CHAPTER 10: "MY FATHER IS A POLICEMAN!"

1102 Words
Narinig ko ang biglang pagsigaw ni Ms. Turtle. Tila alingawngaw na nagmumula sa isang yungib. Naglaho ang mga kamay na kanina lang ay mahigpit na nakapulupot sa leeg ko. Habol ko ang paghinga. Nabungaran ko ang nakatayong si Layla sa hindi kalayuan hawak ang payong. May bakas ng dugo sa matulis na dulo nito. "Y-You b***h!" nanlalaki ang mga mata na bulalas ni Ms. Turtle. Nakatayo ito sa isang sulok habang sapo ng nanginginig na kamay ang kaliwang balikat. Mistulan itong mabangis na hayop na nahuli sa isang patibong. Sumisirit sa mga daliri nito ang masaganang dugo mula sa sugat. "Damn you, Castillo. Sinaksak mo 'ko gamit ang payong. You cunting b***h!" Bakas sa bilugang mukha ni Layla ang matinding takot. Nagpabalik-balik ang tingin nito kay Ms. Turtle at sa akin na tila ngayon lang kami nito nakita sa buong buhay nito. "P-Papatayin mo si Miya," nangangatal na usal ni Layla. "Bakit mo papatayin si Miya? D-Demonya ka talaga, Dragon Lady!" "Higit pa d'yan, Castillo. Higit pa d'yan!" "Isusumbong ko kayo kay Papa. MY FATHER IS A POLICEMAN!" "Talaga ba?" Napangisi si Ms. Turtle. "Makapagsusumbong ba ang patay?" "Layla, sa likod mo!" Bago pa makalingon si Layla ay matagumpay na itong nasunggaban ni Ms. Lord sa magkabilang balikat. "Bitawan mo 'ko!" Sinubukang hampasin ni Layla ng payong sa mukha si Ms. Lord pero agad na nakailag ang prinsipal. "Get off me!" Tiim-bagang na kinapitan ni Ms. Lord sa magkabilang dulo nito ang payong at buong giting na inilapat sa leeg ni Layla. Namilipit sa sakit si Layla habang sinusubukang pigilan ang prinsipal sa ginagawang pananakal gamit ang payong. Nang makahanap ng tyempo, buong lakas nitong binunggo ang ulo sa pagmumukha ni Ms. Lord. "Pakialamerang bata!" angil ni Ms. Lord. Nagsimulang tumagas ang dugo mula sa natuklap na balat malapit sa ilong nito. Binitiwan nito ang payong at buong lakas na kinapitan sa balikat at baywang si Layla sabay buhat. "You monster. Bitiwan mo ako!" "As you wish." Parang papel na itinapon ni Ms. Lord si Layla sa isang sulok. Tumama ang katawan nito sa ibabaw ng lamesa. Kasabay nitong nahulog sa sahig ang lamesa maging ang mga nakabalot na regalo at mga plato. "Layla!" Nanginginig ang mga kamay na gumapang ako patungo sa kinaroroonan ni Layla. Parang sasabog na bulkan ang leeg ko sa sobrang sakit. Pero hindi ko na ito ininda. Kailangan kong matulungan si Layla. Nakahandusay ito at walang malay. Gusto kong magsisigaw at umiyak. Bakit ginagawa sa amin ito nina Ms. Lord at Ms. Turtle? Ang gusto ko lang naman ay katarungan. Bakit kailangang umabot sa ganito ang lahat? "b***h! Halika rito! Hindi pa ako tapos sa 'yong bruha ka," narinig kong sigaw ni Ms. Turtle mula sa likuran ko. Binilisan ko ang paggapang. Halos makakabangon na ako nang marahas nitong hablutin ang buhok ko at isubsob ang mukha ko sa sahig. Naramdaman ko ang pagragasa ng dugo sa noo ko. Kasabay nito ang pagkahilo na ngayon ko lang naramdaman sa tanang buhay ko. Pakiramdam ko mabibiyak ang ulo ko. Gusto kong masuka. "See? Antipasado? I told you you're gonna regret it," anas ni Ms. Turtle. Muli nitong pinulupot ang mga kamay sa leeg ko habang humahagikhik na parang baliw. "Bitawan mo 'ko. Hayop ka!" Pinaghahampas ko ang sugat nito sa balikat. Napasigaw si Ms. Turtle. Saglit nitong nabitiwan ang leeg ko. Bago pa ako makabangon ay muli ako nitong dinaganan sa tiyan at sinakal. Muling sumilay ang ngiti sa duguang mukha nito. "Katapusan mo na, Dragonslayer," nanggigigil na anas nito. Lalo nitong hinigpitan ang pagkakasakal sa leeg ko. Muli kong kinalmot si Ms. Turtle. Tumuklap ang balat nito sa pisngi at rumagasa mula roon ang sariwang dugo. Kinuyom ko ang magkabila kong kamao at sinuntok ito sa mukha. Paulit-ulit. Pero kung sadyang matigas lang talaga ang mukha nito o mahina ang mga suntok ko, Diyos lang ang nakakaalam. Nanghihina na ako. Parang may apoy na tumutupok sa loob ng dibdib ko papuntang sa buong katawan ko. Unti-unti nang nawawala ang pakiramdam ko. Ganito ba ang pakiramdam ng mamamatay na? Mamatay na ba ako? Ayoko pang mamatay! Nahablot ng nanghihina kong kamay ang nakatapal na belo sa ulo ni Mrs. Turtle. Nalaglag ito sa sahig. Lumantad ang makintab nitong bumbunan na kasing gaspang ng bunot. "Gagawin kong wig ang buhok mo, you little piece of dying shit." Gamit ang natitira ko pang lakas, kinapkap ko ang bulsa ng uniform ko. Dumampi sa mga daliri ko ang hinahanap ko. "Die! Die! DIE PAINFULLY," punum-puno ng kasiyahan na sigaw ni Ms. Turtle habang nakatingin sa akin. Nagtutuluan mula sa nakabukas na bibig nito ang magkahalong dugo at laway na siya namang pumapatak sa mukha ko. "Mamatay ka! Mamatay ka!" Tinusok ko ng ballpen ang mukha ni Ms. Turtle. Nabasag ang kaliwang lens ng salamin ng dragon nang tumagos ang matulis na dulo ng ballpen. Bumaon ito sa mata nito. "AAAAHHHHHH!" Bumulwak mula sa mata ni Ms. Turtle ang masaganang dugo. Lumuwag ang pagkakahawak nito sa leeg ko. Pumapalahaw na sinalat ng mga kamay nito ang nagdurugong mata. Walang tigil ang paglabas ng maaanghang na mura mula sa nagdurugong bibig nito. Wala akong sinayang na sandali. Sinipa ko sa tiyan si Ms. Turtle. Tumilapon ito ng ilang metro mula sa akin at nanggagalaiting nangisay sa sahig habang hawak pa rin ang nagdurugong mata. Sinulyapan ko ang hawak kong ballpen. Tumutulo mula rito ang dugo ni Ms. Turtle. "Ahhhhhh! Pagbabayaran mo ang ginawa mo! I'll kill you. I'll fcking kill you. Ahhhhh!" palahaw ni Ms. Turtle. Panay ang pagtulo ng dugo mula sa napisak na mata nito. Nangangatog na napaluhod ito sa sahig at humagulhol na parang batam "Tingnan mo ang ginawa mo, Antipasado! Binulag mo ang isang mata ni Ms. Turtle, y-you little devil," naiiyak na bulalas ni Ms. Lord. Nasapo nito ang bibig habang nakasulyap sa humahagulhol pa ring si Ms. Turtle. May mga luhang tumulo sa magkabilang pisngi nito. "Paano mo ito nagawa sa kanya!" Sinusubukan niya akong patayin kanina, gusto kong ipagsigawan, pero ungol lang ang lumabas sa bibig ko. Pakiramdam ko nahimay nang sobra ni Ms. Turtle ang leeg ko. Parang may mainit na sementong nakapasak sa lalamunan ko. Tumikhim ako sabay dura ng malagkit na dugo sa sahig. Medyo umiikot ang paningin ko. Gusto kong mahiga sa sahig. Palipasin ang pag-aalboroto ng ulo ko. Gusto kong magpahinga kahit saglit. Pero alam kong kapag ginawa ko ito at nahawakang muli ni Ms. Turtle, siguradong magiging permanente na ang pagpapahinga ko. Pinilit kong makatayo. "Antipasado!" Tinapunan ko ng tingin si Ms. Lord. Nakatayo ito sa likod ng lamesa. Tahimik na umiiyak habang nakatutok sa akin ang hawak na baril.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD