MAAYOS na nairaos ni Monica ang kanyang panganganak sa tulong na rin ng kanyang mga kapatid.
Isang babae ang anak nila ni Regor. Isang napakagandang bata.
"Ang cute-cute naman ng pamangkin ko, Monica!" Tuwang-tuwang turan ng Ate Clarisse niya nang dumating sa ospital kung saan siya nanganak.
Hindi makakarating sa ospital ang kanyang Ate Isabel dahil sabay sila halos na nanganak. At babae din ang naging anak ng kanyang kapatid.
"By the way, ano ang ipapangalan mo sa bata, Monica?" Tanong ng Ate Clarisse niya.
"Angelica. Angelica Monteverde Alvarez." Aniya na may bahagyang lamlam ang mga mata.
"Oh, what a beautiful name!"
"So what is your plan now? Patuloy pa din kayong pinaghahanap nila Papa at Mama. We just keep on pretending na wala kaming alam dahil ayaw namin na mapahamak kayo." Anito. "Ang ikinatatakot ko lang ay kapag dumating ang araw na matunton kayo nila Mama at Papa."
"Hindi niya makukuha sa akin ang anak ko." Mariing tugon niya. "Mamamatay muna ako bago mangyari iyon."
Napabuntong-hininga na lamang ang kapatid sa kanyang tinuran.
HALOS panawan ng ulirat si Monica nang marinig ang sinabi ni Shane sa kabilang linya ng telepono.
"Nakakulong si Regor? What happened?"
Ilang araw pa lamang ang nakakalipas buhat ng makalabas silang mag-ina ng ospital.
"Napagbintangan sa salang pagpatay, Monica. Hindi ko muna sinabi sa iyo agad kasi manganganak ka at baka mapaano ang bata."
"Diyos ko po!" Kulang na lamang ay bumagsak siya sa sahig sa tindi ng panghihina dahil sa masaklap na balitang natanggap.
"I'm sorry, Monica..."
"If I need to go to Saudi just to save him, I will." Aniya makalipas ang ilang segundong pananahimik.
"Monica, hindi ganoon kadali ang gusto mo. Mabigat ang kasong ipinataw kay Regor at---"
"I have a lot of money. Kahit maubos ang lahat ng pera ko wala akong pakialam kung ang kapalit naman ay kalayaan ni Regor!" Sobrang nagsisikip na ang kanyang dibdib sa tindi ng presyon.
"Monica, please! Listen to me---"
Pero hindi na niya pinatapos sa pagsasalita si Shane. Agad na niyang ibinaba ang telepono at parang nauupos na kandilang napaupo siya sa gilid ng kanyang kama.
Luhaan at hinang-hina.
PUMUNTA si Monica sa PNB para magwithdraw ng salapi. Hindi niya puwedeng pabayaan si Regor. Kailangan nito ang kanyang tulong.
Subalit laking pangigilalas niya dahil closed na ang kanyang bank account. Sunod niyang pinuntahan ang Metrobank pero kagaya ng PNB ay closed account na din.
"How does it happened na closed na ang account ko dito?" Litong tanong niya sa teller.
"Sorry, Mam. Pero ipinasara na po ng Papa ninyo ang bank Account mo."
Naikuyom niya ang kanyang kamao sa narinig. Ito na ba ang parusa ng kanyang ama sa kanya? Ang bawiin lahat ng savings account niya?
Umuwi siyang masamang-masama ang loob at saka umiiyak na nagkuwento sa mag-asawang kumukopkop sa kanilang mag-ina.
"Diyos ko! Ganoon na ba talaga kasama ang budhi ng mga magulang mo, Monica?" Hindi makapaniwalang turan ni Yaya Senyang.
NAGAWA ni Monica na idaos ng simple ang binyag ng kanyang anak na si Angelica. Nagbigay ng tulong pinansyal ang kanyang mga kapatid ng palihim para sa pamangkin ng mga ito matapos na mabalitaan sa kanya na ipinasara ng kanilang mga magulang ang kanyang savings account.
Pero hindi puwede na habang-buhay siyang aasa sa kanyang mga kapatid. Kailangan niyang kumilos para sa kanyang sariling pamilya lalo na ngayon na kailangan ni Regor ang kanyang tulong.
"Anak, baka naman ano ang mangyari sa iyo kung babalik ka sa mansyon. Kilala mo ang mga magulang mo." Puno ng pag-aalala na wika ni Tatay Selmo nang sabihin niya ang kanyang plano.
"Kailangan ko po na makipagsapalaran. S-Subukan ko lang naman makiusap. Baka sakaling mapagbigyan nila ako..."
"Pero kami ay talagang kinakabahan diyan sa gagawin mo, Anak." Wika naman ni Yaya Senyang.
"Bahala na po."
SUBALIT kagaya ng dapat asahan, hindi tinanggap si Monica ng kanyang mga magulang. Nagpumilit siya makapasok sa loob ng mansyon sa kabila ng pagmamatigas ng guard. Pero nasa tapat na siya ng main door nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang galit na galit na mukha ng kanyang mga magulang.
"Ang lakas naman ng loob mo magpakita dito, Monica!" Mariing sabi ng kanyang ama. "Pagkatapos ng lahat ng ginawa mo sa pamilya natin heto ka ngayon sa harapan namin bitbit ang anak mo."
Nayakap niya ng mahigpit ang anak.
"Hindi ako nagpunta dito upang makipagtalo. Nagpunta ako dito para humingi ng tawad kahit man lamang alang-alang sa anak ko at apo ninyo..."
"Simula ng tinalikuran mo ang pamilyang ito, kinalimutan na rin namin na mayroon kaming anak na kagaya mo!" Mariing sabi ng kanyang ina na labis niyang ikinagitla.
Pumalahaw naman ng iyak si Angelica na tila nakakaramdam sa nangyayari kaya lalo niyang niyakap ang anak upang aluin.
"Hindi ba at mas pinili mo ang hampas-lupang iyon kaysa sa amin, Monica? Huwag mong isangkalan ang anak mo para patawarin ka namin dahil kahit 'yang bata ay kinasusuklaman namin!" Wika ng kanyang ama.
Hindi siya makapaniwala sa narinig.
"Ganyan na ba kasama ang budhi ninyo, Papa, Mama? Pati ang batang walang kamalay-malay ay dinadamay ninyo! Nasaan na ang puso ninyo?" Naiiyak niyang sabi sa mga magulang. "Ginawa ko naman ang lahat para sundin kayo. Lahat naman ng pinag-uutos ninyo sinunod ko. Lumaki at nagkaisip ako na walang sinusuway sa inyo. Pero ang kaisa-isang kahilingan ko lamang na maging malaya hindi ninyo maibigay? Pagkatapos pati anak ko na apo ninyo ay idadamay ninyo!"
"Umalis ka at huwag nang muling babalik, Monica." Makapangyarihang utos ng kanyang ama.
Iiling-iling at luhaang umatras palabas ng mansyon si Monica yakap ng mahigpit ang kanyang anak. Natatakot siya na baka ano pa ang maisipang gawin ng kanyang mga magulang kapag nagtagal pa siya kahit ilang segundo doon.
BUMALIK si Monica sa Pangasinan kung saan sila pansamantalang naninirahan ng kanyang anak.
"Yaya Senyang, iiwanan ko po muna dito si Angelica. Kailangan kong makahanap ng mapapasukang trabaho sa Maynila upang kahit papaano ay may maipangtustos ako sa mga pangangailangan ng anak ko."
"Anak, hindi mo naman kailangang magmadali sa pagtatrabaho. Handa naman kaming tumulong ng Tatay Selmo mo,"
"Salamat, Yaya Senyang. Pero kailangan ko pong kumilos. Kailangan kong makabawi. Kailangan ako ng anak ko at ni Regor."
Wala namang nagawa ang mag-asawa sa pasya niyang paglisan at paghahanap ng trabaho sa Maynila.
Para sa iyo anak ay gagawin ko ang lahat. Hindi ako makapapayag na hanggang ganito na lamang tayo. Kailangan nating bumangon. Masuyo niyang hinagkan sa noo ang noon ay nahihimbing na si Angelica.
Umaasa ako, Regor na ang unos sa ating pag-ibig ay unti-unting mapaparam at naniniwala ako na makakayanan natin itong labanan. Batid ko sa dakong huli ay tayo pa rin ang magtatagumpay. Piping usal niya sa sarili.
****Ipagpapatuloy****
Ano ang mangyayari ngayon kay Monica at sa kanilang anak? Magawa pa kayang makaahon ng dalaga buhat sa pagkakalugmok?
May pag-asa pa kayang mabuo ang pamilya nina Monica at Regor?
ABANGAN ang mga susunod na kapana-panabik na pangyayari sa buhay at pag-ibig ni Monica Monteverde!