Chapter 16 (SPG)

2755 Words
(PUNISHMENT) Cordaphia Pov. Nang araw ng lunes, dumating muli ang wedding planner upang kuhanin ang aming nais na theme sa kasal. May mga designer din para sa aking gown na isusuot. Naging abala ang araw na iyon para sa amin, maging ang mga nalalabing araw na dumaan ay todo asikaso sila para lamang sa kasal namin ni seniorito stevan. Kinakabahan ako ngunit pilit kong pinapalakas ang loob para lamang maging maayos ang lahat. Hindi ko alam kung ano bang makukuha ko dito sa ginagawa ko, ngunit pinanghahawakan ko ang mga sinabi ni seniorito stevan. Alam ko sa aking sarili na unti-unting nahuhulog ang loob ko sa kanya. Nararamdaman ko iyon sa tuwing magkasama kami, sa tuwing hahalikan at hahagkan niya ako. Nais ko man pigilan ay hindi ko magawa, alam kong ikakasakit ko ito. Ngunit binigyan niya ako ng panghahawakan na hangga't asawa ko ito ay akin siya, iyon ang siyang paniniwalaan ko. Dumating ang araw ng kasal, ginanap iyon sa isang beach resort. Mga kilalang kaibigan lamang ni don agaton ang naroon maging ang mga iilang bisita na dumating noon sa engagement party. Ngunit hindi na importante kung sino man ang dumating sa kasal namin. Wala na akong ibang iniisip pa kundi si seniorito stevan lang. Kakaiba ang pakiramdam ko habang naghihintay siya sa aking paglapit, bumibilis ang t***k ng puso ko. Namamawis ang aking mga kamay at para akong matutumba ano mang oras. Alam kong walang katotohanan ito para sa amin, isa lang itong pekeng kasal. Ngunit sa mata ng mga taong nakasasaksi ngayon ay totoong mag-iisang dibdib kami para sa kanila. Isang payapang seremonya ang naganap ng umagang iyon. Bawat katagang binibitawan ng pari ay tumatak sa aking isipan. Ngunit ang mga mata ni stevan na nakatingin sa akin ay kailanman ay hindi ko makakalimutan. "You may now kiss the bride." anas ng pari matapos niyang sabihin ang isang mensahe. Hindi nawawala ang titig sa akin ni seniorito, inangat niya ang kanyang kamay upang hawakan ang aking belo. Marahan niya iyong itinaas dahilan upang tuluyang tumambad ang mukha ko sa kanya. Hindi ko magawang ngumiti dahil sa nararamdaman ko. Ngunit isang ngisi ang iginawad niya sa akin bago tuluyang angkinin ang aking labi. Masigabong palakpakan ang naganap sa kabuuan ng mga bisita. Lahat sila'y natutuwa ng harapin namin sila. Alam kong pagkakasala ang ginagawa kong ito, ngunit ang buong pangyayari sa kasal namin ay malaking tanda na iyon sa puso't isip ko na kailanman ay hindi ko na yata makakalimutan. Ang araw ng kasal namin ni seniorito stevan ay malaking pangyayari sa kabuuan ng buhay ko. "Are you going to shower?" bahagya akong napalingon sa tinig ni seniorito sa likuran ko. Pumalupot ang kamay niya sa aking katawan habang nasa likod ko ito. Tumungo kami ng ibang bansa para sa aming honeymoon. Iyon ang gusto ni don agaton, mabigyan namin siya agad ng apo upang masiguro nito na maipapasa sa lalakeng apo ang lahat ng mapupunta kay stevan. Marahan akong tumango sa tanong ni seniorito. Halos kalahating oras lamang ng marating naman ang hotel kung saan kami mananatili. Madilim na sa labas, ngunit may mga ilaw pa rin akong natatanaw. Maganda ang view ngunit hindi ko na kita ang magandang karagatan kung nasaan kami. "M-maliligo na ako." tugon ko. Muling nilihis ang tingin dahil hindi ko magawang malingon ng matagal sa kanya. "Can we take a shower together?" bahagya akong natigilan sa tanong niya. Hindi ko matunugan ang pagbibiro sa kanyang tinig; Seryoso ito, walang halong biro ng sabihin niya iyon. "As we are married, you should not ignore me for what i want." ramdam ko ang hininga n'ya sa aking batok. Naghatid iyon ng kakaibang bultahe ng kuryente sa aking katawan. Wala akong nagawa kundi pumikit, huli na lang ng malaman kong nagpatangay ako sa kanya papasok ng banyo. Hindi pa man ako nakakabawi sa pagbukas nito ng shower habang ako'y nasa ibaba, siniil na ako nito ng halik. Bahagya akong nawalan ng balanse dahilan upang saluhin ni seniorito ang likuran ko. Hindi ito nag-aksaya ng segundo sa kanyang kilos. Ang suot kong mahabang maxi dress ay kanyang pinadulas sa aking balikat pababa sa aking katawan. Isang pares ng bikini ang suot kong panloob. Itim iyon na siyang ibinigay sa akin ni tita mel bago kami umalis. Hindi ko alam kung may ideya na siyang mangyayari agad ang bagay na ito sa oras na marating namin ang aming destinasyon. Ngunit dahil may asawa na si tita mel, siguradong alam na alam niya na ang bagay na ito. Malamang na naranasan niya rin ito sa kanyang asawa na tila hindi man lang nakaramdam ng pagod sa haba ng biyahe. Isinandal ako ni seniorito sa isang salamin na kung titingnan ay parang pader lang. Maganda ang banyo ngunit wala akong oras sambahin ang karangyaan nito. Kinukuha lahat ni seniorito ang atensyon ko lalo na't ng mahubaran ako nito ng tuluyan. Umangat ang palad niya upang saluhin ang aking kanang dibdib habang pababa ang labi niya sa parteng leeg ko. Kasabay ng kanyang labi, lumapat ang palad nito sa aking pagka-babae. Hindi ko na halos mawari ang nararamdaman ng ipasok ni seniorito ang isang daliri niya roon. Napahawak ako sa kanyang balikat habang nilalabas masok ang kahabaan ng kanyang daliri sa aking pagkababae. Ang pag-agos ng tubig sa aking katawan ay siyang nagbibigay kabasaan sa akin. Napamaang ako ng maramdamang doble ang ipasok ni seniorito sakin. Pinapanood niya ang aking reaksyon bago muling sakupin ang labi ko. Hindi ko maiwasang mapadaing. Napakagaling niya dahil hindi ko masabi kung ano itong nararamdaman ko. Hindi lang naman ito ang unang mangyayari sa amin kung sakali, ngunit pinapasabik ako ni seniorito lalo na't ng tumigil siya. "Your wet." aniyang bulong kasabay ng pagkalas nito sa kanyang polo. Mabilis ang kilos nito, hindi ko maiwaglit ang paningin sa kanyang perpektong katawan na halos magsumigaw ng kakisigan. Ngumisi siya dahil sa titig ko, namamangha ako kahit ilang ulit ko ng nakita ang kabuuan niyang hubat na walang saplot. "Your ready." nanunuyot na ang lalamunan ko sa mapanuksong ngising iyon ni seniorito. Tila nais niya pa akong magmakaawa upang muli ay ituloy niya ang kanyang ginagawang pagpapaligaya sa akin. "Turn around." hindi ko matukoy ang nais niya. Ngunit siya mismo ang nagbigay sagot ng hawakan nito ang bewang ko upang iharap kung saan ako nakasandal kanina. Hinawakan niya ang aking likuran, bahagyang niyuko ang aking katawan at doon pa lang sa kilos niyang iyon ay alam ko na ang binabalak niya. Hindi na ako nito binigyan ng pagkakataong tumanggi pa. Inangkin niya ako sa pamamagitan ng pusisyong iyon. Halos hindi ko na maibigkas ang pangalan niya sa agresibo nitong kilos. Mabilis at walang banayad sa kanyang pagbayo habang hawak nito ang aking katawan. Ramdam ko ang kabuuan at kahabaan niya sa akin. Halos manlambot ang paa ko ng kumawala ang mainit na likido sa akin ngunit ang ulos ni seniorito ay hindi humuhupa. Ilang ulit iyon nangyari ng gabing iyon. Walang kapaguran ang katawan niya na kung titingnan ay hindi sumusuko. Natapos ang gabing iyon na halos mawalan ako ng enerhiyang tumayo sa kama. Wala akong masabi kay seniorito, tila sinigurado niyang mabubuntis ako at hindi mamimintis ang kakayahan niya bilang isang lalake. UMAGA na ng magising ako. Wala akong lakas bumangon habang balot ang aking katawan ng makapal na kumot. Wala si seniorito sa tabi ko. Hindi ko alam kung nasaan siya ngunit bukas na ang malaking bintana sa gilid ng silid. Mula doon, tanaw ko ang maalwalas na kulay asul na dagat. May mga yate doon na nakikita ko mula sa malayo Wala sa oras na napatayo ako. Ramdam ko kung gaano kahapdi ang pagkababae ko ngunit hindi masyadong masakit tulad ng unang beses naming ginawa iyon. Ngunit dahil ilang beses akong ginamit ni seniorito kagabi, tila makakaramdam talaga ako ng hapdi ngayong umaga. Kinuha ko ang roba upang ibalot sa hubad kong katawan. Lumakad ako upang lumapit sa salamin para lamang mamangha sa kagandahan ng lugar. Pino ang buhangin sa ibaba. Mula sa itaas tanaw ko ang mga ilang bisita rito na nagsasayahan sa ilalim. Isa itong malaking resort na may magandang view ng dagat. Hindi ko maiwasang manabik dahil hindi din ako nag-enjoy noon sa kasal namin sa beach. Hindi mahilig si seniorito sa dagat. Nasa iisang pwesto lamang kami noon habang kinakausap ng mga dumalo sa kasal. Hindi ko naranasang lumangoy, ngunit siguro naman ay mararanasan ko iyon dito. Kumuha ako ng pamalit sa malaking maleta na dala namin. Tumungo ako ng banyo upang linisin ang aking katawan bago lumabas, nasisiguro kong nasa ibaba na si seniorito at nagkakape. Masasabi ko bang sweet siya dahil hindi ako nito ginising? O hindi, dahil ni hindi niya man lang ako hinintay magising sa unang umaga namin bilang mag-asawa. Napailing ako. Ano ba ang pumapasok sa isip ko? Natural pagpapanggap lamang ito, ngunit nagpapanggap pa rin ba kami ngayon? Iba na kasi ang nararamdaman ko at para sa akin ay hindi na ito peke. Ang nararamdaman ng puso ko ay iba na, may pagtingin na ako kay seniorito. Suot ang puting blazer ay lumabas ako ng aming silid. Malaki iyon, para na siyang bahay at nasa 2nd floor ito. Siguradong mahal iyon ngunit alam kong kayang kaya ng mga villegas na bayaran iyon. Lumakad ako pababa ng hagdan. Mula sa suot kong blazer ay nasa likod nito ang puting bikina na bigay rin sa akin ni tita mel. Halos lahat yata ng suot ko at isusuot ay siya ang nag-ayos, hindi naman ako maarte. Magaganda ang damit na hinanda niya para sa akin, lahat ay mang-aakit. Hindi ko naabutan si stevan sa ibaba. Wala siya dito habang nililibot ko ang aking tingin. Binabati ako ng ilang empleyado na nasasalubong ko. Lahat sila ay dayuhan na may iba't ibang kulay ng mata. Ang babaeng bumati sa akin ay kulay asul, ang lalake ay berde na kung pakikinggan sa kanilang lenggwahe ay hindi mo agad makukuha. Ngumiti lamang ako bago tuluyang umapak sa buhangin. Manipis na sandals ang suot ko, hindi gaanong mainit ngunit nakalimutan kong maglagay ng lotion. Patuloy kong hinahanap si stevan ngunit napadpad na ako sa tubig ay hindi ko nakita maski anino nito. Napabuntong hininga ako sabay simangot sa kahabaan ng tubig. Saan ba siya pumunta? Ang daming masisilungang puno dito. May mga nakatinging lalake sa akin na hindi ko pinapansin. Ang isang napadaan ay binati pa ako, hindi naman ako bastos upang balewalain ito. "Are you looking for someone?" iyon ang tanong nito matapos kong tumugon sa pagbati niya. Bahagya akong ngumiti bago tumango. "Yes." "Your look like a filipina." "Yeah, I am pinay." "Who are you looking for? maybe i can help you" Ngumiti ako. "Maybe you don't know him, I'll just look for him somewhere else." "Are you sure? I am a resident here." Sa itsura nito ay halatang mayaman nga siya. Ngunit hindi na kailangan dahil nakikita ko na si stevan sa likuran nito na mabilis na lumalapit sa amin. Tinabig niya ang foreigner na nagtangkang tumulong sa akin na hanapin siya. Nagulat ang lalake sa ginawa niya ngunit sinamaan lang niya iyon ng tingin. "What do you need from my wife!" bumuka ang bibig ko sa sigaw na iyon ni seniorito. Gulat pa rin ang lalake bago ito umiling. "I just asked who she was looking for.." mukhang hindi sang-ayon si seniorito sa sinagot niyang iyon. Kunot ang noo nito, nagtatangis ang bagang bago ako hilain paalis doon. Sumigaw na dispensa ang lalake dahil hindi niya daw alam na asawa niya ako. Ngunit wala ni anong lingon si stevan sa binatang naiwan doon. "Why are you there!" isang madiing tanong ang ibinato sa akin ni stevan. Napalunok ako, nagagalit ba ito dahil nakipag-usap ako sa lalakeng iyon? "Hinahanap kita." "I was looking for you too, I just left you sleeping but when I came back you're gone! Then I'll see you talking with someone else!" bahagyang humaba ang nguso ko. Nilagpasan niya ang mga empleyado na tila iwas sa kanyang pagdaan. Nagtaka pa ako ng yumuko sila bago kami makaakyat ng hagdan. "Nagtanong lang naman kasi ito kung sino ang hinahanap ko, hindi naman mahaba ang pag-uusap namin." "But your still insist to talk to him!" "Hindi naman kasi ako ganon kasama para tarayan siya, atsaka. Saan ka ba kasi pumunta? Iniwan mo nga ako kaya hinahanap kita." nilingon niya ako bago kami makapasok sa malaking silid. Sa aming kwarto. "I prepared some food right there upstairs, didn't you read the letter I left on the table?" napakurap ako habang nakatitig sa mukha ni seniorito na hindi maipinta. May sulat siyang iniwan? "H-hindi ko n-nakita." nahihiyang sinagot ko iyon sa kanya. Hindi ko naman kasi alam na may ganoon siyang ugali, atsaka pa. Mas naakit ako ng tanawin kesa ilibot ang tingin sa silid ng oras na iyon. Bumuntong hininga siya. Tinalikuran lamang niya ako bago tuluyang pumasok, nagmamadali akong sumunod. Sa isang pinto ito pumasok at agaran iyong sinara. Pagsunod ko'y hindi ko na mapihit ang pinto dahil naka-lock na, hindi rin niya ako pinagbuksan kahit kumatok ako ng ilang beses. Nagagalit ba s'ya? Ilang oras naroon si stevan sa kwartong iyon. May naghatid lamang ng pagkain sa akin ngunit wala para kay seniorito. Nagrequest akong maghatid pa siya ng isa para kay stevan ngunit ang sabi nito ay hindi daw siya kakain. Nagtaka pa ako dahil paano niya nalalaman hindi kakain si seniorito kung kanina pa ito naroon sa loob ng kwarto. Nag-usap ba sila sa telepono? Alas dos na ng hapon ngunit hindi pa lumalabas si stevan. Nangangamba na ako kung ano ng ginagawa niya sa loob. Tumungo ako sa ibaba upang humingi ng susi dahil ang sabi ko ay hindi ko mabuksan ang isang kwarto kung nasaan naroon si stevan. Ngunit hindi nila ako binigyan, ang sabi nila walang susi para doon. Nais ko silang singhalan, ngunit pagbalik ko sa aming silid naabutan ko na si seniorito na nakaupo sa kama habang naglalatag ng masusuot. Nilapitan ko ito, ni hindi niya ako nilingon kahit na umupo ako sa tabi niya. Hindi ba siya nagugutom? "Seniorito?" tumigil ito sa kanyang ginagawa. Nilingon ako nito na kung ipapaliwanag ko ay parang malaki ang atraso ko sa sobrang sama ng tingin n'ya. "What did you call me?" "Seniorito." inulit ko ang sinabi ko kanina, ngunit lalo lang naging masama ang titig niya sakin. "What is my role to you?" nangunot ang noo ko. "Asawa?" patanong iyon, di pa ako sure dahil may tigatig pa ako dahil alam namin sa isa't isa na may kontrata lang kami. "Then, what are you calling me again?" Napakurap ako. Hindi niya ba nagustuhan ang pagtawag ko sa kanya na seniorito? Ano ba dapat? "Asawa ko?" wala itong sagot sa sinabi ko. Muli itong nagpatuloy sa ginagawa na siyang ikinapagtataka ko. Himala lang na hindi niya ako inutusan? "Ako na maghahanda nito, seniorito--" natigilan pa ako saglit dahil sa itinawag ko rito, napalunok ako bago magpatuloy. "Asawa ko pala." napaiwas ako ng tingin dahil tumayo siya sabay sulyap sakin. "Get dress, we're leaving." muli ay nag-angat ako ng tingin sa kanya. Bahagyang naghihinayang dahil aalis na agad kami? "Uuwi na tayo?" Tumaas ang kilay niya. "No." Napahinga ako ng malalim, akala ko aalis na kami. Hindi pa man ako nakakaligo e. "Kung ganon, saan tayo pupunta?" "Don't you want to swim?" namilog ang mata ko. Mabilis pa akong tumayo upang lapitan siya. "Gusto ko, syempre!" "Then get dressed. We will sleep there on the yacht." Naging masaya ako sa tinuran ni seniorito, sasakay kami ng yate? Na-eexcite ako. Yung tipong hindi pa man siya tapos maligo, nakahanda na ako. Ang sexy ni seniorito sa suot niyang muscle tee. Ang shorts nito'y abot hangga taas ng mapuputi niyang tuhod. Hiyang hiya ang akin dahil mukhang makinis pa yata ang kanya. Napanguso ako bago bumaling ang tingin niya sakin? "Let's go?" tumango ako. Mabilis na lumapit sa kanya. "Why did you think we were going home?" lumabi ako sa tanong nito bago kami lumabas. "Akala ko kasi uuwi na tayo dahil galit ka sakin." umismid siya. Ang taray. "We won't go home until you get pregnant here." alam kong iyon naman talaga ang pakay namin dito. Ngunit masyado siyang prangka, nagugulat ako habang nanlalaki ang mata. "Don't bring a replacement clothes." aniya pang hirit bago tumingin sa dala kong damit. "The comforter there is enough for you, that's your punishment tonight for talking to other man." ************ to be continued. Sorry for late update again. Hope you understand dahil tatlo ang on-going story ko. ?❤️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD