CHAPTER 03
Ikatlong araw na naming byahe at dalawang oras nalang ay dadaong na ang barko sa Cagayan De Oro City.
Naging excited ako at masaya dahil makikilala kona ang lola at lolo ko.
Kasalukuyang nasa labas ako at tinatanaw ang malawak na karagatan, bigla nalang ako napalingun sa gilid ko, hindi naman masyadong malayo ito sa kinatatayuan ko. Pero agad ko nakita muli yung gwapo na lalake, tahimik lang din itong nakatingin sa unahan kong saan ako nakatingin.
dahil medyo malapit naman ako sa kanya ay hindi ko maiwasang hindi ito titigan ng maigi at napansin kong mas gwapo pala ito sa malapitan.
Gusto ko sana siyang lapitan upang makipagkilala pero agad naisip ko na baka mapahiya lang ako. Dahil ang alam ko sa mga anak ng mayayaman ay hindi ito basta basta nakikipagkilala kung sino sino, halata naman din sa hitsura niya at galaw na mahihiya ka talagang makipagkilala dito. At ang tingin nila saming mahihirap ay gold-diger, narinig kolang yan sa isang maplapit na kaibigan, kaya isinaulo ko talaga. Kaya ibis na lumapit ako ay pinili ko nalang manahimik sa kinatatayuan ko at pagmasdan nalang ito ng palihim.
Makalipas ang ilang minuto ay umalis na ito, sinundan ko nalang ito ng tingin hanggang sa nawala na siya sa paningin ko.
Makalipas ang dalawang oras maayos namang nakadaong ang barko sa Pantalan ng Mindanao at isa-isa ng naghanda ang mga pasehero para sa kanilang pagbaba.
Habang nag aantay sila Seraphina ay bigla siyang nakaramdam ng tawag ng kalikasan kaya nagmadali itong naghanap ng banyo.
Pagkarating niya sa labas ng Erea ay walang bakanteng Comfort room lahat ay puno na. At ang iba ay undermaintenace pa.
Nagpasya siyang subukan sa ikaapat na palapag mag CR at dali dali niya itong tinungo at mabilis na umakyat ng hagdan, Nagtatakbo siyang naghanap ng CR sa 4rth floor. Lakad takbo ang ginawa niya hanggang sa hindi niya inaasahan na.
" Booogssss!."
" araay! " Mahinang daing ni Seraphina, hindi siya agad nakagalaw dahil naituko nito ng hindi sinasadya ang tuhod sa sahig, kaya hirap siyang iangat ang katawan. Agad niyang inimulat ang kanyang mga mata upang tignan sana ang nasa ilalim niya, nanlaki ang mga mata niya sa gulat ng makita ang nadaganan. Tila nag slowmotion ang lahat sa paligid ni Seraphina matapos makita ang mukha ng lalakeng nadaganan. Hindi siya makapaniwala na ito pala ang kanyang nabangga, sa halip na tumayo ay tila nalimutan na nitong bumangon dahil sa pagkamangha sa hitsura ng binata. Nagulat nalang siya ng bilang mag salita na ito.
" Miss. Ah..ang bigat mo!." Nahihirapan nitong sabe at hinawakan na nito ang dalawang braso ni Seraphina at mabilis na iniangat. Agad namang nakaramdam ng hiya ang dalaga at mabilis na umupo sa gilid at nakayuko lang ito.
" Am So.. sorry Sir!." Utal na sabe ni Seraphina.
Hindi naman na nag salita ang binatilyo at malamig lang na tingin ang iginawad sa kanya at Tsaka walang imik na umalis.
Ilang minuto pa ay agad na napahinto ang binata sa paglalakad ng may mapansing nakalawit na kwintas sa kwelyuhan ng kanyang polo, kinuha niya ito at pinag masdan ang pendant nito na hugis puso. Mabilis siyang humarap mula sa likurang bahagi ng biglang ma'alala ang dalaga at balak pa sana niyang ibalik ito pero wala na duon ang dalaga. Napabuntong hininga nalang ang binatilyo at inilagay nalang ang kwintas sa bulsa at muling naglakad.
" Ay yun lang?, hindi man lang tumugun sa paghingi ko ng tawad!. Hindi naman siya mukang suplado oh masungit, ganun ba silang mayayaman?, hindi man lang nagsasalita?.
" HALA!.. nawala yung popo ko ah, kanina lalabas na eh, pero agad nawala ng magkabanggaan kame, baka nahiya din kaya bumalik nalang sa loob ng stomach ko hihihi! " Tila loka-loka niyang ngisi habang naglalakad pabalik sa erea kung nasaan ang kanyang ina at kapatid.
" Sera!?, saan kaba kase nag susuot ha at lagi ka nalang nawawala?.." Yaw na naman ni mama sakin.
" Mah, nag popo lang po ako, " Sagot ko naman.
" Dalian mona at bitbitin mo itong mga gamit, kanina pa kita hinahanap, bakit kase hindi ka nag papaalam ha!?.." Inis na naman na tanong ni mama sa akin.
" ta€ng ta€ na ako mah eh, kaya nagmadali na ako at hindi na nakapag pa alam, may nakain ata akong panis kaya biglang sumakit yung tyan ko!." Mahina kong paliwaag dito.
" Oh sya, pagkababa natin, bumili ka agad ng gamot, hindi ba masakit ang tyan mo ngayon?.." Alalang tanong ni mama sakin.
" Hindi naman mah, may gumamot na kase!" Kinikilig kog sabe.
" Ano?!.." nakangiwing sabe ni mama.
" Ay ano mah, sabe ko Oo." loka loka kong sabe.
" Umayos ka nga, para kang may tililing sa utak Seraphina, at kanina pa kita napapansing nakangiti mag isa.." Takang sabe ni mama sakin.
" Hindi ah, grabe ka naman sakin mah!. Ano lang may na'alala lang hehehe!. Ang gwapo niya talaga grabeeh" Mahina kong bulong, Makikita ko pakaya siya ulit?.." Lutang kong tanong saking sarili na naman.
Fastforward..
Isang linggo na ang nakalipas simula ng maka uwe sila Seraphina sa lugar ng kanyang lolo at lola. Masaya ang dalaga bukod sa nakilala na nya ang mga ito ay marame din siyang naging kaibagan at lahat ay mababait naman tinuturuan pa siya sa lenguwaheng Cebuano.
SOMEONE POV..
" Ano kayang laman ng pendant nato!.." Bulong ng binata sa loob ng kanilang kotse habang tinitignan ang kwentas. "
Sinubukan niyang buksan ang pendant na hugis puso at bumukas nga iyun, hindi napigilan ng binatang hindi mapangiti ng makita ang laman ng pendant.
" She Cute!." Tipid niyang sabe ng makita ang litrato ng dalaga. " Serephina! " Basa niya pa sa kabilang side " Oh Nice name!.." Agad na ipinagsaklob niya ulit ang pendant ng makitang papasok na ang kanyang mommy.
" Cylde Iho, anong gusto mong dinner pagdating natin sa bahay?.." Tanong ng kanyang Mommy.
" Anything Mom!. " Tipid na sagot ng binata.
" Sige Iho, I know na naninibago kapa ngayon, Ilang taon ka nga naman nag stay sa Korea, kaya medyo namumula pa yang mukha at akin mo. Hindi ka kase nasanay sa Clima dito sa pinas talagang mainit na ngayon dito Iho!.."
" Don't worry Mom. Masasanay rin ako!.." Tipid na naman nitong sabe.
" Kung maykailangan ka anak, sabihan molang ako okay?.."
" Yes Mom!.."