Isaac's POV Apat na buwan na mula ng pumanaw ang inaakala nilang si Rye, ngunit kaylan man ay hindi ako naniniwalang pumanaw na ang aming kaibigan. Hindi ganoon kadaling iiwan ni Rye ang kanyang mag iina, naaalala ko pa ng dumating ang araw ng libing ng inaakala nilang katawan ni Rye, wala kaming nagawa kung hindi ang pumunta upang makiramay sa pamilya ng mga naulila. Ngunit naniniwala pa rin ako na buhay na buhay pa si Rye kaya nangako ako sa aking sarili na gagawin ko ang lahat upang maibalik sya sa mga taong nagmamahal sa kanya. Ipinikit ko ang aking mga mata at tumingala, hinilot ko ang aking sintido at bumulong sa hangin. "Rye nasaan ka na? Ano ba talaga ang nangyari sayo, kasalanan ko ito dapat kasama mo ako ngunit mas inuna ko pa ang babae kesa ang trabaho na dapat ay ako ang g

