CHAPTER:4

2019 Words
VENUS PRIA SAZER P.O.V Nagising ako sa isang puting silid ngayon at ng inillibot ko ang aking paningin ay aking nakita si prinsepe Kairo. Ang lalaking aking minamahal,ipinagkasundo man ako sa kanya pero habang nakikilala ko siya ay unti unti ko itong minahal. Lumapit naman agad ito sa akin ng mapansin nito na gising na ako,pero ipinagtataka ko ang kasuotan niya ay kakaiba na din.Hindi na ito katulad ng mga kasuotan namin sa kaharian at wala din ang damit nitong pang prinsepe, ngunit kahit ano pa ang maging kasuotan nito ay napaka kisig pa din nito,pero ng aking pinagtataka ay ng tawag nito sa akin ngayon at miss na hindi ko maintindihan kung bakit iyon ang kanyang tawag sa akin. Tinanong ko na din ito kung bakit ako nandito sa hospital at ng tawagin ko itong prinsepe Kairo ay bakas sa mukha nito ang pagkagulat sa aking itinawag sa kanya. "Miss hindi Kairo ang aking pangalan at lalong hindi ako isang prinsepe,sandali lamang tatawagin ko ang mga doktor para matingnan ka nila,dahil hindi ko pa masasagot sa ngayon ang mga katanungan mo sa akin." Sagot nito sa akin at tuluyan ng lumabas ng aking kwarto. Pinilit ko na din na isipin kung paano ako napunta dito. Ang tanging lumalabas sa aking isipan ay ang ala ala ko ng nasa kaharian pa namin. Nakatulog lang naman ako sa isang balon na madalas ay aking pahingahan kapag gusto ko na mapag-isa,ang balon kung saan ay nakikita ko ang aking sarili na kung minsan ay kinakausap ko pa. Nagulat na lamang ako na sa aking paggising ay nandito na ako sa panahon na ito kung saan ay mayroon naglalaking gusali na ngayon ko lamang nakita,habang naglalakad nga ako kanina ay iniiwasan ko pa ang mga mabibilis na uri ng hayop na hindi ko din mawari kung anong klaseng mga nilalang sila, hanggang sa isang mabilis na nilalang ang mabilis na papalapit sa akin kanina at huli na para maiwasan ko ito. Kaya naman nawalan ako ng malay kanina at ang tanging narinig ko na lamang ay ang boses ni prinsepe Kairo,bago ako tuluyang na pumikit kanina. Ngayon ay hindi ko maintindihan kung bakit kakaiba ang. kanilang bahay gamutan dito,hindi katulad ng nasa palasyo ng mahal na prinsepe. Hinintay ko na lamang muli ang pagbabalik ng mahal na prinsepe at itatanong ko na din sa kaniya kung paano niya ako muling nakita at nasundan, ngunit may kakaiba din sa kilos ng mahal na prinsepe ngayon,sa mga sinabi niya kanina na hindi daw Kairo ang kanyang pangalan at lalong hindi daw siya prinsepe,bakit ganoon ang mahal na prinsepe nawala ba ang kanyang mga ala-ala. Mga katanungan sa aking isipan na tanging ang mahal na prinsepe lamang ang makakasagot. Hanggang sa bumukas ng muli ang pintuan at pumasok ang mahal na prinsepe,kasama ang isang lalaki din na nakasuot ng puting kasuotan at maging ang isang babae ay ganoon din ang kasuotan. Agad naman sila na lumapit sa akin at tiningnan ang lagay ng aking kalusugan.Nahihiya na lamang ako na magtanong pa sa kanila, dahil tila hindi din nila ako maiintindihan. "Miss ano ang iyong nararamdaman,may masakit pa ba sayo?" Tanong sa akin ng lalaking tumingin sa akin. "Maayos na po ako." Sagot ko naman dito habang sumasagot ako sa mga katanungan nito ay kita ko sa gilid ng aking mga mata na nakatingin sa akin ngayon ang mahal na prinsepe. Nagsabi na kay prinsepe Kairo ang lalaking nakaputi na pwede na daw ako nitong muli na maiuwi mamaya dahil wala naman daw silang nakikita na maaring ika-bahala ng mahal na prinsepe. Nagpaalam na sila at tuluyan ng lumabas ng silid na aking tinuluyan ngayon, sumunod din sa kanila ang mahal na prinsepe na hindi ko alam kung tutungo. Nakaramdam na din ako ng gutom at napagpasyahan na tingnan kung may maari ba ako na makain dito. Nakita ko ang isang supot na may nakalagay na tila kanin,kinuha ko ito at isinalin sa isang babasagin na lalagyan. Nalanghap ko agad ang napaka bango nitong lasa kaya nilasahan ko na ito at tama nga ako napaka sarap nito tulad ng aking inaasahan,hindi naman na siguro magagalit sa akin ang mahal na prinsepe kung kakain na ako dahil sobrang gutom na talaga ang aking nadarama ngayon, Habang kumakain ay ninamnam ko ang sarap ng aking kinakain,dahil kahit masasarap din ang pagkain sa palasyo ay may kakaiba pa din lasa nitong aking kinakain ngayon. Hanggang sa mapansin ko na tila may nakatingin sa akin at nandito na pala ulit ang mahal na prinsepe na nakatingin lamang sa akin habang kumakain. Kaya tumigil muna ako sa aking pagkain at lumingon dito para humingi ng paumanhin dahil sa aking pagkain ngayon. "Mahal na prinsepe, paumanhin sa kapangahasan na kumain ng hindi pa kayo bumabalik, nagugutom na po kasi ako at aking nakita ang masarap na pagkain na ito na wala naman sa ating kaharian,ano po ba ang tawag sa ganitong uri ng pagkain at napakalinamnam nito?" Tanong ko pa sa mahal na prinsepe. "Seryoso ka ba Miss? Hindi mo talaga alam ang tawag sa pagkain na iyong kinakain ngayon,simpleng lugaw lamang iyan at walang special diyan tulad ng iyong sinasabi,normal na ang pagkain na iyan dito." Sagot nito sa akin na may nagtatakang tingin sa aking mga sinabi. "Ngayon lamang po ako nakakain ng ganitong pagkain mahal na prinsepe,dahil wala naman ganito sa atin kaharian."Muling wika ko dito. "Okay sige Miss,bilisan mo na lamang diyan dahil kailangan na natin makaalis sa lugar na ito bago nakatunog ang mga reporter na naghahanap ng mga personalidad sa showbiz na gagawan nila ng chismis." Seryosong saad nito sa akin,kaya naman nagmadali ba na din ako na ubusin muna ang aking pagkain na kahit hindi ko naiintindihan ang mga ibang pananalita ngayon ng mahal na prinsepe ay naintindahan ko naman na kailangan ng magmadali dahil tila may mga iniiwasan ito na mga tao,kaya naman ng matapos ako na kumain ay ibinigay na nito sa akin ang kanyang jacket daw ang tawag dito, tinulungan na din niya akong isuot ito kaya naman nagkalapit ang aming mga katawan na ganoon pa din ang pakiramdam ko sa tuwing nagkakalapit kami nito,pero mas malakas ang aking pagnanais na makasama ito ngayon na dati naman makita ko lamang ito ay sapat na sa akin. Hanggang sa maisuot ko na ang kasuotan na gusto niyang ipasuot sa akin. Pagkatapos ay inalalayan na ako nitong bumaba sa aking hinihigaan. "Mahal na prinsepe,maari ko ba na itanong kung sino ang mga taong pumasok dito kanina sa aking silid?"Tanong ko muli dito "Sila ay ang mga doktor na tumingin sayo mula ng dalhin kita dito kanina."Sagot nito sa akin na hindi ko naman maintindihan ang ibig sabihin nito sa salitang kanyang sinabi sa akin ngayon. Siya ba ay isang manggagamot mahal na prinsepe sa panahon na ito?"Wika ko dito. "Oo siya ay isang manggagamot,kaya halika mamaya ka na lamang tayo magkwento ng iyong buhay sa akin maging ng iyong pamilya para makauwi ka na." Sambit nito sa akin na hindi man lang binibigkas ang aking pangalan. Lumabas na kami ng bahay gamutan na ito na malaki din pala ang bawat pasilyo. Hanggang sa sumakay na kami sa isang klase ng nilalang na siyang bumangga sa akin kanina,may man ngunit sumakay na din ako dito,dahil ito ang utos ng mahal na prinsepe at dahil ayaw ko din na magalit pa ito sa akin. Habang lulan ng sinasakyan namin na karwahe ay nagtanong na din muna ako sa mahal na prinsepe kung anong klaseng nilalang ang aming sinasakyan ngayon. "Mahal na prinsepe anong klaseng nilalang ang ating sinasakyan ngayon na siya din na bumangga sa akin kaya mo ako dinala sa bahay gamutan." "Miss maari ko ba munang malaman kung ano ang iyong pangalan, kanina pa tayo magkasama ay ni hindi ko pa ito na itanong sayo,and please lang h'wag mo na din akong tawagin na mahal na prinsepe." Sa tinuran ng mahal na prinsepe ay tila nasaktan ako dahil bakit nito tinatanong ang ngalan na halos kilalang-kilala naman na ako nito. "Mahal na prinsepe,ikaw po ba ay may galit sa akin,bakit mo itinatanong ang aking pangalan gayon na alam mo naman na ito at bakit mo nais na h'wag na kitang tawagin na mahal na prinsepe na ito lang ang aking alam na itawag sayo mula pa ng makilala kita at hanggang ipagkasundo tayo ng ating mga magulang?" Sumbat ko dito dahil sa mga tinuran nito sa akin ngayon. Halos maiyak na ako ng habang nagsasalita sa harapan nito ngayon. "Okay sige h'wag ka ng umiyak payag na ako na tawagin mo na mahal na prinsepe kung iyon ang gusto mo, pero gusto ko pa din na malaman ang iyong pangalan,dahil hindi ko talaga maalala kung sino ka bang talaga." Pakilala nito sa akin na tila nakalimot talaga ito,siguro ito ang naging epekto sa kanya ng paghahanap sa akin kaya naman nagpakilala na akong muli dito. Niyakap ko din muna ito,pero mabilis lamang dahil baka daw kami ay maaksidente kaya bumitaw na din agad ako dito. "Ako Venus Pria Sazer,anak ng aking amang heneral na si Vero Sazer at ng aking butihing ina na si Anghela Sazer na tapat na tagapaglingkod ng inyong amang hari mula pa noon mahal na prinsepe."Pagpapakilala ko dito. "Napakaganda ng iyong pangalan Venus, h'wag ka mag-alala dahil hahanapin natin ang iyong pamilya."Wika nito sa akin na binalewala ko na lamang dahil kung makakabalik man ako ay kasama din siya tiyak din ako na hinahanap na din ito ng kanyang mga nasasakupan dahil sa tagal nitong nawala ngayon sa palasyo. "Mahal na prinsepe sabik na din ako na muling nakapiling ang aking ama at Ina, wika ko dito muli. "Mabuti pa Venus ay magpahinga ka na muna gigisingin na lamang kita kapag nasa condo ba na."Nakangiti na lumingon pa ito sa akin habang nagsasalita ng mahinahon. "Masusunod po mahal na prinsepe,sagot ko dito bilang paggalang. Ngunit hindi naman ako makatulog dahil sa dami ng aking nakikita na mga nilalang na katulad ng aming sinasakyan na hindi naman sinabi ng mahal na prinsepe kung ano ang tawag sa mga ito. "Venus,ang tawag pala sa sinasakyan natin ngayon ay kotse,hindi din ito uri ng hayop dahil pinapagana lamang ito ng makina, naiintindihan mo na ba ngayon?" Paliwanag sa akin ng mahal na prinsepe na tila nabasa nito ang aking isipan dahil nalaman agad nito na gusto ko talagang malaman kung anong uri ito ng hayop,pero ng kanyang sinabi ay isa lamang itong gawa ng tao sa panahon na ito na napaka dami ng naimbento na mga kagamitan,katulad na lamang kanina sa bahay gamutan na pinagdalhan nila sa akin kanina. Kakaiba din kasi ang mga ginagamit nila doon kung ikukumpara sa kagamitan sa kaharian na ginagamit sa panggagamot ng mga may sakit. Hanggang sa hindi ko namalayan na ako ay nakatulog na pala. Nagising na lamang ulit ako ng tila maramdaman ko ang aking pag-angat sa ere. Kinarga na pala ako ng mahal na prinsepe,pero imbes na bumaba ay yumakap pa ako dito ng mahigpit at ikinawit ang aking mga kamay sa leeg nito na napaka bango iba ang kanyang amoy sa prinsepe Kairo na aking nakakasama noon sa palasyo, iba din ang aking pakiramdam kapag nagkakadikit ang aming mga balat na tila ba may enerhiya na pumapasok sa aking katawan dahil paglalapit ng aming mga katawan na dati ay hindi ko naman nararamdaman dito. Naguguluhan ako sa mga nararamdaman ko ngayon sa kanya, bagama't alam ko din naman na mahal ko talaga ang mahal na prinsepe ay natatakot pa ako,dahil na din sa mga sinasabi nito kanina na hindi siya aming mahal na prinsepe Kairo. Pero sa ngayon ay kailangan ko na muna manatili sa tabi niya hanggang aking makumpirma kung siya nga ba talaga ang aming mahal na prinsepe na itinakda na ipakasal sa akin ng mga magulang ko. Mabuti din kasi itong prinsepe sa mga nasasakupan niya na lahat ng nais nito ay napaka desidido nito na makuha lahat ng bagay maging sa pamumuno ay maasahan na ito ng kanyang amang hari na malapit na din iputong sa kanya ang korona nito bilang papalit na susunod na hari ng aming kaharian.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD