Ryven's POV "Saan ka ba nanggaling at sino itong mga kasama mo?" Agad na tanong ni tatang Ben pagkauwi namin sa aming munting tahanan. Isa-isa kong pinakilala ang aking mga kasama na ikinagulat nya at napatingin sya sa mga taong nakatayo sa kaniyang harapan. Batid kong masaya si tatang Ben na unti-unti ko ng inaalam ang tunay kong pagkatao ngunit nakikita ko rin sa kaniyang mga mata ang matinding kalungkutan, gayunpaman ay matamis na ngiti ang kaniyang isinagot sa kanilang lahat at agad nyang pinaupo ang mga ito sa aming mahabang upuan na gawa sa kawayan. "Tatang Ben, sasama na po ako sa kanila, Gusto ko pong makilala ang tunay kong pagkatao lalong-lalo na po ang aking mga magulang na inakalang pumanaw na po ako." Wika ko sa kanya. Naramdam ko ang pagkagulat nya ngunit panandalian lama

