Third Person Pov. (Cordaphia's death) "Condolence, mr villegas." walang emosyon si stevan habang nakaupo sa isang pwesto. Diretso lamang ang kanyang paningin kahit na dinaragsa ang unang burol ng asawa niya. Hindi pa rin ito kumbinsido na totoong patay na ang asawa nito. Gagawa pa rin siya ng paraan upang hanapin si cordaphia kahit na nasa harapan ngayon ang abo nito. Hindi ito papayag na ganito lamang ang mangyari sa kanila. Sa katapusan ng burol ni cordaphia, mag-uumpisa si stevan na gumanti. Ngunit ang kaso lamang niya ang kanyang iniisip, hindi ito sigurado kung mababasura ang kaso niya kung ang nagsampa nito ay nawala na. "Walang cctv sa lugar kung saan sumabog ang kotse. Ngunit sa ilang nadaang cctv footage ng sinasakyan nila ay kumpirmadong si cordaphia nga ang nakasakay sa loo

