Cordaphia's Pov (Olivia Policarpio) Ang mga mata ni stevan ngayon ay parang nag-aalab na apoy habang nakatingin sa akin. Kulang na lang ay atakihin niya ako at piliting magsalita dahil sa matagal kong pananahimik. “Do i need to repeat my dvmn question, woman?” napalunok ako, tila ba nanuyot ang buong lalamunan ko dahil hindi lang basta malamig ang tinig niya. Kundi, masyadong ito nakakapangilabot. “A-ako ang b-bagong y-yaya ng mga bata..” hindi ko alam kung narinig nito ang sinabi ko. Ngunit yumuko na ako upang kumuha ng lakas, pinilit kong tumayo ngunit hindi na ako naglakas loob pang tumingin sa mata niya. Hindi ko alam na magiging ganito ako sa kabila ng ginawa niya sakin. Tila ba takot na takot ako ngayon sa harapan niya. Ano bang tawag dito? Trauma? Maaari bang iyon ang narara

