Raine's POV Apat na buwan na ang nakalipas. Nakatitig ako sa lapida nya habang hinihimas-himas ang kanyang pangalan na nakaukit dito. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap tanggap na wala na ang taong minahal ko ng buong puso. Sa tuwing pagmamasdan ko ang aking mga anak ay para akong sinasaksak ng paulit-ulit. Nalulungkot ako na lalaki ang aking mga anak na hindi kapiling ang kanilang ama. "Da-ddy" Utal na ani ng isa sa aking kambal habang nakikihimas sya sa lapida ng kanyang ama. Nakaramdam ako ng lungkot ng pagmasdan ko ang aking anak. "Ate ang gulo ni Gian kung saan-saan tumatakbo" Sigaw naman ni Roxanne. Napatingin ako sa kanila at sinuway ang aking anak na walang tigil sa pagtakbo. Napatingin naman ako sa aking kapatid at sinenyasan ko na lamang na bantayang mabuti dahil n

