CHAPTER 02
Naging masnakakapanabik ang bawat araw na lumilipas, dahil sa sobrang saya at sa wakas makikilala kona ang lola at lolo ko, pati narin yung mga kapatid ni mama. at sabe ni mama mag tatransfer nalang daw ako para makapagpatuloy ng pag aaral.
Sabado ngayon at nandirito kami sa terminal ng bus kung saan bibyahe na kami papuntang manila, ito ang pinakaunang beses kong byahe at sasakay ng barko.
*
* Fast Forward.
*
Pasado mag aalasinko ng umaga ng makarating na kami sa manila at namangha ako sa mga nadadaanan naming naglalakihang mga building.
Kakaiba talaga ang Manila ibang iba ito sa lugar na kinalakihan ko sa Cagayan Valley. Napaisip ako na baka ganito din sa Mindanao na kinalakihan ni mama.
Napansin ko ang paghinto ng bus at lahat ng mga pasehero ay nagsibabaan na. Nakarating na pala kami sa terminal 4 ng manila, nagpaiwan muna kami ni mama dahil sa marami kaming dalang mga gamit at anim pa kami. Dahil nga panganay ako, sakin nakatokang apat kong mga kapatid sa pag aalalay sa pagbaba sa bus at karga karga naman ni mama ang dalawang taon naming kapatid .
" Haist!, trese anyos palang ako pero sa hitsura ko para na akong may anak!" tanging pagbuntong hininga nalang ang nagawa ni Seraphina matapos mapansin ang mga kapatid niya na kaliwat kanan ang kapit sa kanyang damit at braso, mas lalong nadagdagan pa ang inis niya ng makita ang naglalakihan nilang mga bagahe, kaya napasimangot nalang siya habang pilit na hinihila ang mga ito pababa ng bus.
Dahil nga sa dami namin at dumagdag pa ang naglalakihang bagahe ay nahirapan si mamang kumuha ng taxi para maghatid sa amin sa pantalan. kaya napilitan nalang kami mag bus ulit. Makaraan ang dalawa oras na byahe ay nakarating na kame sa pantalan.
Naghanap muna ako ng matatambayan namin saglit habang nag aantay kami kung anong oras kami papasukin sa barko.
naupo muna kami sa mga bakanteng upuan. Dahil sa sobrang pagod ng mga kapatid ko ay nakatulog ang mga ito, sa mga upuan na nakapatong mga paa sa passenger sit,. Nakakahiya man sa iba pa naming mga kasamahang byahero dahil pinagtitinginan nila kami, wala akong magawa maliliit pa kase ang mga ito. Ang sunud naman sakin ay lalake, may idad na 8, at 7 naman yung isa, 4 naman yung isa, at dalawang taon naman ang bunso namin. Sa twing makikita ko mga kapatid ko hindi maiwasang hindi ako mapabuntong hininga na aawa ako para sa kanila dahil maliliit pa ang mga ito pero danas na nila ang hirap ng buhay.
Tatlong oras ang hinintay namin bago kame nakasampa sa Barko at pasado 6 oclock na ng gabi. Malaki ang barko at halatang social ito, halo-halo din ang mga pasehero may mayayaman at may kagaya din namin.
Nasa ikalawang palabag ang aming higaan 4bed ito na up and down, at magkakatabe, sakto para sa aming anim. At ang ikaapat na palabag daw ay mga VIP room yun yung may mga aircon para sa mayayaman na gustong magbarko at ma-enjoy ang byahe. Malawak ang barkong nasakyan namin may apat na palabag ito at bongga ang loob nito may mini store, may coffee shop, restaurant, live ban, at kung ano ano pa na talagang hindi ka maboboring at ma'eenjoy mo talaga ang byahe.
Dahil tulog ang mga kapatid ko at safety din yung erea, kaya malaya akong mag ga'gala kung saan saan at tulog naman din yung mga kapatid ko, malayo ito sa tanawin ng dagat kaya talaga siguradong hindi mapapano ang mga ito kapag nagising. Tulog din si mama at ako lang talaga yung tanging dilat ang mata.
Lumabas na ako ng erea at naglakad lakad ako sa malawak na pasilyo, hanggang sa nakita ko ang malawak na hagdan patungo sa ikaapat na palapag, saglit pa ako nagtaka dahil wala man lang ako makitang tao na umakyat sa ikaapat na palapag kaya nagpasya akong akyatin ito upang masilip ang nasa itaas.
At ng marating ako sa ibabaw ay napahanga ako ng sobra sa nakita ko, magaganda ang combination na kulay ng pader. para kang nasa mamahaling hotel dahil sa style nito at design na para bang Deluxe buffet.
" Wow ang ganda naman dito!." Mangha kong sabe habang nakatanaw sa unahan. Hindi kona nagawa pang humakbang mula sa kinatatayuan ko dahil bigla ako nakaramdam ng hiya, kita ko ang gulat at pagtataka sa mga mukha ng mgat tao na naruon. Pinagtitinginan na ako ng mga tao dito, at ang isa pa sa ikinahiya ko ng sobra ay yung tingin nilang awkward na para bang sinasabe ng kanilang mga mata na hindi ako bagay oh puwede duon!..
Akmang baba'ba na sana ako sa ikatlong palapag ng may kung anong nakaagaw ng pansin ko. Nakita ko sa side left ang isang lalakeng nakaupo at seryosong nakatitig din sa akin. Maputi ito at napakaamo ng mukha niya, perfect ang pagkaka hulma na mukha nito, walang tapon as in nakapagwapo niya talaga dumagdag pa yung kulay itim niyang straight na buhok na ang gupit two block x undercut korean style.
sunud namang napansin ko ang damit nito. Nakasuot ito ng black long sleeve shirt v nect tees plain cotton tops na bagay na bagay sa kanya at sama narin yung Relo niya na mukang mamahalin. tahimik lang din itong nakatitig sa akin na tila parang ayaw akong pakawalan ng kanyang mga mata.
" Ayiih.. ay feeling te!?.."
Agad na napayuko nalang ako, dahil ramdam ko ang pag iinit ng pisngi ko, at nagmadali ng bumaba. ramdam korin yung lakas ng pintig ng heart ko na ewan bakit bigla nalang akong kinabahan sa titig ng lalake nayun.
" Ilang taon na kaya sya? siguro nasa 15!.." bulong sa utak ko habang naglalakad pabalik kung saan sila mama at ang mga kapatid ko.
At naabutan ko ngang gising na sila at kumakain ng baon naming bisquit.
" Oh saan ka naman nag gagala kang bata ka, at iniwan mo ang mga kapatid mo, mabuti at ligtas tong napili kong erea, kung hindi baka ano ng nangyare sa mga kapatid mo Seraphina?!" Singhal ni mama sakin, hindi na ako nakasagot pa dahil lutang parin ako hanggang ngayon at tanging nasa isip kolang ay yung gwapong lalakeng nakatitig sa akin kanina.