bc

Let's Fight

book_age0+
12
FOLLOW
1K
READ
murder
dark
kidnap
fated
drama
tragedy
twisted
like
intro-logo
Blurb

Ramona Millares is a badass college girl and a silver medalist arnisador. When her brother got into a biggest crime, she’s determined to help him. But she never knew that the thread will lead her to a powerful drug lord and will bound to unmask the truth. While connecting each dot he will meet the most dangerous person for her and for her heart. He is Skeed, a skilled martial artist, an assassin and a man who is willing to do whatever his master asks.

What if they are destined to kill each other? Will they willing to fight for each other? Or will they choose to fight each other?

chap-preview
Free preview
Panimula
Mabilis na inilagan ko ang suntok na paparating sa mukha ko at agad nagpakawala ng malakas na pagsipa sa babaeng kaharap ko. Dahil apat sila at isa lang ako ay hindi ko napansin ang isa pang babae na lumapit sa akin at sinakal ako. Sinubukan kong sikuhin siya ngunit hindi siya naaabot ng aking siko. Bigla akong sinikmuraan ng isa pang babae kaya napadura ako ng dugo. Sa inis ko ay inilabas ko na ang arnis na nakatago sa sleeve ko. Nagulat sila nang mailabas ko ang dalawang arnis na nakatago sa magkabila kong long sleeves ng uniform. Kahit nasasakal ay nagawa ko pa ring ngumisi sa kanila, “Dying to know the trick?” Agad kong hinataw patalikod ang arnis upang matamaan ang babaeng sumasakal sa akin kaya’t bigla niya akong nabitawan upang hawakan ang kaniyang ulong natamaan ko. Sunod ko namang hinataw ang paa ng babaeng may mahabang buhok na bumalak na sumuntok sa akin kung kaya’t napaluhod siya, sinundan ko pa iyon nang malakas na paghataw sa kaniyang batok upang tuluyan siyang matumba. “One down.” Pinaikot ko ang arnis na nasa kamay ko upang hatawin ang isa pang babaeng nakapaligid sakin ngunit aamba pa lamang ako ay agad na siyang tumakbo at sumigaw, “Run!” Narinig ko pang nagsalita yung leader nila na sumikmura sa akin, “Babalikan kita!” “I’ll wait!” Sakay na sigaw ko upang mas lalo silang mainis. Lakas ng loob nilang abangan ako eh alam naman nilang ako ang pinaka-warrior ng mga Arnisador dito sa University. Tumingin ako sa paligid, nasa may Resort ako ng Campus. Ito yung madalas na hindi napupuntahan ng mga estudyante dahil bukod sa may haka-hakang haunted daw dito, teritoryo rin ng mga gangsters na tulad ng mga babaeng nakaaway ko. Uso talaga ang mga gangster dito sa Campus namin dahil naniniwala sila na kapag gusto mong magkaroon ng kapangyarihan nararapat na magkaroon ka ng maraming tagasunod upang mas mapalakas at mapalawig ang samahan ng grupo niyo. Diba? Parang tanga lang. Kung iisiping maigi, ang duduwag naman nila. Hindi nila kayang lumaban ng mag-isa. Tss. Dinilaan ko ang labi ko na may dugo at saka kinuha ang bag na nakakalat sa sahig. “Bwisit! Napalakas ata yung suntok sa akin ng babaeng kapre na yun. Pag ito matagal gumaling, babalikan ko talaga sila.” Inis na sabi ko habang hinahawakan yung mga sugat na meron ako sa mukha. Napaaway ako nang dahil lang sa nabangga ko ang babaeng may kulay grey na buhok eh hindi ko naman sinasadya. Kala naman nila matatakot ako tulad ng ibang estudyante dito? Doon sila nagkakamali. Pag-uuntugin ko pa sila eh. Bago ako umalis ay pinagpapapalo ko muna ng arnis yung mga gamit na naiwan nila tulad ng laptop, phone at kung ano-ano pa upang masira saka nakangising naglakad papalayo.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Innocent Little Runt

read
580.7K
bc

Desert Heat (Complete) (Book 1 to Desert Series)

read
1.6M
bc

Desert Nightmare (Book 3 to Desert Series)

read
1.2M
bc

Alpha Nox

read
101.8K
bc

Lady Dhampir

read
4.2M
bc

Loved by Twin Daddies

read
1.7M
bc

The Grey Wolves Series Books 1-6

read
378.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook