CHAPTER 13: "CALLING THE ATTENTION OF MIYA ANTIPASADO!"

1343 Words
Paupo akong bumagsak sa sahig. Kasunod nito ang ingay ng pagsara ng pinto. Gustuhin ko mang sumigaw subalit nanatiling nakalapat nang mahigpit sa bibig ko ang isang malaki at magaspang na palad. "Huwag kang maingay," bulong nito sa tabi ng tainga ko. Boses lalaki. Naramdaman ko ang mainit na hininga nito na dumadampi sa balat ko. Gusto kong magsalita pero nanatiling nakalapat ang kamay nito sa bibig ko. Kilala ko ang boses nito. Hindi ako maaaring magkamali! Lalong lumakas ang buhos ng ulan. Mistulang niyayanig ang bubong maging ang kisame at dingding. Tumatanglaw sa sahig sa paanan ko ang liwanag na nagmumula sa labas ng bintana na kaharap ng hallway. Agad kong nilayo ang paa ko sa liwanag. Ilang saglit akong nanatili sa ganitong posisyon, nakaupo sa sahig habang nasa likuran ko si Bruno na nakahawak pa rin sa bibig ko. Pigil ko ang paghinga habang naghihintay ng mga susunod pang mangyayari. Biglang lumitaw ang isang anino sa sahig. "Antipasado? Where are you?" may paglalaro sa tinig ni Dragon Lady. Narinig ko ang mabilis na paghinga nito na tila asong hingal na hingal. "Antipasado? Magpakita ka. Huwag kang matakot. Hindi kita sasaktan. Papatayin lang naman kita. Antipasado?" Tumigil ito sa harap ng nakasaradong pinto. Ilang sandali pa ay gumalaw ang doorknob. "Antipasado, you in there?" Humigpit ang pagkakahawak ko sa braso ni Bruno habang nakatitig sa pinto. "Dala ko ang mga sapatos mo. Malamig ang sahig. Baka sipunin ka." Tumigil ang paggalaw ng doorknob. "Antipasado? Nasaan ka? Antipasado? ANTIPASADO!" Palayo ng palayo ang boses ni Dragon Lady maging ang yabag ng mga paa nito. Narinig ko ang marahas na paggalaw ng doorknob sa kabilang silid. Naglaho ang palad sa bibig ko. "Bruno?" garalgal na piyok ko. Unti-unti nang nakaka-adjust ang mga mata ko sa kadiliman ng silid. Natagpuan ng isang kamay ko ang pisngi ni Bruno. Suot pa rin nito ang kulay puting polo at itim na slacks. Malinaw na hindi pa ito nakakauwi sa kanila mula nang ipatawag ako ni Ms. Lord. "Miya," bulong ni Bruno. Marahan nitong hinaplos ang basa kong buhok. Bahagyang nanlaki ang mga mata nito nang mapagmasdan ang mga sugat sa mukha ko. "Miya, what happened?" Muling bumuhos ang luha sa mga mata ko. Agad kong sinubsob ang mukha ko sa dibdib ni Bruno habang tahimik na umiiyak. Hindi ako makapaniwalang makikita ko si Bruno. Ang buong akala ko mag-isa na lang ako. Hindi man kami lubusang magkakilala at malapit sa isa't-isa, alam kong hindi ako pababayaan ni Bruno. Hindi ito papayag na patayin ako ni Dragon Lady. Naramdaman ko ang paglapat ng mga braso ni Bruno sa balikat ko. Basang-basa ako at nilalamig. Biyaya galing langit ko nang maituturing ang init na binibigay ng katawan ni Bruno sa nangangatal kong katawan. "Miya," muling bulong ni Bruno. Muli nitong hinaplos ang buhok ko. "Ano'ng nangyari sa 'yo? Bakit ka hinahabol ni Dragon Lady? Bakit ka niya gustong patayin?" Bumalik sa aking alaala ang pagragasa ng masaganang dugo mula sa napisak na mata ni Dragon Lady. Ang pag-aagawan ng baril nina Mrs. Lord at Layla. Ang putok ng baril mula sa loob ng Principal's Office. Ang nawawalang ballpen. Pinagtapat ko ang lahat kay Bruno. Rumehistro ang pag-aalala sa mukha ni Bruno nang matapos ako. Napasulyap ito sa nakabukas na bintana sa isang sulok na nahaharangan ng matataas na bakod, tila iniisip kung posible ba namin itong maakyat at malagpasan. Napailing sabay muling tingin sa akin. Tumatama sa mga mata nito ang liwanag mula sa hallway. "So totoo nga ang matagal na nating hinala, Miya. Si Dragon Lady at ang Killer in the Rain ay iisa." "Oo, Bruno. Wala nang dahilan pa para magdalawang-isip na hindi siya ang pumapatay sa mga estudyante. Sinubukan niya akong patayin." "How about Ms. Lord? Ang sabi mo sinubukan ka rin niyang patayin?" "Magkasabwat sila." Sandali akong natigilan, hinihimay ang bawat piraso ng palaisipan na kanina pa gumugulo sa akin. "Killers in the Rain, Bruno. Dalawa silang killer. Ang buong akala natin isa lang ang pumapatay pero nagkamali tayo." "Kinalulungkot ko, Miya. Pero malamang na patay na si Layla," biglang sabi ni Bruno sa mababang tinig. Napailing ako. "Hindi tayo nakasisiguro. Hangga't hindi natin nakikita ang bangkay ni Layla malaki ang posibilidad na buhay pa siya." "Sabihin na nating si Ms. Lord ang tinamaan ng bala, pero paano si Ms. Turtle? Sabi mo na may hawak itong baril nang habulin ka. Maaaring binaril na nito si Layla bago ka pa nito sundan sa labas." "Stop it. Don't say that!" "I'm just being practical. Mas malaki ang posibilidad na—" "Lots of goddamn help you are, Bruno!" "Miya..." "Kahit kailan hindi ka talaga nakakatulong. Tama nga si Layla tungkol sa iyo!" "I'm just stating a fact." "Masyado kang negatibo!" "Miya, please. Huwag kang sumigaw." "Hindi ako sumisigaw," sigaw ko. Kasunod nito ang muling pagtulo ng luha at ang panghihina ng mga tuhod ko. Agad akong nasalo ni Bruno bago pa man ako mapaluhod sa sahig. "Buhay pa si Layla," anas ko sa balikat ni Bruno. "Alam kong buhay pa siya. Hindi siya pwedeng mamatay." Hindi sumagot si Bruno. Sapat na ang katahimikan nito para iparating sa akin na hindi ito sang-ayon sa mga sinabi ko. Gusto ko itong yugyugin. Pagsasampalin hanggang sa matauhan. After all, kung hindi dahil rito, hindi sana magagawa ni Layla ang ipagkanulo ako kina Ms. Lord at kay Dragon Lady. Dahil rito kaya nangyayari ang lahat ng ito. Dahil sa guwapo nitong mukha at karisma na pumukaw sa atensyon ni Layla. Hindi ko masisisi ang tinuring kong bestfriend kung pagselosan ako nito. Sa bawat paglapit at pagbibiro sa akin ni Bruno, unti-unti namang ginugupo ng matinding selos si Layla na siyang naging mitsa para ako nito pagtaksilan. Kasalanan itong lahat ni Bruno. "Kung iniisip mo na kasalanan ko ang lahat, nagkakamali ka, Miya," sabi ni Bruno. "Ikaw ang gusto ko at hindi si Layla. Kasalanan ko bang umasa siya sa wala? I was just fooling with her. Kilala mo 'ko, Miya. I'm an easy-go-lucky type of guy. Biruan lang ang lahat sa amin ni Layla. I already told her a couple of times, but she won't listen. Maniwala ka sa akin!" Kumalas ako mula sa pagkakahawak ni Bruno. Nag-iwas ito ng tingin nang makita ang paraan ng pagtitig ko rito. "Sana kaya kong paniwalaan ang mga sinasabi mo, Bruno." Muli kong nakita sa isip ko ang duguang mukha ni Layla, sinisigaw ang pangalan ko, inuutusang tumakbo palayo. "Mas maniniwala ako sa bestfriend ko." "Still bestfriend, huh? Matapos ka niyang traydurin?" "Nagawa niya akong traydurin ng dahil sa iyo. Dahil ang akala niya inaagaw kita sa kanya." "Then it was her fault. Blame her. Masyadong siyang advance mag-isip. Kasalanan niya kung bakit nangyari sa kanya ang–" Nasampal ko si Bruno. Agad nitong nasapo ang pisngi at maang na napatingin sa akin. "Be that as it may. Wala akong magagawa kung ayaw mo akong paniwalaan. Your choice, your life," malamig na turan ni Bruno. "Go ahead, Bruno. Iwanan mo na ako. It's my choice and my life, anyway." "Miya..." "Ako lang naman ang gustong patayin ni Dragon Lady at ng prinsipal. Hindi nila alam na nandito ka." Humakbang ako paatras. Naramdaman ko ang silya sa likuran ko. Umupo ako. "Iligtas mo na ang sarili mo. Alam ko namang mahal na mahal mo ang sarili mo. Wala kang pakialam sa nararamdaman ng iba." "Stop it, Miya. You know that's not true!" "Umalis ka na. Iwan mo na akong mag-isa dito." "No! Mahal kita. I'll never leave you." "Umalis ka na!" "No!" "Iwanan mo na ako!" "I said no!" Pareho kaming halos mapalundag nang biglang tumunog ang mga speaker na nakasabit sa dingding ng silid. Agad akong tumayo at tumakbo palapit kay Bruno. "Calling the attention of Miya Antipasado!" bati ng isang babae. "Kung nasaan ka man, magpakita ka na. Nagbibiro lang kami kanina. Wala kaming balak na patayin ka. Sige na, Miya. Magpakita ka na. Bumalik ka na rito sa office. Buhay si Castillo. Buhay ang kaibigan mo!" Nanlumo ako nang mapagtantong boses ni Ms. Lord ang nagsasalita. Patay na si Layla.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD