CHAPTER 3

1585 Words
"I'M really sorry, Dave. Hindi ako puwedeng lumabas ngayon. Marami akong inaasikaso." Sabi ni Monica sa lalaking kausap sa kabilang linya ng telepono. "P-Pero, Monica. Sandali lang naman tayo. I just wanted to invite you for lunch. After that, you can go back to your office." Pangungulit ng lalaki. "Isa pa, pinayagan na ako ng Papa mo na imbitahan ka kumain sa labas." "Really? Eh, bakit hindi na lamang ang Papa ko ang ayain mo na makasalo sa tanghalian, Dave?" Naiiritang tugon niya. "Huwag mo naman akong biruin ng ganyan, Monica. Birthday ko ngayon at ang kaisa-isang hiling ko lang naman ay---" "I'm really sorry but I can't make it today.  Ipapahatid ko na lang sa iyo ang regalo ko." Aniya. "Happy Birthday by the way." "Monica, wait!" "Let's talk some other time, Dave. Bye." Hindi na niya hinintay na makapagsalita ito. Agad na niyang pinutol ang usapan at ibinaba ang telepono. Naiiling na isinandal ni Monica ang likod sa swivel chair saka dahan-dahang ipinikit ang mga mata. Ganoon siya magdismiss ng mga manliligaw lalo pa kung hindi siya interesado. Ayaw niyang magsayang ng panahon at oras sa mga taong dadagdag lang sa problema nya. Habang nakapikit ang kanyang mga mata ay parang tukso naman na nabuo sa kanyang balintataw ang imahe ni Regor at muling pagbabalik alaala sa mapangahas na mga halik ng binata. Ngunit bahagya siyang napakislot at napadilat ng mga mata nang marinig ang pagtunog ng intercom. "Yes, Miss Santos?" "Mam, Mr. Miguel Montejos is here at gusto po kayong makausap." "Okay, let him in." Si Miguel ang nais ipagkasundo sa kanya ng ama. May gagawin itong twin tower sa Malate at gustong ibigay sa kanya ang kontrata. O mas tamang sabihin na lahat ng upcoming project nito ay sa kanila iaaward ang contract. At kahit nayayamot siya sa lalaki, kailangan niya itong pakiharapan ng maayos. Besides, work is work. Business is business.  Pagkabukas ng pinto, isang plastikadong ngiti ang isinalubong niya sa binata. "Hi, Monica!" "Oh, hi!" Napatayo siya nang makapasok ang guwapong binata. Guwapo si Miguel at tunay na kagalang-galang sa ayos at pananalita. Nanunuot sa kanyang ilong ang amoy ng mamahaling perfume na gamit nito. He's thirty years old but still good looking.  "Have a seat, Miguel." Magiliw niyang wika habang nakangiti at hindi kababakasan ng pagkukunwari.  "Thank you." Anito. "By the way, flowers for you." Mula sa likuran ay inilabas nito ang bugkos ng mga puting rosas at iniabot sa kanya.  "Oh, wow! Thank you!" Nakangiti pa din niyang inabot ang mga puting rosas na kahit hindi niya sabihin ay alam niyang alam nito na paborito niya ang ganoong klase ng mga bulaklak. Paanong hindi nito malalaman eh lahat na yata tungkol sa kanya ay ikinuwento na ng kanyang mga magulang sa lalaki.  "Alam ko naman na paborito mo ang mga iyan. At alam mo naman na dapat lahat ng paborito mu at ayaw mo ay kailangang alam ko, hindi ba?" Makahulugang wika nito habang titig na titig sa kanya. Hindi siya nakaimik. Bagkos ay unti-unting nawala ang pilit na ngiti sa kanyang mga labi.  "Nakalimutan mo na ba? Sa susunod na Linggo ay pupunta kami nila Papa at Mama upang kausapin ang iyong mga magulang hinggil sa kasunduan para sa ating dalawa. Hindi ka ba natutuwa?" Gustong samaan ng pakiramdam ni Monica dahil sa tinuran ng kaharap. Pero hindi niya ito dapat pakitaan ng pagtanggi. Makikipaglaro muna siya sa gusto ng kanyang mga magulang at ni Miguel hangga't hindi pa siya nakakaisip ng paraan kung paano makakaiwas sa pagpapakasal sa lalaki.  Pinilit niyang ibalik ang kunwa-kunwariang ngiti sa mga labi.  "Huwag na muna yan ang pag-usapan natin. Tungkol sa trabaho ang ipinunta mo dito hindi ba?" Aniya sabay balik sa kinauupuan niya kanina at ang mga bulaklak ay ipinatong niya sa ibabaw ng kanyang mesa. "Oh, I'm sorry! May ibang time for personal things,"  "What do you want? Coffee, tea or juice?" "You," "What?" Natawa ito ng malakas. "Nagbibiro lang ako. By the way kahit ano na lang na available, it doesn't matter." "Okay, good." "WHAT? Are you serious, Monica?"  Halos mabingi si Monica sa lakas ng boses ni Shane sa kabilang linya.  "You heard it right, Shane. Ipinagkasundo na ako nina Papa at Mama sa anak ng kanilang kaibigan."  "So after Isabel's wedding, kayo naman ni Miguel ang isusunod?" "Yes," malungkot niyang tugon. "Kailan nga uli ang ang kasal ni Isabel?" "Pagkatapos daw ng babang-luksa ng Mama ni Raymond." "When?" "Next year. Kamamatay lang kasi one month ago." "Okay, great!" "What?" "One year is long enough, Monica. Madami ka pa maiisip na paraan para lang matakasan 'yang kasal na yan. Not too late." Natahimik siya. May point naman ito. Mahaba pa ang panahon ng paghahanda. Madami pang puwedeng mangyari. Ang kailangan lang niya ay makaisip ng paraan para makatakas sa kasalang hindi naman niya gusto. "Subukan mo na makabalik uli dito sa Batangas, Monica. Dito natin yan pag-usapan at planuhin." Naalala niya si Regor. Muntik-muntikan na niyang maitanong sa kaibigan buti na lamang at napigil niya ang kanyang bibig. Kung hindi baka ulanin siya nito ng tukso. "Okay, then. See you next week, Shane." NASA bukid si Regor at tumutulong sa pag-aani ng mga palay. Kahit sya ang may-ari ng dalawampung ektarya ng palayan ay tumutulong pa din siya sa pagtatrabaho.  "Regor! Regor!" Huminto sa ginagawa ang binata at sinundan ng tingin ang pinanggalingan ng matinis na tinig. Mula sa hindi kalayuan ay nakita niya si Dina na nagmamadali sa paghakbang patungo sa isang kubo hindi kalayuan sa kanyang kinaroroonan hawak ang isang basket na may lamang pagkain.  "Pahinga ka na muna, Regor." Anito. "Kumain ka muna dito at madami akong dinalang pagkain para sa iyo!" Minabuti niyang ihinto ang ginagawa. Umahon sa putikan at tinungo ang sapa upang maglinis ng katawan.  "Hindi ka na sana nag-abala pa, Dina." Aniya nang makalapit sa dalaga na abala sa paglalatag ng mga dala nitong pagkain.  "Hay naku, Regor. Alam mo naman na eto na ang nakasanayan ko." Anito na matamis ang mga ngiti. "Kumain ka na muna habang mainit pa itong ulam at kanin. Paborito mo ito, kare-kare!" Hindi lingid kay sa kanya ang malaking pagkagusto nito sa kanya. Ngunit wala naman siyang nadaramang pagtingin para sa dalaga. Isang kaibigan at kapatid lamang ang turing niya rito. Hindi naman niya magawang diretsahin dahil naaawa siya.  "Let's eat." Aniya na pumuwesto na.  Sinabayan naman siya ni Dina sa pagkain. At may mga pagkakataon na sinusubuan siya nito at hindi naman siya makatanggi.  Ilang minuto lang pareho na silang tapos kumain at inaayos na muli nito ang kanilang mga pinagkainan. "Bakit ba naman kasi hindi mo na lamang pabayaan ang mga tauhan mo na sila na lamang ang kumilos, Regor? Masyado mong pinapagod ang sarili mo." "Hindi ako sanay ng walang ginagawa, Dina. Nang mamatay si Tatay ako na ang katulong ni Inay sa mga gawain." "Magpakasal na tayo, Regor. Para may katuwang ka..." Tinitigan niya ang dalaga. Kunot ang mga noo. Totoong nabigla siya sa walang kiyemeng pagtatapat nito.  "W-What?" "Alam ko na alam mo ang nararamdaman ko, Regor. Mahal kita!" "Dina, stop it." "Handa akong gawin ang lahat. Kung hindi mo ako mahal ngayon, mapag-aaralan mo 'yun---" "Dina, no!" "Anong ibig mong sabihin?" Lumamlam ang mga mata nito na animo ay maiiyak.  "Isang kapatid lamang ang turing ko sa iyo, Dina. I'm sorry pero hanggang doon lang 'yon. And i want you to stop it. Pati yung pagdadala sa akin ng mga pagkain." "Ikinahihiya mo na ba ako?" "Hindi. Umiiwas lang ako sa mga puwedeng isipin ng mga tao." "Pero ang alam ng lahat ay tayo na ang magkakatuluyan." "Dina, hindi kita nililigawan. At hindi rin kita m-mahal." Sa kabiglaan niya ay bigla itong yumakap sa kanya.  "Sabihin mo na nagbibiro ka lang, Regor. G-Gusto kong marinig na iniibig mo din ako!" Umiiyak nitong wika. Dahan-dahan niya itong inilayo mula sa pagkakayakap sa kanya.  "Listen to me, Dina---" "No! Hindi ako makakapayag na balewalain mo ang pag-ibig ko!" Nagdadabog na dinambot nito ang basket na dala kanina. "Ito ang tatandaan mo. Akin ka lang! Akin ka lang, Regor!" Pagkatapos ay lumuluha itong tumakbo palayo.  Wala siyang nagawa kundi sundan ito ng tingin. Naaawa siya sa dalaga pero wala naman siya magawa dahil hindi naman natuturuan ang puso.  Napahinto naman sa pagtatrabaho ang mga manggagawa nang makitang tumatakbo habang umiiyak palayo sa kubo si Dina.  "Anong nangyari kay Dina? Bakit umiiyak 'yun?" Narinig niyang turan ng isang tauhan.  "Ay naku! Para ka namang bago ng bago sa mga dalaga at binata. Lambingan lang nila 'yun!" "Baka naman nagseselos si Dina? Alam naman nating lahat na lapitin ng mga babae si Regor!" "Ay sinabi mo pa!" Naiiling na lamang siya sa mga naririnig. MALALIM  na ang gabi. Pagod si Regor sa maghapong pagtulong sa bukid. Pero kahit na ano ang gawin niya ay hindi pa din siya dinadalaw ng antok.  Mula noong una silang noong una silang magkita ni Monica, hindi na ito maalis-alis sa isip niya. Lalo pa nga at hindi niya makalimutan ang ginawa niyang paghalik sa mga labi nito noon.  Bumangon siya at dumungaw sa bintana. Mula sa kanyang kinaroroonan ay tanaw niya ang malawak nilang taniman ng palay.  Napangiti siya. Madami-dami na din siyang naiipong pera mula sa lupang iyon. At ang lahat ng iyon ay para sa kinabukasan nilang mag-ina at ng babaeng pakakasalan niya.  "REGOR, anak. Tinanghali ka yata ng bangon? Masama ba ang pakiramdam mo?" Salubong ni Nanay Salome sa binatang anak.  "Hindi ho, Inay. Napuyat lang po." Nakangiting tugon niya.  "O, sya. Kanina pa nandito si Dina at hinihintay ka." Anito na ikinapawi ng mga ngiti niya sa labi. "Kayo ba'ng dalawa ay nag-away, ha?" "May kailangan ba si Dina at nandito sa bahay?" Sa halip ay balik-tanong niya.  "Aba eh ayaw sabihin. Basta ang bilin ay hihintayin ang paggising mo at may pag-uusapan daw kayo." Palihim siyang napabuntong-hininga.  "Pakisabi na lang kay Dina na masakit ang ulo ko." "Ha?" Napakunot-noo ang ina sa gulat. "Aba'y..." Alam niya na uusisahin siya ng ina kaya walang paalam siyang bumalik sa loob ng kanyang silid.  Naiiling na sinundan na lamang ni Salome ng tingin ang binatang anak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD