Chapter 2

1644 Words
"Sigurado ka? Walang halong biro?" Hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Chynna. "Oo nga, mukha ba akong nagbibiro? I saw it with my two naked eyes!" Tugon ko rito na hindi na talaga makapaniwala sa kuwento ko na nagpakita sa akin ang patay kong kakambal na si Samantha sa hallway ng Mt. Simeon High. "Naku my friend, baka naman nagpakita sa'yo ang twin sister mong si Samantha kasi ayaw niyang magkatuluyan kayo ni Trippe, na boyfriend naman niya noong nabubuhay pa siya?" "Tss. Hindi naman siguro! Eh, di dapat noon pa lang minulto na rin niya si Carley na current ex-girlfriend na ngayon ni Trippe 'di ba?" "Sa bagay may point ka riyan Sienna. Oo nga pala, nasaan na si Trippe? Akala ko ba kasama mo siya na pupunta ng bahay ko ngayon?" Tanong ni Chynna habang may nakababad na bubble gum sa kanyang bibig. "Nasabihan ko na siya. Kaso sabi naman sa akin ni Trippe hindi siya makakapunta kasi heartbroken pa rin siya kay Carley." Tugon ko habang nag lilipat ng pahina ng magazine na aking binabasa. "Hmmn, bakit nga ba sila nagbreak ni Carley?" Kunot noong tanong niya sa akin. "Sabi sa akin ni Trippe noong dumating na sila sa 5th monthsary nila last week, sinabi na lang sa kanya ni Carley na ayaw na raw nito makipagrelasyon." "Ang weird naman no'n. Basta bigla na lang nakipag split kay Trippe without any valid reason? Duh, such a w***e. Pero puwede rin, baka naman minulto nga kasi siya ng twin sister mong si Samantha." Naiiritang sambit ni Chynna sabay lunok ng bubble gum na binababad niya sa kanyang bibig. "Hindi naman siguro. Malay mo may malalim lang din na dahilan si Carley." "Wow, Sienna ikaw ba talaga 'yan? Kailan mo pa natutunang ipagtanggol si Carley na haliparot, feelingera, at assumera ng section B? Eh, 'di ba nga kamamatay lang ni Samantha noong nilandi na niya agad si Trippe. Eto naman si Trippe nagpalandi agad. Kaya ikaw, tingnan mo sarili mo until now single pa rin. Kasi naman, ang bagal-bagal mo." Paggiit pa ni Chynna sa akin. Teka, bigla akong na speechless sa mga sinabi sakin ni Chynna. Pakiramdam ko, nag bounce sa akin lahat ng sinabi niya. Kasi naman lahat 'yon totoo. Si Samantha na kakambal ko naging sila na ni Trippe. Si Carley naman na haliparot na estudyante ng section B naging sila na rin ni Trippe. Eh, ako kaya na dakilang bestfriend ni Trippe? Kailan naman kaya magiging kami? "Eh, bakit mo ba kasi pinapakialaman ang sarili kong love life? Masyado kang intrimitida 'no." Depensa ko sa aking sarili. Sa inis ko kay Chynna nabatukan ko na lang siya bigla sa bunbunan niya. "Aray! Ang sakit no'n Sienna. Ang bitter mo." "Pakilamera ka kasi ng may buhay nang may buhay eh! Maiba lang ako, nasaan na nga pala yung sinasabi mong astig na bagay na gusto mong ipakita sa akin?" "Ay oo nga pala, yung binigay sa akin ni Tito Charles. Saglit lang Sienna kukunin ko lang sa aking kuwarto." Makalipas ang ilang sandali ay binalikan na rin ako ni Chynna sa salas ng bahay nila at nakita kong may dala-dala siyang isang parisukat na kahon na medyo malapad. Siguro 'yon na ang binigay sa kanya ng Tito Charles niya. Pagkalapit sa akin ni Chynna sa kinauupuan kong sofa, nilabas na agad ni Chynna ang nilalaman ng kahon at nagulat ako sa aking nakita. "Ouija board?" Sabi kong patanong kay Chynna. "Yeah, you say it right Sienna! Its a Ouija board. Ito yung binigay sa akin ni Tito Charles and you know what's interesting with this Ouija board?" Sambit sa akin ni Chynna na may pilyang ngiti sa kanyang labi. "And what's interesting with that Ouija board thing?" Kunot noo kong tanong kay Chynna. Kasi naman parang may navivibes akong gustong gawin ni Chynna. Pakiramdam ko kasi yayayain niya akong maglaro ng Ouija board. Ayaw ko kasi sa mga ganyan na creepy stuff. Takot ako. Matutulog na nga lang ako sa gabi, sinisigurado ko na nakabukas pa ang ilaw. Baka kasi may kung anong biglang lumabas sa dilim sa kuwarto ko. "Ang Ouija board na 'to ay galing pa sa kalolololohan pa namin ni Tito Charles. In other word, antigo. Kaya for sure marami na 'tong natawag na kaluluwa sa iba't ibang pinagpasa-pasahang henerasyon ng pamilya namin." Saad sa akin ni Chynna. "Okay!" Matipid kong sagot. Sinimangutan ko si Chynna. Bwusit na babae ito. Lechugas siya mukhang tama nga ang kutob ko. Magyayaya ito na mag laro ng ouija board. "Anong okay lang? Alam ko na para makitaan kita ng interes sa Ouija board ko na 'to. Let's play it!" Sabi niya na may nakakalokong ngiti. Sabi na nga ba magyaya siyang maglaro. I'm so dead now! "Huh? Seriously Chynna? Ayoko nga! Bahala ka uuwi na lang ako!" "Sige, kapag umuwi ka at tinanggihan mo ako na maglaro ng Ouija board, sasabihin ko kay Trippe ang matagal mo ng pinaka-iingatan na lihim noong freshman pa tayo. Ikaw yung estudyanteng naka-iwan ng panty sa girl's c.r. Pagkatapos, kinabukasan nagulat na lamang tayong lahat na nasa desk table na ni Sir Roque yung panty mo." Tatawa-tawang saad sa akin ni Chynna. Bilib din ako sa friend kong si Chynna. Ang galing mang-terrorized. Kaya no choice. Sige "OO" na naman ako sa gusto niya. Kasi naman sino ba kasing siraulo ang naglagay ng pink panty ko sa desk table ni Sir Roque? "Oo na lang! Sige na maglaro na tayo ng Ouija mo! Nang tumahimik na 'yan bunganga mo!" Naiinis kong sagot kay Chynna. Patuloy lang siya sa pag tawa na akala mo wala ng bukas. Naku, kabagin sana siya. "Ayan. You're a good friend talaga Sienna. Tara do'n tayo sa kuwarto ko para mas may privacy saka para madilim." Anyaya niya sa akin. Tumango na lang ako sa kanya habang nakabusangot. Pagpasok namin ni Chynna sa kanyang kuwarto nilabas na agad niya ang dalawang itim na kandila at sinindihan ito. Nang nasindihan na niya ang mga kandila, pinatay naman niya ang flourescent light ng kuwarto. Pagpatay niya sa flourescent light, tanging ilaw na lamang ng mga itim na kandila ang tanging nagbibigay liwanag sa buong kuwarto. Bigla namang nakaramdam ako ng pagtayo sa aking balahibo sa batok. Alam ko wrong idea itong gustong mangyari ni Chynna na maglaro kami ng Ouija board. Kung magbabackout naman ako malamang at sa malamang, sasabihin niya kay Trippe ang lihim kong sobrang nakakahiya. "Oo nga pala. Sino kaya ang puwede natin tawaging kaluluwa sa Ouija?" Tanong bigla sa akin ni Chynna. "Seryoso ka ba talaga Chynna na gusto mong gawin natin 'to?" Tanong ko naman na may halong kaba at pag-aalinlangan. "Oo naman. Masaya kaya 'to! Huwag ka nga masyadong anxious diyan. There's a saying nga 'di ba na huwag kang matakot sa patay. Matakot ka sa buhay." Sabi sa akin ni Chynna. Nag rolled eye na lang ako sa kanyang sinabi. "Kahit na. Saka baka makabulabog pa tayo ng isang kaluluwa na nanahimik na sa kabilang buhay." Giit kong babala kay Chynna ngunit sadyang pilya siya at pinagpipilitan na mag laro ng ouija board. "Masyado kang kill-joy 'no, Sienna? Chill ka lang kasi. What if... si Samantha ang tawagin natin sa Ouija?" Pagkasabi ni Chynna sa akin nu'n ay bigla akong napatahimik ng ilang segundo at saka ako sumagot sa kanya. "Nasisiraan ka na ba ng ulo Chynna? Pati yung dead twin sister ko idadamay mo pa sa iyong kalokohan?" "Okay lang 'yon. Just for fun lang naman. At saka baka ito na rin ang moment mo na makausap si Samantha kung bakit siya nagpakita sa'yo sa hallway ng school natin." Praning na talaga ata si Chynna. Pati si Samantha gusto pa niyang idamay sa paglaro niya ng Ouija. Mukhang maling-mali talaga 'tong gagawin namin ni Chynna. Pero sige, for the sake of my biggest secret na pink panty. I'll do this! I'm sorry twin sister. Please sana huwag kang magparamdam sa amin kapag tinawag ka na ni Chynna sa Ouija board niya. Bago namin simulan ang paglaro ng Ouija board may inabot muna sa akin na isang maliit na kapirasong papel si Chynna. Nakasulat dito ang chanting na sasabihin namin kapag tinawag na namin ang kaluluwa ng kakambal kong si Samantha. Hindi na pinatagal pa ni Chynna ang paglaro at pagtawag sa kaluluwa ng kakambal ko. Sabay namin binigkas ang chanting. "Come spirit of Samantha in the air and talk to us if you dare. In a place were no life survives, in a place evil thrives. Now I call you to the medium, our board. And now speak to us through this glass. Now for the living shall pass." At pagkatapos no'n hinayaan lang namin na nakapatong ang mga hintuturo namin sa glass ng Ouija board at nag chant ulit. "Spirit of Samantha speak to us, are you here already?" Wala naman pagpaparamdam na nangyari pagkatapos namin sabihin ang sumunod na chant. Hanggang sa pagkalipas ng 20 seconds biglang gumalaw ang glass at tumapat sa "Yes." Pagkatapos no'n gumalaw naman paatras sa gitna ang glass. Tinanong ni Chynna sa Ouija board, sa kaluluwa ni Samantha kung bakit ito nagpakita daw sa akin sa hallway ng school, at marahan nito na nag spell out ng R-E-V-E-N-G-E. Pagkatapos no'n ay biglang nagkaroon ng malakas na ihip ng hangin sa loob nitong kuwarto ni Chynna at biglang nagpatay-sindi ang mga ilaw ng mga itim na kandila. Pati ang flourescent light ng kuwarto na pinatay kanina ni Chynna ay biglang kusang nagpatay sindi. Sa takot namin pareho ni Chynna ay sabay kaming kumaripas nang takbo papalabas ng kuwarto. Pagkatapos ng nangyari na 'yon pinakiusapan ako ni Chynna na kung puwede daw ay do'n muna siya matutulog sa bahay ko. Tutal wala naman akong kasama sa bahay at sila Mama at Papa ay may business meeting sa Canada. Kaya pumayag na din ako na makitulog muna siya sa bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD