CHAPTER 4

1633 Words
"ISANG linggo ka kamo sa Batangas?" Nanlalaki ang mga matang sabi ni Don Rafael. "Naloloka ka na ba, Monica? Ano na lamang ang sasabihin ng mga magulang ni Miguel? Nakalimutan mo na ba ang kasunduan?" "Hindi ko nakakalimutan, papa. Gusto ko lang magbakasyon sa bahay nila Shane kahit isang linggo lang. Besides, hindi na ako bata, papa. Hindi ako tututol sa gusto ninyong gawin sa buhay ko. Pero hayaan ninyo akong maranasan ko ang maging malaya, magawa ang mga bagay na gusto kong gawin na hindi ko nagagawa noon. So, please. Pagbigyan na ninyo ako," pakiusap niya.  "Bakit hindi ka na lamang sa Canada magbakasyon? O kaya sa Spain? Doon mas mag-eenjoy ka." "Dito lang sa Pilipinas at sa Batangas ang nais ko, papa." "Lalaki ba ang dahilan, Monica?" "No, papa." Kahit na anong gawin ni Don Rafael ay ipinagpilitan talaga niya ang kanyang gusto.  "Bakit hindi na lang ninyo pagbigyan si Monica, papa? Isang linggo lang naman ang hinihingi." Malumanay na sabay ng kapatid niyang si Isabel.  "Okay, fine! Pero isang linggo lang Monica. At oras na lumagpas ka sa usapan ay ipapasundo kita sa Batangas at ikukulong kita dito sa mansyon." Mariing turan ng ama na ikinabigla niya.  Hindi na siya nakasagot dahil mabilis na nakatalikod ang ama at naiwanan silang magkapatid. Yumakap siya kay Isabel. "Salamat, Ate." "Good luck, sis. Enjoy your self." "Yes, ate!"  Parang may pakpak ang mga paang lumabas ng ng bahay si Monica. RELAX na relax si Monica habang nagpapatakbo ng sasakyan patungo sa bahay nila Shane. Ilang oras na rin siyang bumibyahe and finally, malapit na rin siya makarating sa patutunguhan.  Eto ang buhay! Malaya at walang bantay! How I wish na ganito na lang sana... Papasok na siya sa mahabang kalsada patungo sa bahay ng kaibigan pero bigla siyang natigilan nang isang pamilyar na sasakyan makitang makakasalubong niya.  Hindi niya maintindihan pero lumakas ang kabig ng kanyang dibdib.  I'm sure, ang antipatikong lalaki naman na 'yon ang sakay ng tricycle! Napasimangot siya nang humarang ang tricycle sa kanyang daranan at wala naman siyang naging choice kundi ang huminto. Parang nakalolokong kumaway pa ito sa kanya nang ibaba niya ang bintana ng kanyang kotse.  "Hi!" Masiglang bati ni Regor. "Nananadya ka ba? Baka gusto mong alisin 'yang bulok mong sasakyan sa harapan ko para makadaan ako?" Pero hindi ito tuminag. Sa halip ay bumaba ng tricycle at nakalolokong humalukipkip. Sa inis, bumaba na rin siya ng sasakyan upang harapin ito.  Paano ba nalaman ng mayabang na ito na darating ako? O baka naman inaabangan siya?  Napangiwi siya sa naisip pero nagpadagdag sa kabog ng kanyang dibdib.  "Ano ba? Hindi mo ba ako padadaanin?" "Miss Masungit, please lang huwag kang magalit." "Ano ba ang kailangan mo?" "Gusto ko lang naman makipag-kaibigan sa iyo." "What? You're unbelievable!" Gigil niyang wika. "Pagkatapos mo akong awayin at ipahiya sa harap ng madaming tao may lakas ng loob ka na sabihin ngayon na gusto mong makipagkaibigan?" "I'm sorry, okay?" Wow! Marunong din pala humingi ng sorry! Bulong niya. "Ano kaya kung ireport kita sa himpilan ng pulisya dito sa Batangas? O hindi naman kaya ay ipatawag ko ang bodyguard ko?" Pananakot niya.  "Wait, Monica. Wala naman akong ginagawang masama para ireport mo." "Then, unalis ka sa pagkakaharang sa dadaanan ko." Iyon lang at walang babalang tumalikod pabalik sa loob ng kanyang sasakyan.  PAGKATAPOS ng tanghalian ay ipinasyal si Monica ni Shane sa malawak na taniman ng mga mangga. Tuwang-tuwa naman siya dahil sa totoo lang ay ngayon lamang niya nagawang makakilos ng malaya kahit sa loob lamang ng isang Linggo.  Pansamantalang inaasikaso ng Papa niya ang kompanya habang wala siya. Hindi na rin niya ipinabatid kay Miguel ang pag-alis niyang iyon dahil sigurado bubuntot ang lalaking iyon dito.  Naupo siya sa mahabang bangko na nasa ilalim ng isang punong ng mangga.  " Ngayon ko lamang naranasan ang ganito kaginhawang pakiramdam sa tanang buhay ko. Sariwang hangin at kagandahan ng kalikasang kaytagal din na ipinagkait sa akin nila mama at papa. Napakalawak ng paligid ko pero iisang sulok lang ng mundo ang ginagalawan ko...." hindi niya napigilan ang pag-garalgal ng kanyang tinig.  Waring ngayon lamang siya nagkaroon ng pagkakataon na ihayag ang hinanakit sa mundong ginagalawan. "Eto ang dahilan kung bakit kita niyayang magbakasyon dito, Monica. Para naman kahit papaano ay maiba naman ang mundong kinikilusan mo at makalaya kahit pansamantala sa mga kamay ng mga magulang mo," wika ni Shane habang masuyong hinihimas ang kanyang likod. "Alam ko kung gaano kahirap ang kalagayan mo at kung gaabo kasakit  tanggapin na makipagtaling-puso sa lalaking hindi mo naman iniibig." "Kailangan kong makagawa ng paraan para hindi matuloy ang nais nila Mama at Papa, Shane." Tuluyan na siyang napaiyak.  "Shhhh...hayaan mo. Mahaba pa ang panahon. Tutulungan kita, promise!" "Thank you so much, Shane!"  "Tama na ang pag-iyak." Nakangiting wika nito sa kanya sabay hawak sa kanyang kamay. "Halika, puntahan natin 'yung kuweba na sinasabi ko sa iyo noon. May malinaw na batis at masarap maligo!" "Really?" Parang batang nagpunas siya ng luha sa mga mata. "Sakop pa ba ninyo ang lupaing iyon?" "No. But don't worry kasi mabait ang may-ari at higit sa lahat ay guwapo!" Pilyang kumindat pa ito sa kanya.  Natigilan naman siya. Parang kinakabahan siya sa narinig.  "Tara na!" Hinatak siya nito patayo. "Walang magagalit sa atin doon, swear!" MALAYANG nakakakilos si Monica sa bahay nina Shane. Nagkataon naman na wala ang asawa nito. Isang buwan pagkatapos ang kasal ay bumalik ang lalaki sa Canada upang muling harapin ang naiwanang trabaho doon. Kung sa kalagayan sa buhay ay mas nakahihigit ang kayaman nila kung ikukumpara sa kaibigan. Pero aminado siya na naiingit siya rito. Hawak kasi ni Shane ang sarili sa pagdedesisyon. Maging sa paghahanap ng lalaking mamahalin ay ito ang nasusunod at hindi nanghihimasok ang mga magulang nito. Samantalang siya ay mistulang robot na kapag sinusian lamang ng mga magulang ay saka lamang siya makakagalaw. At ang pinakamahirap at pinakamasakit, pati ang pagpili sa lalaking gusto niyang mapangasawa ay ang mga ito ang nagpapasya para sa kanilang magkakapatid. Nakaupo si Monica sa gilid ng batis kung saan dinala siya noong nakaraang araw ni Shane. Napag-alaman din niya sa kaibigan na ang lupang kinaroroonan niya ng mga sandaling iyon ay pag-aari ni Regor. Nakaharap siya sa rumaragasang tubig sa talon. Doon nais niyang ihinga ang sama ng loob. Umiyak man siya, alam niyang walang makakarinig at makakakita dahil nag-iisa lang naman siya. "Hi," Awtomatikong naputol ang pagdidili-dili ni Monica at nagbalik sa kasalukuyan ang lumipad na imahinasyon nang marinig ang isang pamilyar na tinig buhat sa kanyang likuran. Dagli siyang napalingon at hindi nga siya nagkamali ng sapantahan. Si Regor. Nakangiting papalapit sa kanya. "Nag-iisa ka yata?" "Ikaw na naman?" Sa halip ay tanong niya sabay tayo mula sa pagkakaupo sa isang malaking tipak ng bato. "Sinusundan mo ba talaga ako?" Naging seryoso bigla ang mukha nito. "Sorry, hindi ko gustong abalahin ang pag-iisa mo. At hindi ako nagpunta dito para makipag-away." Umigkas ang isa niyang kilay. "Gusto kong humingi ng tawad sa nangyari noon. Alam ko, kabastusan ang ginawa ko kaya gusto kong samantalahin ang pagkakataon na ito para makahingi ng tawad sa iyo. And belive me, hindi ako masamang tao na kagaya ng iniisip mo." "Wala akong pakialam sa sinasabi mo na hindi ka masamang tao. At hindi porke lupa mo itong lugar na kinaroroonan ko'y may karapatan ka nang sirain ang pag-iisa ko." "Bakit ba napakasungit at napakataray mo? At sa tingin ko ay may galit ka sa mundo. May problema ka ba?" "Ano ba ang pakialam mo kung may problema ako?" "Wala. Pero kung bibigyan mo ako ng karapatan ay gusto kong malaman ang problemang gumugulo sa isipan mo." Napatitig siya sa lalaki. Simpatiko ang mukha nito at mukha naman itong mapagkakatiwalaan. Hindi nga ba ay kaibigan at kakilala ito ni Shane? Ang malapad na dibdib nito ay  parang kaysarap sandigan, subalit hindi pa niya ito lubusang kilala. "Hindi," mahinang wika niya sabay hakbang palayo sa gilid ng batis. "Monica, wait." Huminto siya sa paghakbang at nilingon ang binata. "Bakit ba napakakulit mo? Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Wala akong pakialam at puwede ba, leave me alone!" Sa halip na makinig, lumapit ito sa kanya at humarang sa kanyang dinaraanan. "Look, listen, Monica." Anito. "Alam ko na hindi naging maganda ang una nating pagkikita. Alam ko sa paningin mo ang sama-sama kong tao, pero maniwala ka. Nagawa ko lang naman 'yon dahil nga gusto sana kitang turuan ng leksyon. Because honestly, ikaw palang ang nakita kong babae na nuknukan ng taray at matapobre but then, gusto kong makilala pa ng lubusan at kung mamarapatin mo ay maging kaibigan." Hindi niya alam kung napansin nito ang bahagyang pamumula ng kanyang pisngi nang muling maalala ang mapangahas na halik nito sa kanya noon. "Bakit ba gustong-gusto mo akong maging kaibigan? Ikaw na din ang may sabi na matapobre ako at masungit tapos ngayon nagpupumilit kang maging kaibigan ako." Ngumiti ito. At ewan ba niya kung bakit natuwa ang puso niya nang makitang muli ang mga ngiting iyon. Stop it, Monica! Saway niya sa sarili. "Dahil alam ko na mabait ka at hindi ka talagang masungit. At alam ko din na may gumugulo sa isipan mo." "M-May sinabi ba sa iyo si, Shane?"  Nagkibit-balikat ito. "Wala naman. Hindi naman ako nagtatanong sa kanya, but if you want you can tell me." Inirapan niya ito. "So, puwede ba akong magpakilala sa iyo ng maayos?" Tanong nito. "I'm Regor  Alvarez." Nakangiting tanong nito sabay lahad ng palad sa kanya. Mula sa palad nito ay dahan-dahang umangat ang kanyang tingin sa nakangiting binata. Hindi niya napigilang mapangiti.  Bakit hindi niya pagbigyan kung puwede naman pala silang maging magkaibigan. "I'm Monica Monteverde," aniya sabay abot ng nakalahad nitong palad. "Nice meeting you, Monica."  Naramdaman niya ang bahagyang pagpisil nito sa kanyang palad at aminin man niya o hindi pero boltaheng kuryente ang naglakbay sa kanyang buong katawan. Mabilis niyang binawi ang kanyang palad. "Nice meeting you, too." Sino ang mag-aakala na iyon ang simula ng araw na uusbong ang magandang relasyon sa pagitan nina Monica at Regor? At kahit na hindi man nila sabihin sa isa't isa, batid ng mga puso nila kung sino ang tinitibok niyon. Hindi man madalas na nagkikita, madalas naman na tumatawag si Regor kay Monica na inaabot pa ng hating-gabi. Para kay Monica, malalim ang inuukit na lugar ng binata sa kanyang puso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD