Chapter 15

3303 Words
(Stay with me) Cordaphia Pov. Mula sa pagkakahiga ay tanaw ko ang mataas na kisame ng kwarto kung saan ako nakahiga. Tumingin ako sa gilid ng tuluyang magising ang diwa ko, lalong nabuhayan ang natutulog kong katawan at isip ng makita kung sino ang nasa tabi ko. Bahagya akong natigilan habang nakatitig sa lalakeng mahimbing na natutulog sa tabi ko. Nakabalot ang puting kumot sa aming dalawa, nasa ibabaw ko ang kamay niya na nagbibigay ng mahigpit at mainit na yakap sa akin. Napalunok ako. Hindi ko maalis ang mata sa gwapo niyang mukha habang pilit kong inaalala ang nangyari kagabi. Ramdam ko rin ang bahagyang kahapdian sa pagkababae ko senyales na nawala ang matagal kong iningatan. Hindi ko alam kung paano humantong kami sa ganoong eksena. Hindi ko na kontrolado ang sarili kagabi dahil maging ako ay nakakaramdam ng kakaiba kay seniorito stevan. Hindi na yata ito tama, mali na yata ang t***k ng puso ko dahil hindi na nito masaway kung anong nais na gawin ko. Dahan-dahan kong hinawakan ang kamay ni seniorito upang i-angat. Tagumpay na naitaas ko iyon ngunit muli lang din niya akong hinila palapit sa dibdib nito upang yakapin. "Where are you going?" aniya sa paos na tinig. Napalunok ako, grabe ang epekto sa akin ng tinig niya. Hindi ko alam kung inaakit ako nito o sadyang kay ganda lang ng tinig niya para sa akin. "M-magbibihis na ako, seniorito." "No need. Just lay down beside me." "Umaga na." angil ko, pilit itong kinukumbinsi ngunit wala na siyang naging sagot. Inihilig niya lang ang mukha sa balikat ko. Hindi ko alam kung nakapikit pa rin ito o mulat na ang kanyang mata, hindi na kasi ako makatingin rito dahil nararamdaman ko na ngayon ang kahubaran ng aming katawan. "W-wala ka bang trabaho ngayon?" tanong ko, nais kong pukawin ang atensyon nito upang hindi na siya makatulog. "I don't have work today." "Kailan ka pa nagka-day off?" medyo natawa ako dahil ang pagkaka-alam ko ay workaholic si seniorito, himala lang na wala siyang trabaho ngayon. "We need to fixed our wedding day, the wedding planner is going here today." Napakurap ako bago siya lingunin, doon lang din siya nagmulat kung saan nagsalubong ang mata namin. "K-kailan ba ang k-kasal?" "Next week." "A-ano!" "That old man want's a grandchild, cordaphia. I need to give what his want, and giving him a grandchild is the answer for my plans." Muli ay napalunok na lamang ako. Seryoso na talaga? Wala ng joke at atrasan pa? Ako na talaga ang napili niya. "I'm looking forward for your last menstruation, If your not took your period next month, your pregnant." "P-paano mo n-nalaman?" "Dahil ipinasok ko lahat sa'yo, siguro naman kahit isa ay may mabubuhay hm?" "H-hindi kita m-maintindihan, seniorito." bumuntong hininga siya, bahagya siyang dumistansya bago nito ipatong ang ulo sa kanyang palad. Nakatagilid na itong nakatingin sa akin ngayon habang diretso pa rin akong nakahiga sa kama niya. "Binuntis kita." Para akong binuhusan ng tubig dahil sa sinabi niya. Hindi ako makakurap habang bahagyang nakabukas ang labi ko. Ngumiti siya sa reaksyon ko na lalong nagpalipad ng natitirang wisyo ko sa katawan. "But we're not yet sure if you're pregnant. Kagabi pa lang nangyari. Pero, nasisiguro ko namang may mabubuo dahil malusog akong lalake." "P-paano kung buntis ako?" "Then it's better, good news. Your carrying the next heirs of villegas family." Bumilis ang t***k ng puso ko, hindi na ako nakasagot dahil ano pa ba ang magagawa ko sa ngayon. Narito na nga talaga ako sa puntong kailangan ko na lang manindigan sa desisyon ko. Tumayo si seniorito at agarang kinuha ang roba sa gilid ng kanyang drawer. Isinuot niya iyon bago muling lumapit sa akin na tila hinihintay akong bumangon. "Let's go." aniya na medyo naiinip. Pinilit kong umupo ngunit agarang bumalot ang hapdi sa parteng ibaba ko. Napakagat labi ako. "Anong problema?" nagmulat ako ng mata dahil sa tanong nito, nag-angat ako ng tingin sa kanya at naroon ang pag-aalala rito. "Hindi ako m-makalakad." nangunot ang noo niya na tila hindi naintindihan ang sinabi ko. Muli ay pinilit kong humiga, pinanuod niya lang ako bago ito umupo sa gilid ng kama. "Why?" napabuntong hininga ako dahil wala ba talaga siyang ideya at nagtatanong pa. "M-masakit y-yung--" hindi ko masabi iyong parteng masakit, nag-iwas ako ng tingin. Naramdaman ko ang kahihiyan dahil lahat ng senaryong nangyari ay tuluyan ng nagiging sariwa sa isip ko. "Yung?" aniyang tanong ngunit hindi pa rin ako makatingin. "H-hindi b-ba n-nag a-ano t-tayo k-kagabi.." bahagya ko itong sinulyapan at doon nakita kong kunot na kunot na ang kanyang noo. Nauubusan na yata ng pasensya. "Will you please fixed your words. I don't understand a thing." "Pinagsamantalahan mo ako kagabi, seniorito." Lalong nagsalubong ang kilay niya ngunit ilang segundo bago ito matawa. "What did you say?" natatawa pa rin siya hangga ngayon. "Hindi mo tatawagin ang pangalan ko ng ilang beses kung pinagsamantalahan kita, you moaned my name remember?" Napakurap ako dahil sa sinabi niya. Bakit kailangan nitong sabihin iyon ng walang preno? "P-pero.." Bumuntong hininga siya. "I know your virgin. But i don't have any idea that you can't walk now. Dapat pala nagdahan-dahan ako." Ramdam ko kung paano uminit ang aking pisngi, Wala talagang preno ang bibig. Hindi ba nito mapuna na naiilang na ako? "But you seem enjoy that night, it's not bad for firstimer. Baka uulitin pa kita ilang beses." Tuluyan ng bumuka ang labi ko sa sinabi niya. Tila kinilabutan pa ako bago siya ngumisi. "You satisfied me more than i expect, your enough. A very hot enough." Lumisan na siya sa kama habang tulala pa rin ako sa kinauupuan niya kanina. Pumasok siya ng banyo. Narinig ko ang agos ng tubig kaya't nagmadali akong tumayong muli upang kalapin lahat ng nahubad kong damit. Masakit man ang katawan at gitna ko ay sinikap kong tumakbo patungo sa kwarto ko habang nakabalot sa kumot ni seniorito. Inilock ko ang pinto sa kaisipang baka pumasok si seniorito stevan. Agaran akong lumakad patungo sa aking closet upang maghanap ng maisusuot. Dumiretso ako sa banyo matapos kong makuha ang isang plain na bistida. Binuksan ko ang shower at hindi alintana kung malamig ba ang tubig na lalabas doon dahil agaran na akong tumutok sa ilalim. Hinagilap ko ang bathsoap habang pilit winawaksi sa isip ang eksenang hindi mabura sa isip ko. Kinagat ko ang pang-ibabang labi habang pinapahiran ang kamay ko pataas sa aking leeg. Kahit anong gawin ko ay hindi mawaglit sa isip ko ang nangyari kagabi, isinuko ko ang sarili kay seniorito ng walang pag-aalinlangan. Nasisiraan na yata ako, Nawawala na yata ako sa sarili dahil ni hindi ako nag-isip. Pero bakit kailangan ko pang mag-isip? Mangyayari at mangyayari din naman iyon sa katagalan, kumbaga. Napa-aga lang kami. Napapikit ako, umiling ako at pinagpatuloy ang paglilinis ng katawan. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nasa loob ng banyo dahil sa haba ng pag-iisip ko. Suot ko na ang bistida ng lumabas sa silid. Dumiretso ako sa kusina dahil nakakaramdam ako ng gutom. Malinis na ang buong paligid, wala si don agaton maging ang mga tauhan niyang madalas nakapalibot sa bahay. Hindi ko alam kung paano natapos ang party kagabi, imbes na manatili kami sa venue kagabi ay umalis kaming dalawa at gumawa ng kababalaghan. Napailing ako, hinawakan ko pa ang aking ulo dahil sa senaryong pumasok muli sa isip ko. "Are you okay?" isang malalim na tinig ang nagpalingon sa ulo ko. Nakita ko si seniorito stuart na nakatayo sa likuran ko na may pagtataka sa akin. Binitawan ko ang ulo ko bago tumango, umayos ako ng tayo habang patuloy itong nakatingin sa akin. "M-masakit lang ang ulo ko." sagot ko bago iiwas ang paningin. Hindi ko alam kung anong naging reaksyon niya habang inililibot ko ang mata sa kusina, naghahanap ako ng makakain ngunit walang nakahanda sa mesa. "Where did stevan take you last night?" muli ay bumaling ako kay stuart. Seryoso siyang nakatingin sa akin habang hinihintay ang aking pagsagot. "N-natulog na k-kami." Tumango-tango ito. "Did you sleep together?" Napakurap ako bago tumango, bakit kailangan niya pang itanong iyon? "You are obviously determined to help my brother, daphia. Have you thought about what you're doing?" "Napag-usapan na natin ang tungkol dito, seniorito stuart." Bumuntong hininga siya. "What if daddy finds out about your plan with stevan? Do you know what will happen to you?" "Alam kong hindi ako pababayaan ni, stevan." "Gaano ka nakakasiguro?" tumingin ako sa mga mata ni stuart. Tila may pinapahiwatig ito na hindi ko mahulaan. "Sinuguro mo ba ang kaligtasan mo? May sariling plano ka ba kung sakaling baligtarin ka ng kapatid ko?" napalunok ako, hindi ako nakasagot dahil sa mga katanungan niya. "O baka naman, nakabase ka lamang sa mga plano ni stevan na makuha lahat ng mana niya. Na matukoy kung sino talaga ang pumatay kay mommy?" Nag-iwas ako ng tingin, wala akong alam sa totoong nangyari ngunit alam ko kung sino ang pumatay kay senyora amelia. "Malakas ang kutob kong si dahlia ang pumatay sa mommy mo." sagot ko, sinulyapan ko siya. Saksi ako kung paano magbago ang ekspresyon nito sa sinabi ko. Nag-iba ang mata niya, animo'y may masamang nasabi ako na hindi nito nagustuhan. "Huwag kang magsalita kung wala kang ebidensya." "Hindi ko na kailangan ng ebidensya, seniorito stuart. Mula sa mga nag-ayos sa akin ay natukoy ko kung saan nagpunta si dahlia noong panahong mamatay si senyora. Alam kong may nalalaman si don agaton dito ngunit hindi ko alam kung anong binabalak niya." Mariin ang titig sa akin ni seniorito. Nakakatakot, naninindak at tila ibang-iba siya ngayon kumpara sa mga panahong nakakaharap ko ito. "Hindi mo ba naiisip na baka sinasakyan lamang ni daddy ang mga ginagawa niyo? Sa tingin mo ba agad na maniniwala si daddy na ikaw si dahlia?" malalim ang naging paglunok ko, alam kong puno na ng takot ang mga mata ko at bigla'y napaisip ako. "Tama ka nga na si dahlia ang pumatay kay mommy, but that was not her intention, dahlia just defended herself." nangunot ang noo ko sa sinabi ni stuart. Kung ganon, may nalalaman nga siya. Ngunit bakit mas mukhang kinakampihan niya pa ang babaeng iyon? "How can you prove to stevan that dahlia killed my mommy if you don't have any evidence?" "H-hindi ka ba g-gagawa ng paraan upang m-maipakulong ang babaeng p-pumatay sa mommy mo?" "No." Nais kong matawa sa sinabi ni seniorito stuart. Hindi ako makapaniwala na mas nanaisin niyang makalaya si dahlia kesa mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ng kanyang ina. "As i've said, it's just self defense. Nabaril ni mommy ang sarili niya, nag-agagawan sila ng baril. She want's to killed dahlia, ngunit buntis ito. Hindi ko magawang awatin si mommy dahil nagalit siya sa akin ng malamang nabuntis ko ang anak ni daddy." Naiwan lamang akong tulala kay senirito stuart dahil sa mga sinabi niya. Buntis si dahlia? May anak ito at siya ang ama? "I can't still find her. Hindi ko alam kung nasaan siya, Even my dad can't find her but one day you came up. Alam mo bang nagdududa si daddy sa'yo? Pero gumagawa ng paraan si stevan upang patunayan na ikaw talaga si dahlia, he almost faked your DNA test result." Mabigat ang aking paghinga dahil sa sinabi niya ngayon. Wala akong ideya kung bakit niya ito sinasabi sa akin kung alam niyang hindi naman talaga ako si dahlia. "Nag-aalala lang ako sa'yo, what if dahlia show here anytime? Sino ang mapapahamak? Ikaw rin, cordaphia." "Anong gusto mong gawin ko?" "Huwag mo ng pakasalan pa si, stevan." natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ko mai-alis ang mata sa kanya dahil hindi ko alam kung anong isasagot ko. "Gusto kong makasama ang anak ko, daphia. Hindi ko alam kung nasaan siya? But how can i make a move if the fake dahlia is here?" "H-hindi ko m-magagawang talikuran si seniorito stevan." natawa siya sa sagot ko, nag-iwas ito ng tingin at ilang segundo bago muling sumulyap sa akin. "Kung ganon hahayaan mo na lang ang sarili mong pamahamak?" "Alam kong poprotektahan ako ni stevan." "Then let's see. I will still look for my child and dahlia, once i find them. Pasensyahan na lang." Tinalikuran na ako ni seniorito stuart matapos sabihin iyon. Hindi pa ako halos makakilos dahil sa mga nalaman. Kaya pala halos pagtulakan niya akong umalis dito at umatras sa plano namin ni stevan ay ganito pala ang nangyayari. Hinahanap niya pala si dahlia na ngayo'y hindi pa rin mahagilap kung nasaan ito. Bumalik ako sa kwarto ng mga oras na iyon, nawala ang gutom ko at tila hindi ko na nais kumain pa. Nawalan ako ng gana sa mga nalaman ko, idagdag mo pa na natatakot ako para sa sarili kong kaligtasan dahil nagdududa na pala sa akin si don agaton. Ilang oras akong nanatili doon bago may kumatok sa aking pinto. Binuksan ko iyon habang may matamlay na katawan. Isang kasambahay ang bumungad sa akin na ngayo'y nakangiti. "Nasa ibaba na po ang wedding planner maam." Bahagyang umawang ang labi ko, alam kong walang pag-aalinlangan sa isip ko noon na maikasal kay stevan dahil alam kong peke lamang ang kasal namin. Ngunit wala din akong ganang humarap sa kanila ngayon. "Maaari bang pakisabi na sa susunod na araw na lamang sila bumalik?" "Po?" "Masama kasi ang pakiramdam ko, magpapahinga lang ako." ngumiti ako sa dalaga. Isinara ko na ang pinto at hindi na hinintay pa itong makapagsalita. Muli ay naupo ako sa kama, tulala na naman ako sa isang bagay habang iniisip ang pamilya ko sa probinsya. Hindi ko na matawagan ang numero nila, wala na rin akong ideya dahil hindi na sinasabi sa akin ni seniorito stevan ang sitwasyon doon. Ang pagkaka-alam ko ay may mga taong nakabantay kila lola, nagbigay rin ito ng sustento ilang buwan ng nakalipas. Ilang minuto ng muli ay may kumatok sa pinto. Nilingon ko iyon bago bumuntong hininga. Agaran kong binuksan iyon bago magreklamo sa taong nasa labas. "Ano na naman ba ang gusto m--" natigilan ako sa pagsasalita ng mapuna ko kung sino ang taong naghihintay sa akin. Naisara ko ang bibig, biglang umatras ang dila ko at wala na akong maidugtong na sasabihin pa. "Pinatawag na kita kanina pa." ani seniorito stevan habang mataman kung nakatangin sa akin. Hindi ko ito nakita kanina ng umakyat ako patungong kwarto, wala din akong ideya kung nasaan siya ng mga oras na nag-uusap kami ni seniorito stuart. Nasa ibaba pa ba kaya ang kuya niya? Hindi ko lang lubos maisip na may nalalaman si stuart sa taong pumatay sa kanilang ina. Paano na lamang kung malaman ito ni stevan? Siya pa naman ang itinuturong suspek ng kanyang kapatid. "What are you thinking?" muli ay napatingin ako kay seniorito. Umatras ako ng humakbang siya papasok. Hindi napuputol ang titigan namin hangga sa makapasok ito sa kwarto. Naisara niya ang pinto, seryoso ang mga mata niya na natural na lamang sa paningin ko. "Are you planning to back out for our wedding?" Napaupo ako sa kama ng hindi siya tumigil sa paglapit sa akin. Yumuko ito, inilapat niya ang dalawang palad sa gilid ko habang patuloy na inilalapit ang mukha sa akin. Umatras ako, hindi siya tumigil hangga sa mapahiga ako sa kama. Sumunod ito sa pagbagsak ko, nakasuporta ang kamay niya at hindi tuluyang nagpapabigat sa ibabaw ko. "Tell me, what are you thinking?" Marahan ang naging paglunok ko, nais kong magsumbong kay senirito. Nais kong sabihin lahat ng nalalaman ko ngunit wala akong sapat na ebidensya. Ayokong magalit siya, alam kong magiging padalos dalos ito at baka hindi niya mapigilang saktan ang kanyang nakakatandang kapatid. "P-paano kung tumuloy ako sa k-kasal? K-kaya mo ba akong protektahan hanggang dulo?" Mataman kung tumingin sa akin si seniorito. Ang magandang nakakasindak niyang mata ay hindi nilubayan ang aking mukha. "I will protect you until you aren't leave my side, as long as you remain my wife i won't let you to get hurt." Naipaglapat ko ang labi dahil sa sinseridad ng kanyang sinabi. Ang pangamba na naramdaman ko kanina mula sa mga sinabi ni seniorito stuart ay naibsan niya sa kanyang salita. Tila binigyan niya ako ng panghahawakan upang manatili at magpatuloy sa kung anong binabalak namin. "Iyon ba ang iniisip mo kaya't hindi mo hinarap ang wedding planner?" "H-hindi ko lang maiwasan isipin ang kaligtasan ko at ng pamilya ko." "Your family is safe, magpapadala muli ako ng tao bukas upang tingnan sila." "Hindi ba malalaman ni don agaton lahat ng ginagawa natin?" "Don't stress yourself too much, magtiwala ka lang sa'kin. Iyon lang ang gusto ko." Hindi na muli akong sumagot sa sinabing iyon ni seniorito. Tumango na lamang muli ako, kung iyon ang nais niya ay siyang gagawin ko. "Do you have anything else in your mind besides that?" umiling ako sa tanong niya, Mataman pa rin ang titig niya sa akin at wala na yatang planong umayos ng pwesto. "What did you and stuart talk about earlier?" bahagya akong nagulat sa tanong niya. Alam niyang nag-usap kami ng kanyang kuya? Nakita ba nito kami kanina? "N-nagtanong lang ito sa akin?" "About what?" kunot ang kanyang noo sa mabilis nitong tanong. "Kung saan tayo pumunta kagabi." "Why does he need to ask you that!" Napanguso ako, galit agad? "H-hindi ko alam." "Is that all he said? maybe he said something else that you don't want to let me know?" Mabilis akong umiling. "Nagsasabi ako ng totoo, iyon lang." "Then dont talk to him again." tumango ako. Ang sungit, pero naiintindihan ko na kung bakit ganito ang trato niya sa kanyang kuya. Si stuart kasi ang huling kasama ni senyora amelia ng mawalan ito ng buhay. Siguradong pinatakas nila si dahlia ng mga oras na iyon upang hindi madakip sa salang kanyang ginawa. "Can you stay by my side as long as i want?" nangunot ang noo ko sa sinabi niya. "May ibang kontrata na naman ba ako?" "That's different, I'm only asking you because i don't want you to leave." bahagyang umawang ang bibig ko sa sinabi niya. "I don't want to feel left out again. I know I'm selfish, I'm not very kind. but the decision is up to you." napalunok ako. Nakakaramdam ako ng awa dahil sa sinabi niya, natatakot na siyang maiwan muli? Gaano ba kasakit ang naramdaman niya ng mga panahong nawala si dahlia? Pero puro kataksilan lamang ang ginawa ng babaeng iyon, paano pa kung malaman niyang nabuntis noon si dahlia? Hindi ko lubos maisip na niloloko lamang ng babaeng iyon ang lalakeng nasa harapan ko. Alam kong may masamang side si seniorito. Ngunit hindi naman ibig sabihin 'non na lolokohin na niya ito. "Hindi mo naman kailangan pumayag pa." aniya ng hindi ako sumagot. Akma siyang aalis ng hawakan ko ang necktie nito. Naipreno niya ang kamay upang isuporta sa biglaang hila ko. "Payag ako." sagot ko na nagpalambot sa emosyon niya. Hindi man ito ngumiti ay kitang kita sa mata niya ang saya dahil sa isinagot ko. "Hangga't akin ka, mananatili ako sa'yo. Iyon ang kundisyon ko." Ngumisi siya na naghatid ng kakaibang pakiramdam sa sistema ko. Lalo siyang gumandang lalake sa paningin ko, kakaiba ang takbo ng puso ko dahil sa ginawa niyang iyon. "Sino bang nagsabi na may kahati ka sakin?" Tuluyan niyang inilapit ang mukha sa akin, ilang pulgada ang distansya nito ng huminto siya. Dumampi ang ilong niya sa akin at halos maduling ako sa lapit niya. "Sa oras na naging asawa mo ako, sa'yo na ako. Hindi na iyon mababago." hinalikan ako ni seniorito matapos sabihin iyon. Alam kong peke at hindi naman totoo ang kasal. Ngunit sa puso ko'y umaasa akong mamahalin ako ni seniorito hindi bilang si dahlia. Hindi dahil hiniling ko, hindi rin dahil sapilitan. Kundi, kusa niya iyong mararamdaman na walang ginagawang pwersahan. *********** to be continued.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD