Chapter Twenty

1406 Words
ARGUS Internet Cafe April 01, 2015 10:59 AM   Pilit kong binabawi ang braso ko sa paghawak ni Troy, kaso halatang mas malakas ang pwersa niya dahil sanay ito sa pakikipagbakbakan. Hindi ako makatakas. Hinila niya ako papunta sa may dingding. Nagsilitawan din sa likuran niya ang dalawa pang asungot na sina Alec at Cedric. “Ano ba?” sabi ko. “Anong sinabi ko sa’yo noon Loves, hindi ba dapat iistorbohin mo ang Kuya mo? Bakit mukha yatang hindi mo ginawa?” “Ano naman ngayon ha?” “Ah, so mas kampi ka pa pala sa Kuya mo kaysa sa amin?” tanong ni Cedric, ang mataba sa grupo, na nagpapatunog na ngayon ng kanyang braso. May problema ba kung kumampi ako sa Kuya ko? E hindi ba’t iyon naman ang mas normal na gawin lalo pa’t kapamilya ko iyon? Hindi na lang ako sumagot. Mas inintindi ko kung paano ako makakawala sa pangko-corner nila sa akin. Sinilip ko ang tagabantay ng shop ngunit naka-headset ito, halatang walang pake. “Bitawan niyo akong mga punyemas kayo!” sabi ko. Nangiti silang tatlo. Lumapit si Alec sa tabi ko, ang singkit sa kanilang grupo. “Ilan ang balato sa’yo ng Kuya mo? 200 ba? o 300?” Hindi ako sumagot. Kapag nagsalita pa ako, lalo lang sisidhi ang interes ng tatlong asungot na ito. “Baka gusto mong ipagpalit iyan sa pansamantalang kaligayahan?” bulong niya sa akin. “Tignan mo si Troy, ang Loves mo, tignan mo. Natatakam na siya sa’yo oh.” “Mga gago!” Sinilip ko ang pintuan ng shop. Umasa akong may bagong customer na pumasok, bagong customer na mahihingian ko ng tulong, subalit wala pa rin. Kaming lima lang talaga ang naririto, kasama ang walang pakialam na tagabantay. “Cedric,” tawag ni Troy. Sumenyas ito at ilang sandali pa, nilapitan din ako ni Cedric sa kanan ko. Hindi na si Troy ang humahawak sa akin ngayon, kundi ang dalawang kasama niya. Nabihag ako sa dalawa kong braso, habang si Troy ay nanatili sa aking harapan. “Hoy, anong ginagawa ninyo?” Nilingon ko ‘yung tagabantay ng shop. “Oi ikaw! Kuya! Palayasin mo nga ‘tong tatlo!” Hindi ako narinig. “OI!!!” Napatingin siya sa ingay ko. Tinanggal niya ang suot na headset at sinuri ang kaguluhan sa may gilid. “Hoy, kayong tatlo,” turo niya sa mga nanghaharass sa akin. Napahinga ako nang maluwag. Mabuti at may tumulong na rin sa akin. Nilingon siya nung tatlo at hinintay ang sasabihin. “Huwag kayo riyan,” sabi nung tagabantay. “Baka makita kayo. Doon kayo sa C.R.” Napanganga ako na natulala. Naramdaman ko na naman ang parang pagtataksil sa akin. Bakit iyon pa ang sasabihin niya, e halata namang dapat niya akong tulungan sa mga ito? Bakit mas kampi pa siya sa mga gumagawa ng mali? Lalong ginanahan ang tatlong asungot. Ngumisi sila. Hinila nila ako habang ako’y walang sawa sa pagbitaw, habang palapit kami nang palapit sa C.R. Tinitigan ko nang masama ang bantay ng shop nang madaanan namin. Ngunit balewala lang ito sa kanya. Pakiramdam ko’y natutuwa pa ito sa maaaring mangyari. Hindi rin nagtagal, napadpad din kami sa C.R. Ni-lock nila ito at hinarangan ni Troy, para hindi ako makalabas. “Luhod,” nakangiting utos niya. Luhod. Hindi ako sumunod, kailanma’y hindi ko ‘yon nanaising gawin sa kanya. Kaso ang mga kasama na lang niya ang puwersahang gumawa no’n sa akin. Wala akong nagawa. Segundo lang ang inabot at nakaluhod na ako, nagtagpo ang tuhod ko sa medyo basang tiles ng C.R. Nakayuko lang ako. Pakiramdam ko’y para akong nasa lumang panahon. Kung saan, ako’y napatunayang may sala, hawak-hawak ako ng mga alagad ng batas, habang nakayuko sa aking executioner. Pero iba ang sitwasyon ngayon, alam ko. Dahan-dahang tinanggal ni Troy ng kanyang belt. Sunod ay ang butones, sunod ay ang zipper, hanggang sa tuluyan na nga niyang matanggal ang kanyang pantalon. Kinapa-kapa niya ang umbok sa kanyang brief na tila ba pinapatigas para sa akin. “Maglalaro lang naman kayo d**k—este, Rick,” parinig ni Cedric. Nagsingitian silang tatlo. Maglalaro lang naman tayo. Ang mga salitang iyon ang pinakaayaw ko. Kadugtong kasi no’n ang isang mapait na alaala. Isang kasalanang ginawa ng isang minsan ko nang inakalang kakampi. Ni Clyde Natividad. Siya ang tumayong kuya-kuyahan ko nang madalas akong maiwang mag-isa sa bahay. Siya kasi ang tanging panadero namin noong bago pa man ikasal si Papa kay Diane. Isa rin sa sideline ni Clyde ang pagbabantay sa akin. Dese siete anyos na siya. May hitsura. Kulay brown ang kanyang magulong buhok, matangkad, at medyo maskulado. May kaunting mayabang na aura rin siyang taglay at madalas na nakangiti. Gayunpaman, naging malapit ako sa kanya, sa kanya kasi ako madalas magtanong-tanong ng mga bagay na magiliw naman niyang sinasagot. Sa kilos din niya, matatawag mo siyang cool na Kuya. Palaakbay, palaakap, at madalas mag-show off ng kahit anong mga skills. Hanggang sa isang hapong walang gaanong mga bumibiling customer, ginawa niya ang isang bagay na ni minsan ay hindi ko naisip na magagawa niya sa akin. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin kung anong nangyari. Masyado ba akong napatitig sa katawan niya? Masyado bang malambot ang mga kilos ko para sa kanya? O sadya lang talagang may itinatagong baho rin ang kanyang ugali? Gayunpaman, nangyari noon ang mga bagay na alam kong hindi dapat. Bata pa lang ako, alam kong mali na iyon dahil wala naman akong kakilala na nagkekwentong ginagawa nila iyon sa isang taong nakatatanda sa kanila. Wala akong nagawa. Gustuhin ko man siyang pigilan ay magagalit naman siya sa akin, at may ibang epekto para sa akin ang galit ng isang taong inakala kong kakampi ko, natakot ako, siya na nga lang ang tanging taong nakikipag-usap sa akin bukod sa Papa ko, at mukhang mawawala pa siya kung tuluyan ko siyang mainis, kaya hinayaan ko na lang na magpaalipin sa kanya, at nagpatuloy iyon sa loob ng mahabang panahon. Kinalaunan ay naisip ko rin kung paano niya naatim na gawin iyon sa akin. Nakakausap ko man siya bilang isang kaibigan, para sa kanya naman, ang kapalit ng pagiging kaibigan niya sa akin ay ang magamit ako bilang pang-practice niya. Napagtanto ko na lang iyon nang mapansin kong may paulit-ulit na pangalang lumalabas sa kanyang bibig. “Mia, ahh, Mia, gan’yan nga.” Si Mia ang isa sa mga sikat na babae rito sa lugar. College student na at iniidolo ng karamihan sa mga binata rito. At ang marinig ang pangalang iyon sa kanyang bibig ay nakakapang-insulto. Para bang ang turing niya sa akin ay laruan. Para bang hindi ako tao. At ang makita uli ang parehong eksena sa harapan ko ngayon ay lubos na nagpapakulo ng dugo ko. Unti-unting humakbang papalapit sa akin si Troy. Sa likuran ko’y tumunog ang cellphone ni Alec sa pagtangka nitong i-record ang magaganap. Kinalaunan ay idinikit ni Troy ang umbok niya sa mukha ko, ihinahagod, habang ako’y iwas nang iwas. “Ano ka ba Loves, ‘di ba ito naman ang gusto mo? Sige na, huwag ka nang mahiya, tayo-tayo lang naman ang nandito e.” Hindi ba ito naman ang gusto mo? Mga hayop. Ano? Ikinaangat na ba nila itong ginagawa nila? Sa tindi ng inis ko’y nag-iinit ang kwentas na suot ko. Parang hindi na naman ata kinakaya ang kapangyarihan ko. “Troy, ipakita mo na kasi,” utos ni Cedric sa kasama. Humahapit na ang dibdib ko. Napupuno na ako sa galit, idagdag pa ang pagkuha ng video sa pangyayari. Bago pa man magawa ni Troy ang balak niya, naramdaman kong lumakas ang mga braso ko, lakas na papantay na siguro sa isang nagma-martial arts. Inagaw ko ang dalawang braso ko mula sa pagkakabihag at bago pa man sila maka-react, hinablot ko agad ang cellphone ni Alec at puwersahang sinipa si Troy sa kahinaan niya. Namilipit ito sa sakit. Nagmadali ako sa paglabas ng shop. Nang makuha ko ang kalayaan ko, in-open ko ang cellphone ni Alec at binura ang kabago-bagong video na nakuha. Narinig kong paparating na sina Alec at Cedric sa kinatatayuan ko. Pero bago pa man nila ako malapitan, binato ko ang cellphone nang pagkalakas-lakas sa mukha ng may-ari nito.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD