Chapter 3

1408 Words
"Look who's scared right now..." Sarkastikong sambit ni Sienna kay Chynna. "Yes, I admit it already Sienna! Ako na ang takot. Matulog na nga tayo tss." Tugon naman nito na hindi maipinta ang mukha sa sobrang takot. Nang kalagitnaan na ng tulog nitong dalawang magkaibigan sa kuwarto ay biglang naalingpungatan si Sienna. Bumangon siya sa kanyang kama. Nakita niya na nakabukas ang pintuan ng kuwarto. Tumayo siya sa kanyang kama at lumapit sa pintuan para isara. Pero nang isasara na niya ang pintuan ay may narinig siyang kaluskos sa unang palapag ng kanyang bahay.  Bumaba si Sienna papunta sa unang palapag. Habang naglalakad ng hagdanan ay parang may napansin siyang anino sa labas ng bintana nitong bahay niya. Natakot si Sienna kung kaya ay nagmadali siyang bumaba ng hagdanan at tumakbo papunta sa kusina at nagtago naman sa ilalim ng isang mahabang oval table. Habang nagtatago sa ilalim ng lamesa si Sienna ay biglang nanlamig. Tumaas ang balahibo niya at biglang bumilis ang pintig ng kanyang puso. May naulinigan ding yabag ng paa si Sienna papalapit sa kanya. Nang biglang naramdaman niyang may humila ng kanyang paa mula sa ilalim ng lamesa kung saan siya nagtatago. Ang bilis ng paghatak sa kanya. Ang pinagtatakahan lang ni Sienna ay wala naman siyang nakikitang tao na humihila sa kanya. Gusto niyang sumigaw kaso hindi niya naman magawa. Pakiramdam niya may pumipigil sa kanyang tinig na lumabas sa bibig niya. Hanggang sa dalhin siya ng paghatak sa kanya ng isang nilalang na hindi naman nakikita ng kanyang mga mata sa isang kuwarto. Sa kwarto ng yumao niyang kakambal na si Samantha. Tumayo si Sienna sa sahig ng kuwarto. Pinagmasdan niya ang kabuuan ng kuwarto ni Samantha ngunit wala naman ibang tao do'n kung hindi siya lamang. Hanggang sa nakaramdam siya ng mahigpit na pagyakap sa kanyang katawan. Pagkatapos ay may narinig siyang bumulong sa kanyang tainga. "How are you my dearest twin sister? Did you enjoy your play time moment with your friend Chynna on the Ouija huh?" Biglang nanlaki ang mga mata ni Sienna nang narinig niya ang boses na bumulong sa kanyang tainga. Ang boses ng kanyang kakambal na si Samantha. "Now there's no more way to escape my dearest twin sister, Sienna. You're already mine. You're the key to my sweetest painful revenge to those stupid morons who just destroyed and killed me! Hahaha!" Dagdag pa ni Samantha kay Sienna na may kasama pang halakhak. Pagkatapos ng tagpo na 'yon ay bigla na lang nawalan ng malay si Sienna sa kuwarto ni Samantha. Nang sumunod na araw ay nagising na lamang si Sienna dahil sa matining na boses ng kanyang kaibigan na si Chynna. "Hey friend, wake up! Late na tayo sa school!" Gising ni Chynna sa kaibigan na si Sienna. "Oo na susunod na lang ako. Mauna ka ng pumasok sa Mt. Simeon High." Tugon naman ni Sienna kay Chynna. "Okay, sige ikaw bahala. Una na ako sayo." Pag alis ni Chynna ay bumangon na din si Sienna. Tumayo siya mula sa kama at humakbang papalapit sa salamin na nakasabit sa pader ng kanyang kuwarto. Pag harap ni Sienna sa malaking salamin ay biglang ngumiti ito na may mga mata pang nanlilisik. Pagkatapos ay nagsalita siya sa harapan ng salamin. "Pagkatapos ng mahabang paghihintay, sa wakas! Nakabalik na akong muli. Salamat sa'yo my dearest twin sister Sienna. Ako na muna pansamantala ang mag mamay-ari ng iyong katawan para maisakatuparan ko na ang aking matagal ng mga plano. Ang aking paghihiganti! Haha!" *** "Hi Chynna!" Bati ni Trippe kay Chynna nang nagkasabay silang pumasok sa gate ng Mt. Simeon High. "Hi Trippe!" Tugon naman ni Chynna sa binata. "O, hindi mo ata kasabay pumasok si Sienna?" Nagtatakang tanong ni Trippe rito. "Tinanghali na siya ng gising kanina eh." "Ganun ba? Tara, tayo na lang sabay. Malapit na ring magflag ceremony eh." Pag-aaya ni Trippe kay Chynna. Sumabay naman si Chynna kay Trippe papunta sa school ground para sa flag ceremony. Pagkatapos ng flag ceremony ay pumunta na sa kanya-kanyang mga silid ang mga estudyante. Habang pumupunta na ang ibang mga estudyante sa kanya-kanyang silid ay biglang napatigil sa paglalakad si Trippe at biglang kinalabit si Chynna. "Chynna... Chynna si Sienna ba 'yon?" Tanong nito. "What the hell? Si Sienna ba 'yan?" Tugon naman g dalaga kay Trippe na tila ba hindi makapaniwala sa nakikitang paparating na si Sienna. Biglang nag-iba ang ayos ng buhok ni Sienna, ang bagong shoulder bag niya na babaeng-babae ang dating, ang sapatos niyang itim na may pearl designs, at ang light make up na nakalagay sa kanyang mukha. Higit sa lahat ang mala-model niyang postura habang naglalakad sa school ground. "What happened to you Sienna?" Gulat na tanong ni Chynna sa kaibigan. "What?" Tugon nito habang nakataas pa ang kanang kilay . "Ano nangyari sa'yo? Ba't biglang nag-iba ang ayos mo? Tinamaan ka ba ng sakit na tepus? Naka-drugs ka ba? O baka naman sinasaniban ka ng masamang espiritu?" Nagugulumihan tanong ni Chynna rito. "Nothing happened to me okay? Wala lang. Gusto ko lang ng bagong look. And if ever na sinaniban man ako ng isang masamang espiritu well, thanks to that evil spirit. Ginawa na niya akong isang tunay na babae!" Tugon ni Sienna na may tono ng pagmamalaki. "Oo nga naman Chynna."Pagsang-ayon ni Trippe. "Hay naku, ewan ko sa inyong dalawa. Kayo na nga lang mag-usap diyan!" Giit naman ni Chynna. Nauna ng pumunta ng silid si Chynna habang sila Sienna at Trippe naman ay naiwan sa school ground. "Hi Trippe, its been a long time." Bati ni Sienna kay Trippe. "Huh? Nagkita naman tayo kahapon sa school ah?" Nagtatakang tanong nito. "Ah... eh... what I mean... nevermind! Tara let's just go to the classroom. Baka malate pa tayo sa attendance." Nauutal na sagot ni Sienna kay Trippe na nakapamewang pa. "Okay if you say so..." Sabi ni Trippe pagkatapos ay nagkibit-balikat na lamang. Pagkatapos ng klase nina Sienna sa Mt. Simeon High sabay silang lumabas ng silid nina Chynna at Trippe para umuwi na. "Grabe Sienna, masyado mo akong ginulat ngayon araw na 'to. Aside sa bago mong looks, aba nasagot mo pa ang tanong sa'yo ni Sir Victorio sa recitation kanina sa Physics. Eh, 'di ba hate na hate mo ang Physic?. Madalas ka ngang bumabagsak do'n 'di ba?" Turan ni Chynna. "I guess, I'd changed. That's it!" Simpleng tugon ni Sienna habang nakangiti pa. "So what's your secret in changing yourself, Sienna?" Tanong naman ni Trippe habang nakatitig ito sa kanyang mga mata. "Ah wala naman. Well, if there's a secret, then it will be definitely a secret to be keep." Sagot ni Sienna. Ngumiti na lamang si Trippe sa pag sagot sa kanya ni Sienna. Pagkatapos nang pag uusap nila Trippe, Chynna, at Sienna ay naglakad na sila papunta ng exit gate. Ngunit, hindi pa sila tuluyan nakakalapit sa gate para lumabas ay biglang natigilan si Sienna. "Mukhang kailangan ko atang bumalik sa aking locker. Nakalikutan ko ata yung nilagay ko kaninang notebook para sa Music. May assignment pa naman tayo do'n bukas." Saad bigla ni Sienna. "Gusto mo samahan na kitang bumalik ng school?" Mungkahi naman ni Trippe. "No need Trippe. Ako na lang babalik. Sige na, mauna na kayong umuwi. Baka matrapik pa kayo sa kalsada." Tugon ni Sienna. "Okay, sige mauuna na kami ni Chynna sa'yo." Sambit ni Trippe. "Sige Sienna, see you tomorrow na lang!" Paalam naman ni Chynna na nakakaway pa. Ngumiti naman si Sienna sa kanila ni Trippe at pagkatapos ay naglakad na siya sa school ground papunta sa locker niya. Nang sumunod na araw sa Mt. Simeon High. Pagkatapos ng flag ceremony ay pumunta muna ng banyo ng mga babae si Chynna para umihi bago pumasok sa silid. Sa pagpasok niya sa loob ng banyo ay biglang nanlaki ang kanyang mga mata sa nakita niyang wala ng buhay na teacher niyang si Mr. Victorio. Wala itong saplot sa katawan. Puno ng dugo at may mga paso ng sigarilyo sa kanyang katawan. At nakabitin itong patiwarik sa kisame. Sa sobrang takot ni Chynna sa nakita niya sa loob ng banyo, nagmadali siyang tumakbo palabas at sinabi niya sa school's security guard ang nakita. Dahil sa malagim at misteryosong pagkamatay ni Mr. Victorio napagpasyahan ng school management na ikansela muna ang pasok ng mga estudyante sa Mt. Simeon High at ipagpaliban na lamang kinabukasan. Sa gano'n ay maasikaso ng pulisya at imbestigador ang biglang pagpaslang sa Physics teacher na si Sir Victorio.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD