Ryven's POV Nag desisyon akong magpakita na sa kanila dahil gusto ko na ring malaman ang buong katotohanan sa aking pagkatao. Kailangan ko ng harapin ang takot na nararamdaman ko kung ano man ang matutuklasan ko sa tunay kong pagkatao. Ilang araw na ring ginugulo ng mukha ng isang babae ang aking isipan at alam ko at nararamdaman ko na may malaki syang parte at kinalaman sa aking buhay. Kung minsan nga ay parang sinasadya ko na lamang na pumikit upang makita lang ang kanyang mukha sa aking isipan. Hindi ko alam ngunit nakakaramdam ako ng kapanatagan ng aking kalooban sa tuwing makikita ko ang kaniyang magandang mukha sa tuwing ipinipikit ko ang aking mga mata. Ngayong alam ko na kung sino talaga ako ay naguguluhan pa rin ang aking isipan, sa dami ng kanilang sinabi ni isa ay wala akon

