CHAPTER 6

1331 Words
MADILIM pa nang sapitin ni Monica ang tahanan nila Shane. Pero agad din siyang nagpaalam sa kaibigan na magtutungo sa bahay ni Regor dahil gusto niya itong makausap. "Pero, Monica. Gabi pa. Puwede mo naman ipagpabukas 'yan." "No, Shane. I want it now." Giit niya.  "Pero hindi mo kabisado ang lugar." "Don't worry, hindi ako maliligaw." Walang nagawa si Shane kundi ang hayaan siya. Inihatid na lamang siya nito ng tanaw. Sobrang dilim ng daang tinatahak niya. Kahit buwan ay wala man lamang ng mga oras na iyon. Sa sobrang pagmamadali niya ay hindi man lamang niya naisipan na manghiram ng flashlight sa kaibigan para naman may magamit siya sa paglalakad. Malayo-layo na rin ang nalalakad niya nang mapansin na wari ay naliligaw siya. Diyos ko, nasaan na ba ako?  Sa isa pang paghakbang ng dalaga ay tila pagbulusok niya sa isang malalim na lugar. Kasunod niyon ay ang pagtama ng kanyang ulo sa isang matigas na bagay na ikinawala ng kanyang malay. DAHAN-DAHANG nagmulat ng mga mata si Monica kasabay ng pagsapo sa kanyang ulo na pakiwari niya ay napakabigat at ang kirot. Nakapa niya na may kung anong telang nakabalot sa kanyang ulo ng mga sandaling iyon. Iniikot niya ang kanyang paningin sa paligid at nang mapansin na wala siya sa kanyang sariling silid, napabalikwas siya ng bangon. "Aray!" Impit niyang tili nang maramdaman ang kirot sa kanyang ulo. What happened to me? Nasaan ako?  Muli siyang luminga-linga sa paligid. Iisa lang ang alam niya, nasa ibang lugar siya. Ang huling natatandaan niya ay tumakas siya kay Miguel at nagtungo sa sa Batangas. Tapos nagpumilit siya kay Shane na pupuntahan niya si Regor kahit gabi pa at pagkatapos... Damn it! Impit na pagmumura niya nang maalala ang buong pangyayari. Pero nasaan ako? Kaninong silid ito? Agad na lumipad ang kanyang tingin sa dahon ng pinto na biglang bumukas at iniluwa ang guwapong mukha ni Regor. "R-Regor?" Hindi makapaniwala pero mangiyak-ngiyak niyang bulalas. "Good morning!" Matamis ang pagkakangiting humakbang ito palapit sa kanya. "Kumusta na ang pakiramdam mo?" Anito na inilapag ang isang tray ng mangkok sa maliit na mesang nasa gilid ng kamang hinihigaan niya. "W-What happened? N-Nasaan ako?" "Andito ka sa munting kubo ko, Monica." Anito na naupo sa gilid ng kama. "Tinawagan ako. ni Shane kagabi at ang sabi ay pupuntahan mo daw ako at gustong makausap. Nagpumilit kang umalis ng bahay sa kabila ng pagtanggi ni Shane. Kaya dali-dali akong umalis ng bahay kagabi dahil sabi din ni Shane ay nakalimutan mong magdala ng flashlight at higit sa lahat ay hindi mo kabisado ang buong lugar." Titig na titig siya sa guwapong mukha nito habang nagsasalita. "Malapit na ako sa batis nang marinig ko ang sigaw mo. Hinanap ko ang pinagmulan at ayon nga ay nakita kitang nakahandusay sa ibaba ng bangin. Pagbaba ko ay wala ka ng malay at maraming dugo ang umaagos sa ulo mo. Agad kitang dinala dito sa kubo sa gitna ng kakahuyan dahil ito lang ang pinakamalapit na puwede kong pagdalhan sa iyo habang binibigyan ka ng pangunahing lunas." Pagpapatuloy nito. "Mabuti na lamang at mababa lamang ang bangin na kinahulugan mo at ganyan lang ang inabot mo," "M-My God!" "But don't worry. Hindi naman malalim ang sugat mo sa ulo. Nahilo ka lang dahil sa pagkakahampas mo sa bato. At nagpatawag na din ako ng doktor na puwedeng sumuri sa iyo. On the way na iyon." "S-Salamat, Regor." "Halika, kainin mo muna itong mainit na sopas na inihanda ko para mainitan ang sikmura mo." Kinuha nito ang mangkok ng sopas at inalalayan siyang makakain. MABILIS na nagpahid ng luha si Monica nang makitang papalapit na si Regor sa kanya. Katatapos lamang siyang suriin ng doktor na ipinatawag nito. At nang ihatid nito ang manggagamot, minabuti niyang maghintay sa labas ng kubo at naupo sa isang upuan na naroon. Hindi lamang niya mapigilang maluha sa tuwing naaalala ang muntikan na niyang pagkakadisgrasya sa mga kamay ni Miguel. Isang bagay lang ang natitiyak niya. Sa mga oras na ito ay ipinaghahanap na siya ng kanyang mga magulang. "Hey, what's wrong? Bakit ka umiiyak?" Puno ng pag-aalala ang tinig na tanong nito sa kanya nang makalapit sa kinauupuan niya. Muling tumulo ang kanyang mga luha nang simulan niyang ikuwento sa binata ang lahat-lahat. Mula sa arranged marrage niya kay Miguel hanggang sa muntikan nang panggagahasa sa kanya ng lalaki. "A-And I am sorry kung kayo lamang ni Shane ang naisipan kong takbuhan. Wala kasi akong ibang alam na puwedeng mapuntahan. Lahat ng puwede kong pagtaguan ay alam nila mama at papa lalo na ni Miguel. Kaya umalis din ako kina Shane kasi alam ko pupuntahan nila ako doon..." tigmak ng luhang turan niya. Nang yakapin siya ng binata ay lalo siyang naluha. Pakiramdam niya, ligtas na ligtas siya kasama ito. "Huwag kang mag-alala, tutulungan kita at sinisigurado ko na dito ay ligtas ka. Walang sinuman dito ang puwedeng makapanakit sa iyo." Anito habang mabining hinahaplos ang kanyang likod. "Pangako," NANG mapag-isa si Monica sa silid ay tila may malamig na hangin na bumalot sa kanyang katawan. Pakiramdam niya ay payapang-payapa ang kanyang kalooban at ligtas sa anumang panganib. Pero pagod pa ang kanyang buong katawan at isipan. Ilang sandali lamang ay hinatak na ang kanyang kamalayan sa mahimbing na pagtulog. Hindi niya alam kung gaano siya katagal na nakatulog. Nagising na lamang siya nang maramadaman ang masuyong paghapos ng mamasa-masang tela sa kanyang mukha.  "R-Regor..." "Pasensya ka na kung nagising kita," nakangiting wika nito. "Tinanggal ko ang benda sa ulo mo para malaman kung madugo pa. Good news, okay na. Wala ka na ibang gagawin kundi paghilumin ang sugat. May nararamdaman ka pa bang sakit?" Ngumiti siya. "Wala na, pero bahagya lamang ako nahihilo.:" Naramdaman niya ang masuyong paghaplos nito sa kanyang pisngi. Hinawakan niya ang kamay nito at hinahayaang nakalapat sa kanyang pisngi. "Bakit mo ginagawa ito? Bakit sa kabila ng masasakit na salitang sinabi ko sa iyo noon ay nagagawa mo pa din akong tulungan?" "Gusto mo ba talaga na sagutin ko ang tanong mo na 'yan?" Nakangiting tanong nito sabay pisil ng marahan sa kanyang ilong. "Kasi mahal kita." Nabigla man sa narinig, walang pagsidlan naman ng tuwa ang kanyang dibdib. "Maaaring hindi ka maniniwala pero totoo ang narinig mo. Mahal na kita noon pa man," seryosong pahayag nito. "Ngayon, ikaw naman ang tatanungin ko. Mamahalin mo rin ba ako kahit hindi ako kasing yaman ng mga Monteverde?" Hindi niya napigilan ang maluha sa sobrang tuwang nararamdaman. "Maniniwala ka ba kung sasabihin ko na mahal din kita, Regor?" "Talaga?" Nanlalaki ang mga matang tanong nito. "Oo," Sapat na ang mga katagang iyon para patunayan na mahal nila ang isa't isa. At nang lumalapat ang mga labi nito sa kanyang labi ay hindi na siya tumutol. Bagkos, niyakap niya ng mahigpit ang lalaking una niyang minahal. Marubdob ang mga halik na iyon at punong-puno ng pagmamahal. Marahas pero naroon ang pag-iingat. Hanggang sa ang mga halik ay naging malalim at mas naging mapusok. At dahil sa hindi na nila mapigil ang kanilang mga damdamin ay tuluyan na silang nakalimot. Ang silid sa munting kubo na iyon ang naging piping saksi sa pag-iisa ng katawan nina Monica at Regor. "I love you, Monica..." iyon ang huling katagang sinambit ng binata nang marating nila ang kaganapan. "I love you too, Regor..."  Nakatulog siyang may ngiti sa mga labi. At kahit na konteng pagsisisi ay wala siyang naramdaman. "PUNYETA!" Galit na galit na bulyaw ni Don Rafael sa mga tauhan. "Iisa lang pinapahanap ko sa inyo tapos hanggang ngayon hindi ninyo makita-kita!" "Hinanap na po namin kahit saan, Don Rafael---" "Puwes hanapin ninyo uli at huwag kayong titigil hangga't hindi ninyo nakikita! Bulyaw ng Don sa mga tauhan. "Lahat ng mga kaibigan ni Monica at puntahan ninyo! At kapag nakita ninyo, kaladkarin ninyo pauwi dito sa mansyon!" Dali-dali namang tumalima ang mga kalalakihan upang sundin ang utos ng Don. Mayamaya lamang ay humahangos na dumating si Isabel na tinawagan ng kapatid upang ipagbigay alam ang pagkawala ni Monica. "Totoo ba na nawawala daw si Monica, Papa?" "Ilang araw nang hindi umuuwi dito ang magaling mong kapatid, Isabel!" Galit na sagot ni Donya Consuelo sa tanong ng anak. "May alam ka ba dito?" "W-Wala! Hindi naman kami nagkakausap ni Monica." "Hindi puwedeng hindi matagpuan si Monica dahil nakatakda na ang kasal ng kapatid mo kay Miguel! Lahat tayo ay mapapahiya." Muling wika ni Don Rafael.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD