Chapter 3 : Clash

2188 Words
GIB Napanganga ang babae ng marinig nito ang sagot niya. Sayang maganda sana, sa isip niya. Cybil. Bagay talaga ang pangalan nito sa kanyang itsura. Seductive at may pagka misteryosa ang dating. At kung ang suot nito ang pagbabasehan niya, hindi talaga halata na isa itong first class prostitute. Kung siguro ibang lalaki siya, susunggaban talaga niya ang imbitasyon sa isang mala-dyosa na babae na kagaya ni Cybil. Sa tingin niya kakaiba ang isang ito sa mga usual na babae na nakikita niya dito sa Gray Palace. Kung magpakatotoo lang siya sa sarili, masasabi niyang nakuha talaga ni Cybil ang atensyon niya kanina pa. But the years had honed his senses and instincts. Kaya natuto na siyang bumasa ng tao gamit ang eye contact. Though sa napapansin niya na disente naman ang babae kung gumalaw. Parang nasaktan nga ito sa naging sagot niya. BETHANY She was speechless for what was probably the first time in her life. Hindi talaga siya makapaniwala na napagkamalan siyang isang prostitute. Siya na si Bethany Dalman, napagkamalan na isang babaeng nagbebenta ng katawan? Pero bigla nalang niyang naisip ang redhead dancer na hinila ng isang customer kanina, at ang pagsasayaw nila ni Clark. Ngayon, meron na agad nabuo sa kanyang isipan. Na hindi lang pala isang bar ang Gray Palace, kundi may milagro talagang nagaganap doon lingid sa kaalaman ng iba. Kung kanina romantiko ang naging dating ng lalaking kaharap niya. Ngayon, napalitan na ito ng matinding iritasyon. "Look, Mr. Gib." she said, trying to be reasonable. "I think you've got the wrong woman here. Hindi ako makapaniwala na napagkamalan mo ako na isang-" "Napagkamalan na ano?" putol ng lalaki sa sasabihin niya. "Baka nakalimotan mo na inalok mo ako ng kaligayahan, kapalit sa sampung libo." His sarcastic tone didn't go unnoticed by her. Nagtaka nga siya eh, kung bakit umabot ng ganito katagal ang pasensya niya sa lalaki. "Kung sampung libo lang naman ang hinihingi mo, sa tingin ko kulang pa yan na kabayaran sa mala-dyosa mong hubog at kagandahan." sabi nito. "You could be getting at least twice that much." Tumaas yata ang blood pressure niya sa sinabi ng lalaki. She was so furious that her voice shook. "A-ano bang akala mo sa akin?" "Sa tingin mo, ano kaya ang pwedeng isipin ng lalaki sayo?" The voice in her ear was smooth, pero nahihimigan niya ang babala sa tono nito. Hinawakan naman ng lalaki ang palapulsohan niya at inikot siya nito paharap sa kanya. Nagpupumiglas naman siya sa pagkakahawak ng lalaki, at nang makawala siya awtomatiko siyang napaatras. She took a deep steadying breath and organized her disordered thoughts. Sa palagay niya ang lalaking ito ay isang police undercover. "You have absolutely no reason to believe that I...that you...that I wanted you to..." singhal niya sa lalaki. At dahil sa nanginginig siya sa galit kaya siya nagkandautal. "Alam ko ang mga tactica ninyo, kunwari ka pa. I've been approached by enough women to know when one is sending out signals." May katotohanan din naman ang mga sinabi nito. Kaya duda siyang police talaga ang lalaking ito. Well, he was tough, athletic body and lean, and sculpted features. "Pwes, mali yang inaakala mo sa akin." GIB Napabuntong-hininga na lamang siya. Damned if he didn't actually want to believe her. Sa tatlong taong paninilbihan niya sa bayan, ang palagi niyang pinaalala sa sarili ay una talaga ang trabaho. Aminin man niya sa sarili na jackpot talaga ang babaeng ito, pero hindi niya kayang isaalang-alang ang kanyang trabaho kapalit sa sandaling kaligayahan. He met her gaze unwaveringly. "Walang kwenta kung pagtatalunan pa natin ito. We both know what you said." "And you misinterpreted what I said." sigaw naman sa kanya ng babae. He couldn't hide his annoyance at her vehemence. Ngayon lang ata niya na encounter ang babaeng kagaya nito. "Gusto mo akong dalhin sa itaas ng bar at magsaya. I got the message loud and clear." aniya sa babae. BETHANY Sa halip na maimbyerna siya sa lalaki, ibinaba na lamang niya ang kanyang pride at huminahon. "Kung kumbinsido ka talaga na tama ka, bakit hindi mo ako dadalhin sa estasyon ng pulis?" Napamaang naman ang lalaki sa suhestyon niya, hindi siguro nito inasahan na yon ang sasabihin niya. "Magandang ideya yan."sabi ng lalaki at agad na binuksan ang passenger seat ng kotse nito. "Ano pang hinihintay mo? get in." sarkastikong sabi nito, gesturing her inside. "Hindi kakayanin ng konsensya ko na iiwan kang mag-isa dito." Napangiti naman siya sa sinabi ng lalaki at agad na pumasok sa kotse nito. Kung dadalhin talaga siya nito sa police station, ipamukha talaga niya sa lalaki na inosente siya. But when he made no move to start the engine, napakunot-noo siya. "Ano pang hinihintay mo?" GIB Turning slightly in his seat, he eyed her consideringly. Kahit paman madilim ang loob ng kotse naaaninag pa rin niya ang mukha ng babae, at kung gaano ka kinis ang mukha nito. God! When had he last seen skin like that? Kung titignan lang niya ang babae, mukha talaga itong anghel. "Sabi mo first time mong pumunta dito." he recalled. "Kaya nga nagtataka ako eh, kung bakit ang isang katulad mo ay nandito. Maybe you lost your job. Or baka ang asawa mo o ang boyfriend mo ang nawalan ng trabaho, tapos meron kayong mga anak na bubuhayin, kaya desperada kang makahanap ng pera. Hindi ko alam kung tama ako. Pero ang hindi ko lang maintindihan kung bakit kinailangan mo pang ipagbenta ang iyong katawan." he glanced over and found her mouth forming a shocked O. "Kung pera o pagkain ang kailangan mo, pwede kang tumawag sa women's desk early this morning baka matulongan ka nila." BETHANY Masusi niyang tinitigan ang lalaki sa pangalawang pagkakataon. This guy is unbelievable. Was he really talking about her? Si Bethany Dalman, napagkamalan naman ngayon na may asawa at mga anak? It was all too precious for words. Si Gib na walang apelyido pa yata ang nakapagsabi sa kanya ng mga ganon. Eh kung kani-kanino na nga siya inirereto ng kanyang Mommy para lang daw magka boyfie siya, tapos sasabihin lang ni Gib no-last-name na may asawa at anak na siya. Mukha ba talaga siyang may asawa at anak? "Wow! napaka maalalahanin mo naman pala. But I'm afraid I'll have to decline your offer. Dahil hindi ko kailangan ang kahit anong tulong." GIB Napabuntong-hininga na lamang siya. Hindi ba nito naintindihan kung ano ang gusto niyang ipaabot? "Look," he said, choosing his words very carefully. "Bakit ba hindi ka nalang umuwi? Go home at kalimotan nalang natin ang lahat. You look like a fairly intelligent woman. Sana hindi mo na ulit ito gagawin dahil kung hindi, I'm prepared to give you the benefit of the doubt." "Benefit of the doubt?" napahalakhak ito ng tawa. "Gusto mo talagang e preserve ang pagkamatulongin at friendly image mo noh?" Pinasadahan naman niya ng tingin ang babae. "I was trying to give you a break..but you're making it damned difficult." Napangisi lang naman ang babae sa kanya. "Well then, gagawin natin itong madali para sa ating dalawa." Kinuha nito ang kanyang purse, which lay on the seat between them, binuksan naman niya ito with a questioning look. "Okay lang ba sayo kung ipakita ko sayo ang aking ID?" Tumango lang siya bilang tugon at binigyan naman siya ng matamis na ngiti ng babae. Hinay-hinay nitong binuksan ang kanyang purse as if nagpapa suspense itong ipakita ang kanyang ID. Una nitong ipinakita ang kanyang driver's license then followed by her press ID. Napasimangot ito, then sat back at naghintay sa kanyang magiging reaksyon. Hindi naman siya na impressed sa mga ipinakita nitong ID's. Kaya tuloy hindi na mapinta ang simangot sa mukha ng babae. Akala siguro nito na magbabago ang tingin niya rito. The two pieces of identification were abruptly dropped back into her lap. Isa itong reporter, he thought to himself disgustedly. He should have known. "So, hindi ka si Cybil kundi si Bethany Dalman." he stressed her name coldly. "Kung isa ka ngang reporter, recorded ba itong pag-uusap natin?" "Hindi talaga kita niloloko." Napatawa naman sya ng malakas sa sagot ng babae. "At kaya ka nagpapanggap, ganon?" "Hindi naman sa ganon." taas noo na sabi nito. "Gusto ko lang makakuha ng story." "Ano namang klaseng storya? at tungkol saan?" "Gambling," anito. "Gambling? Sa Gray Palace? Ah kaya pala gustong-gusto mo pumunta sa itaas?" di makapaniwalang tanong niya. "Hindi mo ba nakikita ang nasa paligid? Sa tingin mo ano kaya ang ginagawa ng mga babae doon?" "Naisip ko rin naman yon eh." she snapped back. "That there's something going on upstairs..Matanong ko nga, police ka ba? kung isa ka ngang police, gusto kong makita ang iyong badge." Naku! demanding ang babaeng ito, sa isip niya. Nginisihan lamang niya ang babae tas may dinukot siya sa kanyang bulsa. "Bakit mo naman nasabi na police ako?.. pero sige para patas tayo." saad niya. "Pinakita mo ako sa mga ID mo, ipapakita ko rin sayo ang sa akin." BETHANY Panandalian namang nag-abot ang mga titig nila. All of a sudden she was remembering what a pleasurable experience she had found it to dance with this man. What an experience! Oh! Totoo ngang Gib ang pangalan nito. Police Inspector Gib Sarmiento, to be precise, a Police Intel under the intelligence division in Camp Crame. She glanced once more at the gold shield, flipped the leather case shut and handed it back to him. "It seems to me,..that instead your going after some of these women, you might try to chase down some of the procurers instead." "Si Clark ba ang tinutukoy mo?" tanong sa kanya ni Gib. She nodded, unable to suppress a shiver. GIB Napakunot-noo siya nang maalala niya kung paano hawakan ni Clark si Bethany. Lalo na nang malaman niyang hindi naman pala ito bayarang babae. A part of him was glad that she wasn't what he'd originally thought, kahit na wala naman talaga siyang pakialam doon. But a reporter? he groaned silently. Nag-iwas siya ng tingin at pinanood na lamang niya ang city lights. A neon sign flashed in the distance. At nagulat na lamang sila ng may isang kotse na bumubusina sa kanila. Si Clark pala, nag ma-make face sa kanila, at agad din namang pinaharurot ang sasakyan nito . "Alam mo, pamilyar talaga ang mukha ni Clark sa isa sa mga police station." he said with a grim smile. For a few seconds he sounded very tired, but there was a businesslike ring to his voice once more as he turned to look at her. "Saan ba naka parked yong kotse mo?" BETHANY She had the feeling that those brown eyes didn't miss a thing, nang bigla nalang siyang pinagpawisan sa kanyang kili-kili. Hindi naman siya ganito ka conscious before pag may kaharap o kausap siya na lalaki. Siya naman ngayon ang nag-iwas ng tingin sa lalaki. "Hindi ko dala ang kotse ko ngayon." pag amin niya. GIB Napailing na lamang siya. Bethany Dalman might be one gorgeous woman, at kahit pa nagpipiyesta ang mga mata niya sa kakatitig sa babae, nang dahil dito na consume tuloy ang oras niya. He'd arrived at the Camp at 5:00 A.M. to get an early start on some long overdue paperwork. "Akala ko matatapos na ang araw na ito." he grumbled to himself. Napalingon naman siya sa babaeng katabi niya. "Saan ka nakatira?" The impatience in his voice was hard to ignore. "Wag mo na akong alalahanin." kaswal na sagot nito. "Nag taxi ako papunta rito, kaya mag taxi na rin ako pauwi." at agad na binuksan ng babae ang pintuan ng kotse. Napabuntong-hininga ulit siya. "Pwede bang bumalik ka dito? Walang babaeng matino na nakatayo diyan sa ganitong oras. Kung iiwan kita diyan para na ring nang iwan ako ng baboy sa isang slaughterhouse, at hindi yan kaya ng konsensya ko.. At kung akala mo na-" putol niya sa sasabihin ng tumawid na ang babae sa gitna ng daan. Nginitian lang siya ng babae nang naroon na ito sa kabilang lane. "Police Inspector Sarmiento, I'm beginning to think the devil himself would be preferable to you." sigaw nito sa kanya. Pero nakita nalang niya na may isang asungot na lalaki na nakamatyag malapit lang sa kinatayuan ni Bethany. Napansin naman ito ng babae kaya ito kumaripas ng takbo pabalik sa direksyon niya. May naisip naman siyang pang-asar ng babae kung kaya dali-dali niyang ini-lock ang bintana ng kanyang kotse. Nang makarating na si Bethany sa kotse niya. Kumatok naman sa bintana ang babae. At nakita niyang humihingal pa ito. Ngunit nginisihan lamang niya ang babae at matagal na binuksan ito. Nang sa tingin niya inis na inis na ito saka pa lamang niya ito pinagbuksan ng bintana. "Kayo talagang mga babae ang bilis magbago ng isip ninyo." he said to her. "Hindi naman sa lahat ng kaso." ani Bethany, at nginisihan rin siya nito. "It's simply the lesser of two evils." Hindi naman siya agad nakasagot sa palaisipan nito. Napatawa nalang siya at inilagay na niya ang susi sa ignition. Pinagbuksan na niya ito ng pintuan sa kotse at pinasakay. Then sped away from the bar a moment later.  *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD