Isaac's POV Mahigit isang buwan na kami dito sa Calatagan Batangas ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin namin nahahanap si Rye. "Mahigit isang buwan na tayo dito kailangan na nating maghanap sa ibang lugar." Wika naman ni Hanz sa akin. Kung saan-saan na kami nakarating pero hindi namin mahanap yung batang nakakakilala kay Rye, tinungo namin yung lugar na tinakbuhan nya ngunit liblib na lugar na ito at imposible namang may naninirahan sa lugar na iyon. "Halos nalibot na natin ang bayang ito ngunit walang Rye, walang makapag turo kung nasaan si Rye," wika naman ni George na mababakasan ng pagka dismaya. "Sige, bukas na bukas din ay sa ibang bayan naman tayo maghahanap." Saad ko at napabuntong hininga na lamang ako dahil hindi namin alam kung saan namin hahanapin ang batang nakakakilal

