumuntong hininga siya sa tanong ko.
"I don't have any idea If where she is. Siguradong nagagalit siya dahil mas pinili ko si mommy ng gabing iyon kesa sa kanya, pero kahit ano naman ang sabihin niya. Mas gusto ko pa rin unahin ang kaligtasan ni mommy, but dahlia is gone. Hindi na siya nagpakita."
"Limang taon na siyang nawawala? Kung ganon, limang taon na rin ang anak n'yo?"
"I don't know, maybe yes. Hindi ko alam kung nanganak ba siya, but before she's gone. Dalawang buwan na siyang buntis.."
Napalunok ako sa sinabi niya. Medyo lumilihis ang nasa isip ko kung si stuart ba talaga ang ama ng pinagbubuntis niya o hindi naman kaya ay si stevan.
"Paano ka nakakasigurong ikaw nga ang ama ng bata?" nilingon ako nito, matindi ang pagkakakunot ng noo niya dahil sa sinabi ko.
"What do you mean by that?"
"Imposibleng walang nangyayari sa pagitan ni stevan at dahlia. Kilala ko si stevan, mapusok siyang lalake at nakakasiguro akong may nangyayari sa kanila. At may posibilidad rin na baka si stevan ang ama ng bata." nangisi si stuart.
"Ako ang ama ng batang dinadala niya noon, sigurado ako. I know stevan is using protection, malayong mabuntis niya si dahlia.." nag-iwas ako ng tingin, medyo masakit sa parte ko habang iniisip ang bagay na iyon. Ngunit alam ko naman ng nakaraan na ang nangyaring 'yon, nasabi sa akin ni stevan noon na wala na sa isip niya si dahlia. Hindi na niya ito inaalala dahil nga narito na ako, sana nga'y totoo lahat ng sinabi niya noon sa akin. Dahil sa stado ko ngayon, mahal ko na siya. Kung sakaling nagsinungaling lamang siya sa akin para magka-anak, hindi ko siya mapapatawad.
MEDYO may kalayuan ang lugar na pinuntahan namin ni stuart. Pataas ang daang tinahak namin at may burol akong nakikita sa dinaanan namin kanina. Nilagpasan namin ang maliit na tulay bago marating ang mga palayan, bubukirin ang nakikita ko at halos mga alagang hayop ang ilang nasa lupang nalagpasan namin.
"May tinitirhan ka ba rito?" umiling si stuart sa tanong ko.
"May kaibigan ako dito, siya ang may ari ng hacienda."
"Dito ba ako titira pansamantala?"
Tumango siya. "Habang matigas pa ang ulo ni stevan, pumarito ka muna. Hindi niya alam ang lugar na ito at tiyak na mahihirapan siyang hanapin ka." hindi ako nagbigay sagot kay stuart. Iniisip ko ngayon kung ano ng ginagawa ni stevan, kung nagagalit ba siya o wala lamang pakialam. Kung hinahanap na ba niya ako at nagpupumilit itong lumabas ng ospital kahit hindi makalakad.
Ngunit alam kong ilang araw na hindi makakalakad si stevan, dahil nga sa sugat niya sa binti ay tiyak na magpapahinga ito ng kay tagal sa mansyon.
Ipinadara ni stuart ang sasakyan sa gilid ng malaking bahay, halos mga gawa sa kahoy ang bahay rito ngunit kay ganda pa rin sa mata. May mga ilang batong bahay naman sa hindi kalayuan ngunit nagagandahan ako sa malalaking bahay kubo.
Bumaba siya kaya't hindi ko na hinintay na pagbuksan niya ako ng pinto, malakas at sariwang hangin ang sumalubong sa akin pagbaba ko ng kotse. Napapikit ako bago ko maramdaman ang presensya niya sa aking gilid.
"Magandang pumarito ngayong buwan, malamig ang panahon at anihan ng prutas. Siguradong mabubusog ka dito." ngumiti ako.
"Salamat, pasensya na talaga. Naabala pa kita."
Ngumisi siya. "Masyadong maliit na bagay yon, tutungo rin naman ako dito. Pero mas masaya ngayon dahil may kasama ako.."
Nangiti muli ako sa sinabi niya. May lalakeng dumating na tila ba nakita ang pagdating namin ngayon. Nakasuot ito ng sumbrero at sapatos na kulay brown, para siyang galing sa pangangabayo dahil hawak hawak nito ang stalyon na kabayong kasama niya.
"Stuart? Ikaw pala.." huminto siya sa harapan namin. Hinubad nito ang sumbrero niya kung kaya't nahulog ang mahaba nitong buhok. Matagal na napatitig ako sa lalake, ang haba ng buhok niya at kulay moreno ang kutis nito. Matangos ang ilong at maganda ang mata.
"Oo, magbabakasyon na muna.." sagot ni stuart.
"Bakit hindi ka nagsabi? Hindi man lang ako nakapaghanda.." bumaling siya sakin ng tingin, medyo natigilan siya at kay tagal bago siya makabawi.
"Kailan pa kayo nagkitang muli ni dahlia?"
Nangisi si stuart. "She's not dahlia." pumaling ang ulo ng binata at lumapit sa akin, pinakatitigan niya ako hangga sa mangiti siya.
"Hindi nga, hindi niya ako sinapak e.." nangunot ang noo ko, sinasapak ba siya ni dahlia? Sa gwapo at tangkad niyang 'yan? "Kung ganon, sino siya? Kahawig nito si dahlia, kamag-anak ba niya?"
Umiling si stuart. "She's Cordaphia Vasco Macapagal, she is my brother's wife.." napakurap ang binata, halatang hindi makapaniwala sa sinabi ngayon ni stuart sa kanya.
"Hindi ka nagbibiro di 'ba?"
"Ofcourse, she's pregnant. At hindi ligtas sa tulad niyang buntis ang manatili sa mansyon, kaya makikiusap muna akong itago siya rito." mabilis na namilog ang mata ng binata.
"Baka pasabugin ni stevan ang hacienda ng lolo ko! Stuart naman!"
Napalabi ako sa sinabi niya, ganon ba Kasama si stevan sa paningin niya. Pasasabugin talaga nito ang boung hacienda niya sa oras na malaman ni stevan na narito ako?
"Hindi ka ba naaawa sa mag-ina? Stevan is really mad and he want's a revenge. Magkakagulo sa mansyon, hindi mo ba iniisip na baka madamay sila?"
"Paano naman ang mga lupain dito, yung mga pananim. Baka ma-wash out lahat ng pinaghirapan namin!"
Napabuntong hininga si stuart. "Wag kang masyadong OA, Edcel! Mananatili muna kami dito ng isang buwan, hindi malalaman ni stevan na narito kami dahil hindi niya alam ang Lugar na 'to"
"As if may magagawa pa ako? Nagdesisyon ka na. Ano pa ba?"
"Yeah, isang buwan lang naman.."
Umarko ang nguso ng tinatawag niyang edcel, naiiling na para bang hindi naniniwala na isang buwan lang ang itatagal namin dito.
"Baka isang taon, stuart. Iyon ang gusto mong sabihin.." ngumiti si stuart sa sinabing iyon ni edcel, isang taon? Masyado naman yatang matagal kung isang taon. Ngunit hindi umangal si stuart, talaga bang isang taon akong magtatago? Nailuwal ko na ang bata 'non, ngunit hindi ako sigurado kung buhay pa ba si stevan dahil nga sa katigasan ng ulo niya.
GAYA ng napag-usapan namin ni stuart. Doon nga kami pansamantalang nanirahan. Malaki rin ang lumang mansyon na pagmamay-ari ng lolo ni edcel, matanda na ang senyor kung kaya't ang kaibigan ni stuart ang siyang nag-aasikaso na ng buong hacienda. Kumakain kami kasabay ang ilang trabahador ng hacienda, hindi tulad sa mansyon ni don agaton. Magkahiwalay ang mga katulong at amo sa mga pagkain. Hindi mo man lang sila makakasabay sa hapag kung kaya't naninibago ako ngayon.
"Were staying here as long your pregnant, for all goods. Para sa kaligtasan ninyo.."
Nais ko sanang umangal sa sinabing iyon ni stuart. Ang kaso lang, ayos na rin naman yata iyon. Para sa ikabubuti ko at maiwasan ang stress habang buntis ako.
"Isang taon ba? Kung ganon, nanganak na ako bago tayo aalis dito?"
"Yes, para siguradong hindi ka mapapahamak habang buntis ka. Dalawang buwan na ang baby mo sa panahong 'yon, siguro naman mapoprotektahan mo na ito.."
Hindi agad ako nakasagot. Kahit ano naman ang mangyari, poprotektahan ko ang anak ko kahit hindi ko kaya. Ang iniisip ko lang ay si stevan, kung may babalikan pa ba ako.
"P-paano kung hindi na kami t-tanggapin ni stevan?"
Ngumiti siya, umiiling. "That wouldn't never happen, nakakasiguro akong hindi ka niya kakalimutan. Baka sa mga panahong iyon, hinahanap ka pa rin niya.."
"S-sigurado ka ba? B-baka maging kawawa ang anak ko kung nagkataon na ipagtabuyan niya kami.."
"Tsk, hindi mangyayari 'yon. Hindi gagawin ni stevan ang nasa isip mo, so please. Stop overthinking, sa ngayon. Isipin mo muna na lumayo ka dahil hindi niya kayang gawing priority kayo sa ngayon, masyadong delikado. Hindi natin alam kung sino-sino talaga ang mga nais magpabagsak sa kapatid ko.."
"Hindi ka ba kasama sa mga nais na bumagsak siya?"
Natawa siya. "Ofcourse no, anong gagawin ko sa negosyo niya? Marami akong pera, may sarili akong diskarte at hindi ko kailanman hinangad ang naiwang kumpanya ni mommy, alam ko naman na kay stevan lahat iyon. Hindi ako naghahabol ng kahit ano, kuntento ako kung anong meron ako sa buhay ko.." napanguso ako, ang haba ng sinabi. Kung sana'y ganito ang opinyon ni stevan sa buhay. Ang kaso lang, masyado na talaga siyang binabalot ng galit. At ang galit na nakapaloob sa kanya ay unti-unti siyang pababagsakin.
Napabuntong hininga ako.
Nag-iwas rin ako ng tingin at hindi sumagot. Sana nga sa panahong mailuwal ko ang anak namin ay may asawa pa akong babalikan. Sana ay nagbago na siya 'non, sana lahat ng masasamang ginagawa niya ay kanya ng titigilan para sa aming pamilya niya.
____________
Anim ng buwan ang lumipas matapos naming tumungo dito sa hacienda ng mga hipolito. Malaki na ang tiyan ko at balak naming tumungo ni stuart sa manila upang bisitahin ang Ob ko, kada buwan at nagkakaroon ako ng checkup. Nagpalit na rin ako ng ob para hindi kami mahanap ni stevan, isang private ospital ang pinupuntahan namin ni stuart. Dahil mas maganda ang check up dito at nais makasiguro ni stuart na maayos ang bata, siya mismo ang nagdesisyon kung saan ako magpapatingin.
"Hindi ba masyadong malaki ang tiyan mo? Anim na buwan pa lang hindi ba? Parang kabwanan mo na.." napanguso ako sa sinabi niya, inaalalayan niya akong maglakag patungo sa sariling clinis ni doktora. Kaibigan ito ni stuart, at nais niyang itago lahat ng record ko upang hindi mahanap iyon ni stevan.
"Hindi ko nga alam kung bakit sobrang laki niya, natatakot nga akong manganak. Baka hindi ko kaya.."
"You can do that, daphia. Alam kong matapang ka, handa ka na bang malaman ngayon ang kasarian ng bata?" medyo kinakabahan ako dahil sa tanong niya. Tinitingnan naman ng ob ang aking tiyan ngunit hindi ko nais malamam kung lalake ba o babae ang bata. Ngunit dahil excited si stuart, nahahawa ako sa kanya. Kaya't nagpasya akong magpa-ultrasound na upang malaman kung anong gender ng bata.
"Sana lalake ang bata.." sagot ko sa tanong ni stevan, bumuntong hininga siya at hindi sumagot. Ang gusto kasi niya ay babae, ayaw niyang maging lalake ang anak ko dahil daw tiyak na aakuin lahat nito ang responsibilidad ng villegas. Ngunit nasa akin naman ang pasya, palalakihin ko ang aking anak ng may mabuting puso. Hindi ko ito tuturuan manakit ng kapwa at magtanim ng sama nang loob. Palalakihin ko siyang may takot sa diyos at mabuting tao.
"Your baby is fine and healthy.." anas ng ob sa akin habang pinakikinggan ang heartbeat ng bata. Dinig na dinig ko rin iyon dahil may gamit siyang bagay na kaya nitong marinig ang pintig ng puso niya. Ngunit kakaiba ang naririnig ko dahil sobrang lakas, nangiti ang doktora sa reaksyon ko na parang may nais itong sabihin sa akin. "Do you want to saw your baby on screen?" matagal bago ako nakasagot, hindi ko pa kasi sila nakita kahit doon sa screen lang. Alam kong hindi naman klaro ngunit gustong gusto ko na ngayon.
"Yes doc."
"Alright, your baby is ready and kicking.." may pinahid itong malamig na bagay sa aking tiyan, sinindihan nito ang monitor malapit sa tabi niya at doon nag-umpisa na siyang kumilos. Itinutok nito ang puting hawak niya sa tiyan ko, medyo kinakabahan ako dahil sa wakas ay nakita ko na ang nasa loob.
"They are okay, and good." aniyang sabi na nagbigay kunot noo sa akin. "This is the head of one.." anas muli nito matapos itapat sa ilalim ng pusod ko ang hawak niya. "Nakikita mo ba sila?"
"P-po??"
"What do you mean doc?" bigla'y napasabat sa usapan si stuart. Tahimik lang sana siya sa tabi ko ngunit dahil sa sinabi ng doktora, hindi na niya natiis magsalita.
"Your baby is a twin.." namilog ang mata ko sa isinagot ng ob. Hindi ako nakagalaw sa kinahihigaan ko at dahan-dahang pinagmasdan muli ang screen. "Kambal ang anak mo, ang isa'y babae then this one is a boy.."
Muntik pa ako maubo dahil sa sinabi niya. Kambal ang anak ko? Lalake at babae?
Hindi ako makapaniwala.
Napamura si stuart ngunit ang saya at ngiti sa kanyang mukha ay hindi nito naitago.
"Were having a twins, dvmn. Villegas twins.."
***********
To be continued.....