Chapter 2 : Wrong Impression

2445 Words
BETHANY She found herself face-to-face with a man she'd noticed earlier standing near the front entrance. Ito nga yong lalaki kanina sa main entrance na nakasuot ng maong pants at naka leather jacket. Akala nga niya isa itong bouncer na medyo halata naman sa tindig at pangangatawan nito. Pero hindi naman siya yong tipong bouncer na may malaking pangangatawan. Katamtaman lang. Napansin naman niya na ang talim ng titig sa kanya ng kaharap. Ano kaya ang problema nito? She just met the newcomer's gaze boldly. Pinagkrus naman nito ang kanyang mga kamay habang matalim pa rin itong nakatitig sa kanya. Samantalang siya naman ay nakapameywang at nakipagsukatan ng titig sa lalaking kaharap. She was five foot five in her bare feet, and her wedge put her nearly on the same level as this handsome stranger. Palihim naman siyang sumusulyap sa kagwapohan nito. Naku! weakness pa naman niya ang isang ito, matangos ang ilong, brown eyes, at may makakapal na pilik mata. The man definitely had what was known as bedroom eyes. Those electric eyes really captured hers, at para syang lumutang sa alapaap sa klase ng mga titig nito sa kanya. "Sana hindi nakaistorbo ang pagsabat ko sa inyo." his tone was easy and almost friendly. "Not at all." sagot niya. Kinuha naman nito ang kamay niya, then whirled her around the floor in a gracefully executed move, her steps matching his exactly. "Sa obserbasyon ko, parang hindi ka ata naging kuntento sa patner mo." She was so engrossed in the masculine face before her, kaya hindi talaga niya maiwaisan na hindi mapatitig sa lalaki. "Base kasi sa facial expression ng lalaking kasayaw mo kanina, napagpasyahan kong kailangan ko siyang e-rescue." dagdag nitong sabi. "You looked as if you'd liked to...unman him."   Napatawa lang siya sa sinabi ng lalaki. "Actually, you were a little late..buti nga sa paa ko lang siya inapakan." she paused then added. "Ang hindi ko lang na realized na posible palang may makakita sa ginawa ko." "Maaring ako lamang ang nakakita, pero kung ang asawa niya mismo ang nakakita sa inyo...naku! lagot." nakangising wika nito. Nanlaki naman ang mga mata niya sa narinig. "May asawa na siya?" di makapaniwalang tanong niya, but deep inside nanggagalaiti talaga siya sa galit..Naku! ang mga lalaki talaga..bakit kaya di sila makuntento sa isa? "Eh bakit wala siyang suot na wedding ring?" At her indignant tone, her partner gave her and odly speculative look. Ngayon lang ata niya na realized ang mga sinasabi niya. Baka ano nalang ang isipin sa kanya ng lalaki, baka isipin nito na kabit siya ng lintang iyon. "H-hindi naman sa naghahanap ako ng wedding ring." nauutal niyang pagbawi. She felt his eyes on her for what she suspected was one of the longest moments in her life. His deep voice was slightly amused as he said. "Para namang hindi kayo nagkakilala ni Clark. Halos alam na yata ng lahat dito kung gaano ka tinik sa chicks yon si Clark." "Ganon?" her eyes flashed. "Ahh..kaya pala para syang linta kung makakapit sakin. Siguro naman nakita mo kung paano niya ako hawakan." There was a quite hint of something in his voice, that she couldn't quite identify. Nag abot na naman ang mga titig nila. Para talagang may ipinahiwatig sa kanya ang klase ng mga titig nito, and once again she had the feeling that he didn't belong here. Sa edad na bente-siyete, isa pa rin siyang certified NBSB, naging focused kasi siya sa kanyang pag-aaral at sa pagkamit sa kanyang career. Oo, maraming nanliligaw sa kanya pero lahat ng mga iyon ay binasted lamang niya. Unfortunately kasi may mga manliligaw na sana siyang matipohan, pero di kalaunan katawan lang pala niya ang hinahabol ng mga ito which is ang hindi niya kayang ibigay. Marami kasi siyang rason kung bakit hanggang ngayon ay certified virgin pa rin siya. Pero ng makita niya ang V-shaped patch opening sa suot nitong shirt, her eyes dropped, and she felt the most insane desire to drop her head and nestle her cheek against that exact spot. Ang huling pinatugtog na kanta ay nawala na, kahit ayaw pa sana niyang maputol ang moment na iyon. Kumpara sa linta niyang kasayaw kanina, this man was an absolute treasure. Akala talaga niya bibitawan na siya ng lalaki, but when the band began to strike up another tune, slower and evenmore plaintive this time, he was once again clasping her waist. "Isa pa?" sabi pa nito. Tumango lang siya na parang tuod at nagpatangay na lamang siya sa bugso ng kanyang damdamin, kasayaw ang napakagwapong nilalang na ito. She liked dancing with this tall chesnut-haired man, liked the feel of his strong arms holding her loosely and the warmth of his fingers where they rested lightly on her waist. "So," malumanay nitong sabi. "bago ka rito?" Talagang halata siguro na baguhan lang siya dito, dahil hindi lang naman siya ang nagtanong pati si Clark kanina ay tinanong rin siya. "Yes, it's my first time here." suddenly she couldn't help but wonder how, at kung bakit kilala ng lalaking ito si Clark. At ngayon gusto niyang makiusyoso kung bakit napadpad dito ang masasabi niyang parang matino na lalaki. Sa palagay niya hindi lasinggero ang isang to, dahil hindi man lang siya nakaamoy ng alak sa hininga nito, di katulad ni Clark kanina na amoy alak at siguro bukod rin sa mga babae dito, ang pag-iinom ang kahiligan ng mga lalaki dito. Her slender dark brows lifted inquisitively. "Ikaw? regular customer ka ba dito?" Napangiti naman ang lalaki sa kanya, wow killer smile, sa isip niya. "Hindi, pero nagpupunta ako rito paminsan-minsan." Natahimik silang dalawa bigla, at nararamdaman nalang niya na mas lalo pang hinapit ang katawan niya papalapit sa katawan ng lalaki. Pero di gaya ni Clark kanina na gusto niyang makawala, in fact gusto pa nga niyang maglapat ng tuloyan ang mga katawan nila. His long arm curled slightly around her waist, and it seemed the most natural thing in the world to lean against him, and rest her cheek against his shoulder. Her breasts tingled where they brushed the hard planes of his chest, at kusa namang pumupulupot ang mga kamay niya sa leeg ng lalaki habang inaamoy niya ang napakabagong after-shave nito. They danced together like that for a short while, their feet barely moving, both of them relaxed and at ease. Para talaga siyang si Cinderella na sinasayaw ng kanyang prinsipe. Part of her wondered why she was reacting so strangely, siguro dahil na enjoy niya ang sarili na makasayaw ang isang ito. Natapos na naman ang isang tugtog. Pero hindi pa rin siya binibitawan ng kapareha. At sa halip ay hinahawakan siya nito ng mahigpit habang malayang nilalakbay ng mga titig nito ang kanyang kabuuan. "Pwede ba tayong umupo muna?" aya nito sa kanya. The invitation was good, pero kakayanin pa kaya niya ang ilang oras na makasama ito? Eh sa mga titig palang nito ay para na siyang matutunaw, how much more kung madagdagan pa ng ilang oras ang pagsasama nila. "Sige." ang lakas talaga ng pintig ng puso niya lalo na't hindi pa rin siya binitawan nito hanggang sa makaupo sila sa isang corner table roon. Nang makaupo na sila, nag order naman ang lalaki ng kanilang maiinom, tas binalingan siya ulit nito. "Hindi pa pala tayo nagkakilala." at nginitian siya nito ng wagas. "But don't forget the golden rule, labas dito ang personal detalye natin, first name only. I'm Gib." Huh, golden rule? meron ba non? at saka first name only? Ganito ba talaga ang mga lalaki na makipagkilala sa bar? or kakaiba lang talaga ang isang ito. Sa ilang sandali, muntik na sana niyang malimotan ang pakay niya sa pagpunta sa bar, dahil lang sa nakilala niya itong gwapong lalaki. Pero sa totoo lang, hinding-hindi talaga niya malilimotan ang gabi na ito. Napapitlag naman siya ng hawakan ng lalaki ang kanyang tuhod, para kasing may kuryenteng dumadaloy sa buong katawan niya. Until she realized na naghihintay lang pala ito sa sagot niya. "I-I'm Cybil." she said with a smile. Hindi niya alam kung bakit ang pangalan na yon ang nabanggit niya. Siguro ayaw lang talaga niyang malaman ng estrangherong ito ang totoong pangalan niya kahit pa gaano ito ka romantic. Romantic! The word almost made her laugh. As a newspaper reporter, she dealt in facts and realities. Na reminisce niya tuloy ang kanyang college days. While she was pursuing her degree, she had sold a number of stories to various confession magazines, and a few had been printed under her pseudonym, Cybil Rane. Those stories might not have sharpened her journalistic skills to their utmost, but for her it was a good practice. Kung hanggang ngayon nagsusulat pa lang siya para doon sa confession magazine, may naisip na sana siyang titulo sa isusulat niya. Ilalagay niya sana ang title na 'My Search Is Over'..or di kaya 'I Found My Lover One Night at the Bar'..naisip kasi niyang bongga ang title na iyon. Lover! Paano ba niya nagiging Lover si Gib, ni hindi nga niya alam ang apelyido nito eh. But looking at him as he smiled at her with a meltingly attractive smile, it wasn't hard to find the answer. Damn! ano ba itong mga iniisip niya, meron siyang ibang pakay sa pagpunta dito sa Gray Palace hindi ang makipaglandian nitong si Gib. She could hardly sit around like a wallpaper, or someone might get suspicious. Once again tiningnan niya ang back door kung saan nakatayo ang dalawang bouncer na malalaki ang katawan. Sinubokan niya talaga kanina na buksan ito, subalit nakita siya ng bouncer at pinagbawalan siya. At ngayon pano pa niya mabubuksan ito kung bantay-sarado na ito ng dalawang bouncer? "Alam mo, may naiisip ako.." she glanced at him out of the corner of her eyes.."Masyado na kasing crowded dito eh. Maybe the two of us could head upstairs and get in on the action for a while. Sigurado naman akong isa talaga iyon sa mga pinupunta mo dito eh, alam kung hindi makukumpleto ang gabi dito kapag hindi natin susubukan yon." then she flashed a smile. "Gusto mo bang maka hit ng jackpot?" Matagal siyang naghihintay sa sagot ni Gib, siguro hindi na niya kakailanganin ang isang ito sa mga plano niya. If, whatever reason, bakit kaya ayaw siyang papasukin ng bouncer na nag-iisa lamang siya? sa napapansin kasi niyang pumapasok doon sa back door, kadalasan ay pares ng babae at lalaki. Kaya naisipan nalang niya na isama si Gib baka hindi na siya haharangan pa ng bouncer. "Siguro." tipid na sagot nito, but atleast malapit na itong sumang-ayon, konting push nalang. "I assume this won't be on the house." Ano ba itong bahay na sinasabi ni Gib? legal na bahay ba ito or illegal? naku! baka ito na nga ang hinahanap niya, isang sugalan na may bahay aliwan at bentahan ng mga drugas. "Alam mo naman nothing is free ngayon, but don't worry hindi naman masasayang ang pera mo, mag e-enjoy ka talaga, and I assure you that you'll come out on the top." pangungumbinsi niya sa lalaki. "Ano ba talaga ang nasa isip mo?" tanong sa kanya ni Gib. Though his tone was completely affable, there was an implicit demand just beneath the surface of his words that puzzled her just a little. Napakibit-balikat siya. "Siguro mga sampung libo, mapagkasunduan na natin yon. As for what we do once were up there...well, ikaw na ang bahala. I'm ready for just about anything." she hoped na kakagatin ng isang to ang pain niya para lang maka access siya doon sa back door, kailangan na talaga niyang magmadali dahil wala na siyang sapat na oras, malapit na kasi ang deadline na binigay sa kanya ng editor. Naku, napaka terror pa naman sa newsroom ang naging editor niya. "Malaking pera yang hinihingi mo, but that's an acceptable sum." For just a moment, tumahimik si Gib na parang nag kalkula ito sa kanyang isip. His eyes might look intimidating, but his smile was friendly enough, and she had no doubt she could handle any situation that might arise. At sa wakas, nakipagkamay na rin si Gib sa kanya. "So, shall we?" imbita nito sa kanya. Yeah! napapa 'Oo' din niya ito sa wakas. When she rose fluidly to her feet beside him, nakita niyang napakunot-noo ang lalaki. Then he open his wallet, did a quick inventory and then flashed a smile. "Mukha yatang na short ako sa cash. Teka lang, pupunta muna ako sa kotse ko ha. Hindi ka naman siguro tumatanggap ng credit card..diba?" She murmured her agreement, anong tingin niya sa akin tanga? alam niyang alibi lang yon ng lalaki, eh sino ba namang mag-iwan ng cash sa loob ng kotse? locked man ito o hindi. Pero hindi na lamang siya nagsasalita, at sa halip ay sinamahan niya ito papunta sa kanyang kotse. Nang makarating na sila sa parking area, agad naman na nilapitan ni Gib ang kulay itim na Mazda, but he was just leaning against the hood, arms crossed over his chest. Bigla naman niyang naalala ang kanyang Mommy noong seven years old pa lamang sya, pinalo sya nito dahil sinira niya yong cake na ginawa ng Mommy niya para sa birthday ng kanyang Dad. Katulad ngayon, ang mga titig sa kanya ni Gib ay parehong-pareho talaga sa kanyang ina noon, na para bang gusto siya nitong pagalitan o di kaya paluin. "Well, aren't we going to check inside?" she prodded. Pero hindi siya sinagot ni Gib. At sa halip ay binalik sa kanya ang tanong. "Sigurado ka bang gagawin mo talaga to?" "Of course!" nawawalan ng pasensya na sagot niya. Now that she was this close to getting an "in" on her story, she was anxious to get on with it. Binigyan na naman siya ng matalim na titig ni Gib. "Doon ka nalang sana kay Clark, you know." Ano? yon lang ang sasabihin nito? talagang na iimbyerna na siya sa lalaki. "Look, can't we hurry this along just a little." she prodded with a sigh. "It's getting late. Ano ba papayag ka ba sa gusto ko? or pag-uusapan nalang ba natin ang-" He held up his hand and stopped her in midsentence. "Before you say any word" matigas na sabi nito. "Kailangan muna kitang balaan sa mga pinaggagawa mo, dahil baka ma aresto pa kita?" Dapat siyang matinag sa sinasabi nito, pero parang wala man lang siyang narinig. At sa halip ay pilit niyang hinila ang lalaki pabalik sa bar. But all of a sudden, nanlaki ang mga mata niya sa kanyang naaalala as she stared up at him. "Aarestohin mo ako? Sa salang ano?" "Ano pa nga ba?..eh di illegal na pagbebenta ng katawan."   *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD