The Forbidden Fruit Chapter 23 Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala sa nakita ko kanina sa Ladies room. Bakit kaya…bigla nalang namula ang mga mata ko? Pero nang kumurap ako uli kanina ay bumalik sa normal ang kulay nun. Hindi kaya…napuwing lang ako kaya namula ang mga mata ko? O di kaya…may sore eyes ako? Ganun? Pero bakit bigla namang bumalik sa normal ang mga mata ko? *sigh* Tama. Guni-guni ko lang siguro yun. Napalingon nalang ako sa hallway nang maamoy ko ang pabango ni Carlie. “Best---” Pero… Nabigla ako nang makitang…nasa kabilang dulo palang sya ng hallway. Eh? Ganun ba katapang ang pabango nya at hanggang dito ay naamoy ko ang pabango nya? Agad naman syang napalingon sa direksyon ko at agad na nakangiting kumuway. “BESSSSSSSSTTTT!!!” ang tili nya mula sa dul

