bc

First Comes the Fire

book_age16+
1
FOLLOW
1K
READ
revenge
dark
tragedy
twisted
heavy
serious
mystery
detective
special ability
crime
like
intro-logo
Blurb

Nauwi sa isang trahedya ang masaya sanang outing ng IV-Luna. Ito'y matapos malagay sa piligro ang buhay ni Rick Pria: kataka-takang lumiyab nang lumiyab ang kanyang binti, hanggang sa mawalan ng malay, na kalauna'y idineklara nang unconscious.

Marami ang naguluhan at walang ideya sa mga pangyayari. Ang teorya ng iba'y maaaring miyembro si Rick ng isang satanic cult, at ang pagliyab ng kanyang katawa'y patunay lamang na nasa ilalim siya ng isang demonic possession.

Pero hindi sa sikat na Police Inspector na si Homer Zapanta. Nang malaman niyang isang krimen ang lumitaw matapos ng insidente kay Rick Pria, alam niyang may mas malalim pang kwento sa mga kababalaghang ito.

Sa unti-unting paglitaw ng katotohanan, lalong umiigting ang paniniwala ni Homer na lahat sila ay nahaharap sa isang matinding panganib.

chap-preview
Free preview
Chapter One
Golden Gates Resort April 01, 2015 5:31 PM   Nagimbal ang buong IV-Luna nang may nagpasabog ng utot sa gitna ng kanilang biyahe. “Bwiiiset!!!” sigaw ng mga kalalakihan. Kulob na kulob pa naman sa loob ng inarkila nilang jeep, hindi magawang makatakas ng nakasusulasok na amoy. Kanya-kanyang takip ng ilong ang mga maaarteng kababaihan. “Si Rick ‘yon! Si Rick!” may sumigaw. Nagtawanan ang halos lahat. Si Rick at ang kaibigan niyang si Menchie Castro lang ang hindi. Ganoon naman kasi lagi. Si Rick Pria na lang madalas ang may kasalanan. May nandaya sa exam, “Si Rick ‘yon!” May namboso sa CR ng girls, “Si Rick ‘yon!” Sinong nanira nito, “Si Rick ‘yon!” Lagi na lang, “Si Rick ‘yon!” Hindi maalala ni Rick kung kailan nagsimula itong pangbu-bully sa kanya at kung sino ba ang nagpasimuno. Pero tingin niya’y mukhang hanggang pagtanda ay mabubuhay pa rin ang ganitong pagtrato sa kanya. Sa kung paano ka-normal ang tawa nila ngayon, sa kawalan ng konsensya ng karamihan, tila ba ang hindi makitawa ay magkakasala. Ininda na lang niya ito, gaya ng madalas niyang gawin tuwing nalalagay sa peligro. Medyo padilim na nang batiin sila ng malalaking letra ng Golden Gates Resort. Hindi pa man tuluyang nakakahinto ang inarkila nilang jeep, may iba nang hindi na nakatiis. Naunang tumapak sa lupa ang mga nakasabit na kalalakihan, saka nagmadali rin sa paglabas ang mga hindi na makahinga sa loob. Pasalamat na lang sila at walang nahimatay. Nakakabuwisit daw kasi ‘yang si Rick, umutot daw, kahit alam naman ng karamihan na hindi siya ang may sala. Ang mga organizer ng grupo’y nagsimula nang kumilos. Nagbibilang ang mga ito ng budget pambayad sa overnight stay nila sa resort. Balita nila’y mayroong dalawang air-conditioned rooms silang magagamit. Mayroon din palang videoke na pampawala-boring mamaya. “Oy, iyong mga pagkain! Baka matapon!” utos ni Alyssa sa mga pasaway na kalalakihang naiwan sa loob ng jeep. Nakapameywang ito. Feeling boss lagi. Kabababa lang ni Rick sa jeep na tiimbagang pa rin tungkol sa nangyari. Nakabuntot sa kanya si Menchie, isang balingkinitang babae na may pagka-blonde ang buhok, ang tanging kaibigang maaasahan niya, ang taga-depensa lagi sa kanya. Isang babae ang sumalubong sa kanila. Si Jolina Benito, ang pinaka-friendly sa klase, na kaibigan halos ng lahat. “Hi, Mench,” bati nito. Nasa may gate sila ngayon, nakatayo. Tumingin din si Jolina kay Rick at binati ito ng ngiti. Isa siya sa ka-close nung dalawa kahit pa isa rin siya sa mga nakitawa kanina. Inaangat-angat niya ang kanyang kilay kay Menchie, mukhang may pinapahiwatig, kaso mukhang hindi mapick-up ni Menchie ang ibig sabihin niya. “Hay, ano ba iyan, ang slow mo Mench.” “Ano ba iyon?” Lumapit si Jolina para bumulong. “Iyong pasalubong ni Tita? Iyong chocolates? Iyong sabi mo sa Canada lang mabibili? Big Turk ba iyon?” Nagkatinginan sina Menchie at Rick, saka tumingin muli kay Jolina. Sa tinginan pa lang na ito, alam na kaagad ni Jolina ang sagot. Nawala ang suot na ngiti niya. “Hala, sorry talaga,” sabi ni Menchie. “Don’t worry, meron pa naman e. Try ko bukas.” Tinapik-tapik ni Menchie si Jolina sa balikat. “Okay sige, sabi mo e,” sabi ng dilag. “Ngapala, asan na pala iyong ulam na dala mo?” “Ah, ito, andito sa paper bag.” “Iyong ulam, naalala mong dalhin. Iyong chocolate, hindi.” “Haynako,” napapangiti na lang si Menchie. “Ang kulit mo rin. Bukas nga.” “Oo na, oo na. O dali, patingin nga ako,” tukoy niya sa meatballs na contribution ni Menchie sa kanilang outing. “Ah, kaso hindi pa siya luto.” “Bakit naman?” “Kinulang ako sa oras kanina e,” dahilan nito. “Saka may kusina naman diyan, doon na lang natin lutuin.” “O dali, punta na agad tayo. Maunahan pa tayo ng pwesto roon,” sa sinabing iyon, nagmadali silang dalawa sa pagkilos, dala-dala ang kanilang gamit. Nilingon ni Menchie si Rick at kinawayan, kaso busy uli ito sa pag-iisa. Nakatitig muli sa sahig at nag-iisip. Ang totoo niyan, may mga sariwa pang sugat at pasa sa mukha si Rick na hindi niya kayang itago gamit lamang ng bandage. May mga nakiusyoso kung anong nangyari sa kanya, pero nanatili lang na tikom ang kanyang bibig. Gusto pa sanang tanungin ni Menchie kung okay lang ba talaga si Rick kaso baka maumay na ito. Nakasampung tanong na kasi siya kanina pa. Marami tuloy sa kanilang nag-iisip kung tama lang bang inimbita pa nila si Rick. Na siyang ipinagtaka rin nila kung bakit pa ba ito sumama kung ganito ang kalagayan niya? Gaano man kaproblemado rito ang IV-Luna, wala pa rin sa kanilang nagtangkang alamin kung anong problema ni Rick. Hindi nila gustong mahawa sa estadong meron ito. Baka kasi sa oras na lapitan nila ito, maipasa sa kanila ang pangangantyaw. Nabalot ng mga sintunadong boses ang Golden Gates Resort. Marami ring mga dilag na nangahas kumanta ng mga Whitney Houston at Mariah Carey songs. May nag-Listen pa, na siya naman talagang nakakabwisit kapag ibang boses ang kumanta. Ang mga nagsi-swimming sa pool, magtatago pa sa ilalim ng tubig, huwag lang marinig ang mga makabasag-taingang bulyaw ng mga nagfi-feeling singers. Gayunpaman, naging comedy ang mga kantahang ito. “I want you in my team!” biro ng mga kalalakihan. Tuwing may pipiyok, sasakit ang tiyan ng lahat, hindi kakayanin ang halakhak. Maliban na lang kay Rick, na hanggang ngayon ay nagmumukmok pa rin sa isang sulok, tahimik pa rin. May mga pagkakataon tuloy na nasisira ang mood ng karamihan. Tinitigan si Rick ngayon nina Cedric, Alec, at Troy--ang tatlong magkakaibigan na dakilang bully ng buhay ni Rick. Mga mapang-asar, nakakabwisit, pumapatol sa mga tulad ni Rick na wala namang ginagawa laban sa kanila. Siniko ni Cedric ang maskuladong si Troy. “Ano? Itulak natin?” Nangiting-aso itong si Alec. May malaki kasi siyang inis kay Rick. Ito kasi ang step-brother nung Renz Pria, isa sa mga grupo ng Dota boys na nakatalo sa grupo nila kanina. “Dali, pre,” bulong nito. At iyon na nga, nang makalapit ang tatlo sa nananahimik na binata, walang-atubiling itinulak nila ito sa pool, na agad na sinundan ng sakit-sa-tiyan na tawa nung tatlong sadista. Wala man lang pakialam kung may cellphone ba si Rick sa bulsa nito na maaaring ngayon ay sira na dahil sa tubig. At gaya ng kanilang inaasahan, tahimik lang itong si Rick, na parang walang nangyari, na parang hindi siya inasar. Umiba siya ng pwesto, malayo sa mga bully niya. Sina Menchie at Jolina ay walang kamalay-malay sa nangyari. Naroon pa rin sila sa kusina, hindi matapos-tapos sa gawain dahil hindi rin matapos-tapos ang mga tanungan. Itatanong ni Jolina ang mga padala ni Tita Malou ni Menchie-- lahat mismo, walang takas. Kahit si Pompeii, ang very cute na puting Pomeranian na regalo ni Tita Malou kay Menchie, binatikos ni Jolina. Tinitignan ang lahat ng mga pics, at sasabihing, Ang Cuuuuute!!! “Gusto ko siyang makita bukas, pwede ba, Mench?” gigil na tanong ni Jolina. Natigil ang kamay ni Menchie sa paghalo sa ulam. “Ah, hindi pwede eh. Ililipat daw muna si Pompeii doon sa may pinsan naming beterenaryo, nagkasakit kasi.” “Oh my God,” react ni Jolina nang nakatakip ang bibig. Malungkot na ngiti lang ang sinagot ni Menchie. Alas-sais na nang matapos maluto ang lahat ng mga ulam. Nakahain sa mahabang mesa malapit sa may pool ang meatballs na contribute nina Menchie, Rick, at Jolina; pati ang iba pang mga pagkain na hain ng iba: may fried chicken, pancit bihon, saka afritada; at ang Mega-spicy na Bicol Express ni Dindin, ang kaklase nilang sosyalera, na madalas kainisan ng iba. “Mawalang-galang lang sa mga nagsiswimming pa diyan, kakain na po!” tawag ni Alyssa gamit ang mic ng videoke. “Ikaw rin Dindin, kumain na, tama na iyang kakakanta.” “Ano ba?! Nakanta pa ang singer e!” sagot ni Dindin. Sabay balik uli sa pagbirit, kahit pa pilit. Kanya-kanyang sandok ang mga magkakaklase. May nagparinig, “Baka may karne ng aso riyan ha?” May ibang natawa, tinuring iyon na joke. Ang iba nama’y hindi natuwa. Talamak kasi sa lugar nila ang ilang mga kaso ng ninanakawan ng aso saka bigla na lang malalaman na kinarne na pala sa ibang bayan. “Si Rick?” tanong ni Menchie sa ere. Isa sa mga kaklase niya ang ngumuso sa kinaroroonan nito. To the rescue naman ang unofficial girlfriend. Nilapitan ni Menchie si Rick at pinilit na kumain. “Hindi, sige na, mauna na muna kayo,” sabi ni Rick, na hanggang ngayon ay nakayuko pa rin habang akap-akap ang sarili mula sa pagkabasa ng kanyang katawan. Hindi ito nagustuhan ni Menchie. Hinablot niya ang braso ni Rick at hinila ito papunta sa mesa ng mga pagkain. “Excuse me!” Isiningit ni Menchi ang kanilang mga sarili sa mesa. “Oh, plates oh,” pag-abot niya kay Rick. “Ito, spoon and fork. Dali, kuha ka na.” Nangiti na lang dito si Rick. Sa isip niya’y halos ipagdasal niya na ito, maibalik lang ang kabutihang ipinapakita sa kanya nito.  “Rick!” tawag ni Dindin. May hawak-hawak itong bowl ng ulam at busy sa pagnguya. “Mahilig ka sa Bicol Express, ‘di ba? Try mo ito.” Inabot nito ang bowl ng pinagmamalaki niyang gawa. Walang reklamo si Rick sa pagkuha ng ulam na iyon, kahit pa alam niyang sinadyang damihan ni Dindin ang sili sa ulam niya. Nakakaramdam siya ng mga bungisngis ng mga kalalakihan sa likuran. Mga kasabwat din ito sa prank, sigurado siya roon. Ang bicol express lang ang kinuha niyang ulam, saka kanin. Pagkatapos ay bumalik siya sa dati niyang pwesto, sa isang medyo mamasa-masa nang bench katapat ang pool. Tinabihan siya ni Menchie. “Okay ka lang?” “Kanina mo pa iyan tinatanong. Oo nga.” Sa dakong malayo, si Alec at ang mga kaibigan nito ay abala pa rin sa paghahanap ng mabibiktimang ihuhulog sa pool. Ilang sandali pa ay isa muling kaklase nila ang nabuhat at naitapon papunta sa pool. Nang mapagtanto ni Rick na mukhang kailangan niyang ibalik ang tanong, nilingon niya ang katabi. “Ikaw ba?” “Hindi ko alam.” Pumagitna sa kanila ang katahimikan. Tanging splash lang ng mga magugulo nilang kaklase ang maririnig sa paligid. Suminghal si Rick. Sa loob-loob niya’y natatawa siya sa mga nangyayari. Itong pagiging malungkutin niya, ang pagsama niya sa outing ng mga kaklaseng kinamumuhian niya, itong maling akala na merong namamagitan sa kanila ng kaibigan niya--para sa kanya’y tila isang desperate attempt ito para makadama siya ng hihigit pa sa madidilim na laman ng kanyang pag-iisip. Napatingin siya sa iba nilang mga kaklase at tama ang hinala niya, may mga matang pasimpleng pasulyap-sulyap sa kanila. Lalo tuloy niyang gustong matawa. Alam niyang mapapahiya lang ang mga ito. Wala kasing talab ang kahit anong anghang sa dila niya kaya balewala lang ang prank na inihanda sa kanya ng mga kaklase. Sumubo na lang siya ng kanyang kinakain. Tinignan niya ang oras ng kanyang relo: 6:05 P.M. “Masarap ito ha,” komento ni Rick sa ulam. “Bakit ‘di ka kumuha ng meatballs?” “Mamaya na, wait ka lang.” “Bakit ‘di mo suot ngayon ‘yung kwentas mo?” “Ano ba iyan Mench, ang dami mong tanong.” “Ewan!” Tinignan uli niya ang oras ng kanyang relo: 6:06 P.M. Nagsimula na si Rick na makaramdam ng kakaiba. Sa bawat pagnguya niya ngayon, parang sumasama ang pakiramdam niya. Nakapagtatakang binabalot na ng pawis ang noo niya ngayon. Ang temperatura niya’y unti-unting tumataas. Hindi naman siya naaanghangan, pero ang balat niya, unti-unting umaanghang. Dumadaloy ito mula sa kanyang ulo, papunta sa kanyang paa, at doon ay parang namumuo. Umupo siya nang tuwid at in-assess ang sarili. Pinakiramdaman niya ang kanang binti. Parang doon patungo ang lahat ng init. “Rick--Rick? Okay ka lang?” tanong uli ni Menchie. Tango lang ang sagot ni Rick kahit pa hindi naman totoo. “RICK!” sigaw na ni Menchie nang makitang tila nahihirapan ang kaibigan. Agad na napukaw nito ang atensyon ng lahat. “Anong mayroon?” tanong ng isang kaklase. Pero wala nang nakasagot nang balutin na ng sigaw ni Rick ang buong paligid. Makabasag-tainga ito. Halatang sigaw ito mula sa matinding sakit. Ang balat sa kanang binti niya ay umiilaw at umuusok sa tindi ng init. Matingkad na pula at parang nagbabaga sa loob. Parang may kung sino man na nagwewelding sa balat niya ngayon, nag-uukit ng mga linya. Nakahiga na ngayon si Rick sa sahig, nagkukumbulsyon, ang kanyang kinakain kanina’y natapon at nakakalat na, samantalang siya’y paikot-ikot, hindi alam kung paano mawawala ang kung ano mang hapdi na bumabalot sa kanya. “AAHHHHHH!!!!!” “Tulungan niyo siya!” utos ni Alyssa sa kung sino man. Binuhat si Rick ng mga kalalakihan. Hawak-hawak nila ito sa dalawang braso nito saka nilublob ang nagbabagang paa sa pool. Tila may kumuwalang hissing sound mula sa pagdapo ng umiinit na binti ni Rick sa malamig na tubig. Hinayaan lang siyang nakaupo roon, habang ang mga kaklase niya’y naghihintay ng resulta. Ang problema lang, mukhang wala itong epekto. Walang naitulong ang tubig ng pool sa pagwala ng mga sigaw ng pagmamakaawa ni Rick. Hindi pa rin tapos ang kanyang paghihirap. Napapaiyak na lang ang ilang mga kababaihan, lalong lalo na si Menchie, sa kanilang mga nasasaksihan. Ang ibang mga mabibilis umaksyon, ayun, nakatawag at nakahingi na ng tulong sa mga pulisya’t ambulansya. Nang matapos ang kataka-takang pagguhit ng huling linya sa balat ni Rick, agad-agad na nawala ang kanyang mga sigaw. Mabilis ang pagtumba ng kanyang katawan sa sahig, na parang isang robot na nawalan ng power source. Mabilis na lumapit ang mga kaklase niya upang suriin siya. Chineck ang kanyang pulso at ang paghinga. At base sa kanilang obserbasyon, ang kaawa-awang si Rick ay nawalan na ng malay. Pero hindi iyon ang nakapagpanindig ng balahibo ng karamihan. Sa binti kasi ni Rick, sa parteng kuntodo ang pagkirot nito, meron doong hugis bituin na nakaukit, na tila ba may isang taong hindi nila nakikita na umukit nito sa kanya.   

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
170.6K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
130.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
102.0K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.9K
bc

The Billionaire's Hot Maid

read
19.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook