CHAPTER 1:PART 1-A Scholarship Worth Fighting For
Francine Brielle Madrigal's POV
"FRANCINE BRIELLE MADRIGAL! KUNG HINDI KA PA BABANGON DIYAN, AKO NA MISMO ANG AAKYAT AT BUBUHUSAN KITA NG MALAMIG NA TUBIG!"
Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ko ang malakas na sigaw ni Mama mula sa ibaba.
"Oh my gosh!"
Dali-dali kong kinapa ang cellphone ko sa ibabaw ng maliit na bedside table. Alas-sais kinse na ng umaga.
"What the—?!"Napahawak ako sa noo.
First day of university!
At muntik na akong ma-late!
"FRANCINE!"
"GISING NA AKO, MA KALMA NA!" sigaw ko pabalik habang nagmamadaling bumangon.
Sa sobrang pagmamadali, nasabit ang paa ko sa kumot at muntik akong sumubsob sa sahig.
"Aray! Bwisit!"
"ANO 'YON?!"
"WALA, MA! NAGDARASAL LANG!"
Narinig ko ang malakas na tawa ni Papa mula sa ibaba.
"ang Aga-aga, parang may nakikipag-away na agad sa anak natin!" sigaw nito.
"Eh kung hindi ba naman mana sa'yo! Parehong mahirap gisingin!" sagot ni Mama.
Napailing ako habang nagmamadaling pumasok sa banyo.
Welcome to another ordinary morning in the Madrigal household.
Well, almost ordinary.
Dahil ngayong araw, officially magsisimula ang panibagong chapter ng buhay ko.
At hindi lang basta-bastang chapter.
Today would be my first day at Hanseong Royal University.
Isa sa pinakaprestihiyoso at pinakamahal na private universities sa buong South Korea.
A university where the children of billionaires, politicians, celebrities, and powerful business families studied.
At ako?
Isang ordinaryong dalaga na mas madalas pang mag-compute ng pamasahe kaysa bumili ng bagong damit.
Sounds exciting, right?
Yeah.
Excitingly terrifying.
"Ma! Nasaan 'yung puti kong blouse?!"
"Nasa cabinet!"
"Wala!"
"Tumingin kang mabuti!"
"MA, TUMINGIN NA AKO!"
"Eh 'di tumingin ka ulit!"
Napapikit ako.
Lord, bigyan N'yo po ako ng mahabang pasensiya.
Binuksan ko ulit ang cabinet at isa-isang inalis ang mga nakasalansang damit.
At doon ko nakita ang hinahanap ko.
Nasa ilalim ng cardigan.
Napangiwi ako.
Okay.
Maybe Mama was right.
Pero hindi ko aaminin.
Mabilis kong isinuot ang simpleng puting blouse at dark blue jeans. Pinatungan ko iyon ng beige cardigan bago inayos ang mahaba kong buhok.
Hindi uso sa akin ang mamahaling designer clothes.
Most of my clothes were either bought during seasonal sales or carefully chosen from affordable shops.
Hindi naman ako mahilig sa branded.
Basta maayos, malinis, at komportable, okay na ako.
Humarap ako sa maliit na salamin at bahagyang ngumiti.
"Not bad, Francine."
Kumuha ako ng lip balm at bahagyang ipinahid sa labi.
"No need to impress anyone. You're there to study."
Huminga ako nang malalim.
Then I grabbed my backpack.
"Okay. Let's do this."
Pagbaba ko sa maliit naming restaurant, agad akong sinalubong ng pamilyar na amoy ng bagong lutong pagkain.
Mainit na sabaw, bagong saing na kanin, at ang mabangong sesame oil na ginagamit ni Mama sa kaniyang mga specialty dishes.
Ang restaurant namin ay nasa isang residential neighborhood sa Seoul.
Hindi ito malaki.
May walong mesa lamang, ilang lumang wooden chairs, at isang maliit na counter kung saan nakalagay ang cash register.
Sa isang dingding, nakasabit ang mga litrato namin noong bata pa ako.
May picture kami ni Papa na pareho kaming may harina sa mukha habang gumagawa ng homemade noodles.
May isa naman akong picture na nakasuot ng pink dress habang hawak ang birthday cake na gawa mismo ni Mama.
Hindi marangya ang lugar.
Pero dito ako lumaki.
Dito ako natutong magluto, magbilang ng sukli, maglinis ng mesa, at ngumiti sa customers kahit pagod na pagod na ako.
And honestly?
I wouldn't trade it for anything.
"O, ang prinsesa! Bumaba na rin!"
Napatingin ako kay Papa na nakatayo sa likod ng counter habang nag-aayos ng mga delivery orders.
"Good morning din po, Your Majesty," sagot ko sabay kunwaring yumuko.
Tumawa ito.
"Your Majesty ka diyan. Halika, kumain ka na."
Lumapit ako sa mesa kung saan naghihintay si Mama.
Nakapaghanda na ito ng kanin, fried eggs, kimchi, at isang mangkok ng mainit na soup.
"Ma, ang dami naman nito."
"Kumain ka. Mahaba ang biyahe mo."
"Ma, hindi naman ako pupunta sa ibang bansa."
"Anong hindi? Para ka na ring pupunta sa ibang planeta sa mahal ng university na 'yan."
Natawa si Papa.
"Hayaan mo na ang anak natin. Baka mamaya makakilala ng mayamang boyfriend."
Agad akong napalingon.
"Papa!"
"Ano? Malay mo, may billionaire doon na ma-in love sa'yo."
Napailing ako habang hinihila ang upuan.
"Pa, please. Hindi ako pupunta roon para maghanap ng boyfriend."
"Eh para saan?"
"Para mag-aral."
"At?"
"Makapagtapos."
"At?"
"Magkaroon ng magandang trabaho."
"At?"
"Bilhan kayo ni Mama ng malaking bahay para hindi na kayo mag-away kung sino ang maghuhugas ng pinggan."
Malakas na tumawa si Papa.
"Ayan! Iyan ang anak ko!"
"Huwag kang masyadong matuwa," singit ni Mama habang inilalapag ang baso ng tubig ko. "Ikaw ang maghuhugas ng pinggan mamaya."
Biglang natahimik si Papa.
Napahalakhak ako.
"See? That's exactly why I need to become successful."
Habang kumakain, hindi ko maiwasang mapatingin sa isang puting envelope na nakapatong sa gilid ng mesa.
Nandoon ang printed copy ng scholarship confirmation ko.
Ilang beses ko na iyong binasa.
Pero hanggang ngayon, parang hindi pa rin ako makapaniwala.
Congratulations, Francine Brielle Madrigal.
You have been selected as a recipient of the Hanseong Royal University Academic Excellence Scholarship.
Noong una kong matanggap ang email, akala ko prank lang.
I mean, seriously?
Me?
Out of thousands of applicants?
Hindi naman ako genius.
Hindi rin ako galing sa isang prestigious high school.
But I worked hard.
Really hard.
I spent countless nights studying while helping my parents run our restaurant during the day.
May mga pagkakataong nakakatulog na ako habang nagbabasa.
May mga araw na gusto ko nang sumuko dahil pakiramdam ko, kahit anong effort ko, hindi pa rin sapat.
But I kept going.
Because this scholarship wasn't just an opportunity.
It was a chance to change our family's future.
"Francine."
Napatingin ako kay Mama."Hmm?"
"Alam mo naman ang kondisyon ng scholarship mo, di ba?"
Tumango ako.
"Yes, Ma. Maintain high grades, complete the required units, follow university policies, and avoid serious disciplinary violations."
"Good."
"Memorized ko na nga."
"Hindi masamang paalalahanan ka."
Napabuntong-hininga ako.
"Ma, ilang beses na natin itong pinag-usapan."
"At ilang beses na rin kitang sinabihang huwag kang basta-basta makikipag-away."
Bahagya akong napatigil sa pagsubo.
"Excuse me? Bakit parang may accusation?"
"Francine."
"Ma, hindi naman ako mahilig makipag-away."
Nagkatinginan sina Mama at Papa.
Then Papa coughed.
"Anak, last month ay nakipagtalo ka sa customer."
"Kasi naman, Pa! Sinisigawan niya si Mama dahil lang kulang ng isang side dish!"
"At noong isang linggo?" dagdag ni Mama.
"Ma, siningitan niya 'yung matandang babae sa pila!"
"At noong nakaraang taon?"
"Okay, fine!" Napataas ang dalawang kamay ko. "I get it. I have a very strong sense of justice."
Umiling si Mama.
"Ang tawag doon, matigas ang ulo."
"Strong personality, Ma. Mas maganda pakinggan."
Napailing si Papa habang natatawa.
Pero maya-maya ay naging seryoso ang mukha nito.
"Anak."
"Yes, Pa?"
"Mag-ingat ka roon."
Unti-unting nawala ang ngiti ko.
"Pa naman..."
"Hindi sa tinatakot kita. Pero alam mo namang ibang mundo ang papasukin mo."
Tahimik akong nakinig.
"May mga taong dahil may pera sila, pakiramdam nila mas mataas sila sa iba. Hindi lahat, siyempre. Pero may makikilala kang ganyan."
Tumango ako.
"Alam ko naman po yun, Pa."
"Huwag mong hayaang maliitin ka nila."
Ngumiti ako.
"Never."
"Pero huwag ka ring gagawa ng gulo nang wala sa lugar."
"Ayan na naman tayo."
Tumawa si Papa bago marahang ginulo ang buhok ko.
"Basta tandaan mo, hindi nasusukat sa pera ang halaga ng isang tao."
Napatingin ako sa mga kamay niya.
Magaspang iyon dahil sa maraming taon ng pagtatrabaho.
Madalas kong makita si Papa na nagbubuhat ng mabibigat na supplies, nagkukumpuni ng sirang kagamitan, o naghahatid ng orders kahit umuulan.
Si Mama naman, halos buong araw nakatayo sa kusina.
Mula umaga hanggang gabi.
At kahit pareho silang pagod, hindi ko sila narinig na nagreklamo tungkol sa pagpapaaral sa akin.
That's why I couldn't afford to fail.
Not now.
Not when they had sacrificed so much.
"Don't worry, Pa," mahina kong sabi. "I won't disappoint you."
Ngumiti siya.
"You never have."
Pagkatapos kumain, mabilis kong tinulungan si Mama sa paghahanda ng ilang takeout orders.
"Francine, tama na 'yan. Baka ma-late ka."
"Last one na lang, Ma."
Inayos ko ang takip ng food container bago inilagay sa paper bag.
"Here."
Kinuha iyon ni Mama at inilapag sa counter.
Pagkatapos ay may iniabot siyang maliit na lunch bag.
"Ano 'to?"
"Baon mo."
"Ma, may cafeteria naman doon."
"At magkano ang pagkain doon?"
Napanguso ako.
"Okay. Point taken."
Binuksan ko ang lunch bag.
May rice balls, isang maliit na lalagyan ng stir-fried vegetables, at homemade chicken.
Bigla akong napangiti."Ma..."
"Ano?"
"Thank you."
Saglit siyang tumigil bago inayos ang kuwelyo ng blouse ko.
"Huwag kang magpapalipas ng gutom. At kung may problema ka, sabihin mo agad sa amin."
"Yes, Ma."
"At huwag kang basta maniniwala sa kahit sinong lalaki."
Natawa ako.
"Ma!"
"Lalo na sa mayayaman."
"Grabe naman ang discrimination."
"Hindi discrimination 'yon. Experience."
Napatingin ako kay Mama.
"Mayaman ba si Papa noong nililigawan ka niya?"
"Aba, hindi! Wala ngang pamasahe 'yan noon!"
"Hoy!" reklamo ni Papa mula sa counter. "May bisikleta ako!"
"Na laging sira!" balik ni Mama.
Napahalakhak ako.
"Okay, okay! I'm leaving before this turns into a family history documentary."
Hinalikan ko sila sa pisngi.
"Bye, Ma! Bye, Pa!"
"Take care!"
"And Francine!" pahabol ni Mama.
Napalingon ako.
"Yes?"
"Be yourself."
Saglit akong napatigil.
Ngumiti ako.
"Always."