Lumipas ulit ang isang linggo at napag pasyahan ng mag asawang Limzon na sa pilipinas nalang magpatuloy ng pag aaral ang kanilang unikahijo.
Nasaloob ng Kwarto si Clyde Luan at abala sa paglalaro ng Gaming sa kanyang Cumputer.
Tumungo naman ang kanyang Mommy sa kanyang silid upang masinsinan na kausapin ito tungkol sa nalalapit na pagsisimula ng klase.
Tok...tok...tok...
" Come in!.." Seryoso nitong sabe.
Agad na bumukas ang pinto at iniluwa nito si Mr's Lianne.
" Clyde Luan, Puwede ba kita makausap muna Anak!" Pagsusumamo nito at naupo sa malambot na kama ng anak.
Huminto naman si Clyde sa paglalaro at humarap sa kanyang Mommy.
" Sige Mom, may lakad po ba tayo?, or may importanteng pag uusapan?.." Naka ngiti nitong tanong.
" Yes, Napag usapan kase namin ng Dad mo na dito ka nalang sa Mindanao magpatuloy ng pa aaral, at maturuan kapa namin sa pagpapatakbo ng ating kompanya!.."
" Sige Mom!.." Tipid na tugon ni Clyde sa kanyang Mommy. " But Where Mom?!.." Muli pa niyang tanong.
" Sa Probinsiya ng Kamakawan Indahag National High school Son!, Maganda duon at madiscipline ang mga mag aaral. And wait, pag mamay-ari itong ng iyung Lolo!. Dalawang division iyun, merong pang Elementary at High school!." Mahabang paliwang nito.
Tango lang ang naisagot ni Clyde sa kanyang mommy dahil wala naman siyang alam sa lugar na binanggit nito.
" Ito bayung lugar na kinalakihan mo Mommy?.." Muli niyang tanong.
" Yes Iho!.." Sagot nito kay Clyde.
" Why Mom, masyadong malayo naman ata yun dito sa mansion?.." Tanong ni Clyde na maypagtataka ang mukha.
" Maganda ang lugar nayun anak, at makakapag libang ka duon dahil sa tahimik at magandang tanawin, bunus naring yung mga mababait na mga tao duon, at isa pa ayokong makikipagkaibigan ka sa mga tambay at loko-lokong bisyosyo kung dito ka City mag aaral. Kaya naisip namin ng iyung daddy na mas makakabuti kung duon ka mag aaral sa probinsya. May magiging tahanan kanaman duon anak, may Hacienda ang lolo mo at pwede kang tumira duon, total ikaw naman ang nag iisang Limzon na tagapagmana ng lahat!.." Saad ng Mommy niya.
" Don't tell me na ako lang mag isa ang titira duon Mom?!.." Taka at gulat nitong tanong.
" HAHA No son!, shempre may mga katulong at nanduon din ang tito mo na kapitan ng lungsod. Kaya wala ka dapat pang ipag alala Iho!." Natatawang sagot nito.
" Okay! Mom.." Tipid niyang sagot sa Board na mukha.
" Next week na opening Class at kailangan naruon kana Iho, upang makapaghanda kana, tiyak na mahihirapan ka sa pagsasalita kase alam mo naman na Cebuano ang salita ng mga tao dito!.."
" I don't care Mom, problema kopaba ang salita nila, ako pa ang mag aajust?, I will speak whatever words I want, I, ll just speak English!." Wika nito sa naiinis na mukha.
" A few months makaka adjust kana anak, hindi naman mahirap aralin ang salita nila dito, at sigurado ako na maraming makikipag kaibigan sayo duon, sa gwapo mo at talino. paniguradong titingalain ka ng lahat. At ipapaalam din natin sa lahat na ikaw ang Apo ng nag Ma-may'ari ng buong paaralan, para kung may magtangka man sayo anak na mangbully ay agad na matatakot!.." Seryosong saad ni Mr's Lianne.
" I'm not young, just to fight with anyone there. I can protect myself mommy!.." Giid na wika ni Clyde na hindi sang ayun sa sinabe ng kanyang mommy. "
Ilang minuto ang nakalipas at natapos na pag uusap ng mag ina sa loob ng kwarto at wala namang pagtutol si Clyde sa kagustuhan ng kanyang ina.
Sa kabilang dako naman na momoblema na si Seraphina sa maliit na kubo kubo ng kanyang lola at lolo dahil wala itong kuryente at tubig.
Nakamokmok lang siya sa labas ng kanilang munting kubo at inaantay na sumapit ang gabi.
Pambihirang buhay naman to oh, bukod sa wala na ngang tubig, wala ding koryente, hindi talaga ako makapaniwala na ganito pala kahirap dito kila lolo at lola. kami lang yung parang isang kahid isang tuka, akala ko pa naman katamtaman na buhay ang madaratnan ko dito, yun naman pala mas mahirap pa sa inaakala ko. Magpapasukan na pala sa susunod na linggo at ni-isa wala pa akong nabili na kahit anong kagamitan ko para sa pasukan. wala naring pera si mama, at namomoblema din, naubus na kase yung binigay ni tatay roger na pera.
sa loob ng isang buwan namin dito halos si mama lahat bumibili ng pagkain tapos ilang kaming nag sasalo marami.
Kailangan kong dumiskarte para matulungan ko si mama.
Kinabukasan maagang nagising si Seraphina at nakita niya ang kanyang ina na tahimik na nakatanaw sa unahan at tinatanaw ang magandang view sa ibaba, makikita kase mula sa toktok ng kabundukan ang syudad ng buong nayon at malawak na karagatan.
Napansin nito na tila malongkot na naman ang kabyang ina.
Ito si mama paborito nya talaga mag emote eh, palagi nalang nakasimangot, tapos mainitin pa ang ulo, ano kayang problema nito?.
Hindi kona ginambala pa si mama sa kanyang pag eemote, na aawa talaga ako kay mama, hindi man n'ya sabihin ang problema niya pero dama ko at nakikita ko sa kanyang mga mata at mukha ang kalungkutan.
Lumipas ulit ang tatlong araw ay masuwerteng nakapasok si mama sa isang kilalang pamilya at may malawak na lupaing Hacienda na kung saan ay tagalinis siya rito. maykalakihan din ang pasahod, Kaya bago paman magpasukan ay nakabili na kami ng mga kapatid ko ng mga kagamitan pang iskuwela At dahil nga mag ha-high school na ako ay sa paaralan ako ng Indahag National high school inutusang magpa-endroll ni mama.
May nakapagsabe sakin na malawak daw at malaki ang buong pa-aralan medyo maypagka private din daw ang dating, pero ang mag aaral ay kagaya rin namin na kahus. Pero may iilan din daw na mayaman. sabe panga ni Lorie-an ay halo-halo na daw ang mga mag aaral dito may mayaman at mayron ding mahirap.
Medyo malayo ito sa lugar namin, at dahil hindi nga uso dito ang trycekel kaya sa ayaw at sa gusto kailangan talaga maglakad para lang makarating sa paaralan. kaya ang ibang mag aaral ay kailangang maglakad ng kilometro, pasanayan nalang talaga at patibayan ng binti. Araw araw kaba namang maglakad paniguradong lalakas at lalake ang mga binti mo sa paglalakad.
" Lorian pahinga muna tayo, kanina pa tayo naglalakad eh!.." Bulyaw ko sa kaibigan kong si lorian!. Huminto agad kami sa ilalim ng mangga at sumilong saglit dahil sa sobrang init.naupo kami sa mga bato at kumain ng tinapay na binili ko kanina.
" Nako hindi panga tayo na ngangalahati eh pagod kana Sera!.." Sabe nito sakin.
" Hindi ako sanay mag lakad, at nakakapagod kaya, ang layo oh, biruin mo kanina pako naglalakad mula kanina pang umaga papuntang school, hindi ko alam kung makakatagal pa ako sa ganitong situation eh!.." Reklamo ko.
" Hay naku sera, magtiis ka hindi ka anak mayaman para mag reklamo, ganito talaga ang buhay sa probinsya." Singhal nito sakin.
" Hmm teka balita ko namasukan daw ang mama mo Hacienda, maganda duon at malaki magasweldo ang may'ari ng malawak na hacienda nayun,tubig ami din daw mga kabayo duon at prutas, bulaklak at kung ano ano pa!.." Paliwanag ni Lori-ann.
" sinuwerte lang si mama, at nagkataon na umalis nayung dating tagalinis ng hacienda kaya nakapasok si mama. Ang hirap pala talaga ng buhay dito no, lalo na kila lola at lolo, walang na ngang koryente pati ba naman tubig, kailangan pa naming mag igib sa centro, at isa pa kailangan ding mag tipid ng tubig two times a week lang kayo ako maligo, punas punas nalang ng katawan ang ginagawa ko at tamang hugas ng p∆d*y, nyemas na buhay to oh!.." Na iinis kong paliwanag kay Lori-ann.
Tumawa lang ang gaga sakin.
" Same lang tayo day, ganun talaga ewan koba sa baranggay sa Indahag mukang piling nayon lang ata ang nalalagyan ng tubig.." Sagot niya.
" Teka hindi kaba pinapagalitan kapag mtagal kang nakakauwe?.." Tanong ni Lorrian sakin na nakangiti, at mukang may pinaplanong gawin.
" Hindi naman, hmm bakit?!.." Takang tanong ko dito.
" Gusto mo maligo tayo ng Sapa!, malakas ang ulan nung nakaraang araw kaya maraming tubig ngayon sa sapa. Na ngangamoy putok kana kase Sera hahahha!.." Sabe nito.
" Hindi ah, naligo ako kanina no, baka bunganga moyung na- aamoy mo lokal oka!.." Pang iinis kong wika dito at tumawa ng malakas.
Hindi naman agad ito nakasagot sakin bagkus ay inirapan lang niya ako.