(Hiding to Stevan)
Cordaphia Pov.
Isang nurse ang nabungaran ko matapos kong imulat ang aking mata. Mapupungay pa rin ang mata ko habang inililibot ko ang tingin sa maputing silid, matapos kong mailinga ang ulo. Mabilis na tumayo ang pamilyar na lalake at agaran akong nilapitan.
”Gising ka na!” ang asul niyang mata ang siyang tinitigan ko. Naalala ko tuloy ang una naming pagkikita ng mabundol ako ng kotse nito malapit sa kanilang mansyon.
”N-nasaan si stevan?” pinilit kong tumayo ngunit hinawakan ni stuart ang braso ko.
”He's in the other room, magpahinga ka muna.”
”Hindi ko kailangan magpahinga, bakit siya nasa kabilang kwarto?”
”Stevan is fine, wag kang mag-alala.” umiling ako.
”Gusto ko siyang makita, sa oras na makita ko ito doon lang ako hindi mag-aalala.” napabuntong hininga siya. Hindi naman ako naka-admit, wala naman swero sa kamay ko at alam kong nawalan lang ako ng malay kanina dahil sa kaba. Hindi ko halos makalimutan ang mga putok ng baril kanina, parang naririnig ko pa rin ang mga iyon hangga ngayon.
”Fine.” tumingin siya sa nurse. ”Can i borrow a wheelchair?” tumango ang nurse at mabilis na lumabas. Nagtataka pa nga ako kung bakit wala si butler ryan, dahil hindi kami agad nakaalis kanina ay nahuli kami ng mga kalaban. Hindi kasi mapagana ni ryan ang kotse kung kaya't nahuli nila kami.
”Nasaan nga pala si butler ryan?” nangunot ang noo ni stuart.
”Hindi ko talaga nagugustuhan ang butler ni stevan noon pa man, sa tingin ko. Hindi siya mapagkakatiwalaan.”
Nagsalubong ang kilay ko. ”Siya pa ang pinag-iisipan mo ng masama? Hindi ba't may alam ka sa pagkamatay ni senyora ngunit wala kang ginagawa, hinayaan mo lang siyang mamatay!”
”Don't you ever dare judge me, daphia. Wala kang alam.”
”Anong wala? Napanood ko lahat ng ebidensya, maging ang pagtatalik ninyo ni dahlia ay nakita ko! Pinagtataksilan mo noon ang kapatid mo!”
”Pagtatalik?” nangunot ang noo niya. “I don't have any tape about our making out, saan mo napanood iyon?” natawa ako.
"Nagmamaang-maangan ka pa? Nasa tagong kwarto iyon sa likuran ng malaking frame, doon ko iyon nakita!”
”How can you open that frame? May password iyon bago mo mabuksan, may code iyon sa likuran ng litrato.” naguguluhan ako sa sinabi niya. ”Oh baka naman, may nagbukas na nito kaya't madali mo lang naitulak ang pinto?”
“Anong ibig mong sabihin?”
Nag-iwas siya ng tingin. Matagal bago siya mapaisip bago nito muling ibalik ang tingin sa akin.
”Hindi talaga ako nagtitiwala sa butler ni stevan, ang sabi mo. May napanood kang tape na nagtatalik kami ni dahlia? Yes, ginawa nga namin iyon. Pero hindi namin kinukuhan ang eksenang iyon.”
Napalunok ako. ”Sinasabi mo bang may ibang tao ang kumukuha sa inyo?”
”I don't know, baka may camera sa kwarto niya noon. Sh*t. I want to watch that video, nasaan iyon?”
”Bakit? Para mapanood mo kung gaano kalaki ang kataksilang ginawa ninyo kay stevan?”
"Dvmn no! I want to investigate that video, kung anong camera at kung kailan iyon nakunan!”
"Tapos?”
”Papatunayan kong si ryan ang may gawa 'non!”
Lalo talaga akong naguguluhan sa sinabi niya. Paanong madadamay si butler ryan dito kung wala naman siyang ibang ginawa kundi pagsilbihan si stevan. Ngunit kung siya nga ang kumuha ng videong iyon, imposibleng nais lamang niyang ipakita kay stevan ang kahangalang ginagawa ng kuya niya. Pero bakit ang tagal naman yatang nakatago ng video?
”Bakit ba pinaghihinalaan mo si butler ryan?”
”Dahil may gusto siya kay dahlia.”
Napamaang ako sa sinabi ni stuart. Hindi ko alam kung totoo ba o maniniwala ako sa sinabi niya. Ngunit hindi na ako nakasagot dahil pumasok na ang nurse dala ang wheel chair na hiningi ni stuart. Binuhat niya ako at isinakay roon, siya na mismo ang nagtulak sa akin kahit kaya ko naman maglakad.
Sa kabilang silid kami tumungo kung saan naroon nga si stevan. May kausap siya sa cellphone hanang nakasandal, nakataas ang paa nito dahil may tali iyon at pinalilibutan ng benda ang kanyang binti.
”Ano bang klaseng paghahanap ang ginagawa niyo! Imposibleng makatakas si cesar kung hindi ito dumaan sa bungad ng daan!” Napalunok ako sa sigaw niya. Hindi siya nakaharap sa akin dahil nasa gilid ang tingin niya, hindi rin namalayan ni stevan ang pagpasok namin ngunit si butler ryan ay tumingin sa akin.
Nagtama ang mga mata namin, imposibleng may kinalaman siya sa lahat. Alam kong mabuti siyang tao, at wala akong nakikitang dahilan upang gumawa siya ng ikakapahamak ni stevan.
”Tumalon sa bangin si cesar.” natigilan si stevan sa pagmumura habang may kausap pa rin. Dahan-dahan siyang lumingon at mabilis na ibinaba nito ang hawak niya.
”Fvck, your awake! Kumusta ang pakiramdam mo?” binalewala nito ang sinabi ni stuart. Hindi kasi siya makakilos dahil nga nakasabit ang paa niya, hindi ako nakapagsalita dahil nag-aalala ako sa sugat nito sa binti.
”N-natanggal na ba ang bala?” tanong ko, hindi sinagot ang tanong niya. Tumayo ako na naging dahilan upang alalayan ako ni stuart, lumakad ako palapit sa kanya ngunit hinila ako nito paupo sa tabi niya habang sinasamaan ng tingin ang kuya niya.
”Umalis ka na!”
”I'm going to stay here, kaya mo bang protektahan si daphia habang pilay ka?”
”What did you say! Hindi ako pilay!”
”Tsk, baldado ka ng mga ilang linggo. Paano kung balikan ni cesar ang asawa mo? May magagawa ka ba?” naiiling si stuart. Sang-ayon ako sa sinabi niya at kahit papaano ay may tiwala naman ako kay stuart sa kabila ng mga nalaman kong sikreto niya. ”Ano ba kasi ang pinasok mo? Mapapahamak ang mag ina mo sa labang ito, baka hindi makuhang manganak ni daphia. Paglalamayan ka.”
”Shvt the fvck up!”
”Just listen to your brother, stevan. Stop killing innocent people, madami ng nadadamay. Kailan ka ba titigil?”
”Gusto kong makita si dahlia, i wanted to kill her. And agaton.”
”Nababaliw ka na, aksidente ang pagkamatay ni mommy. Walang may gusto 'non!”
”What ever you say, my decision is to finish them. Wala kang magagawa.”
”Then, i will protect her. Bahala ka sa buhay mo!” lumabas nga si stuart matapos nilang magtalong magkapatid. Sa lahat ng sinabi ni stuart, pabor ako sa lahat ng 'yon. Alam kong aksidente nga ang pagkamatay ni senyora ngunit dahil galit si stevan, hindi nito kayang pahupain ang galit sa puso nito.
“Umuwi ka muna kay tita melinda, your not safe with me. Masyadong delikado.” nilingon ko siya, nag-iwas ito ng tingin dahil alam niyang pipigilan ko na naman ito sa susunod na gagawin niya.
“Stevan..”
“I'm just going to finish what their started, hindi matatapos ito kung hahayaan ko lang. Baka maunahan ako.”
”Hindi ka pa ba natatakot? Baka babala na ang nangyaring ito sayo? Paano nga kung tama si stuart, baka hindi mo na makita ang anak natin.”
”Mag-iingat ako.”
”Stevan naman, gaano ba kalaki ang organisasyong iyan at hindi mo ito mabitawan? Ikapapahamak mo lang yan, magkaka-anak na tayo.”
”You can't order me to stop what i'd doing, i know your my wife. But i'm doing this for the sake of our peace!”
Nag-iwas ako ng tingin. Hindi makapaniwala sa kanyang sinabi. "Muntik ko na palang makalimutan, peke lang pala ang kasal natin dahil nagpanggap lang tayo. Malay ko ba kung mahal mo talaga ako? Baka tulad ka lang din ni agaton, gusto mo lang ng tagapag-mana sa minamahal mong organisasyon!”
Tumayo ako, masama ang loob ngunit hinawakan niya ang kamay ko. ”Ano bang sinasabi mo!” nilingon ko siya, masama ang tingin bago bawiin ang aking kamay.
”Nagiging mabait ka lang ba sakin dahil buntis ako? Dahil hindi mo nais makunan ako kase mawawalan ka ng taga-pagmana!” matindi ang pagkakakunot ng noo niya.
”Dvmn wife! Hindi sa ganon, ano bang pumasok sa isip mo?”
”Alam kong b*bo ako, stevan. Pero pagdating dito, hindi na yata ako naniniwala sayo!”
”Your just pregnant, daphia. Calmdown, walang kahit na anong totoo sa lahat ng sinabi mo. Tatapusin ko lang ang mga orquila---”
"At papatayin mo si don agaton at dahlia?”
Hindi siya nakasagot sa tanong ko, nakatitig ito sa akin at doon pa lang ay alam ko na ang sagot niya.
”Hindi ka ba naniniwala sa ebidensyang hawak mo? Aksidente ang pagkakahulog ni senyora, kung nagkasala man sila. Hindi naman dapat na ilagay mo ang batas sa kamay mo, stevan.”
”What do you want me to do? Hayaan lang si agaton na makulong? Kung hindi nila ginawa ang kahangalang iyon, hindi sana mamamatay si mommy. Hangga ngayon sana ay buhay pa siya at hindi ako ganitong kasamang tao! Now tell me, sino ang hindi maghihiganti kung nawalan ako ng ina?”
”Nawalan din ako ng ina, stevan! Hindi lang ina, kundi ama! At dahil iyon sa gulo na nangyari sa barkong sinasakyan nila, ngunit hindi ako naging kasamang tao na tulad mo!”
”Magkaiba tayo ng prinsipyo, daphia. I'm sorry.”
Natawa ako na nag-iwas ng tingin, naluluha na pala ako dahil wala din pala akong mapapala kung pagsabihan ko siya. Siguro nga hindi naman niya ako ganon kamahal, minahal lang niya ako dahil magkakaroon siya ng anak sa akin. Hindi ko alam ang mangyayari matapos kong mailuwal ang anak ko, baka bata lang talaga ang nais niya.
”Kung ganon, pasensya na rin. Hindi mo muna ako makikita.”
”Daphia!” sumigaw siya matapos kong lumabas, alam kong hindi niya ako mahahabol kung kaya't nakita ko si butler na lumabas ng pinto. Sa kaliwang daan ako nagtungo dahil alam kong pupunta siya sa silid kung saan ako nanggaling kanina, tama nga ako. Inutusan nito si butler ryan na sundan ako ngunit may humila na sa akin matapos kong makita si ryan na lumabas ng kwarto dahil nakita niyang wala ako roon.
"Where are you going?” si stuart pala ang lalakeng humila sa akin, may hawak siyang plastik bag na naglalaman ng pagkain.
”Akala ko umalis ka na.”
”Tsk, iiwan ba kita sa butler na 'yon? Bumili lang ako ng pagkain.”
”Kung ganon, anong drama iyong ginawa mo kanina?”
”Pinahahabag ko lang ang loob ng kapatid ko, hindi kasi makuha sa salita. Baka gusto pa niyang barilin ko ang isa niyang binti para tuluyan ng matauhan!”
Napabuntong hininga ako. Akala ko nga tuluyan nang lumambot ang puso ni stevan. Ngunit mas lalo pa yata itong tumigas nang malaman na niya ang katotohanan.
”By the way, saan ka pala pupunta? Patungong likuran ito, nagugutom ka ba?”
"Nagtalo kami ng kapatid mo, ang sabi ko sa kanya. Hindi na niya ako makikita kung hindi rin pala niya kayang tigilan ang ginagawa niya.”
”Dvmn.” napailing siya, natatawa. ”Maybe, we can play hide and seek now. Mahirap na maging taya si stevan, magaling itong maghanap ng taong nagtatago.” napanguso ako.
”T-talaga?”
”But i'm a best player in hiding, excited ako sa larong ito. This is gonna be a fun adventures of cordaphia.”
napangiwi ako. ”Ano?”
”Tutulungan kitang magtago upang mahirapan si stevan, masyadong matigas ang ulo ng kapatid ko. Tuturuan ko siya ng leksyon.”
************
to be continued.....