CHAPTER 1: "PARATING NA ANG DRAGON!"

1408 Words
"Parating na ang dragon!" sigaw ni Clint. Gumigiling na tumakbo ito papasok ng pintuan. Muntik pang madulas ang bakla nang matapakan ang nakakalat na balat ng saging sa sahig. "Magtago na tayong lahat. Parating na ang dragon!" Tumigil ang oras sa loob ng silid-aralan. Ganito palagi ang eksena sa tuwing si Ms. Turtle na ang magtuturo sa amin. Pakiramdam ko mga sundalo kami sa isang training site habang hinihintay ang pagdating ng kilabot naming commander. Sad but true. Ito ang reality namin sa araw-araw. Hindi ko alam kung parusa ba ito sa amin ng Langit dahil sa pagiging pasaway sa mga magulang o sadyang tadhana na ito para ituro sa amin na hindi sa lahat ng pagkakataon magagawa namin ang lahat ng gustuhin namin, sa bahay man o dito sa paaralan. Kung hindi kami kayang disiplinahin ng mga magulang namin, may darating na isang guro para gumawa nito. After all, teachers are our second parents, right? Maybe. Whatever. In a way, Ms. Turtle is both a blessing and a curse. Depende na lang siguro sa personal na interpretasyon o kung paano mo tatanggapin ang katotohanang may baliw kayong teacher na makakasama buong taon. Well, I choose curse. Tanging ingay na lang ng mga nag-uusap na estudyante sa magkabilang silid ang maririnig. At ang pagtama ng mga takong sa aspaltong sahig mula sa labas ng pasilyo. Palakas nang palakas. Palapit nang palapit. Parating na ang dragon. Nanindig ang mga balahibo ko. Gusto kong yakapin ang sarili at kumbinsihin na magpakatatag, na magagawa ko nang maayos ang matagal na naming pinagplanuhan ni Layla. Na matatapos rin ang araw na ito. At kapag nagawa ko nang tama, siguradong huling araw na ni Dragon Lady sa paaralang ito. Bilang na ang maliligayang araw nito sa Purvil High. Umayos kaming lahat sa pagkakaupo, ang mga mata'y nakapako sa nakabukas na pintuan. Sa bawat segundong lumilipas pabigat nang pabigat ang atmospera ng silid. Tila maging ang mga elemento at mga nilalang na posibleng nakatira sa paaralan na ito, kung meron man, tila pati sila naghihimutok at naninibugho sa mas maitim at malagim na presensyang dala ni Dragon Lady. Tumilaok ang manok mula sa labas ng bintana, tila nang-aasar pa sa gitna nang nakabibinging katahimikan. Paano nagkaroon ng ligaw na manok sa dito loob ng school compound? Pero ang mas nakakaintrigang tanong, paano nagkaroon ng dragon dito sa Purvil High? Nakawala sa pagkakatali at nakalipad sa bakod ang posibleng kasagutan patungkol sa manok. Paano naman ang sa dragon? Nakatakas sa mental? Sobrang awkward kapag sa first row nakaupo. Hindi maiiwasan ang mapansin at mapagpiyestahan ng tingin lalo na ng mga kaklase kong manyak at mahihilig mangopya sa oras ng exam. Dreadful naman sa ganitong pagkakataon. Siguradong mapapansin na naman ako ni Ms. Turtle, dahil bukod sa alam nitong sinusuka ko ang math, ako lang naman ang nag-iisang estudyante na naglakas ng loob na magsumbong sa prinsipal tungkol sa pagiging bully teacher nito sa amin. But sadly, mas kinampihan pa ni Ms. Lord si Ms. Turtle, kesyo ang oa ko raw. Wala naman daw physical abuse na nagaganap at sadyang mataray lang talaga si Ms. Turtle. Mataray in a good way, pagdidiin pa ng aming butihing prinsipal. Sadyang over-sensitive lang daw ako at ayaw nang napapagalitan. Puro reklamo lang daw ang alam ko. At kung ipagpapatuloy ko raw ang pagiging reklamador, pinapatunayan ko lang daw na nagkamali si Gat Jose Rizal nang ideklara nito na ang kabataan ang pag-asa ng bayan. I'm so frustrated. Tila bingi si Ms. Lord sa mga hinaing ko. Hindi ba nito alam na hindi lang ako ang binabalewala nito kung hindi pati na ang lahat ng mga kaklase ko? Sadyang ako lang ang direktang nagpapahayag ng pagkadisgusto namin kay Ms. Turtle. Bilang President of the Class, natural lang na ako ang maging boses nila. Minsan napapaisip tuloy ako kung sadya nga bang walang pakialam ang prinsipal sa amin. O sinasadya lang talaga nito na huwag pansinin ang reklamo ko sa simpleng kadahilanan na ako ang nagrereklamo. Tila nagsawa na ito sa mukha ko na isang beses yata sa isang linggo kung ipatawag nito sa opisina. She hates me. Really hates me. Kitang-kita ko sa matalim na mga mata nito sa tuwing nahuhuli ko itong palihim na nakatingin sa akin mula sa bintana ng Principal's Office. Makatarungan ba ang galit ni Ms. Lord sa akin? Para sa akin hindi. She's not being reasonable as a principal. She's being unprofessional. Wala siyang karapatang magalit sa akin. Actually, kami pa ngang mga estudyante ang dapat na magalit sa kaniya dahil sa panggigipit na ginagawa niya sa amin. Panggigipit at panloloko, I should say. Over-expensive field trip. School projects. Mga extra-curricular activities na unnecesarry kagaya ng Film Showings and such. Totoo, na-afford ng mga magulang namin na pag-aralin kami dito sa Purvil High. At sino namang mga magulang ang ayaw pag-aralin sa isang sikat na exclusive school ang kanilang mga anak? Rhetorical question, I know. But my point is, hindi porke't nakaya nila, ibig sabihin magtatapon na sila ng pera sa kung anu-anong "extra-curricular" na sinusulong ni Ms. Lord sa aming nga estudyante. Kaya isang araw, nagsulat ako ng article sa aming Glee Club. Just a simpe letter, really. Binuhos ko ang lahat ng saloobin ko sa isang piraso ng papel, harap at likod. It was a reasonable letter. Pero hindi ito nagustuhan ni Ms. Lord. And I think she has every right to do so. After all, kinondena ko lang naman ang "extra-curricular" activities nito. Para dito, it was a direct insult to her and her administration. Nasaan na ang freedom of speech? And to think that I was just merely expressing my opinion, and yet, para akong nakagawa ng karumal-dumal na krimen na kailanman ay hindi nito mapapatawad. From then on, nakamarka na ako sa kaniyang Watch List. Sa tuwing may reklamong dumarating sa kaniyang opisina, ako agad ang suspetsa nito. She sees me as a firestarter. Pero nagkakamali ito. I'm actually a firewoman, or firegirl. Whatever. Anyway, Ms. Lord is the lesser of the two evil. Mas lantad ang kasamaan ng ugali ni Ms. Turtle. Lahat kami, galit at takot kay Ms. Turtle. Actually, hindi naman talaga ako takot rito. Takot ako na ipahiya nito sa harap ng buong klase. I don't want that to happen again. Sino ba naman ang gustong mapahiya, right? Besides, ilang beses na akong pinahiya ng dragon na ito. Eksperto pagdating sa paninirang-puri. Nakapagtataka kung bakit hindi ito makita ng prinsipal. O marinig since dinig sa buong school compound ang boses nito tuwing sinisigawan kami. But sadly, kailangang kong mapahiyang muli, hindi lang para sa akin, kundi para na rin sa lahat ng mga kaklase ko na walang lakas ng loob na labanan si Ms. Turtle. Like I said, I'm the president. Siguro sadyang nagbubulag-bulagan o nagbibingi-bingihan lang talaga si Ms. Lord dahil magaling mambola si Ms. Turtle. Maaaring pera-pera lang din talaga ang labanan. Palakasan, or something. I don't know. O baka lihim na magkamag-anak ang dalawa? Who knows? "Miya!" May marahang kumalabit sa balikat ko. Pasimple akong napalingon. Si Layla. Nakatingin ito sa akin. Bahagyang nanlalalim ang mga mata nito at namumula. Malamang na ilang araw din itong hindi nakatulog kakaisip sa matagal na naming plano ngayong araw. Kung dapat ba naming ituloy o hindi. Sa nakikita ko sa maamo nitong mukha, malinaw na desidido rin ito na ituloy ang plano. Nagtaas ako ng isang kilay sabay tango. Nagtaas din ng kilay si Layla, signifying na nakuha nito ang ibig kong sabihin. May maliit na ngiti na kumurba sa labi nito. Hinawi nito ang ilang hibla ng buhok na bumagsak sa noo nito saka nagbukas ng aklat at nagkunwaring nagbabasa. Bahagya akong nainggit sa kulay pula nitong buhok. Sana nagpakulay na rin ako ng buhok para lalo pa akong mapansin at pag-initan nina Ms. Turtle at Ms. Lord. Ayos na siguro ang kulay rainbow na buhok. Muli kong tinuon ang paningin sa pinto. Ilang segundo na lang at darating na ang dragon. Handa na ako. Pasimple kong tinapik ang kaliwang bulsa ng uniform ko. Nasalat ko ang ballpen na nakaipit dito. Hindi ito simpleng ballpen lang. Ngayon ko mapapatunayan na totoo ang sinabi ni Gat Jose Rizal na pen is mightier than sword. Ang ballpen na ito ang tatapos sa mga maliligayang araw ni Ms. Turtle a.k.a Dragon Lady. Tingnan natin kung sino sa atin ang may huling halakhak, Dragon Lady. Tingnan natin. Napalunok ako nang tuluyan ng pumasok sa loob ng silid ang dragon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD