"What!" bulalas ni Ms. Turtle. "Totoo ba ang sinasabi ni Castillo, Antipasado? Don't you dare lie. Just tell the freaking truth!"
Para akong napako sa kinatatayuan. Gusto kong humakbang at sabunutan si Layla hanggang sa makalbo ito kagaya ni Dragon Lady. Paano ako nito nagawang traydorin? Ano'ng ginawa kong kasalanan? Ito lang ang tinuring kong totoong kaibigan sa Purvil High. Ito ang tinuring kong matalik na kaibigan...pero nagawa ako nitong traydurin.
"T-Traydor ka!"
"Ows, talaga?" buska ni Layla. "Ang sakit mo namang magsalita, Miya the Dragonslayer. Is that how to treat your own bestfriend?"
"Pinagkatiwalaan kita, Layla. Tinuring kitang parang kapatid ko. And yet...How could you do this? Dapat hindi na kita kinaibigan."
"Tanga ka, e. Hindi ka marunong kumilatis ng tao. Matagal ko nang gustong ingudngod ang pagmumukha mo sa lupa pero wala ka pa ring kaalam-alam. My god! Hindi ko alam kung sadyang tanga ka lang talaga o manhid na tanga."
"Layla..."
"Kasalanan mo kung bakit ko ginawa ito sa 'yo." Nagdilim ang mukha ni Layla. "Mang-aagaw!"
"Ano'ng sinasabi mo? Mang-aagaw? Ako? At paano ako naging mang-aagaw? Nababaliw ka na ba?"
"Playing dumb again? Huwag ka nang magkaila, b***h. Aminin mong may gusto ka rin kay Bruno. Just admit it already, damn you!"
"Wala akong aaminin dahil wala akong alam sa mga sinasabi mo."
"Bullshit!'
"Layla, please, makinig ka. Nagkakamali ka ng akala."
"Lying b***h!"
"Just listen—"
Tinutok sa akin ni Layla ang hawak na payong na parang espada.
"Sige, subukan mo'ng lumapit. Itatarak ko sa dibdib mo 'tong payong," babala ni Layla, sabay ngiti. "Good girl. Good b***h. Ngayon, sagutin mo na ang tanong ni Ms. Turtle."
"Wala akong pakialam sa away n'yo sa lalaki," singit bigla ni Ms. Lord. Kasing tigas ng bato ang mukha nito habang nakatingin sa akin. "Seems like you need to explain something, Antipasado." Tinuro nito ang silya sa harap ng lamesa. "Please have a sit again. We still need to talk."
"Wala na pong dapat pag-usapan, Ms. Lord," matatag na sabi ko. "It's getting really late. Kailangan ko nang makauwi. Hinahanap na ako sa amin."
"No, you won't," pinal na sabi ni Ms. Lord sabay buntong-hininga na tila ba pagod na ito sa mahigit isang oras na pakikipag-usap sa pinakapaborito nitong estudyante ng Purvil High. "Walang uuwi. You too, Castillo. Stay with us. I need your opinion as well."
"Whatever," turan ni Layla. Humalukipkip ito sabay sandal sa tabi ng pinto.
"Antipasado, alam mo bang bawal dito ang paggamit ng cellphone?" paalala ni Ms. Lord. Tumayo ito mula sa pagkakaupo sa likod ng lamesa saka tumingin nang matalim sa akin. "In case you forgot, bawal ang cellphone dito sa Purvil High dahil maaaring magamit ang camera o ang video nito para makunan ang loob ng compound. Maari rin itong gamitin ng mga estudyante para mandaya sa exam at gumawa ng kalokohan. I won't allow that to happen. Not in my school."
"Hayop ka talagang bata ka," nanlilisik ang mga matang sigaw ni Ms. Turtle. Nakapako ang tingin nito sa dibdib ko, sa bulsa kung saan nakaipit ang ballpen. "Look, Ms. Lord. Ayun ang ballpen na sinasabi ni Castillo. God, kaya pala may maliit na butas sa dulo nito, lens pala ng camera. How dare you!"
"Kaya behave, Ms. Lord, Ms. Turtle. Nire-record ko ngayon ang bawat kilos n'yo," sabi ko sa kabila ng panunuyo ng lalamunan. Pinilit kong patatagin ang tono ng boses ko.
"Ang lakas ng loob mo para takutin kami ni Ms. Lord," nanggagagalaiting turan ni Ms. Turtle. Nakita ko ang pagbukas-sara ng mga kamay nito na tila anumang oras ay handa ako nitong talunan at sabunutan hanggang sa malagas ang pinakahuling hibla ng buhok ko. "Ang kapal talaga ng mukha mo!"
"Dapat ba kaming matakot, Antipasado?" tanong ni Ms. Lord. "Kaya pala kanina pa ako nagtataka kung bakit kalmante ka pa rin kahit alam mong patatalsikin na kita rito sa Purvil High. I should have known. Kaya pala. Kampante ka dahil gagawin mong panlaban sa amin ang video. You will use it against us. At sa tingin mo naman hahayaan ka naming gawin ito? You think you can do that so easily?"
"N-Na-video-han sigurado ng gagang 'yan ang ginawa niyang pamamahiya sa akin kanina," turan ni Ms. Turtle. "Malamang balak niyang i-upload ito sa social media sa oras na makauwi siya sa kanila. Balak niya tayong ipahiya sa lahat, Ms. Lord. Plano ng gagang 'yan na matanggal tayong dalawa sa trabaho."
"Is that so?" Muling umupo si Ms. Lord. Dinampot nito ang isang kutsara sa tabi ng cake at sumundot ng kapiraso sabay kagat. Bahagyang itong napangiti, mga mata'y nanatiling nakapako sa akin. "Sa tingin mo maibabagsak mo kami, Miya Antipasado?" anito habang nanguya. "Or should I say, Miya the Dragonslayer?" Saglit nitong sinulyapan ang nakatiim-bagang na si Ms. Turtle.
"Dragonslayer! What a f*****g joke!" inis na bulalas ni Dragon Lady.
"Miya the Dragonslayer my ass," narinig kong anas naman ni Layla sa likuran ko.
"Sa tingin ko kaya ko. Kaya maghanda na kayong dalawa. Tapos na ang maliligayang araw n'yo." Sinulyapan ko ang nakabukas na bintana. Malakas ang pagbuhos ng ulan. Halos hindi ko na maaninag ang paligid sa labas. Wala na rin akong mga estudyante na nakikita bukod sa amin ni Layla.
"Okay, let's make a deal, shall we?" narinig kong sabi ni Ms. Lord. "Yaman din lamang na pare-pareho tayong dehado, I think we can make some good arrangement. A good deal."
"Deal?"
"Tama ang narinig mo." Muli itong sumubo ng cake.
"Ano'ng klaseng deal?"
"Alam mo kung ano'ng deal ang tinutukoy ko. Matalino ka, hindi ba?"
"Pero napakabobo sa math!" muling paalala ni Ms. Turtle. "Sobrang bobo talaga. Doesn't even know what an angle is. Pathetic!"
"Ibigay mo sa amin ang ballpen, Miya. Kapalit nito, hindi na kita patatalsikin sa Purvil High." Muling ngumiti si Ms. Lord. "Great deal, isn't it? What do you think?"
"Ibigay mo sa amin ang ballpen, b***h. Or else, hihilingin mo talaga na hindi ka na isinilang sa mundong ito!"
"Now, now, we don't need that kind of language here, Ms. Turtle," saway ni Ms. Lord. Pinunasan nito ng tissue ang magkabilang sulok ng bibig na may bahid ng chocolate cake. "Let's be polite with each other, shall we? Paano ibibigay sa atin ni Miya ang ballpen kung aawayin mo siya."
Ingat, Miya, bulong ko sa sarili. Hindi ako naniniwala sa mga sinasabi ni Ms. Lord. Hindi totoo ang deal, kasing peke ng buhok ni Ms. Turtle. Siguradong sa oras na ibigay ko ang ballpen, tuloy pa rin ang pagpapatalsik nito sa akin. Kapag nawala sa akin ang ballpen, wala na akong panlaban sa kanila. Tuluyan na akong mapapaalis dito nang walang kalaban-laban.
"You should be wise, Miya," dagdag pa ni Ms. Lord na tila isang bata ang kinakausap nito. "Pag-isipan mong mabuti. Isa itong laro na hindi mo maipapanalo kailanman. Better to surrender now or regret later."
Tama si Ms. Lord. Kailangan kong pag-isipang mabuti ang mga sinabi nito. Isa itong laro na hindi ko kailanman maipapanalo, ang sabi nito. Pero nagkakamali ito. Nasa akin ang ballpen.
At mabilis akong tumakbo.
"Mukhang ayaw niyang ibigay ang ballpen. Wala siyang balak na ibigay ito sa atin," usisa ni Ms. Turtle. "Baka gusto pa ng inggratang 'yan na lumuhod tayo sa harapan niya. Magmakaawa. Halikan ang kanyang mabahong paa. Pwe! Over my dead body. Never!"
"Siya nga, Miya? Wala kang balak na ibigay sa amin ang ballpen?" animo'y nalulungkot na tanong ni Ms. Lord habang pinag-aaralan ang mukha ko. Nang mapansin nito ang paraan nang pagtingin ko rito, agad na nagdilim ang mukha nito. "Ang akala ko pa naman matalino kang bata. I was wrong. You just proven me wrong, girl. How sad."
"Hindi n'yo 'ko malolokong dalawa."
Ngumiti si Ms. Lord. Lumitaw ang mga ngipin nito na may bahid ng chocolate. Napabuntong-hininga ito.
"Oh, well, I guess, Plan B."
Mabilis ang mga sumunod na pangyayari. Sa isang iglap, hawak na ni Ms. Turtle sa magkabilang kamay ang leeg ko. Sobrang higpit. Hindi ako makahinga! Kinalmot ko ang mukha ni Ms. Turtle. Napasigaw ito. Lalo nitong hinigpitan ang pagkakasakal sa akin hanggang sa pareho kaming mapahiga sa sahig. Napaungol ako nang buong lakas nitong tukuran ang tiyan ko. Hinawakan ko ang mga bisig nito, pilit na nilalayo sa akin. Narinig ko ang pagtawa ni Ms. Turtle. Tumatawa rin sa hindi kalayuan si Ms. Lord.
"Hindi mo alam kung gaano katagal ko na itong gustong gawin sa 'yo, Antipasado. Ngayon tignan natin kung hanggang saan ang tigas ng leeg mo!"
Hindi ito totoo. Nananaginip lang ako. Imposibleng patayin ako ni Ms. Turtle. Walang guro na papatay ng sariling estudyante. Wala! Magigising din ako.
"Mamatay ka! Mamatay ka!" nanggigigil na anas ni Ms. Turtle malapit sa tainga ko. Naramdaman ko ang mainit na hininga nito na dumadampi sa pisngi ko. Sinubukan kong magsalita.
"What did you say?" tanong ni Ms. Turtle. Medyo niluwagan nito ang pagkakasakal sa akin. "Any last words, you little piece of s**t?"
"Ang baho ng hininga mo," bulong ko.
Muli nitong hinigpitan ang pagkakasakal sa leeg ko.
Nagsimulang magdilim ang lahat sa akin.