The Forbidden Fruit Chapter 25 Many months ago… Nakatingin lang ang mag-asawang Ortega sa maganda at eleganteng babaing bumisita sa kanila nung umagang iyon. Habang nasa tabi nito ay ang babaing naka-maid costume na yun na tahimik lang na nakatingin sa kanila. Ibinaba ng eleganteng babae ang baso ng kape nya at tumingin sa kanila. “My name is Suzanne Montez” she introduced herself. “And I’am here to discuss something important to you regarding your only daughter, Jane” Parehong nabigla ang mag-asawa. “Kilala nyo po ang anak ko?” ang tanong ni Mrs. Ortega. She smiled. “Yes. Sya po ang girlfriend ng unico hijo ko” “GIRLFRIEND?” si Mr. Ortega. “Naku ang batang iyon. Sinabihan ko syang hindi pa sya pwedeng mag-boyfriend ah! Ba’t ba ang tigas-tigas ng ulo nya?” Ngumiti lang si Suzan

