bc

Because of Love

book_age18+
116.1K
FOLLOW
100.9K
READ
billionaire
escape while being pregnant
manipulative
CEO
stepbrother
drama
campus
small town
enimies to lovers
selfish
like
intro-logo
Blurb

"So is this how you gets your Woman Andrew? playing games with innocent women?"

"Innocent?" He smirked and crossed his arms over his chest.

"Yes, Yna I love innocent young women, and you are lucky!" He answered with a devil smirk.

"Now Can I know how much Yna?"

"I'm lucky as hell. Why don't you find another innocent na gustong makipag laro sa iyo! huwag ako!"

"How about my money? I want my money back! hindi maliit na halaga lang ang sampung milyon Yna! paano mo babayaran yon?"

"Mababayaran kita pero hindi sa paraang gusto mo! I won't marry you neither sleep with you! I can't imagine myself sleeping with a beast!"

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Daddy" Tawag nya ng makita ang ama sa labas ng bakuran nila na may kausap. Nakita nyang doon nagpahand ng almusal ang ama. Mukhang may espesyal na bisita ang ama. Naglakad sya palapit sa mga ito. "Hey, dear, come here join us" Anyaya ng ama sa kanya.Nakangiti syang lumapit sa mga ito. Sinulyapan nya ang babaeng kasama ng ama. "I would like you to meet your Tita Sheila" Pakilala ng ama sa kanya. "Hindi ba na ikwento ko na sya sa iyo?" Masiglang pakilala ng ama. Inakbayan pa sya nito ng makalapit sa mga ito. "Hello, Yna!" Polite na bati ng magandang babae na si Shiela. Marahil nasa edad singkwenta pataas kung hindi sya nagkakamali. Maganda ito, may class ang dating, mukhang may kaya rin sa buhay. At alam nyang may namamagitan sa dalawa. Ngayon lang kase nagdala ng babae ang Daddy nya sa bahay nila. Ngayon lang din ito nagpakilala ng babae sa kanya. At alam nyang isa si Shiela sa dahilan kung bakit laging nasa Maynila ang ama, at iniwan sya sa mga kasambahay. Nakikipag kita ito kay Shiela. Natagal ng wala ang Mommy nya at hindi naman nya hinahadlangan ang kaligayaan ng ama na makipag relasyon sa iba. "Hi!" Mahinang bati nya. "Noon pa kita gustong makilala kaso, masyado kaming busy lagi ng Daddy mo kaya hindi nagkakaroon ng pagkakataon" Nakangiting sabi ni Shiela. Alanganin syang ngumiti rito. Lumapit ito sa kanya, hinalikan sya sa pisngi. Pilit na ngiti lang ang sinagot rito. "Come on Hija join us, sumabay kana dito" Yaya ng Daddy nya. At tinuro ang mga nakahandang espesyal na pagkain sa mesa. "Ah..... No, thank you Dad, I'm on a hurry, pupunta pa kase kami ng library ni Thea" Paalam nya, at humalik sa pisngi ng Ama. "Ah.. sige, next time" "Yes, Dad!" Sagot nya. At sinulyapan si Sheila na nakangiti sa kanya. Ngumiti sya rito at nagpaalam na rin. Papalabas na sya ng pinto ng bahay nila ng mapansin ang lalaking bumaba sa isang Expensive Audi sports car na kulay gray. Napahinto sya sa paglalakad at hindi maiwasang tignan ang lalaking naka gray business suit, blue tie, and black leather shoes. Napalunok sya habang nakatingin sa buhok ng lalake na tila may pagka brown or something medyo mahaba tulad ng singer na si Zac Hanson ng bandang Hanson, na tinatawag ng mga girl fans nitong Hair Porn. Humugot sya ng malalim na paghinga ng mapatingin sa mukha ng lalaki. The Handsome man is wearing a expensive Ray-ban shades, na bumagay sa hugis ng mukha nito, matangos ang ilong at may magandang safe ng mga labi. Halos hindi na sya makahinga ng tanggalin ng gwapong lalaki ang shades nito, napayakap sya sa mga librong dala-dala at pakiramdam nya huminto ang oras at sila lang ng gwapong lalaki ang nasa paligid. Hindi naman nya first time makakita ng gwapo. Sa San Miguel University, maraming gwapo, Basketball Players, Football Team, at kung ano-ano pang sports na halos mga gwapo ang players. May ilan pa ngang Models sa University nila, but, never syang na attract sa mga yon, tulad ng lalaking nasa harapan nya na tila Modelo ng Audi R8 sports car. Humugot sya ng malalim na paghinga, habang palapit sa kanya ang gwapong lalake. Pakiramdam tuloy nya pangangapusan sya ng paghinga. "Hi!" Bati ng estrangherong lalake sa kanya. Lalong lumakas ang kaba ng dibdib nya ng marinig ang magandang boses nito. Lalaking-lalaki ito, powerful, tila tulad ng mga hollywood actor na napapanood nya sa mga movies. Napalunok nanaman sya at kumurap-kurap at muling napatingin sa gwapong mukha nito, na kahit sino sigurong makasalubong nito ay mapapalingon. Perfect eyebrow, tama ang kapal non, his eyes so dark, his nose is perfect typical man nose strong bridge, his lips, oh god his lips is one big perfect. And his jaw na halata na bagong shave ito, medyo berde pa kase ang paligid ng pisngi nito. Wala sa loob na napakagat labi sya sa sobrang perfect ng kaharap. "Are you done?" "Uh... huh...What?" "Are you done rating me from head to toe?" Walang emosyong tanong ng kaharap. Napalunok sya. "I.....I...." hindi nya alam kung ano ang sasabihin o kung paano mag react sa gwapong kaharap, and she smells his expensive cologne na siguradong mapapalingon ka pag naamoy mo sa sobrang lakas ng dating tulad ng appeal nito. "I'm not.... doing...such... thing!" Depensa nya. Nararamdaman nya kung gaano kainit ang pisngi nya sa pamumula sa kahihiyan. Alam naman nyang masyadong obvious ang ginawa nyang pagsuri rito kanina, at alam nyang hindi nya naitago ang paghanga rito. "Really?" Tanong nito at sinuklay sa kamay ang buhok nito. His hair porn "Of.... course! why should I?!" Taas kilay na tanong nya rito, kahit halos sumabog na sa kaba ang dibdib nya sa lakas ng dating ng kaharap. Ngumiti lang ito at muling isinuot ang mamahaling shades. Pakiramdam tuloy nya hihimatayin na sya. Lumakad na ito papasok ng bahay nila, balewala syang nilagpasan nito at nagtuloy sa loob ng bahay, sinundan nya ito ng tingin, tila ba kampanteng-kampate ito sa bahay nila. "Sino sya?" Kunot-noong tanong nya sa sarili. "Anong ginagawa nya sa bahay namin? Anong ginagawa ng isang tulad nya sa bahay namin?" tanong nya sa sarili. "Ma'am aalis na po ba tayo?" Nagulat pa sya ng marinig ang driver nila. "Oh?" tila lutang na tanong nya sa driver. Hindi nya napansin na may ibang tao pala kanina at hindi lang silang dalawa ng lalaking yon. Muli syang lumingon sa pintuan ng bahay nila, kung saan tuloy-tuloy na pumasok ang hindi kilalang lalake sa bahay nila. Bumuga ng hangin at liningon ang driver na naghihintay sa kanya. "Tayo na oh" sabi nya. At naglakad palapit sa sasakyan. Mabilis syang pinagbuksan ng pinto ng driver. At pagpasok sa likod ng kotse. Muli syang sumulyap sa pintuan ng bahay, nagbabaka sakaling makitang lumabas ang lalaki kanina. Liningon din nya ang mamahaling sasakyan na dala ng lalaki. "Sino sya?"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Cheating Heart

read
40.9K
bc

The Tears of Faith (Tagalog/Filipino)

read
186.8K
bc

Just Another Bitch in Love

read
27.9K
bc

Married To A Billionaire

read
1.0M
bc

The Ex-wife

read
210.9K
bc

Mysterious Heart (Tagalog/Filipino)

read
889.5K
bc

Broken Angel

read
3.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook