"ATE Clarisse!" Halatang natatarantang sabi ni Isabel nang pumasok sa opisina nilang magkapatid.
"May problema ba, Isabel?" Huminto si Clarisse sa ginagawa at nilingon ang kapatid.
"Ate, may nadisconnect akong client. Galit na galit at gustong makausap ang Management."
Napabuntong-hininga siya. "Explain to him, Isabel. Na kaya nadisconnect is because late ang remittance."
"Sinabi ko na ang lahat, Ate. Pero ayaw makinig at ang hirap paliwanagan. Gusto daw niyang makausap ang may-ari o kaya ang supervisor---"
"Bakit hindi mo sinabing ikaw ang may-ari para matigil na?" Sadyang mainit ang ulo niya ng araw na iyon dahil sa problema nilang mag-asawa.
"Ate Clarisse, wala talaga ako sa mood ngayon makipagbolahan."
"Hindi naman pakikipagbolahan ang pagpapaliwanag sa mga kliyente. Katungkulan mo 'yon. At kung bakit naman kasi ngayong araw pa absent ang secretary!"
"Ate, please.."
Itinirik niya ang mga mata sa kapatid. "Okay, fine. Let him in now."
Ilang sandali pa ay kaharap na niya ang lalaking tinutukoy ni Isabel. Tipong ngang masungit ito dahil kung nakasimangot siya ay mas lukot ang mukha nito.
"Maupo kayo, Mr---"
"Mr. Santos," gagad ng lalaki.
"Oh, okay, Mr. Santos. Ano po ba ang maipaglilingkod ko sa inyo." Sa halip na patulan nginitian niya ito.
"Ang gusto ko lang ay pagsabihan mo ang staff mo at hindi biro ang ginawa niyang pag-disconnect sa line ko. Hindi ako nagkulang sa pagbabayad sa inyo pero maraming kontrata ang nawala sa akin." Mainit ang ulong wika nito na hindi man lamang nag-attempt maupo.
"My apologies, Mr. Santos. But don't you worry, will talk to my staff."
Hirap na hirap siyang magpaliwanag sa kliyente pero bago naman ito umalis ay nagkasundo naman silang dalawa.
Hinarap naman niya ang kapatid na si Isabel pagkaalis ng kliyente. Alam niya na kaya wala sa loob nito ang pagtatrabaho ay dahil may iba itong pinagkakaabalahan.
"Isabel, alam ko na nagiging maganda ang pakikitungo mo kay Anton. Pero huwag mong kakalimutan na malapit ka nang ikasal kay Raymond."
"Ate, masarap pala sa pakiramdam kapag mismong ikaw ang nagpapasya kung sino ang mamahalin mo," nakangiting tugon nito.
"What do you mean?" Kunot-noong tanong niya.
"Hindi ko kasi makapa sa puso ko ang pagmamahal kay Raymond. Siguro dahil ipinagkasundo lamang ako nina mama at papa sa kanya. Pero kay Anton, iba ang nararamdaman ko. Masaya ako kapag kasama ko siya. Kapag siya ang kasama ko pakiramdam ko totoong tao ako at hindi robot---"
"Isabel..?"
"You heard me right, Ate Clarisse. Masarap ang umibig at magmahal kung puso mo mismo ang nagpapasya nito at walang nagdidikta. Tingnan mo ang sarili mo. Oo nga at mayaman din ang napangasawa mo. Sabihin na nating nakahiga ka pa din sa salapi. Pero ano ang buhay mo? Masaya ka ba? Hungkag, hindi ba?"
Hindi siya nakakibo. Tama ang kapatid niya. Malungkot ang buhay niya dahil hindi naman niya mahal ang asawang si Dennis. Mga magulang lamang nila ang may gusto. At ngayon, kahit madami na silang salapi ay patuloy pa din silang nagpapayaman. Halos ay wala nang panahon sa kanilang mag-ina ang asawa at iyon ang madalas nilang pagtulanan.
"Ang ibig mo ba'ng sabihin ay hindi mo na itutuloy ang pagpapakasal kay Raymond? Susuwayin mo sina Papa at Mama?"
Matagal ito bago nakasagot sa kanya.
"Hindi, Ate Clarisse. Itutuloy ko ang pagpapakasal kay Raymond. Pero habang hindi pa ako kasal, nakikiusap ako na pagtakpan mo muna ako sa mga ginagawa ko ngayon."
"What? Are your crazy? Alam mo ang mangyayari kapag nalaman nila papa 'yan!"
"That's why I want you to help me." Anito. "Ito lang naman ang huling hiling ko sa iyo. Hayaan akong maging malaya kahit sa maikling panahon lamang,"
Nang makitang mangiyak-ngiyak ang kapatid ay lumambot ang puso niya. On the other side, humahanga siya rito. Mas matapang ito. Kahit paano ay hinanap nito kahit sandali ang isang hiram na pag-ibig. Dahil si Anton ay may pamilya na. Hiram subalit nagpapaligaya naman sa kapatid niya.
Mahigpit niya itong niyakap. "Mag-iingat ka lamang palagi, Isabel."
MABILIS na lumipas ang mga araw. Naging buwan hanggang naging taon. At ngayon ay araw na ng kasal ni Isabel.
Maid of honor si Monica at si Miguel ang bestman.
Pero kanina pa siyang hindi mapakali dahil hinahanap niya si Regor sa loob ng simbahan. Hindi ito kumbidado ng kanyang mga magulang, pero siya ang nag-imbita sa binata na dumalo sa kasal.
What happened to you, Regor?
Napatingin siya kay Miguel na kapartner niya bilang abay. Palihim niyang inirapan ang binata at saka ibinaling ang tingin sa mga ikinakasal.
Marangya ang suot na pangkasal ni Isabel at napakaganda nito ng araw na iyon. Pero kapansin-pansin ang kawalang sigla. Hindi kayang pagtakpan ng mga mamahaling palamuti sa katawan ang kalungkutang nararamdaman nito at alam na alam iyon ni Monica. Bago pa ang kasal ay nagkausap silang magkapatid at sinabi nito na ang araw ng kamatayan nito ang araw na iyon ng kasal.
Sa harap ng altar ay nangako si Monica. Hinding-hindi niya hahayaang mangyari sa kanya ang nangyari sa kanyang mga kapatid. Hindi siya magpapakasal sa lalaking hindi niya iniibig.
Isang matalim na tingin ang ipinukol niyang muli kay Miguel na nahuli naman nito. Kumunot ang noo nito pero maya-maya lamang ay nagkibit-balikat at ibinalik ang atensyon sa harap ng altar.
Sirang-sira ang araw ni Monica hanggang sa matapos ang kasal. Bukod sa nayayamot siya sa kapareha ay hindi rin sumipot si Regor.
Ano kaya ang nangyari sa lalaking iyon at hindi man lamang dumating? Bulong niya sa sarili.
Maya-maya ay may kumalapit kay Monica buhat sa likuran.
"Monica, let's go. Picture taking na daw sabi ng photographer." Wika sa kanya ng kapwa niya abay.
"Okay," Mabilis siyang tumayo saka nagpunta sa harapan ng altar kung saan naroon ang mga kasama.
Magkatabi ang bagong kasal habang sa magkabilang tabi ng mga ito ay sina Monica at Miguel. Nasa tabi niya ang mga kapwa niya abay na babae at sa gilid naman ni Miguel ay ang mga abay na lalaki.
Natapos ang unang kuhaan ng litrato at ang susunod ay picture taking naman ng magkakapareha. Ang utos ng photographer, nasa likod daw si Miguel habang nakayakap sa kanyang baywang.
"Puwede ba na iba na lang?"
Lumapit si Isabel sa kanya at pasimpleng bumulong.
"Pagbigyan mo na. Araw naman ng kasal ko ngayon." Pilit itong ngumiti.
Wala naman siyang nagawa kundi ang bumuntong-hininga na lamang at pagbigyan ang nais ng photographer.
Hanggang sa matapos ang picture taking at nakalabas na ang lahat sa loob ng simbahan, kahit anino ni Regor ay hindi niya nakita.
MAGARBO ang reception na ginanap sa maluwang na bakuran ng mansyon ng mga Monteverde sa Roxas Boulevard. Halos lahat ng mayayaman at kilalang tao sa lipunan ay naroon sa okasyon pati na ang kamag-anakan ng kabilang angkan. Bumabaha ng mga pagkain at inumin at lahat ay pawang masasaya.
Maliban kay Monica. Hindi niya magawang magsaya lalo pa at wala ang kaisa-isang taong inaasahan niyang darating ng araw na iyon.
"Hi, love."
Bago pa siya nakaiwas ay nakahalik na sa kanyang pisngi si Miguel. Mangani-ngani niya itong sampalin pero pinigilan niya ang sarili.
"Stop it, okay?"
"What's wrong with you? Soon, tayo na ang susunod na ikakasal."
Hindi mangyayari iyon. Bulong niya.
"Baka naman naiinip ka na sa tagal ng kasal natin?" Muling wika nito na ikina-arko ng kanyang kilay.
"That's not funny, Miguel."
"Okay, okay." Anito na itinaas ang dalawang kamay bilang pagsuko. "Huwag ka nang sumimangot. Halika na at makisaya tayo sa mga bisita."
"Ikaw na lang muna, Miguel. I'm not feeling well."
"You sure?" Paniniyak nito. "Ihahatid na kita sa kuwarto mo."
"No," mariin niyang wika. "I can do it alone. Just go and have fun."
Hindi na niya hinintay na makapasagot ito. Mabilis na siyang tumalikod at tinungo ang hagdan patungo sa kanyang kuwarto.
MULA sa hindi kalayuan ay nakatanaw lamang si Clarisse sa kapatid na si Monica at Miguel. Bagamat sa kanyang kinaroroonan ay nauulinigan niya ang pag-uusap ng dalawa.
Kitang-kita din niya ang pagkairita ng kapatid niya sa lalaki maging ang pagtalikod nito ng basta-basta upang pumasok sa loob ng sarili nitong silid.
Nang maiwanan si Miguel, tinungo nito ang kumpulan ng mga lalaking abala sa pag-iinuman hindi kalayuan din sa kanyang puwesto. Hindi siya pansin ng binata dahil na rin sa dami ng tao sa paligid.
"Pare, kayo na ni Monica ang susunod na ikakasal." Narinig niyang wika ng isang lalaki na nakilala niyang si Ramil. Isa din sa mga abay.
"Imagine, hindi ka man lamang nahirapan na manligaw kay Monica. Instant bride to be mo na agad."
"Tradisyon ng pamilya iyon. Pero sa isang banda, mabuti na lamang at super beauty ni Monica. Dahil kung hindi, kahit ipabaril pa ako ni Don Rafael at Donya Consuelo ay hinding hindi ako papakasal sa anak nila."
Umugong ang malakas na tawanan sa sinabing iyon ni Miguel habang siya naman ay hindi makapaniwala sa narinig.
"Pero dahil maganda at sexy at super kinis ng balat, ipaglalaban ko ng p*****n si Monica sa kahit na sinong lalaking magtatangkaNG umagaw sa kanya," pagmamalaki pang sabi nito. "Pero..." tinungga muna nito ang alak na hawak sa kopita.
"Kahit ganyan kaganda si Monica pero mahirap, hindi ko siya papatulan." Anito.
Hindi makapaniwala si Clarisse sa mga narinig. Ngayon lamang niya napagmasdan ng mabuti ang mukha ni Miguel. Maging siya ay hindi siya sigurado na kilalang kilala na ito ng kanilang mga magulang. Alam ba ng Papa at Mama nila kung gaano kasama ang tabas ng bibig ng lalaking ipagkakasundong ikasal sa bunso nilang kapatid?
Marami nang nainom si Miguel at nawawala na din ang pagkadisente nitong tingnan lalo pa at nasuka. na ito sa sobrang kalasingan.
Bumaba ang tingin niya lalo sa lalaki. At iisang bagay lang ang sigurado niya, impeyerno ang buhay ni Monica kapag ito ang napangasawa.
Nakita niyang inalalayan ito ng driver nitong si Igme na makatayo at maglakad palabas ng bakuran para maisakay sa loob ng sasakyan.
"Kahit sinong babae, hindi gugustuhin na ganyang klaseng lalaki ang mapangasawa at makasama habang-buhay."
"Monica!" Gulat siyang napalingon sa kanyang tabi nang walang kaabog-abog na biglang nagsalita si Monica na buong akala niya ay nagpapahinga sa kuwarto.
Mapaklang ngumiti ang bunsong kapatid. "Ayokong makasal sa lalaking kagaya ni Miguel, Ate Clarisse."
"Pero may magagawa ka pa ba kung nakatakda na?"
"Mayroon, Ate Clarisse. Ako pa rin ang masusunod kung sino ang mamahalin ko at papakasalan."
Nabigla man pero hindi siya nagpahalata sa bunsong kapatid. Alam naman niya na noon pa man ay tutol na ito sa ganoong tradisyon ng pamilya.
"Sana nga , Monica. Kahit na ikaw man lamang ay makawala sa batas ng ating mga magulang. Para hindi mo rin maranasan ang hirap na dinadanas ko ngayon sa piling ng asawa ko."
Bumuntong-hininga ito ng malalim habang ang paningin ay nakatuon sa kanilang mga magulang na kausap ang pamilya ni Miguel sa hindi kalayuan.
HINDI nakatanggi si Monica nang gabing iyon na dumating sa Miguel sa mansyon at anyayahan siyang kumain sa labas. Ang kanyang mga magulang na ang sumagot para sa kanya kaya wala na din siyang nagawa kundi ang sumama sa lalaki.
Wala siyang kibo habang naglalakad sila ni Miguel. Wala na siyang panahon para makipagplastikan sa lalaki.
"Bakit ba hindi mo ako mapag-aralang mahalin, Monica?" Mayamaya ay sabi nito. "Soon, ikakasal na tayo at magiging mag-asawa."
"Hindi ako magpapakasal sa iyo, Miguel." Madiing sabi niya. "I'm sorry,"
Hindi ito nakakibo. Marahil ay nagulat sa maririnig sa kanya. Dahil iyon ang kauna-unahang pagkakataon na diniretsa niya ito.
Nawalan sila ng imikan hanggang sa makarating sila sa isang kilalang hotel sa Roxas Boulevard. Nagtaka pa siya ng sumakay sila ng elevator at bumaba sa Fith floor.
"Bakit dito? Ang akala ko ba ay kakain tayo?" Nagtatakang tanong niya bagama't kinakabahan.
"Doon ako nagpahanda ng pagkain sa suite ko."
"What?"
"Monica, huwag kang mag-alala. Kakain lang tayo at ihahatid kita pauwi pagkatapos. Kahit naman inamin mo na hindi mo ako magagawang mahalin ay mahal pa rin kita at iginagalang."
Hindi siya kumibo. Huminto sila sa tapat ng isang pinto ng silid. Inilabas nito ang susi at binuksan ang pinto.
"Be my guest," binuksan nito ng maluwang ang pinto.
Puno man ng pag-aatubili, minabuti niyang pagbigyan ito. Pumasok siya sa loob ng unit nito pero agad din siyang napalunok at kinabahan nang marinig ang tunog ng paglock ng pinto.
Pagharap niya ay bigla na lamang siya nitong sinunggaban ng yakap at hinalikan sa mga labi. Nagpupumiglas siya sa kabila ng pagkabigla pero mahigpit ang pagakakayakap nito sa kanya kaya nahirapan siyang makawala.
Gumapang ang mga labi nito sa kanyang leeg patungo sa kanyang dibdib kaya lalo siyang kinilabutan. Minabuti niyang huminto sa pagpupumiglas at nag-ipon ng lakas. Kapagkuwan ay bigla niya itong tinuhod sa harapan dahilanpara mabitawan siya.
"W-What the hell, Monica!" Impit nitong sigaw.
Sapo ang harapan at namimilipit sa sakit na napaluhod ito sa sahig. Namataan niya ang isang flower vase sa center table. Agad niyang dinampot at walang pag aatubiling inihampas ng malakas sa ulo ni Miguel.
Walang malay na napahandusay ito sa sahig. Mabilis niyang binuksan ang pinto at kumaripas ng takbo patungo sa elevator. Pagdating sa ground floor pasimple lamang siyang naglakad na animo ay walang nangyari.
Agad niyang tinawagan si Shane upang magpasundo dahil ayaw niyang umuwi muna sa mansyon sa takot na masundan doon ni Miguel.
Halos hindi makapaniwala ang kaibigan nang marinig ang kuwento niya.