The Forbidden Fruit Chapter 24 Next day… I opened my eyes. At ang unang sumalubong sa akin ay ang sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Tama. Umaga na pala. Kinapa ko ang noo ko. Wala na akong lagnat. Buti nalang at kahit na baliw ang bestfriend ko ay naalagaan naman nya ako ng mabuti kagabi. Pero…napahawak nalang ako ng lalamunan ko ng dahil sa una kong naramdaman nung umagang iyon. Bakit… Bakit parang… …uhaw na uhaw ako ngayon? Napatingin ako sa gilid ng kama ko. At…nakita kong mahimbing na natutulog doon si Carlie. I choked. Saka ako hinihingal na napatingin sa leeg nya. Bakit hindi ako makahinga? At bakit… Sa oras na ‘to…ay parang… Ay parang… Gusto kong… Ipinilig ko ang ulo ko. Ano ba ‘tong nangyayari sa akin? Agad akong tumayo sa kama ko at hinang-hina na na

