Raine's POV Maaga pa lang ay naghahanda na kami para dalawing muli si Rye sa memorial park. Mag aanim na buwan na rin ang nakalipas mula ng pumanaw ang taong nagbigay kulay sa aking mundo at nagbigay ng kasiyahan sa aking pagkatao. Iniwanan nya ako ng dalawang anghel na kamukhang-kamukha nya at sila na ngayon ang nagpapasaya sa akin, Pinunan nila ang puwang sa aking puso kaya't nagpapasalamat ako dahil nabiyayaan kami ng dalawang supling. Walang araw na lumipas na hindi ko sya naiisip, halos gabi-gabi na lang ay tumutulo ang aking mga luha, miss na miss ko na talaga syang mayakap at mahagkang muli. Sana panginoon ko kung panaginip lamang ang lahat ng ito ay gisingin po ninyo ako. Ayokong manatili sa bangungot ng aking buhay. "Rye, miss na miss na kita mahal ko, hindi ko alam kung kaya

