KABANATA ISA
“You’re late. Again.” Narinig ko ang bati sakin ng head ng Arnisador na si Mr. Samonte para sa laban sa susunod na buwan.
“Alam ko.” Sagot ko naman saka umupo sa natural kong pwesto. Mga ilang segundo siyang nakipagtitigan sa akin bago siya sumuko at bumalik sa pagtuturo. Hindi ko napigilan ang mapangisi. Ewan ko ba, sarap na sarap akong mamikon ng tao.
Napatingin ako sa katabi kong si Emerson nang sikuhin niya ako.
“Problema mo?” Maangas na tanong ko.
“Sino na naman pinutulan mo ng kuko?” Napabungisngis ako sa tanong niya. Alam na alam niya talaga kung nakipag-away ako o hindi eh. Wala pa man akong sinasabing may bumanat sa akin sa resort, alam na agad niya. Anak ka ng impakta. “Hindi ko kilala, at wala akong paki.”
“Sira ka talaga, Mona. Iwasan mo muna yung gulo, kahit ngayon lang. Baka madisqualified ka niyan sa annual tournament, sige ka.” I rolled my eyes to what she said.
“Alam mo, Eme..” pansamantala ko munang ibinitin ang sasabihin ko upang senyasan siyang ilapit ang tenga niya sa akin. Curious na inilapit naman niya ito. “..it is none of your business.” Pagpapatuloy ko. Agad naman niyang inilayo ang ulo niya at umirap. “Yeah. I got it. But her business.” Sagot niya saka binalingan ang babaeng kanina pa pala nakatingin sa amin.
Yung ‘her’ na tinutukoy ni Emerson ay si Samantha Nivea. Malaki galit sakin niyan kasi madalas akong mapili kaysa sa kaniya para lumaban sa labas ng Campus. Ako rin ang naging dahilan kung bakit stainless na lang ang buto ng hinliliit niyang dalirii. Napuruhan ko kasi noong nag-sparring kami ng Renudo Arnis, isang laban kung saan ang arnis na ginamit namin bilang weapon ay gawa sa metal. Noong naglaban kami, hindi ko naman alam na nakaungkli ang hinliit niyang daliri kaya noong binweltahan ko ng hampas sa pader ang braso niya, nadali ko pala ang kamay niya kaya nadurog ang buto ng hinliliit nito. Buti nga at hinliliit lang eh. Nagsorry naman ako sa kaniya, nasa kaniya na ‘yon kung ayaw niyang tanggapin.
“Tingnan mo, Mona. Parang gustong basagin mukha mo.” Natatawang bulong sakin ni Emerson.
Mapapansin talaga sa mga kulay brown na mata ni Samantha kung gaano niya ako kinamumuhian. The way she held her arnis and how she greeted her teeth. Oh darling, what an envious creature.
Tinaasan ko siya ng kilay na mas tumulak sa kaniya gawin ang bagay na kanina pa niya sa utak paulit-ulit na ginagawa.
Buti na lang at mabilis akong nakailag sa pagbato niya sa akin ng archnis niya. Arnis na may matulis na pana sa dulo.
“Hey, hey. Labas ako diyan.” Nakataas ang dalawang kamay ni Emerson habang binibigkas ang mga salitang iyon.
Sinilip ko si Samantha na tila ba umuusok na ang ilong sa galit dahil hindi ako natamaan, ni nadaplisan. Nginitian ko siya. Isang napakatamis na ngiti. “Nice try.”
“NIVEA! MILLARES!” Galit na bulyaw sa amin ni Mr. Samonte.
“Yes, sir?” Nakangiting tanong ko.
“Branking!” Nagpanting ang dalawang tenga ko sa narinig.
“Sir!” Pag-aapela ni Samantha.
“Whoa!” Amazed na bulalas ko. He can’t just do it. Branking? Anong kalokohan ‘yan? The tournament will be held by next month and then here he is, magpapaka-strict head? Paano ako makakapag-ensayo ng maayos kung normal arnis lang ang gagamitin ko at bawal akong gumamit ng ibang weapon?
“What a d**k head.” Bulong ko.
“Excuse me?” Tiningnan ako ng masama ni Mr. Samonte. Syempre hindi ako nagpatalo at tiningnan ko rin siya ng masama.
“Sir, you can’t just do this to me! I am just expressing myself and this is a training room. Normal lang na may lumipad na arnis, diba? Wala naman akong ginagawang masama, well in fact si Ramona pa nga yun eh.” Muntik na akong mapa-wow ng malakas sa sinabi ni Samantha. Saan siya nakakakuha ng lakas ng loob magsalita? Bunganga na kaya durugin ko dito?
“I will not allow this. I’ll make sure my mother will know about this. This---“
“Yeah, you make sure of that. Both of you, sit down.” Pabalang na umupo ako. Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko.
“Sabi ko sayo be a good girl eh.” Parang demonyong bulong na naman sakin ni Emerson ngunit hindi ko na lang siya pinansin at nag-focus pakalmahin ang sarili ko. Gusto ko maging gold medalist, kahit ano pang humadlang o kahit sino pang demonyo, hindi nila ako mapipigilang maging gold medalist.
“Okay. For today’s session, you will be fighting by group. You can use any type of arnis that you want except for the both of you Nivea and Millares because you are under a Branking until next week.” Gusto kong mapamura sa narinig ko. Tama ba ang pagkakarinig ko na hanggang next week akong Branking? Gago ba siya?
Mukhang boring ang magiging practice ko ngayong araw. Tss.
***
“Ano na naman ‘to, Ramona? Pinapatawag na naman kami ng Itang mo sa school mo? Nako ha, ubos na ubos na ang pera namin para sa pagpapagamot ng mga nabugbog mo at nasira mong gamit ng paaralan! Ano ba? Kailan ka ba magtitino? Kapag tuluyan na tayong maghirap? O tuluyan ka nang makulong? You are already 20, Ramona! You are 20 years old! Pwedeng-pwede ka nang makulong.” Nagising ako nang makarinig ako ng kalabog ng pinto at ang bungad na bulyaw sa akin ni Mama pagkapasok na pagkapasok niya sa kwarto ko. Nakarating na pala sa kanila yung nangyari kahapon.
“Anak naman, please naman. Magpakabait ka na naman sa school mo! Hindi na namin alam kung anong gagawin namin sayo ng Itang mo.” Napahilamos si Inang ng kaniyang mukha dahil sa frustration. Sorry, but I can’t help it. Lapitin talaga ako ng gulo, hindi naman ako ang lumalapit sa gulo.
“I’m sorry, Inang but just let me sleep.” Sabi ko saka nagtalukbong ng kumot. I bet it just 7 ‘o clock in the morning.
“Ramona, pag di ka pa nagtino talaga mapipilitan kaming pahintuin ka sa pag-aaral ng Itang mo.”
“As if namang papayag sila Itang at Kuya.” Sabi ko sa pagitan ng paghikab.
“Ayan! Ang lakas ng loob mo kasi alam mong ipagtatanggol ka ng kuya’t itang mo! Naku, sakin. I do not tolerate that kind of attitude, Ramona. You are 20 please act as one. You are not a kid anymore! Hindi sa lahat ng oras mapagtatakpan ng kuya mo ang mga gulong nagagawa mo. And we are afraid na may makabangga kang elite! My god, Ramona! Please! Lumayo ka sa gulo! Hindi tayo mapera tulad ng mga kaeskwela mo na kayang manipulahin ang lahat ng kabastusang ginagawa nila gamit ang yaman na meron sila. Ramona, please I’m begging.” Napabuga ako sa hangin.
“Anong nangyayari?” Narinig ko ang boses ng Kuya kong si Kuya Ramon.
“Ayan! Mabuti naman at nandito ka na! Kausapin mo yang kapatid mo at may gulo na namang ginawa sa school nila. Aba, kakapatawag lang sa amin noong nakaraang linggo, ngayon eh pinapatawag na naman kami. Kausapin mo yan, Ramon ha! Kausapin mo yan.” Naramdaman kong umalis na si Inang at naramdaman kong may humablot ng kumot na nakatalakbong sa ulo ko.
“Ramona,” Tawag niya sa akin.
Pangalan pa lang ang ibinulalas niya eh nagsorry na ako. “I’m sorry.” Narinig kong nagbuntong-hininga siya.
“Look, if----“
Mabilis na bumangon ako at umangkla sa kaniya, “Kuyaaaa, I’m sorry. Please?” Nakita kong pumikit siya na parang sinasabing, “Here we go again” dahil kapag siya na ang magsesermon sakin ay lagi akong nagpapaawa.
“Okay. Tumayo ka na diyan at nakahanda na ang agahan.” Sabi sakin ni Kuya na agad kong ikinangiti. Sabi na’t hindi niya ako matitiis eh.
“I love you, Kuya.” I said with a smile.
“Pa-cute ka na naman. Tumayo ka na diyan.” Sabi niya saka nagtanggal ng necktie. “Teka, kakarating mo lang galing trabaho?” Tanong ko.
“Hindi ba obvious?” Sabi niya saka lumabas at pumunta sa kwarto niya, sinundan ko siya upang magtanong, “Eh? Teka, bakit inumaga ka? Grabe namang OT ‘yan.” Sabi ko.
“It’s okay. Don’t worry. Labas ka na, magbibihis ako. Or gusto mong makita ang abs ko?” Sabi niya habang naghahanap ng maisusuot na pambahay. “Ah okay” Hindi ko na lang siya kinulit dahil mukhang pagod siya at baka tangayin ako ng hangin. Lalabas na sana ako nang may mapansin sa braso niya.
“Oh my gosh, Kuya Ramon! Ano ‘to?” Gulat na tanong ko habang hawak-hawak ang braso niyang may dugo. Hindi ko ito napansin kanina dahil bukod sa naka-long sleeves siya ay naka-leather jacket din siya na black. Mukhang nagulat siya nang makitang nandito pa rin ako sa room niya at nakita ko ang sugat niya. “Kuya, bakit ka may sugat?”
“Bakit ka pa nandito?” Gulat na tanong niya. Hindi ko siya pinansin, “Napaano ka kuya?” Nag-aalalang tanong ko.
“Wa-wala, may gulo lang kasing nangyari sa dinadaan ko. Alam mo na ang panahon ngayon, delikado na.” Sabi niya habang marahan na tinanggal ang kamay ko na nakahawak sa braso niya. “It’s okay. Galos lang ‘to.” Pahabol pa niyang sabi habang marahang tinutulak ako palabas ng kwarto niya.
Galos? Eh mukhang sinadyang saksakin yun?
“I’m really okay, okay? Don’t worry. Bumaba ka na. Susunod ako.” Sabi niya nang makitang hindi ako kumbinsido, napilitan akong bumaba na. Ano kayang nangyari kay Kuya Ramon? Alam ko naman na kahit ang laki ng sugat niya ay malayo sa bituka yun pero kasi hindi ko mapigilang mag-alala. Sobrang malapit lang kasi talaga ako sa Kuya ko.
“Hi ate! Good Morning!” Nabaling ang atensyon ko sa bunso kong kapatid na si Ramen. “Uy, morning!” Sabi ko saka binuhat siya.
“Ate, may assignment ako sa Math. Hindi ko alam kung paano sagutin.” Sabi niya sa akin. “Sige, turuan kita mamaya pagkatapos nating kumain.” Nakangiti kong sabi saka iniupo siya sa kaniyang usual seat. Nakapwesto na rin sina Inang at Itang.
“Ang kuya mo?” Tanong ni Itang sa akin. “Nasa taas po, nagbibihis.” Sagot ko saka kumuha ng plato.
***
Okay. Oras na para pumasok. My priority today is to flee from hostilities or any kind of violence. I just want to start my day without making an enemy. So please behave, Ramona. Para naman hindi na ma-high blood sa’yo sina Inang.
But fate played a trick on me.
“Look who’s here.” Ang babaeng may grey na buhok kasama ang tatlo na nakaaway ko pa kahapon. At hindi lang iyon, kahapon apat lang sila, but this time, siyam na sila. Masama at may panggigil na nakatingin sila sa akin. Napalunok at napahawak ako sa arnis ko. Ayokong pumatol pero mukhang mapapasubo ako ah.
Pinabilugan nila ako. Nakita kong naglabas ang isang babaeng may katangkaran ng ballpen. I thought it was a mere ballpen pero nanlaki ang mata ko nang tanggalin niya ang takip at mapagtanto kong kutsilyo pala iyon. It was a pen knife! Muli akong napalunok, pinipilit na magmukhang matapang. Don’t tell me gagamitin niya ‘yan sa akin? Are they serious?
“Ohhh. It is so good to see you trembling. Don’t stop yourself.” Mahinang naghalakhakan sila.
Okay, Ramona. Siyam sila. Mag-isip ka na kung paano mo sila patutumbahin, kung ayaw mong ikaw ang matumba. Just this time.
Naalarma sila nang ilabas ko ang dalawang arnis ko. Susugod na sana sila akin nang magsalita ako, “Wait, wait, wait!” Huminga ako ng malalim. Ngayon ko lang gagawin ‘to sa tana ng buhay ko. Just this time.
“Look!” I shouted then pointed my finger at their back. Nang kumagat sila ay agad kong hinampas sa ulo ang dalawa sa kanila upang matumba. Nang mabaling na ang atensyon nung iba pa sa akin ay nagulat sila dahil iniisa-isa ko na pala sila. Mabilis na sinipa ko ang pinakamalapit sa akin na babae at saka hinampas ng pagkalakas-lakas ang nasa kabila. Nakita kong may espasyo na upang gawin ang nararapat kong gawin.
Ang tumakbo.
Lampa mang isipin pero kailangan kong tumakbo bago pa lumaki ang gulo. At napakalaking pride ang nilunok para lang takbuhan sila dahil sa tana ng buhay ko never pa akong tumakbo sa mga away na tulad nito. Para sa akin, mas okay nang mabugbog kaysa sa tumakbo, atleast nasaktan mo sila.
Takbo lang ako nang takbo nang pagkabilis-bilis. Hayop. I never imagine na tatakbuhan ko ang mga lampang iyon. Siyam sila pero I know I can knock them off in just a blink of an eye unless they have the ability.
Tumingin ako sa likuran ko at nakitang wala nang humahabol sa akin. Bukod kasi sa Arnisador ako eh mabilis din talaga akong tumakbo. Nasanay na rin siguro dahil bata pa lang ako habulin na ako ng mga tanod o officer upang hulihin dahil sa mga gulong nagagawa ko, sinasadya man o hindi.
Gumilid ako upang huminto at magpahinga na. Alas-diyes pa lang ng umaga. Hindi ako pwedeng umuwi ng ganito dahil magagalit sila Inang at mas lalong hindi ako pwedeng pumasok sa klase dahil bukod sa tinatamad ako eh baka mahanap ako ng mga babaeng kapreng ang laki ng galit sa akin dahil nabali ko ang mga magagandang kuko nila. Bakit kasi ayaw pa nilang tanggapin na madali lang patumbahin ang grupo nila? “Gangster-gangster, my butt.”
So saan kaya ako pupunta?