Third Person Pov. (The new yaya) Sa tinagal ng panahon simula ng mapabalitang patay na si cordaphia. Nitong araw lamang sila nagkita ni stuart, mahigit dalawang buwan na ang lumipas ng magtago si cordaphia sa piling ng attorney niyang si rico. Planado na ang lahat sa muli niyang pagbabalik, nakahanda na ito. Tinatatagan na niya ang kanyang loob upang muli nitong makapiling ang mga anak. Ngunit hindi pa niya tuluyang maipapakilala ang sarili bilang cordaphia. Lihim itong magtatago sa ibang pagkatao upang hindi makilala ni stevan. May doctor na kilala si stuart upang matulungan sila. Hindi naman na sasalang sa operasyon si cordaphia o ano 'mang pagreretoke sa kanyang mukha. May idaragdag lamang sa katawan ni cordaphia upang makitang mataba siya. Malaki ang katawan ni cordaphia ngayon

