VENUS PRIA SAZER P.O.V
Ngayon nga ay nasa loob na kami ng sinasabi ni prinsepe Kairo na condo.
Inilapag muna ako nito sa isang upuan na napakalambot na tila isang higaan ng mga pamilya sa kaharap na may matataas na katungkulan lalo na ang pamilya namin ay isa din dito.
Lumabas si prinsepe Kairo,kaya tumayo na din ako dahil may naririnig ako na tila umiiyak at sa aking paghahanap dito ay nakita ko ang isang itim na pusa na may kakaibang mata.
Lumapit ako dito at agad naman itong nagpahawak sa akin,may kakayahan din kasi akong maintindihan ang gustong sabihin ng katulad nilang mga nilalang.
"Maari mo sabihin sa akin ang iyong nais,wika ko dito ng may ngiti sa aking mga labi.
Hindi man sila makapagsalita pero maiintindihan mo ang nais nilang iparating sayo kung gugustuhin mo lamang.
Kinarga ko ito at umupo ako sa isang sulok habang hinahaplos ang kanyang itim na itim na balahibo.
Hanggang sa aking marinig ang boses ni prinsepe Kairo na hinahanap na siguro ako,nakita ko na lamang ito na papalapit na sa amin ng nilalang na ito na aking hawak hawak ngayon.
"Nandito ka lang pala at mabuti nahahawakan mo si Kuro,dahil napakasuplado ng pusa na iyan sa ibang tao lalo na at bago dito sa bahay,pero sa sayo himala lumapit at nagpakarga pa siya sayo."Tila namamangha ang prinsepe na napaamo ko agad ang kanyang alaga na siguro ay din maharlika dahil sa ganda ng balahibo nito na kakaiba.
"Lumapit ako sa kanya at nagpakarga naman agad siya sa akin mahal na prinsepe,sabay yuko bilang paggalang dito.
"Halika na muna at kumain tayo Venus dahil kailangan mo pa na makainom na ng gamot." Pag-aya nito sa akin.
"Mahal na prinsepe maari ko ba na dalhin si Kuro sa hapagkainan?" Tanong ko pa dito na sana ay pumayag siya.
"Maari dahil madalas naman talaga ay kasama ko siyang kumain dahil wala naman akong ibang kasama dito sa aking condo kundi siya lamang." Sagot sa akin ng mahal na prinsepe.
Pumunta na kami sa hapagkainan at karga karga ko si Kuro na tila isang sanggol kung makahawak sa akin dahil sa laki nitong pusa ay mapagkakamalan mo pa itong parang isang aso.
Naamoy ko na naman ang pagkain na alam kung hindi ko pa natitikman sa amoy pa lamang nito.
"Ito ang sayo Venus, kumain ka ng marami para makainom ka na ng gamot mo."
"Opo mahal na prinsepe!" Sagot ko dito dahil tama naman ito na kailangan ko pa din makainom ng lunas sa nangyari na aksidente kanina.
Habang kumakain ay binibigyan ko din si kuro at sarap na sarap din ito sa aming kinakain.
Hanggang sa matapos kami na kumain at ibinigay na nito sa akin ang medisina na kailangan ko.
Inihatid na din ako nito sa isang napakalamig na silid na animo may nyebe sa loob nito.
"Ang lamig naman po dito mahal na prinsepe,baka lumabas ako dito ay matigas na nyebe na!"Biro ko sa mahal na prinsepe na kita ko din sa seryosong mukha. nito na aking napangiti din.
"May hiwaga po ba sa loob ng silid na ito mahal na prinsepe?" Tanong ko pa ulit dito dahil talagang kakaiba ang lamig sa loob nito.
"Walang hiwaga sa loob nito okay,aircon lamang iyan Venus, paliwanag sa akin ni prinsepe Kairo at lumapit ito sa isang hugis parihaba na bagay kung saan lumalabas ang malamig na hangin.
"Hihinaan ko na lamang ang aircon Venus,hinahayaan ko lamang ito na magsalita at hindi ko namalayan na babalik na pala ito sa may pintuan at dahil nakasunod ako dito pagharap niya eksaktong natisod siya sa akin kaya naman ngayon ay nakadagan siya sa akin.
"Oh my god!" Venus okay ka lang ba!?"Tanong nito sa akin na agad na tumayo at tinulungan din ako nito na halata sa mukha ang pag-aalala sa akin dahil sa pagkakatumba namin parehas.
"Maayos naman po ako mahal na prinsepe, paumanhin po,dahil sa akin ay nasaktan din kayo." Paghingi ko ng paumanhin dito.
.
"Okay lang ako Venus huwag ka na mag-alala pa sa akin at hindi mo na din kailangan na humingi pa ng tawad sa akin dahil may mali din ako sa nangyari okay, matulog ka na." Sambit nito sa akin at nagbilin pa na matulog na daw ako ito na din ang nagsarado ng pinto.
Paano ba kami makakauwi sa kaharian at ano ba ang aking nagawa at napunta ako sa panahon na ito na lahat ng bagay na aking nakikita ay kakaiba at bago sa aking paningin.
Paano na sila ama at ina na ngayon ay siguradong naghahanap na sa akin,dahil wala din naman silang kaalam-alam sa nangyari sa akin.
Hindi ko na alam ang aking gagawin,kung paano ba muling makakabalik sa akin at maging ni prinsepe Kairo na hanggang ngayon ay walang maalala sa aming pinagmulan.
Sa kakaisip ay naalala ko ang balon kung saan ako nakatulog at sa aking paggising ay nandito na ako, hanggang sa nakatulog na ako ng hindi ko namamalayan.
Kinabukasan ay malamig na silid pa din ang aking namulatan agad ako na tumayo at lumabas ng silid,pero sa aking paglabas ay naagaw ng pansin ko ang kasangkapan sa bahay na ito na tinatawag na condo ng mahal na prinsepe.
Sa isang malaki at parisukat na bagay na bagay na ito ay mga taong nagsasalita na ipinagtataka ko kung paano sila napunta sa loob nito.
Lumapit pa ako dito at nakita ko ang isang babae na papanain na sana ng isang lalaki,mabuti na lamang at magaling at bihasa din ito sa paggamit ng armas n nararapat lamang para din sa isang babae,dahil hindi naman talaga dapat nagpapa api ang mga katulad namin dahil may kakayahan din kami na ipagtanggol ang aming mga sarili.
Hanggang sa naaliw na akong pagmasdan ang mga nakikita ko na tao na kahit aking gusto na pumasok sa loob nito upang tulungan sila ay hindi ko din naman alam kung paano dahil ngayon lamang nakakita ng ganitong bagay.
"Venus,nandiyan ka lang pala."Ang mahal na prinsepe at napatakip na lamang ako ng aking mukha dahil sa wala itong kasuotan na pang-itaas tanging pang ibaba lamang,hindi na din ako nagpapahalata na naiilang ako sa kanya ngayon,ipinukos ko na lamang ang aking paningin sa bagay na ito sa aking harapan.
"Mahal na prinsepe,paano nagkasya ang mga taong iyan sa bagay na ito na tila nakakamangha dahil kung tutuusin ay hindi naman ito kasing laki ng isang tao,kaya paano sila nagkasya sa loob nito?" Tanong ko sa mahal na prinsepe ng hindi lumilingon dito.
"Television ang tawag sa bagay na iyan Venus at hindi din iyan mahiwaga dahil ang mga tao sa loob niyan ay hindi naman talaga pumasok dyan,mahirap pa siguro ngayon na maintindihan mo pero sa paglipas ng mga araw ay tiyak naman ako na magagawa mo itong intindihin dahil mukhang matalino na babae ka naman." Sagot sa akin ng mahal na prinsepe.
"Halika na lamang sa kusina at nakahanda na ang ating pagkain doon at tulad ng sinabi ko sayo kagabi ay maiiwan muna kayo ni Kuro dito dahil kailangan ko talaga na magpunta sa studio ngayon okay!" Wika nito sa akin.
"Masusunod po mahal na prinsepe at h'wag po kayo na mag-alala dahil Ako na ang bahala kay Kuro aalagaan ko po siyang mabuti habang wala kayo." Sagot dito ng nakangiti.
"Kung ganoon ay pagkatapos natin na kumain ay uminom ka na din ng iyong gamot Venus,,,bilin pa nito sa akin.
Pagkatapos nga na kumain ay uminom na ako ng gamot na sinasabi nito sa akin na aking muling inumin.
Pumasok na din ito sa kanyang kwarto dahil maliligo pa daw ito.
Ako naman ay naging abala na sa paglilinis ng aming pinagkainan at ang aking problema ngayon ay paano ko lilinisan ang mga plato,dahil hindi naman ako marunong gumamit ng lababo dito.
Bahala na nga basta't kailangan lamang ay mabuksan ko ito, aking pinihit ang maliit na bagay at bigla na lamang lumabas mula dito ang napakaraming tubig na hindi ko na alam ngayon kung paano ko ito muling papatayin.
"Venus,anong ginagawa mo?"Ang mahal na prinsepe na tila galit sa tono ng pananalita nito.
"Paumanhin po mahal na prinsepe dahil hindi ko po sinasadya ang aking nagawa." Naiiyak na turan ko dito dahil aking pakiramdam ngayon na wala akong. kwenta sa panahon na ito na tila ba isa lamang akong palamuti dahil napakatanga ko sa mga bagay bago lamang din sa akin ngayon dahil wala naman ng mga bagay na ito sa aming kaharian
"Okay lang iyan Venus atsaka tingnan mo,okay na ulit mapag-aaralan mo din ang lahat ng aking mga kagamitan dito sa condo at pasensya na din kung nasigawan kita,hindi ko naman ito sinasadya, nagulat lamang din ako, nag-aalala din na baka kung ano ang nangyari sayo." Paliwanag sa akin ni prinsepe Kairo kung bakit napasigaw ito kanina na muntik na akong maiyak,dahil ayaw kong nagagalit ito sa akin kahit noong nasa palasyo pa kami.
"Salamat po mahal na prinsepe sa inyong pag-intindi sa aking sitwasyon ngayon na naninibago talaga ako sa lahat ng bagay na aking nakikita sa paligid ko ngayon." Saad ko dito habang pinupunasan ang mga luha ko sa aking mga mata.
"Basta't huwag lamang kayo na lalabas ni Kuro okay,para maging safe lamang kayo habang wala ako at h'wag kayong mag-alala dahil babalik din agad ako kapag natapos kami ng rehearsal, hihingi na din ako ng tulong sa akin mga kaibigan lalo na sa leader namin na si Paolo na alam ko din na maaring makatulong sayo at sa paghahanap natin sa pamilya mo ,at isa pa Venus kung totoo man ang sinasabi mo na kaharian na pinagmulan mo ay hahanapin natin ito hindi ako titigil hangga't hindi kita natutulungan, kaya ngayon please maging masunurin ka muna sa akin."
Sa mga sinasabi ngayon ni prinsepe Kairo ay tila naniniwala na din ito sa akin ngayon na totoong nanggagaling ako sa isang kaharian na siya mismo ang prinsepe.
Umalis na nga ito at naiwan kami ni Kuro dito sa condo.
"Alam mo ba Kuro na iniisip ko ngayon na paano kaya kung hindi ako muling nahanap ng mahal na prinsepe,siguro ay hindi ko alam ang aking gagawin sa panahon na ito na puro kakaiba para sa akin."Wika ko kay Kuro na natutulog ngayon sa aking mga binti.
Inilapag ko na lamang ito at naglinis na lamang ng silid kung saan ako natulog at nagpahinga kagabi.
Halos matatapos ko ng lahat gawin ng makaramdam ako ng gutom at hindi ko alam kung paano magluluto sa pinaglulutuan kanina ni prinsepe Kairo ng aming agahan,pero dahil nagugutom na talaga ako ay binuksan ko ito at natuwa pa ako ng bigla itong umapoy kaya naman dali-dali ko na kinuha ang aking lulutuin na isang itlog na nakita ko sa loob ng kahon na napakalamig din sa loob nito,siguro ay dito ang imbakan ng mga pagkain sa panahon na ito.
inumpisahan ko na itong lutuin at ng aking papatayin na ang apoy ay bigla na lamang itong lumakas at hindi ko na alam kung paano ito papatayin ngayon,halos maiyak na ako ng bigla na lamang may isang kamay ang humila sa akin at niyakap ako ng mahigpit.
"Venus, sshhh, don't cry please nandito na ako!" Sambit sa akin ng mahal na prinsepe na siya na din nagpatay ng apoy na hindi ko mapatay kanina.
"Paumanhin, patawarin mo po ako mahal na prinsepe kung napaka walang kwenta,dahil hindi ko alam kung paano gamitin ang bagay na iyan,ang gusto lang naman sana ay makapagluto,ngunit muntik ng masunog ang buong condo mo ng dahil sa akin,, tatanggapin ko po ang lahat ng parusa ng ninyo sa akin at malugod na tatanggapin." Sambit ko at humiwalay na sa pagkakayakap dito.
"Venus,wala kang kasalanan okay, kasalanan ko nga ito,dahil alam ko naman na wala ka pang alam sa panahon na ito at h'wag ka mag-alala sa susunod na rehearsal practice namin ay isasama na lamang kita at si Kuro para naman hindi ako palaging nag-alala sa inyo habang wala ako."Wika sa akin ng mahal na prinsepe na halata sa tinig nito ang pagod at pag-aalala sa akin.